watch now

Author Topic: Office Ghost Stories  (Read 10072 times)

Miss Taken

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #20 on: October 18, 2017, 08:52:44 pm »
Sobrang goosebumps ako! Eto din talaga kinakatakot kapag sumasakay ako ng elevator or punta ng toilet magisa. Yung makakarinig ka ng mga bulong or hum. Huhuhu.
Natakot lang ako sis kasi magisa ako tapos iniisip ko baka ma stuck ako sa floor na yun na may multo lol

Miss Taken grabeeeeee! Minsan maski di ka matatakutin kung ganyan ba naman mangyari, shocks!!!
Hindi nga alam ng mga officemates ko kung sasama ba saken or hindi kasi ako yung madalas nakakaramdam at nakakakita sa group namin haha!

***

I have another creepy story na nangyari naman sa sleeping quarters sa office. It was around two in the morning at lunch break ko eh sa sobrang antok mas pinili ko na lang matulog kesa kumain. Yung style kasi ng room may divider sa gitna then yung mga higaan parang recliner lang (like yung pag nagsun bathing) pero may nakalagay na malambot na mattress. Each side has 5 recliners, hindi ko na binuksan yung ilaw kasi baka may ibang natutulog tsaka medyo aninag naman dahil dun sa red light na nanggagaling sa exit sign.

Dun sa pwesto na pinili ko ako lang yung tao then pa side ako humiga so yung hair ko nasa harap ko din natatakpan yung half ng mukha ko. Nakaidlip na ako nung naramdaman ko na may humawak sa hair ko tapos hinawi para mapunta sa likod. Akala ko isa sa mga officemates ko na ginigising na ako then pagtingin ko wala namang tao. Dahil kakagising ko lang hindi pa nagregister agad sa utak ko yung nangyari kaya ang ginawa ko chineck ko pa yung kabilang side kung may tao pero waley. Lumabas na lang ako agad ng sleeping quarters kasi nawala na rin yung antok ko hahaha.

pinkmoscato

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #21 on: October 18, 2017, 10:24:46 pm »
^marami talagang kababalaghan sis sa sleeping quarters.
Marami na kaming nakaexperience dun sa previous company ko na may something sa one specific bed sa sleeping quarters. Super dilim din kasi na kelangan mo pang ilawan yung lalakaran mo using your phone. Ang set-up kasi nung sleeping quarters ay 6 bunk beds, so 12 beds all in all.
Iniiwasan ko talaga yung bed sa dulo kasi malayo from the door tsaka sobrang lamig sa area na yun, kahit may blanket ka eh super lamig pa rin.
So eto na encounter ko, yung mattress may plastic cover mo then may bedsheet. So, kada kilos mo eh medyo maingay. Nung patulog na ako, naka-steady lang ako and side view position. Biglang naririnig kong tumutunog yung plastic sa mattress ko na akala mo may tumatabi or umuupo sa tabi ko.. I waited for 3 seconds then nag-move ako para kapain using my legs and arms kung may umupo sa paanan or tabi ko. Pero wala. Eh wala din naman nakahiga sa taas ng bunk bed na hinihigaan ko so sure akong sa mattress ko yung ingay and movement. Ayun nawala antok ko kasi na-bother talaga ako. malamig na nga lalo pa akong nanlamig.
Then encounter naman ng teammate ko sa same bed na yun eh binangungot daw sya. Gising na sya ang pinipilit nya bumangon pero parang may pumipigil sa leeg nya na bumangon. Napadasal na lang sya hanggang sa mabuksan nya yung light ng phone nya at nakabangon sya.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #22 on: October 19, 2017, 07:57:53 pm »
pinkmoscato  :o

lesters_gal

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #23 on: October 23, 2017, 02:25:10 pm »
Wayback 2008, bago pa lang ako nun dito sa company. may coffee shop sa loob ng building namin. yung mga waitresses naaksidente on the way to work sa umaga. 3 ladies were killed, so hindi na sila umabot sa building. sabi-sabi ng mga kasamahan ko dito sa building eh on that day, nakita pa silang nagdeliver ng coffee sa offices and greeted the employees na nakakasabay nila sa elevator. creepy but true daw talaga

Sabi nga nila hindi daw lahat ng tao na nakikita natin sa araw2x sa mga public places like malls, trains or kung san man is lahat ng yun eh totoong buhay.

Sabi din nila kapag namatay ka ngayon araw nato. hindi mo pa daw agad malalaman na patay ka na. Yung everyday routine mo gagawin mo parin. Sa ika 9 days pa ata or 40 days pa bago ka totally mawala talaga dito sa mundo i mean yung soul mo. I dont know if this are true.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #24 on: October 23, 2017, 03:56:10 pm »
lesters_gal hehe tumayo balahibo ko.  :o Sayang limited sa office ghost stories tong thread. I'm sure if not, dami makapagshare.

xiannasofia

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #25 on: October 23, 2017, 04:35:32 pm »
^ and ^^ true! nung na-ospital papa ko, mag kasabay syang babaeng nasa icu at naka-comatose. may bumisitang office mate niya. sabi ng office mate, andun daw sa office niya yung babaeng naka-comatose at inaya pa siyang maglunch then biglang nawala. hindi siya umimik kasi raw alam niyang nasa ospital yung girl at naka-comatose. sad to say, days after nun eh namatay na talaga siya.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #26 on: October 23, 2017, 04:59:49 pm »
^Oh my gulay!!! Kinalabutan na naman ako hahaha! Kakatakot yun alam mo naman comatose, tapos kinausap ka, buti kung di mo alam, tapos later on malalaman.

xiannasofia

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #27 on: October 23, 2017, 05:18:55 pm »
^ dami nakakita sa kanya actually. kahit mga kapitbahay nila, nakita siyang nagwawalis ng bakuran eh naka-comatose din siya nun. sabi nga nila, patay na daw talaga yun. binubuhay lang ng life-support machine niya, kaya kung saan-saan siya nakikita.

lesters_gal

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #28 on: October 23, 2017, 05:55:30 pm »
Scary di ba. Kausap mo tapos hindi mo alam patay na pala yun. Kaloka.😅
« Last Edit: October 23, 2017, 05:57:31 pm by lesters_gal »

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #29 on: October 23, 2017, 06:01:35 pm »
^woah  :o more stories please!!!


sunnnyside

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #30 on: October 27, 2017, 10:27:46 am »
Sis pinkmoscato d kaya same company tayo? Yung dulong bunkbed din kasi sa min nakakatakot. Lagi ko na-sleep paralysis. And may time din na naramdaman ko may nagho-hover sa kin habang nakatalukbong ako ng kumot. What's worse is di ka makasigaw o makagalaw. :(

pandalicious

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #31 on: October 27, 2017, 02:47:37 pm »
I used to work sa hospital, syempre pangakaraniwan na ghost stories, pero ang pinakanakakatakot na narinig ko nung namatay yung may-ari ng hospital. Nakasabay siya sa elevator ng mga interns, tapos binati nila (force of habit) tumango lang daw. Ang nakakaloka, alam na nilang patay na nung umaga palang, so alam nilang multo yung kasabay nila, ayun takbuhan sila pag bukas ng elevator nagulat kaming lahat sa station :D

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #32 on: October 28, 2017, 03:55:48 pm »
pandalicious woahhhhhhhhhhhhhh! Elevator pa?! Nahimatay na ata ako nyan lalo na alam ko patay na.  :o

lesters_gal

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #33 on: October 28, 2017, 05:51:07 pm »
^^Kaloka at talagang grineet pa nila kahit alam na nilang patay yung kasama nila sa loob ng elevator. 😂😂

pandalicious

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #34 on: October 28, 2017, 06:00:08 pm »
^ kaya nga hindi namin alam kung matatakot o matatawa sa kanila, parang nawala daw sila sa sarili 😂😂 wala talagang gumamit ng elevator buong shift nung gabing yun.

simang

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #35 on: October 28, 2017, 06:48:56 pm »
Daming ghost stories sa office namin before (our department is in the medicine building where the anatomy laboratory is located, so andun mga cadavers that students use for anatomy class). I had one experience, saturday yun, walang classes, i was inside the office mag isa working on my laptop. Biglang nag on yun old epson printer located sa station ng department chair namin. Narinig ko na nag on the a few seconds after it sounded like it was printing something! Di na ko naglakas loob tingnan tumakbo na lang ako palabas. Haha

hushush

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #36 on: October 28, 2017, 06:59:57 pm »
^natakot ako dun sa setup nyo..to think na may cadavers malapit sayo...pag mag-isa ka lang eh for sure kung ano-anong nakakatakot na thoughts ang maiisip mo. Like baka biglang magsibangon ang cadavers at magpuntahan sa cubicle mo at waaaa... ala-walking dead ang peg hehe. :D :D

hisana

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #37 on: October 29, 2017, 05:16:28 am »
^^^natakot ako, seryoso! Parang pwede talagang scene sa horror movie.

Miss Taken

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #38 on: October 29, 2017, 06:33:53 pm »
Ang saya talaga magbasa ng real ghost stories lol Sana mas marami pa magpost.

***
Anyway, this story was shared to me by my current officemate.

Nung nasa Pinas pa siya nagwo-work, madalas daw ang OT niya since she's the personal secretary of their director. Maraming paper works na kailangan tapusin kaya no choice kapag naiiwan siyang magisa sa office. One time around 7pm na nun, nagaayos na siya ng gamit para umuwi then nung kukunin na niya yung phone niya na pinatong niya sa tabi ng laptop, nagulat siya na wala na daw dun. Hanap daw siya sa drawers ng desk niya kasi baka namisplaced lang pero wala talaga then nagulat siya nung biglang may tumugtog at syempre narecognize niya na yun yung ringtone ng phone niya.

Sinundan niya yung sound at nagulat siya na nasa table dun sa kabilang cubicle yung phone niya na imposibleng mangyari kasi hindi naman daw siya pumunta sa side na yun. Tapos feeling niya na ang lamig sa room nila eh naka off naman na yung aircon. Kaya ayun nagmadali siyang kunin yung bag niya at kumaripas umalis ng office nila.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Office Ghost Stories
« Reply #39 on: October 31, 2017, 07:02:30 pm »
Sis pandalicious, nakakaloka naman ito. Nakakatawa nga mga interns, nawala siguro sa sarili nila.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close