@naizlabonita, nambabae na pala partner mo!
eto yung fear ko sa live-in kahit pa may anak na kayo. kasi kahit asawa ka, may chance parin naman na lokohin ka ng asawa mo. but then, wala syang choice kundi ayusin ang marriage niyo dahil mag asawa na kayo.
Sis, sa panahon ngayon, kahit mag asawa na kayo, makakapal na mukha ng mga lalaki these days. They can do anything, mag asawa man o hindi.
mahirap din naman pilitin ang lalaki na pakasalan ka kung talagang wala pa sa isip nya. hay, super complicated lalo na if may anak na din na involved. unlike kung pareho kayong single and pwede pa kayo magback out sa setup nyo. pag may anak na kasi, hindi lang future ng relationship nyo ang iniisip nyo, pati future setup sa mga anak niyo if worst comes to worst...
Ako naman, imho, being pregnant or having a kid is not a good reason marriage, lalo pa mag live in.
Magpapakasal kayo kasi mahal nyo ang isa't Isa at higit sa lahat, HANDA kayo. Ready na kayo maging independent at magtulungan para maabot mga pangarap nyo.
TS, sorry ha, pero sa asta ng partner mo, di pa sya ready mag asawa. San ka nakakita ng nagtatanong ka lang at magagalit na. Parang bata na di marunong mag express ng thoughts nya. What more if Ibang Mas serious na away, paano kayo nag uusap nyan.
Kung ako ikaw, matagal ko nang iniwan iyan. Una una nambabae agad, di pa nga kayo matagal nagsasama. Tsaka nung nag live in kayo, nag promise ba sya ng kasal? If yes, bakit sya nagagalit ngayon? If no naman, bakit ka nag e-expect ngayon?
Second, he can't even afford to Raise a family, bakit mo gusto makasal dyan? Mukhang sakit lang sa ulo ang magagawa nyan Sayo.
Kung makikipag-live in, dapat kasama ang marriage sa future plans. At sana walang mga anak na involved.
Agree ako dito. Tsaka once pumayag ka to live in, alam mo there's a possibility na di kayo makasal. The best you can do TS is huwag ka na muna magpa buntis, at least, if di mo iyan mahiwalayan for now.
Sometimes kasi I've seen women always saying they want a complete family. Or the stupid guy is a good Father kaya di mahiwalayan. Pero in reality, all we wanted is a happy family na picture sa mind natin. Ang kaibahan nga lang, puede tayo magkunwari maging happy. But in reality you're miserable, and if communication doesn't improve between the two of you, unless gusto mo mag tiis habang buhay, hiwalayan din ending nito. Sorry for being harsh. Kasi it is obvious you're bothered na walang plans of getting married.
Why do you want to get married?
1. Mahal mo sya? If mahal mo sya, being married or not doesn't matter.
2. Mas magiging close sila ng anak mo? Eh they're staying in 1 roof nanga so being married doesn't change that.
3. Para wala na sya pakawala kahit mambabae? You want a marriage with a babaero Husband? You don't know what you're getting into. It's a life of hell. Better stay away and find your Mr Right habang Bata ka pa. once you're old na, tsaka mag sink in ang pagsisisi.
4. To show the world that you are married para di nakakahiya sa Ibang tao na nag live in kayo nang di kasal?
For me it doesn't matter naman ano sasabihin ng Ibang tao eh. Bottom line dapat masaya ka. But you really have to figure out ano Ang ikasisiya mo if you get married to a partner like yours.
Sis, ang daming lalaki na Mas ok sa bf mo. And don't give us that crap you love him. In marriage, dapat lahat maayos - pag uusap, financial, tirahan, compatibility/interests ninyong dalawa. Coz eventually love fades (eventually ha, not within first year of living in). So para masabi mo masaya ka, dapat tama Yung tao na pakakasalan mo.