Author Topic: Hello  (Read 5030 times)

Lovely joy

  • Probationary
  • Posts: 1
Hello
« on: November 17, 2017, 09:30:13 am »
Hi po sa lahat..  Just want to share my story..  Im 29 single mother may anak ako sa ex byfriend ko na surgeon at nasa califrnia [textspeak!] daddy ng anak ko,  wala [textspeak!] kami problema kc suportado [textspeak!] bata anyways 8yrs old na [textspeak!] anak namin.  And now may nakilala akong married na lawyer 3months pa [textspeak!] kmi at may nang yari na sa amin at ngaun buntis ako,  at first gusto nya ipalaglag [textspeak!] bata kaso ayoko kaya un sabi nya ok bubuhayin namin [textspeak!] bata,  at ngaun nagrerent ako ng bahay at sya [textspeak!] nagbabayad di pa [textspeak!] nkapunta sa bahay ko pero minsan nagkikita kmi sa labas at [textspeak!] suporta nya pinapadala nya [textspeak!] kahit same place [textspeak!] kami. Im planning to use his surname paglabas ng anak namin kaso takot [textspeak!] bka malaman ng wife nya.  Advice [textspeak!] po ano gawin ko para may legal documents ako na mahabol sa suporta ng bata. Ano best way na gawin to use his surname or sa akon nlng..  [textspeak!] wife nya preggy din ngaun kaso mauna ako manganak.  Hehe need ur advice for the security of my daughter paglabas nya.  Thank you po sa mag advice

DalagangPinay

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 55
Re: Hello
« Reply #1 on: November 17, 2017, 09:43:10 am »
Sis, paki ayos naman.. Puro textspeak hehe.
« Last Edit: November 17, 2017, 09:46:54 am by DalagangPinay »
Live your life to the fullest...

plumpolka

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 617
Re: Hello
« Reply #2 on: November 17, 2017, 11:50:16 am »
hirap mag advice- puro textspeak.

anyway, given na lawyer yang nakabuntis sayo, im sure alam nya ang batas. you can use his surname kung pipirma sya sa birth cert ng bata. siguro naman alam mo din na by the time na pumirma sya sa birth cert ng anak niyo, pwede kayo kasuhan ng wife nya at kasama ka sa kasong yun. kulong ang parusa dyan (if im not mistaken) and yung anak niyo ang pinaka-proof na nag-sex kayo sa hindi nya asawa. ngayon sya ang nagbabayad ng bahay nyo, pasok parin sa concubinage yan. pero andyan na yan, again, kung papayag sya at ia-acknowledge nya ang anak niyo then libre ka isulat sya sa birth cert ng anak nyo at lalabas na illegitimate child sya. pag ayaw i-acknowledge, pilitin mo, magpa-dna test ka na sya talaga ang ama ng bata para ang korte ang mag compel sa kanya na akuin ang bata. you can fight for the rights of your child and in return the wife can also fight for her rights and ikaw ang talo dun. not a lawyer pero ganyan ang lagi ko naririnig sa legal program sa radyo.


goodluck ate girl! isang magulong buhay ang pinasok mo para sa mga anak mo. sa lawyer ka pa nagpabuntis, malamang alam na nya pasikot sikot ng batas para ma-abswelto sya. dont want to bash/say anything bad about you, pero gusto ko lang maliwanagan ka sa mga pwedeng mangyari. sabihin mo ng devil's advocate. mas magandang ready din worst comes to worst. i wish you well! :)
« Last Edit: November 17, 2017, 11:54:01 am by plumpolka »
Happiness is a choice.

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3246
Re: Hello
« Reply #3 on: November 17, 2017, 03:03:52 pm »
^ sis, to add to that parang binahay narin si TS nung lawyer. Official mistress and another proof iyan ng wife para makulong sila. May place na dun sila nagco cohabitate.

plumpolka

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 617
Re: Hello
« Reply #4 on: November 17, 2017, 03:17:45 pm »
^korek!
unsolicited advice, ewan ko kung may mag-agree man sakin o wala pero tingin ko, kayanin na lang ni TS na buhayin anak nya. ginusto na yan e! alam ko karapatan ng bata yun, at responsibilidad ng tatay yun. ginusto naman nila pareho yan. ang di lang natin masasabi is kung magkaso talaga ang legal wife, at kung makulong sila pareho lalo na andyan na yung mga proof na naki-apid talaga sila, kawawa mga anak nya. pwede ring maging agreement nila ng tatay ng anak nya na magbibigay ng sustento pero walang pirmahan sa birth cert. pero d ka din naman makakasigurado na magbibigay palagi. unless i-bblackmail mo na magsusumbong ka sa asawa. and by doing that, ikaw na mismo naglagay sa alanganin sa sarili mo. parang para sakin, mas matahimik na ikaw na lang umako sa anak mo, alam mo naman din from the start na mali yung relasyon na pinasok mo nandamay ka pa ng bata. hahaha! high blood e no  ;D
Happiness is a choice.

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1435
Re: Hello
« Reply #5 on: November 17, 2017, 03:30:28 pm »
Sis modify mo post mo, paki ayos ng mga spelling para hindi puro textspeak nakikita.

Anyways bat hindi yung tatay ng magiging anak mo tanungin mo sa mga bagay na yan, tutal lawyer siya hehe. And paghandaan mo na rin ang magiging consequences kasi sooner or later eh malalaman din yan ng asawa nung lawyer.

May tanong lang ako, may work ka ba sis? Or umaasa ka lang sa mga child support na nakukuha mo? Curious lang ako kasi mukhang habol mo talaga yung financial support eh. Yung iba kasing single moms eh may back up plan kumbaga. Tipong bigyan man sila o hindi ng tatay ng anak nila eh kaya nila buhayin mag isa mga anak nila.

 I dont want to judge you, tao ka lang naman, nagkakamali pero sana alam mo sa sarili kung pano ituwid ang pagkakamali na pinasok mo. Para na rin sa mga anak mo. Goodluck sis! All the best!

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3246
Re: Hello
« Reply #6 on: November 17, 2017, 04:03:48 pm »
^ sorry, parang ganun nga habol is financial support. Kada anak, 1 taga support. So now 2 anak, 2 taga support - 1 lawyer and 1 surgeon.

Pag magka Third anak, puede sa politician naman. No need to work na. 😄😂

plumpolka

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 617
Re: Hello
« Reply #7 on: November 17, 2017, 05:10:45 pm »
i think maswerte sya sa unang nakabuntis sa kanya kasi required by law talaga sa kanila na magbigay ng child support. derecho bawas na ata yan sa sweldo ng lalaki e. kaso sa atin walang ganong batas so ikaw talaga ang maghahabol. pero with the situation, sana ma weigh nya din kung ano bang mas makakabuti at mas makakapagpatahimik sa lahat, most especially sa magiging anak nya.
Happiness is a choice.

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2145
Re: Hello
« Reply #8 on: November 17, 2017, 06:04:12 pm »
Another proud kabit. Nandamay pa ng bata at mukhang pera din? Di kaya magbanat ng buto spread legs lang ang alam?

Dyan sa tanong mo mahihirapan ka kapag ginusto ng tatay na hindi magsupport abogado un kung mautak ka mas mautak sya. Alam nya ang batas.

undecided2

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 49
Re: Hello
« Reply #9 on: December 22, 2017, 01:35:46 am »
Dapat hindi ka na nagpa buntis. Alam mo naman siguro na gagawin para hindi mabuntis since nagka anak ka na sa una. Kung asawa ko yan lawyer papakulong ko kayong dalawa hehe

preciousjulia

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 91
Re: Hello
« Reply #10 on: January 05, 2018, 10:34:17 am »
Alam ng married pumatol pa. . at nagpabuntis pa. Tapos si boylet gusto ipalaglag si baby kasi alam mali ang ginagawa nila ni ate girl tapos si baby ang magsa-suffer..what the!!!! Nakaka-init  kayo ng ulo. :D Ayusin mo yang buhay mo ate girl. Gusto kong isipin na para sa kapakanan ng bata yung concern mo kaya ka nagpost dito pero mahiya ka din naman sa legal wife. Ang unfair lang sa kanya at sa bata ng mga pinaggagawa nyo.
"Admire someone else's beauty without questioning your own"  - Unknown

AnnSmith222

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: Hello
« Reply #11 on: August 17, 2018, 05:34:47 pm »
nahilo ako sa puro textspeak

RoadrunnerXCX

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 601
Re: Hello
« Reply #12 on: October 09, 2018, 12:41:37 am »
hehe consult another lawyer kasi si lawyer partner mo will not tell you the wisest thing to do...kaya nga lawyers are liars eh.
“Allow the universe to unfold as it should" - Desiderata

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2642
  • GuyTalker
Re: Hello
« Reply #13 on: February 12, 2019, 01:13:44 pm »
textspeak message na hinaluan ng onting words. hehe.. kailangan pang hulaan kung ano yung word/s na kasunod. magandang panghasa na isip at vocabulary.  ;D ;D ;D
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

preciousjulia

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 91
Re: Hello
« Reply #14 on: February 19, 2019, 04:07:31 pm »
^ Fill in the blanks? :D Parang magandang game to sa reunion. Sorry OT. Nawala antok ko.
"Admire someone else's beauty without questioning your own"  - Unknown

futboler_dati

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 482
  • Guy Talker
Re: Hello
« Reply #15 on: February 21, 2019, 10:00:10 am »
nawala na si TS. natakot yata nung nabasa ang mga comment.

seriousman

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 4167
  • The World is Mine. You're Mine.
    • http://www2.femalenetwork.com/board/profile.php?mode=viewprofile&u=3338&sid=70edc0009785859c
Re: Hello
« Reply #16 on: March 16, 2019, 03:43:26 am »
nawala na si TS. natakot yata nung nabasa ang mga comment.

Akala ko inaayos nya muna yung mga textspeak, taking her time.
Try not to become a man of success but a man of value.

AnnSmith222

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: Hello
« Reply #17 on: April 15, 2019, 11:36:34 am »
Akala ko inaayos nya muna yung mga textspeak, taking her time.
Hindi siya makapag log in ulit. Nakalimutan niya yung password niya hahaha

seriousman

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 4167
  • The World is Mine. You're Mine.
    • http://www2.femalenetwork.com/board/profile.php?mode=viewprofile&u=3338&sid=70edc0009785859c
Re: Hello
« Reply #18 on: April 18, 2019, 01:50:04 am »
baka nag create na ng bagong account? :-)
Try not to become a man of success but a man of value.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close