watch now

Author Topic: Make up gurus Thread 4  (Read 85771 times)

jakh

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #320 on: March 31, 2018, 05:41:17 pm »
Now watching: Shek?s HK designer goods haul video. Bet ko talaga to si bagets

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #321 on: March 31, 2018, 06:32:15 pm »
^nice, can't wait to watch it.

ficklemind

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #322 on: March 31, 2018, 07:59:02 pm »
enjoy ang HK haul ni Shek!
sinabi nya talaga sa umpisa na kung hinde mo type mga ganung video/inggitera ka at hater eh umalis ka na at wag manood!
she really said na mahilig siya sa designer goods, it makes her happy hahaha
at talagang hk for her = shopping hehe pinagshoshopping daw sila ng dad nila dun, anything they want, rich kid tlaga ang batang ito  ;D

yabutize

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #323 on: March 31, 2018, 11:40:27 pm »
^Ako din bet ko sila Nina and Jet. Napanood ko sila nung issue about collab kay Anna Cay. Ok naman silang mag asawa na misinterpret lang sila nun. Nakakatuwa sila kasi hindi nila gini give up ang work nila para YT which is good. Kasi hindi naman talaga forever ang YT. So extra lang nila ang YT.  One thing i admired about them is kahit hindi pa ganun kalaki yung mga subscribers nila meron sila binigyan na isang  subscriber ng make over then konting cash kasi meron sakit. Unlike ibang YTbrs laki ng mga kita wala man lang sharing na ginagawa. Gusto sila yung tanggap ng tanggap. Yung mga pa give away nila hindi rin mismo galing sa kanila yun. Mga pr box lang din yun.

True sis! Love ko si Nina dahil dun. Napakabuti ng puso. :) And for me, di ko naramdaman na for show lang. Talagang genuine. Sana magkaron pa siya ng maraming subbies and views. Especially now na solo na niya ang channel. Medyo off lang naman ako kay Jet noon (just like how I feel about everyone else's spouses/SO like Benji ni Judy, Kitz ni Anne, etc). Si Anna Cay na na uber yaman, wala naman ako naririnig na ginagawa for the greater good. I felt she couldve done more dun sa pa-burger niya during Christmas time. Again, wala siyang resposibilidad sa ibang tao, I get it. Para sakin lang naman... lalo na sobrang blessed mo. I think you can do a little bit more.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #324 on: March 31, 2018, 11:51:32 pm »
Oo nga nasa Condo na si Isha. Yan siguro ang post niya about dati sa IG niya. Baka ayaw ng Nanay niya lumayo sila sa Caloocan. BGC area na ba sila? Malayong malayo nga.

imaginativelad

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #325 on: April 01, 2018, 02:19:41 am »
Here we go again kay anna cay. Nag disclaimer pa sa twitter about traveling na ?hindi daw niya afford?. Ano te? So sinasabi mo sa mga kabataan na mas better magpakita ng mamahaling gamit at bumili ng expensive things than travel? Mas matipid mag travel if you know how and you have a good itenerary. Problema kay anna cay, wala siyang concrete plan kaya magastos siya. Sakin lang naman, mas better turuan ang mga kabataan mag ipon at mag travel with plans or swak sa budget kasi good for the soul siya, marami kang ma eexperience na ibat ibang cultures kesa bumili ng designer bag tapos nga nga after. Haha si ate girl talaga kakaiba din magisip. Hahaha

sima

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #326 on: April 01, 2018, 06:55:30 am »
Lumipat na nga si Isha ng condo. At mukhang hindi na sa Caloocan. All the while akala ko gusto niya doon sa kanila kasi sariwa ang hangin, mura ang renta, etc. 

Sana gumawa siya ng house tour.

airish_2

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #327 on: April 01, 2018, 09:47:33 am »
Yes, lumipat na si Isha paano kaya yung pamember niya sa Anytime Fitness Gym? Buti carry niya sabay sabay na bayaran like, amortization sa car and yung daily expenses.

Wakanda_

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #328 on: April 01, 2018, 12:25:25 pm »
^Mukhang okay naman ang sahod ni Isha sa Youtube, so maybe afford talaga niya pagsabay sabayin. Hopefully, maging matipid siya rin para sa future kasi lahat ng ginagawa at ginagastos niya ay kailangan ng long term income.

Kapansin pansin ang pag gastos ni Isha, wala pang taon ang pagitan ng paglipat niya sa bahay to condo, pagbili ng kotse, pagkuha ng gym membership na di naman ginagamit.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #329 on: April 01, 2018, 01:50:54 pm »
Parang wala namang masamang sinabi si Anna Cay sa tweet niya re: traveling. Or maybe I'm just not reading too much into it. Tbh, bashing na yung iba.

Akala ko sa bahay talaga lilipat sila Isha. Ang dami na nilang house hunt ha. Pero mukhang maaliwalas naman yung nilipatan nila. Wag lang sana mapuno ng purple yung bahay. Hehe
« Last Edit: April 01, 2018, 01:54:05 pm by foxyhauteur »

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #330 on: April 01, 2018, 02:10:08 pm »
Ang snappy, petty at patola ni Ate Girrrrrllll Ana nowadays, maski sa IG Stories nya haha, anyare?! Nagtry ako manuod nung Thailand videos nya, di ko natagalan wala pang 5 mins ayawkuna, lahat ng nakakasuya sa kanya, present na naman don. 

Naaliw ako sa HK Designer haul ni Shek, parang type ko din yung Celine. #goals Natatawa nalang ako pag napapabuntong hininga sya haha, akong ako lang pag napapagastos. Gusto ko din justification nya ng pagbili, di yung basta nalang, halatang pinagplanuhan since alam nya na sa HK lang meron nung piece na nabili nya. ;D At least sya sinabi nya na pinagipunan, pinaghirapan at pinagtrabahuhan nya pinambili nya napapasaya sya ng mga designer items kaya kung may inggitera wag manuod, nasa title naman na daw kasi. Haha pak!
« Last Edit: April 01, 2018, 03:14:26 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #331 on: April 01, 2018, 02:14:06 pm »
^Hindi ko rin matagalan yang vlog na yan ni Anna. Start pa lang ng video nagmamadali sila habulin yung breakfast buffet dahil late na naman ang gising nila. Tapos I skipped some parts na at puro geeeeerrrrrrlll ang narinig ko. Tapos nagmamadali na naman dahil malilate sa flight. Akala mo first time travelers eh! Wag na lang siya magvlog.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #332 on: April 01, 2018, 03:21:28 pm »
^kayaaa ngaaaa, kumbaga para syang ano, irresponsible/lazy (travel) Vlogger, haha parang obligado, parang nakakahiya magtanong sakanya, ganern! Tapos yung "wag nyo na tanungin san galing tong outfit ko uniqlo naman lahat" (which is sandong puti lang naman saka skirt, tatanungin pa ba namin te?) haha! Saka yun "wala naman kasi talaga kami plano", kelan ba nagkaron? Tapos shopping galore na naman ng designer sabay sabi ng "Pero to be honest, had it been my own money hindi nyo ako makikitang madalas magtravel. HAHA Di ko afford!" puro ka bili ng designer items atih 1 pc ng designer bag mo (150-200k) makapag Europe na ata ako on a budget! Sobrang gastos daw magtravel, pero yung pag shopping nya eh, di nya rendahan. Baka daw isipin ng mga bagets kailangan mag travel ng magtravel, actually eh mas ok ata mag travel ng magtravel, mas madami sila matutunan kesa maglustay ng pera sa kung ano anong bili bili. Ay balakadyan. ::)

airish_2

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #333 on: April 01, 2018, 03:40:24 pm »
^Tama hindi sa pangbabash. Mas mahal naman designer bags niya at shoes eh, pag nagtravel ka nakapasyal ka pa sa new environment.

hann-hann

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #334 on: April 01, 2018, 03:48:53 pm »
may article nga dito sa FN, nakapagtravel to 5 asian countries for 17 days na 15k ang budget. napakahumble bragger talaga nya, wala akong masabi. so mas okay pala para sa mga kabataan na mag ipon then spend tens or even hundreds of thousands of ipon para sa designer bags/shoes than magtravel to explore different cultures and collect fun and unforgettable memories? ay iba ka teh.. sorry anna cay pero wala kang K para mangaral sa mga kabataan ng ganyan. haha

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #335 on: April 01, 2018, 04:07:55 pm »
But she didn't mention anything about buying designer stuff being better than traveling. I think ang point niya is baka akala ng iba pera niya pinantatravel niya lagi at gayahin ng iba dahil uso. Ang dami rin kayang nagkakanda utang makapagtravel lang for feed goals.

Chikadora101

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #336 on: April 01, 2018, 05:22:07 pm »
Ka papanuod ko lang nung last bangkok vlog ni Anna at Lloyd Cadena... wala lang para mas may natutunan pa ako Kay lloyd about sa place 😂😂 pansin ko din sa blogs ni anna, kahit travel vlogs SOBRANG TAGAL NG TINE NA ANG CLIPS PURO NAKAIN LANG SILA NG JOWA OR PURO SALITA LANG SILA pero walang sense?? Kaya na haba vlog, i mean di naman nila sinabi magkano kinain, saan ba yun ano pwede gawin dun 😂😂😂

Re vloggers in general naman, randomly nanuod ako ng vlog ni Kris lumagui and may isa comment dun na mabait naman pag kakatanong, Magkano daw ba talaga kita sa YT kase sina kris kaka anak lang pero may mga bago Appliances and Ac, yung isa Lumipat sa Condo sa Bgc daw ata (Isha), Sina anne Clutz e country hopping 😆😆😆

imaginativelad

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #337 on: April 01, 2018, 05:53:59 pm »
For some pang babash na yung sinasabi ng iba saatin pero in all honesty, opinion natin yun at napapansin sakanila. Tingin niyo ba pag dun sa channel nila tayo nag comment hindi ba tayo ibabash ng fans nila.

Hindi ako maka relate kay anna cay ngayon. Siguro iba kasi kami ng pananaw. Mas gusto ko nga na nag ttravel ngayon ang mga bagets kesa sa magbuy ng material things. Or baka di siya mahilig mag travel mas bet niya mag shopping. Hahaha hindi ko siya rin type mag travel vlogs, walang sense kahit kainan na masasarap sana since nasa ibang lugar siya hindi niya magawa. More on silang mag jowa, mag shopping, mukha nila ang nasa vlogs. Hahaha

At oo patola siya sa mga bashers niya sa youtube. Nag post talaga siya ng pic na hindi edited daw. Kasi may nagsabi na edited yung pics niya sa waist part. Haha

swim_fatale

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #338 on: April 01, 2018, 06:08:10 pm »
Yes, nairita din ako sa walang hanggang disclaimers ni Anna Umay Cay. NEXT.

gil12

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #339 on: April 01, 2018, 06:21:29 pm »
bongga ni Nay Isha :) lumipat sa condo, ang ganda at ang laki ng unit, ganda ng kitchen, ganda lighting, kaso baka maging bakya because of her purples hehe

San mo nakita na malaki unit nilipatan nila? Tinignan ko kasi sa IG parang wala naman post ng nilipatan nilang unit? Tinignan ko rin IG stories niya wala rin, wala rin sa FB and wala pa naman siya new vlog. Feeling ko rin yun naging issue nila sa family yung pag lipat niya.

Sa totoo lang, mga local youtubers, puro bili bili, nakaka-umay na  ;D kaya mas na appreciate ko videos ng tulad kay Penelope Pop. Kung sino pa tunay na mayaman siya pa mas simple dating.

« Last Edit: April 01, 2018, 06:23:29 pm by gil12 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close