been there done that pero sakin kasi, di ko alam na may anak na sya (but not married with the mother) and yes mahal ko na din sya para umatras pa.
with you, mas complicated kasi married. and ma-advise ko lang is pag-isipan mong mabuti if worth it ba talaga sya. 6 mos palang naman so di ka pa naman ganon ka-invested sa feelings. 1st thing you have to consider is talaga bang separated sila? based from experience, never believe whatever the guy says patungkol sa (ex)-wife nila unless you have proof. mga lalaki kasi magaling gumawa ng kwento na maf-feel mo na ikaw talaga, but di mo alam, ganon din pala sinasabi nya sa wife nya. UNLESS they are annuled, it is easier for you. and sigurado ka bang hiwalay na sila? ok lang ba sa wife na hiwalay na sila? wag ka pumasok sa situation na hindi ka handa. maging ready ka sa lahat ng pwedeng maging possibility. Para sa wife, at sa ibang tao, makipagrelasyon ka sa isang may asawa, kahit pa hiwalay, the wife can still call you kabit or homewrecker. kaya mo ba lunukin yun for the sake of your relationship with this guy? ok lang ba sayo na nagkikita sila ng wife nya kung may anak sila? tingin mo ba, walang mangyayari sa kanila kung magkita sila? how sure are you na kung may anak nga sila, para sa anak lang lahat ng ginagawa nya at hindi sa nanay?
kwento ko lang, i have a friend with a child sa married man. 7 yrs na sila and processing parin ang annulment nila, you know what's sad in their relationship? toxic at bitter yung (ex)-wife, so up until now, tinatago parin sya ng bf nya. pati mga anak nila sa kanya lang nakapangalan para hindi masilip ng wife. hindi sila pwede mag mall ng magkakasama, hindi pwedeng mapicture-an sila as family, no socmeds, no tags. are you ready for that kind of relationship? ang dami pwede mangyari sa mga married relationship. kahit pa emotionally separated sila but by law, they are still married, pwede ka parin makasuhan ng wife. sorry kung medyo nega, pero sabi ko nga, been there done that. hindi pa kasal yung sa akin ah, sobrang dami ko na pinagdaanan. i stayed kasi pinanghahawakan ko na hindi naman sya kasal. pero kung kasal sya, im out agad.