Base on my experience, pag may baby, mas lamang na kekelanganin nyo ng car dahil maraming lakad pag may baby, like pedia visit every month, going to the parks, church, events.. Unless ok lang sayong mag-grab/uber or magjeep.. Or kung malapit lang ang mga lakarin sa inyo as in walking distance lang ang pedia clinic..
Pede mo din naman pagsabayin yung car at house. Yun nga lang, masakit talaga sa bulsa.

so kung ok lang sayo magrent, why not?
Pag lumaki-laki na, keri na nyan magcommute. Like my kids, pinagkocommute ko madalas pag walang driver kasi hindi ako marunong magdrive hehe..

Mas ok sakin mag-commute kasi mas mura ang pasahe, walang iniintinding parking fee, gas, atsaka behaved sila pag public transpo compared kapag nakakotse, masyadong maingay at magulo sila na parang nasa bahay lang.
Yun nga lang pag rainy season, di ubrang icommute ang mga bata. Prone sa mga sakit.
Overall verdict, mas tipid kung lagi lang nasa bahay or hindi naglala-labas kasama mga bata, kasi mas tipid sa gastusin. Kung conducive naman ang lugar nyo for playing and learning, indi na need maglabas-labas para iexpose ang bata sa outside world.

At kung sa tingin mo di pa kayo settled sa lugar kung nasan kayo, mas practical na magrent..
Katulad namin na bumili ng house and lot sa antipolo (fully paid in 5yrs) pero dito kami sa paranaque nag-stay ngayon for 2 years na dahil sa studies ng mga anak namin. Nagre-rent kami. Di namin tuloy malaman kung magsettle ba kami dito or balik sa antipolo or sa probinsya na lang sa cebu due to many factors.
I agree din na habang lumalaki ang bata mas lumalaki ang gastos. Like schooling. kaya kung kukuha ka ng house and lot, i suggest 5YTP lang para di ka malunod sa bayarin. Kasi papa-titulohan mo pa yun. Abot ng 100k depende sa size ng lot at price per sqm.
