watch now

Author Topic: Message to your EX  (Read 18274 times)

sassy_gal18

  • Guest
Message to your EX
« on: January 17, 2018, 03:26:09 pm »
Hi mga sis.

Created this thread cause We need some space para masabi lahat ng gusto natin sa mga ex natin.

P.S Forgive me medyo marami ako magiging entry dito :)

P.P.S. Mods please allow me if  i have too much entry and sunod sunod, This is the only place na feeling ko safe yung thoughts ko. The only place na i can be myself.
« Last Edit: February 09, 2018, 10:46:18 am by sassy_gal18 »

sassy_gal18

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #1 on: January 17, 2018, 04:56:22 pm »
SSBLS,

I miss you. Miss na miss na kita. I know it took me a while bago ko naamin sa sarili ko na ikaw pa rin. Narealize ko yun kung kelan huli na. Huli na kasi meron ka ng iba. Masaya kana sa iba.

Nagtry ako na makausap ka not to clear my side but to get back to you. Oo, i let you go. Not because of him. I just used him para mas madali ko maexecute yung plan. Kasi nagselos ako kasi nasaktan din ako. Despite it all. I love you and i still do. Mahal kita kaya i let you go. I can't bear to see you in pain dahil saken, dahil lang naguguluhan ako, dahil lang marami akong issues na kahit ako hindi ko kayang isolve on my own. I pushed you away kasi i'm hoping na you'll pull me back in return. Pinagtabuyan kita kasi I know I'm not the one who can help you at that moment, your friends and family can. Kasi even I gulong gulo sa nangyayari saten.

Last november, my cousin saw you texting/chatting some girl named RA while nasa party tayo ni Z. You denied it. I believed my cousin but my usual proud self told me na ahh libangan nya lang yan. But then nakitulog ka kila D and C, someone from there told me na may kaviber ka and yes si RA ulit. Ang sakit bes. Kasi hindi ko akalain ganun kabilis may iba ka nang nakakausap. Gabi at umaga magkausap kayo na akala mo may something sa inyo. Nagpapacomfort ka sa iba. After knowing that hinayaan ko lang I did not tell you kasi andyan ka pa rin naman still texting me chatting me. Until nagpunta ka sa bahay ng lasing. Nakitulog ka and may plan tayo na magmall. Naliligo ka i checked your phone nakita ko yung viber mo na malinis. Kaso may nagchat eh may call log pa si RA ulit. That's when it hit me RA is not just a friend. She's someone na will take my place. I even told you diba na baka umabot sa point akala mo lang na kailangan mo lang sya para may makausap ka pero hindi mo alam kailangan mo na talags sya. I'm scared to admit na she's someone na swak na swak sa lahat ng kailangan mo sa mga panahong to.

I don't wanna ruin what you and that girl started. So i pushed you harder. After all kasalanan ko bat ka natempt na lumapit dun I left spaces and gaps which she filled in immediately. I mean look at you, what's not to love. Mabait ka, charming, friendly, masarap kausap at chill kasama. Very natural lahat sayo. Sabi mo nga halos lahat may gusto sayo.

I even remember you telling me na 'oh anniversary na natin pag hindi kapa rin nagpakita wala na talaga.' On that day, our anniv, i waited for you. But no sign of you at all. I accepted everything and told myself na mag move on kana para maging masaya na sya. I reached out sayo thru your relatives all they offered me were either cold shoulders or cold tone answers. I guess ganun sila kagalit saken sa ginawa ko sayo. All they know is niloko kita but they didn't know na may someone kana rin pala. I accepted everything kasi guilty ako eh nakapanakit ako so deserve ko yun but i don't deserve na lahat iblame saken kasi we all know may sideline ka, si RA.

Typing this I am here sa high street sa labas ng SB. Oo ako lang mag isa kaso nagrereminisce ako. Kailangan ko saktan yung sarili ko para makamove on ako sayo.

Tomorrow is my bday, I don't know if you still remember yung sinabi ko before na dapat on my bday andun ka with me kasi sinamahan kita on yours. But i doubt na tuparin mo kahit maalala mo kasi alam ko kung gano ka kagalit saken. On my bday aantayi kita sa highstreet kung gano katagal I dont know pero aantayin kita. Pag hindi kita nakita siguro sign na yun na dapat mag move on na ko.

I really want to contact you kasi sabi mo nga kung talagang gusto natin isa't isa bat kailangan pa natin pahirapan at pagdaanan lahat ng to' Pero paano' Paano kung hindi kana ganun saken' Pano kung iba na laman ng puso mo' Pano kung iba na nagpapasaya sayo' Guguluhin paba kita' Your mommy told me na masaya kana and moved on kana. That i should live my life kasi your living yours na. Pero paano kung ang gusto ko kasama sa pag live ng life ko ay ikaw' Miss na miss na miss na kita. Bumabalik na ko pero mukhang wala na kong babalikan.

For my day, I would trade everything bumalik ka lang. I want nothing but you.sabi nga sa kanta,  I'd give my all to have just one more night with you, I'd risk my life to feel your body next to mine. Aantayin kita everyday hanggang sa ako na ulit ang gusto mo.

If I ask you to run and leave everythig behind, would you run with me?
« Last Edit: January 31, 2018, 04:32:05 pm by sassy_gal18 »

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #2 on: January 28, 2018, 10:22:27 pm »
Niloko at inasahan mo ko. Puro lies... Grabe ka akala ko nagbago ka. Sobra mo ko sinaktan triple... Gusto ko gumanti pero Diyos na lang ang bahala sayo magparusa.

Paulit ulit ako nagpapatawad pero ano ginawa mo over na sa limit.
Pera, Puso at pagkatao ko sinira mo.   

Hindi ko alam bakit mo sinaktan ng ganito ano ginawa ko masama sayo? wala ako ginawa masama sayo puro kabutihan.
« Last Edit: January 28, 2018, 10:24:46 pm by Filipinasadhart »

sassy_gal18

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #3 on: January 31, 2018, 03:30:08 pm »
You once posted in your social media account na kung magmamahal ako ulit, wag kana.
You once told me na 12 years lang yan pwede mo pa ulit buuin yung another 12 years kasama ng iba.

Oo na eto na ko sa point na to sasabihin ko na,
If only i could turn back time. God knows hindi ko na uulitin lahat ng ginawa ko.
Ilang beses ako winarningan ng panaginip ko. Sa panaginip ko wala kana at natutuwa ako pag nagigising ako kasi katabi pa rin kita. Pero ano ginawa ko? Sinira ko lahat. I let you go just like that.

I'll leave the country to avoid creating another mistake. Ayoko magcommit nanaman ng bagay na pagsisisihan ko. Ayoko gumawa ng bagay na pagsisisihan ko dahil lang malungkot ako. I'll live up to your request. I won't go down my level and I will not ruin myself.

I don't know kung pagbalik ko kung mahal pa rin ba kita o kung may pumalit na ba sa pwesto ko. Kung masaya kana promise hindi na kita guguluhin.
Pero favor lang, kung ako pa rin laman ng puso mo pwede ba itigil na natin to. Saka na natin harapin yung consequences. Saka na tayo mag away at mag sumbatan. Saka na tayo mag ungkatan.

I miss everything about us.
Those late night food cravings, yung ramen mo with cheese, yung DIY samgyupsal in the house natin, yung balot sesh.
Those times na manunuod ka ng movie mo while manunuod ako ng vlogs.
Those poorita days na nga pero sige lang luho pa kain pa.
Those nakahiga lang tayo days tas magrereminisce tayo nung mga nakaraan natin.
Those may gusto ka kainin at sasamahan kita times.

BLS, sobrang miss na miss na kita. I really want to see you and hug you and do eveything we used to do.

Sobrang umaasa ako na someday one day magiging tayo pa ulit. Pero kung mangyayari yun sana please naman ngayon na.

If somehow you come across this message, I hope you will. Please know na I'm very much willing to turn my back and leave everything behind para sayo.
Let's start fresh. Last chance for this lifetime.

« Last Edit: January 31, 2018, 04:29:36 pm by sassy_gal18 »

sassy_gal18

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #4 on: February 09, 2018, 10:41:34 am »
Since the day I asked you to leave our house, yesterday was the first time na sumakit ang tyan ko out of katakawan and you?re not there to rescue me. Walang ?sasandok? ng tyan ko. I miss you so damn much.

 These past few weeks  unti unti ko na naaappreciate lahat ng ginawa at ginagawa mo for me. I?m blinded and taken you for granted. I took advantage of your love. I?m too proud na you?ll be there when i need you. That you?ll stay and wait for me.

People told me to stop hoping na magkakabalikan tayo kasi ako naman nang iwan, i?m the one who cheated. Pero diba hindi naman? Just like you I just started dating month after we broke up. Just like you i only started entertaining, a month after we decided to give each other space.

Lahat ng ig post mo regarding that girl nakakarating saken. Yes i do look pathetic for stalking you and guarding your social media accounts. Nasasaktan ako. Nagseselos ako. But sometimes, masaya ko for you kasi nagagawa mo na yung mga bagay na ayaw mo gawin dati. RA helped you in many ways. She helped you overcome your katamaran and inspired you to be more free and adventurous. She helped you to feel more alive. She was there all the time while im out there figuring out what i really like.

Just like me, no matter how we denied na friend lang yan. You also fell for her sweet tactics. Those people who got our backs during our difficult times became our special someones.

But i already reached the reality of this fantasy. The excitement, thrills, and those new feelings faded away already. I can now say na it?s no longer enjoying and fulfilling. Nights are colder than usual. Days are cloudier now compared to when we?re at our hardest times. Yes i miss you so bad.

I wonder if dadating ka rin ba sa ganun realization? And if dumating ka dun, ako pa rin kaya yung gugustuhin mo? I really wonder if we still have a chance. There were times na feeling ko wala na but my heart is still hoping. I can?t stop hoping. There were times na iniisip ko masaya kana and i should really stay away from you and your relatives. Pero yung pagkikeep intouch ko sa kapatid mo is the only thing that keeps me sane now. Stalking you kahit masakit and nakakaselos is the only thing that keeps me going.  Ok na ko sa ganun for now.

Walang araw na hindi ko pinagsisihan lahat. Walang araw na hindi ko sinisi sarili ko for doing that to you, for hurting you. Walang araw na hindi ako umasa na sana panaginip lang to and when i woke up nasa tabi pa rin kita.
« Last Edit: February 09, 2018, 10:43:50 am by sassy_gal18 »

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #5 on: February 09, 2018, 11:30:06 am »
Kung mahal mo talaga ako, you will do everything para bumalik ako gaya nung ginawa ko sayo nung mga panahong ikaw ang nang-iwan sakin. Kaso hindi eh, sinasabi mo na you have plans for us, pero imbes na gumawa ka ng paraan na bumalik ako sayo, naghanap ka ng ibang lalandiin mo, pinatunayan mo sakin kung gaano ka ka-kup*l hehe. Ayos lang, naka-move na ako, sinasabi ko lang sayo ?to kasi nakalimutan ko sabihin nung naghiwalay tayo LOL.

Sana makahanap ka ng babaeng di mo na maikukumpara sa iba, gaya nung ginawa mo sakin. Yung babaeng maipagmamalaki mo at di mo sasabihan ng "BAKIT BA KASI SAKIN KA PA NAPUNTA?!" haha lech* ka din eh. Hahaha
Ayooon, ingat ka parin lagi lalo sa pagda-drive. Akala ko tayo na talaga pero mapaglaro talaga si tadhana eh. So yun. Bye :)

HAYLEELOVE

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #6 on: February 09, 2018, 12:38:35 pm »
Sis why don?t you try to reach out to him? Malay mo magkasecond chance pa kayo?

sassy_gal18

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #7 on: February 14, 2018, 10:36:39 am »
So you texted me last sunday and asked me to meet you. Hindi mo lang alam kung gano mo ko pinasaya sa ginawa mo. Sobrang hindi ko alam mararamdaman ko non nung nabasa ko pa lang pangalan mo sa screen ng phone ko. God indeed is the best. Yes, prayer works. That time nung nagtext ka I am not even sure yet kung anong dahilan. Part of me says na closure na yung bibigay mo. Pero yung palaasang side ko hoping pa sa mga pwedeng good na mangyare.

Tulad nga ng sinasabi ko sayo before everything will happen in God's perfect time. Though alam ko marami kang side chicks ngayon. Alam ko kung gano sila kacompetitive sa puso mo sa time mo sa pwestong iniwan ko. Pero magtitiwala ako sa love na meron ako sayo. Hindi ko alam kung pano ko kakayanin makipagsabayan sa kanila. Sino ba naman ako? I ditched you. I caused you too much pain and all the negativities. Tested mo na and posibleng mag cause ng doubt sayo. Samantalang sila bago bagong experience mas exciting mas nakakatuwa at maraming paandar. Oo nasasaktan ako sobra kasi alam ko kung ano man ginagawa mo ngayon ako rin naman may kasanalan nyan. Oo nagseselos ako sobra kasi ngayon lahat ng ginagawa mo with them saken mo lang ginagawa dati. Sila na reason ng pagpupuyat mo. Sila na reason bat excited ka gumising at mag open ng phone. Sila na nagpapangiti sayo for petty reason. Sila na huling naiisip mo bago ka matulog.

Pero di tulad ng ginawa mo. Kahit masaktan man ako kahit magselos man ako. Kahit hindi ko na kaya kakayanin ko. Makikipagsabayan ako. Titiisin ko lahat para sa last chance na hinihingi ko. Magttyaga ako hanggang sa araw na pipili kana at magdedecide kana magsettle down. Pag tapos kana maglibang. Pag tapos kana maglaro. Sana by the time na dumating ka sa choosing point at hindi ako yung pipiliin mo sana kahit friendship maooffer mo saken. Kahit yun lang magkakasya na ko. Pero asahan mo sa lahat ng pananahimik ko sa lahat ng chat or text ko sayo, sa lahat ng pagpapansin ko, andun ako na sobrang umaasa na sana ako na lang. ako na lang ulit.

Nung nagkita tayo nung monday, alam ko risky and medyo pushy yung dating ko. Pero nakita ko kung ano si RA sayo. Nakita ko yung mga bagay na ewan ko lang kung hindi mo pa lang maamin sa sarili mo pero she means a lot to you. The way you spoke about her she's like someone na hindi pwedeng kantiin ng kahit na sino kasi andun ka to catch the bullet aimed to her. Im dying inside sobra pag nakikita ko na nagchat sya sayo pag nakikita ko yung dami ng text at calls nya sayo. Pero i've pretended na wala lang yon kasi kasalanan ko kung bakit andyan si RA. I'm torned dun sa lalayo ako kasi gusto ko maging masaya kayo at yung kakapit ako hanggang sa makita mo na ako pa rin pala talaga. Pero sa ngayon, dun muna ko sa bagay na magiging masaya ako dun muna ako sa desisyon na alam kong magiging masaya ako sa future. Mag sstay ako mag hihintay ako. Papatunayan ko sarili ko sayo. Sana makita mo.
« Last Edit: February 14, 2018, 10:48:48 am by sassy_gal18 »

Valkerie

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #8 on: February 14, 2018, 06:05:47 pm »
Owli,

I am so sorry.

Remember that I'll always pray for your happiness and safety. Our years of togetherness was not appreciated, well, by me. But now I do. And tanggap ko na - na ako'ng nagkamali.

There's never been a third party, or faults. I just needed space. But that space murked out because of work, and, maybe, because I was trying to make a name of my own where you are not a part of. I was young then, and selfish. I know you've shed so much tears and cannot even speak of it to our colleagues. All you'd say is that you'd want me to come back to you. But my selfish self just can't. I chose my work over you.

Your years of waiting for me, wailing for me and following me now becomes useless.

You don't deserve me. I know God prepared someone for you. Someone who'll appreciate and eventually make you happy in the process.

You're my life's 'TOTGA', my prince, my one and only Owli.

-Tanda

sassy_gal18

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #9 on: February 14, 2018, 06:38:40 pm »
Happy valentines day to you. First valentines in 13yrs na hindi kita kasama.

I texted you earlier. Hoping na baka gusto mo mag celebrate ng vday with me. It stab me hundreds of time when you said no. Now i know the feeling kapag tinanggihan ka. And it made me realize na ako talaga dahilan bat ganyan kana katigas ngayon. Idagdag mo pa yung mga side chicks mo na nagpapataas ng tingin mo sa sarili mo.

I told you na pupunta ko sa dating tambayan. So here i am today, SB again sa may histreet. Sabi mo lang mag iingat ako kung san man ako magpunta. I know may date ka with RA or whoever. Sana nag iingat ka rin. Uupo lang ako dito hanggang sa lumipas na yung araw at yung eagerness na makasama ka. Yung mga ginagawa ko ngayon ito yung mga ginagawa mo before na naging reason kung bakit ganyan na kataas yung guard mo saken. Maybe this will work on me too para makalimutan kita.

Day by day, nakikita ko kung gano na sya kalapit sayo. Binida mo pa sya saken kung pano sya sayo nung mga panahon na gulong gulo ako. Pinanghihinaan na ko ng loob. Di ko alam kung kakayanin ko pa. Pero sige lang, habang andito pa ko ilalaban ko to. Mag aantay ako. Mag aantay ako hanggang sa sabihin mo na sya na o tumigil na ko.

Mahal na mahal kita. Aayusin ko lahat saken. Pangako.

BAISANAN

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #10 on: February 14, 2018, 09:11:09 pm »
Kumusta ka yon lang...:)

kvandenhaak

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #11 on: February 15, 2018, 01:46:52 am »
Buti na lang at wala na kayo. Masaya ang buhay ko.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #12 on: February 15, 2018, 03:29:59 pm »
Thank you for setting things straight for me. Sobrang naappreciate ko yung courage mo for explaining kung side mo kung bakit hindi pa pwede yung mga bagay na gusto ko. I know and I understand kung san ka nang gagaling. With what I have done talagang natural yung reaction mo towards my action. Ako naman din nagsasabi lagi sayo before na porke okay kana hindi mo pwede iexpect na okay na rin ako. Somehow indirectly you told me to let go of my hope na magiging tayo pa.

I just have to point out some items sa sinabi mo. May mga bagay lang kasi na kahit gano ko intindihin hindi kayang iprocess ng puso ko. Yes ako una nagkamali. Oo ako nagtrigger pero sige iisa isahin ko. Gusto ko to sabihin sayo kanina but I know talo naman na ko. You always say to me before na sa huli ikaw naman ang talo, pero diba never naman ako nanalo sayo talaga? Sa huli ako pa rin yung susuyo sayo ako pa rin yung magbebeg, na yakapin mo naman ako, just like what I have done last night?

Sabi mo kelangan ko matutong maging masaya and maging kumpleto on my own. Without depending my happiness and completeness to others. Kasi sabi mo ang partner dapat add-ons lang yan o kaya bonus lang sa yan sa buhay mo. With or without them dapat okay ka lang. Oo may point ka. Tama ka na dapat kaya ko maging masaya at buo ng ako lang. Kasi nga naman pag dependent yung happiness mo sa iba the moment na mag fail sya pasayahin ka ngayon at may ibang nakapag pasaya sayo posible na maulit ulit yung pagkakamali ko. Posible na magcause yun ng confusion nanaman. Pag kumpleto ka alam mo kung ano talaga gusto mo. At makukuntento ka sa kung anong meron ka kahit ano mangyari. Pero blsi, why did you? Bakit ka dumepende kay RA. Bakit mo hinayaan na magheal ka with her guidance? with her by your side? Ang daya mo naman. Gusto mo magheal ako and matuto mag move on sayo nang ako lang. Pero ikaw ginawa mo yun nang andyan sya. Sabi mo nga she never left you at your darkest times. Pero sige don't worry. Gagawin ko yun not because sabi mo pero para sa sarili ko. Gagawin kong motivation yung sinabi mo para maging better version ng sarili ko.

Sabi mo baka one day pag healed na ko, makita mo ko and sasabihin mo na, 'uy she looks so happy, maybe I can share that happiness with her". Nalulungkot ako kasi even before balisi, even nung tayo pa. Pag andun ako sa weakest and vulnerable state ko kung san kailangan kita to back me up, iddrop mo ko na parang kulang na lang sabihin mo deal with your issues on your own. So now you're repeating it again. I know nagkamali ako. Alam mo naman na ikaw rin. Pero don't make my mistakes as the reason kung bakit mo ginagawa yang mga ginagawa mo ngayon. Don't worry when you see me again I won't be as stressed as the last time you saw me. I won't ask you to meet me because malungkot ako.

Sabi mo wag na ako maguilty. Oo hindi na, Tapos na ko maguilty. Tapos na nung nalaman ko na nung pasko habang iyak ako ng iyak kakaantay sayo ikaw sinalubong mo yon ng kasama mo si RA with your family. Tapos na ko maguilty na dinala ko si J samen dahil ayoko lang malungkot sa pagsalubong ng bagong taon. Yes hindi na ko maguguilty kasi after all nagpapacomfort ka naman with her while showing sa ibang tao na ako pa rin.

I just hope na hindi mo yun sinasabi kasi may iba kana. Maiintindihan ko naman kung may iba na. I will still love you silently kahit ganon you don't have to sugarcoat things for me. Hindi naman ako bata. Madali ako kausap not because mataas ako masyado but because alam ko nothing is impossible. Sabi nga ng kapatid mo, hindi naman natin alam kung ano mga pwede mangyari bukas. Pero ganun pa man, uulitin ko lang sayo yung sinabi mo before at ako na lang yung tutupad non, Aantayin kita umabot man ng linggo, buwan o taon. Pag ayaw mo na sa kanya at ayaw na rin nya sayo, andito lang ako. Para sayo.

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #13 on: February 17, 2018, 09:22:43 am »
Oh, napadaan ka sa wall ko. May pa-puso ka pa sa mga post ko. Belated happy Valentine. Nag-ride ka pala. Mukhang masaya ka na rin naman eh. Godbless sayo :)

#LoveYourSelf

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #14 on: February 18, 2018, 06:52:35 am »
Ako sobrang galit ko sa ex ko., sabi nila wag pagsabihan ng masama stupid ng sobra ano kikimkimin mo lahat ng bigat na nadala mo sa puso mo. Hindi ako bato para diko sabhin sknya ang masasakit na salita. Para alam nya kung ano nasa puso mo hindi yung ikaw na niloko parang ikaw pa magpapakumbaba para sakanya. Sinira ko buhay nya sya sumira d ako it?s our choices, almost 10yrs pampalipas ko lang daw sya ang kapal nya! Will i made me realize na d sya deserve sa buhai ko sabi ko nga skanya nagsisisi ako bat sya binigay sakin ng dyos! Lahat ng masakit na salita sinabi ko oo kasi masmasakit sakin yung ginawa nya even na papatayin ko sarili kung buhay para sa taong walang kwenta! Ngaun galit ang nararamdaman kuna sknya, nung una diko magawang magalit sknya dahil mahal ko kahit ako pa niloko nya depensive TAMA ba sabihin sayo na oo tayo pa pero walang commitment ano yun pagnagfail sya dun reserve na ako. Wala daw ako problema sya me problema dahil naghanap sya ng magcocomfort sknyA. Sana sinabi nya ng maaga sakin para naman napagusapan diba at nacomfort ko sya. Bwesit sya!

fall2pieces

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #15 on: February 18, 2018, 08:32:42 pm »
Dear ex,

Wala akong message sayo.

From,
Your ex

sassy_gal18

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #16 on: February 19, 2018, 11:43:45 am »
I don't know if you noticed it pero I stop messaging you after that last 'you-pushed-me-again' kind of text that I received from you. Alam ko naopen at nahimay ko na sayo laman ng puso ko. I know alam mo kung gano ako nagsisisi sa ginawa ko. I know na alam mo na hindi mapapatunayan ng words kung sasabihin kong nagbago na ko kasi you can only prove that habang kasama mo ko. Alam ko na alam mo na hindi lang naman ako yung kailangan magbago sateng dalawa you also need too kasi alam mo na kung bakit diba?

Alam ko sinasabi mo nanaman sa sarili mo na masyado nanaman kasi ako mataas kaya nananahimik ako, na ay isang tulak lang talikod naman sya agad. I can bear that push no matter how hard it is kung walang RA, kung wala kang ex na kinakausap ulit, kung wala kang sidelines.  I can climb the walls you built no matter how high it is basta wala kang kasama sa loob non. My point is, hindi ko alam kung pinupush mo lang ba ko to check kung i-pupull back ba kita in return o talagang ayaw mo na.

Nananahimik ako kasi hindi ko alam kung kakapalan ko pa ba mukha ko para ipaglaban ka o manahimik na lang ako gaya ng sinabi mo kasi kailangan ko muna ayusin ko yung sarili ko. Actually, mula ng makilala mo ko ako na lagi yung ms.organized one. Eto pa lang yung point na ang messy messy ng pagkatao ko at ng decision making skills ko. You don't what that version of me kasi gusto mo lang yung best version ko. Sabi nga sa line ni Popoy, she had me at my worst but you had me at my best pero sinayang mo lang yon. Gustong gusto kitang sumbatan nung nabasa ko yung last text na natanggap ko from you, na bakit ako hindi kita iniwanan nung mga panahon na sobrang nasa baba ka? bakit pilit kitang inaangat pag nabababaan kana sa worth mo? Nakalimutan mo ba na kaya lang ako humanap ng comfort sa katauhan ni J kasi nilet down mo ko nung mga panahon na kailangan ko yung tapang mo?

Nalulungkot ako kasi gustong gusto kitang ipaglaban pero pano ko sisimulan kung ako nga hindi mo naman nagawang ipaglaban talaga? Pano ako magiging matapang at matatag kung nung mga panahon na kailangan ko yung tatag mo nakikipag usap ka sa iba while akala ko winiwin back mo ko?

Do you remember yung tinanong ko sayo before? na kung maghihiwalay tayo ano yung una mong babawiin saken? you answered, yung love mo. Kailangan ko ibalik sayo kung pano mo ko minahal before. Pero pano ko yun ibabalik sayo kung iba na gusto mo makasama? Btw, belated happy 12 years and 2 months.
« Last Edit: February 19, 2018, 03:40:13 pm by sassy_gal18 »

basha0207

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #17 on: February 19, 2018, 04:02:05 pm »
SSBLS,

I miss you. Miss na miss na kita. I know it took me a while bago ko naamin sa sarili ko na ikaw pa rin. Narealize ko yun kung kelan huli na. Huli na kasi meron ka ng iba. Masaya kana sa iba.

For my day, I would trade everything bumalik ka lang. I want nothing but you.sabi nga sa kanta,  I'd give my all to have just one more night with you, I'd risk my life to feel your body next to mine. Aantayin kita everyday hanggang sa ako na ulit ang gusto mo.

If I ask you to run and leave everythig behind, would you run with me?




Grabe.. sobrang ito yung gusto ko ding sabihin sa ex ko... ang sakit..


Filipinasadhart

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #18 on: February 22, 2018, 12:00:27 pm »
wala na ko masabi kung di maiyak lang... iiyak lahat ng sakit na ginawa mo.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Message to your EX
« Reply #19 on: February 27, 2018, 05:05:41 pm »

'Now I already reached the reality of this fantasy'. After those sneaky text, chat, sleepover and date this past few days, tinapos mo na lahat. After I sent you RA's picture last night asking you if ikaw ba may pakana ng paandar na yun, hindi kana nagparamdam. I waited for your goodnight. I waited for your good morning text. Ang daya mo naman eh. Kala ko ba may usapan na tayo. Akala ko ba aayusin ko lang yung sarili ko, akala ko ba ako pa rin sa dulo? Sabi mo pag lumipat na ko ng work sige lang baka pwede pa tayo. Wala kang paramdam pero bago pa ko magchat sayo nauna kana. Binigla mo naman ako. Kinancel mo na yung trip natin. Ang sakit habang binabasa ko. Sabi ko hindi totoo to. Sabi ko magbabago pa isip nito. Pero hindi eh ramdam ko bawat salitang tinatype mo. Tumatagos sa puso ko tumatanim sa isip ko. Namanhid buong katawan ko. Pero nagawa kong replyan ka na parang sobrang ok lang ng lahat. Gusto ko magmakaawa pero alam ko wala ng magagawa yon. Hindi na ikaw yung kausap ko ng mga oras na yon. Wala na ako sa puso ng taong katext ko nung mga oras na yun.

Ang aga mo naman tinapos lahat. Hindi pa man tayo nagsisimula ulit. Lalaban pa lang ako eh. Gusto ko magalit sayo kasi ikaw tong unang nagtext saken. Binuhay mo pag asa ko. Ikaw tong pumunta sa apartment kahit di ko hiningi. Kahit inaaway mo ko habang andun ka, kahit nakikita kitang kachat sya habang kasama kita, kahit nakikita ko kung pano ka kaatat magreply sa chat nya, kahit nakikita ko kung pano mo itago sa kanya na kasama mo ako. Kahit sobrang nagseselos na ko at nasasaktan  ok lang. Tatanggapin ko makasama lang kita. Sabi ko nga sayo sige sumbatan mo ako araw araw awayin mo ako araw araw ok lang saken kasi deserve ko yun. Kahit deep inside gusto ko magalit kasi hindi lang naman ako ang bumitiw. Bumitiw ka rin eh. Naghanap ka rin ng iba. Kahit gusto ko magait kasi di ko deserve ang isabay sa kahit na kanino, di ko ideserve itago sa shadow, di ko deserve umarteng parang kabit. Pero sheet diba para sayo willing ako maging ganun kababa. Mahalin at tanggapin mo lang ako ulit na parang ako lang talaga ang may pagkakasala.

Sobrang sakit G, kasi ramdam ko yung sinabi mo na ayaw mo na maging unfair sa mga taong tumulong sayo habang nag momove on ka saken. Sabi mo sobrang stress ka na sa mga taong nasa paligid mo, pero ako lang yung inalis mo sa equation? Sobrang sakit kasi alam ko hindi naman yung family mo tinutukoy mo dun. Si RA lang yun diba. Kasi sabi mo nga sya yung hindi nang iwan sayo nung mga panahon na wala ako. Kahit gano ko itanggi sa sarili ko alam ko talo na ko. Hindi mo ko pinili. Bumabalik na saken lahat. Hindi ko alam kung ano mas masakit yung nagpakatotoo ka o yung nagsabi ka na lang ng ibang istorya. Pero kahit alin man dun nangyari na. You already said your final goodbyes. We already ended everything between us. We already gave each other the closure we don't want to receive. Ang sakit sakit kasi umaasa pa rin ako na sana ako na lang. Pero hindi ko alam kung may aantayin pa ba ako. Gusto ko magmakaawa sayo para sa last chance na gusto kong patunayan. Gusto ko ibalik lahat. Gusto ko gawin lahat kahit magmukha na kong desperada. Gusto ko pilitin ka. Gusto ko kumbinsihin ka na bigyan mo pa ko ng pagkakataon. Gusto ko na umabot sa point na magmamakaawa ako kay RA sa pamilya mo sa lahat para lang pagbigyan mo ko. Pero sabi ko nga pano ako lalaban sa gyera kung yung mismong pinaglalaban ko ako yung kinakalaban?

Lagi ka pa rin nasa wishes, prayers and hopes ko. Sana mag iingat ka palagi. Oo mamimiss kita pero hindi na kita kukulitin. Mamahalin na lang kita sa paraan na ako na lang ang makakaalam. Bye BLS.

-Thank you GT. Our story has now ended.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close