Author Topic: When Grandparents play favorites  (Read 2199 times)

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
When Grandparents play favorites
« on: July 14, 2017, 04:55:33 pm »
I just want to vent out my frustrations and at the same time hear your point of views.

May sama ako ng loob sa in-laws ko-- sa parents and siblings ng husband ko. Noon naman okay kami. Wala akong problema sa kanila. It all started when I gave birth to our rainbow baby (I had 2 miscarriages prior). I oftentimes feel na iba ang treatment nila sa baby ko. As if wala lang. They have another apo (apo nila sa daughter nila) who was 8 months when I gave birth. Noong una naiintindihan ko na wala man lang umalalay samin mag-asawa when I gave birth kasi both lolo and lola ang nag-aalaga dun sa isang apo nila. I understand because their daughter is working and wala din kaming yaya. Kaya lang I just felt we were a bit neglected. I gave birth via CS and wala kaming yaya that time. My mother is already dead, and my father is based in Manila. So basically I have no one na malapitan. Thankfully, medyo flexible ang time ni husband because he has his own business, but pag wala sya, kami lang talaga dalawa noon ng newborn ko. Sobrang na-depress ako kasi parang awang-awa ako sa sarili ko, while dala-dalawa sila dun sa kabila, ako ni hindi ako makaihi or makakain pag wala si husband ko. Pero ok lang sana yun eh. Keri pa. Ang nasaktan lang ako, yung kapag nag-re-request minsan si hubby ko na puntahan kami ng mother niya sa bahay para samahan ako kahit 1-2 days lang, nafi-feel ko na parang napipilitan sila and burden sa kaniya yung pagpunta sa amin and pag-aalaga sa baby ko. There was also a time na nag-uusap kami ng MIL ko and nadulas sya na nag-usap sila ng [textspeak!] ko noon kung pano ang set-up nila in case manganak na ako, sino sa kanila ang maiiwan dun sa isang apo, sino sa amin. Sumagot daw yung [textspeak!] ko ng "ayoko dun sa kanila, si Lito magpapalamon satin" (Lito is my father). Nasaktan ako. Bakit may ganun? Yes, our family is well-off and sometimes my father would give us gifts and assistance because ganun lang talaga sya. Pero hindi siya ang nagpapakain at bumubuhay sa amin. We have our own source of income and sobra-sobra pa. Nainsulto ako kung bakit niya nasabi yun eh nagta-trabaho kami ng matino and at the same time, ayaw mo alagaan apo mo dahil sa ganung dahilan? Pero pinalampas ko yun. Next naman, just one of those rare days na pumunta si MIL para bantayan daughter namin kasi back to work na ako and si hubby naman may nilakad. Pagbalik daw ni hubby, stress na stress si MIL. Di niya daw kasi mapatahan si daughter namin. Tapos sabi daw ni MIL "Di na ako babalik dito! Kala ko ba di iyakin to?" Girls, pwera usog, di po iyakin daughter ko. She is a happy baby and very easy to please. Hindi niya lang talaga alam pano patahanin anak ko kasi di nila kilala kasi di naman sila nag-e-effort mag-spend ng time sa kanya. Yung husband ko medyo nasasaktan alam ko, ayaw niya lang gawin big deal kasi pamilya niya. Pero lam ko nasasaktan din sya. My daughter is now almost 8 months and sa 8 months na yun, pag may okasyon lang nila nakikita yung anak namin. And to think di naman malayo bahay namin. Hindi rin out-of-way ang bahay namin from their house to the house of their daughter. Pero dinadaanan lang kami. Walang dalaw or anything. Ano ba naman yung daanan niyo diba? Kasi apo niyo rin naman. Pero sige, ayaw niyo eh di wag. Kaso eto na naman, may yaya na kami. Last month, umuwi ng probinsiya yung yaya namin kasi namatay brother niya. One week syang mawawala. Nag-panic kami kasi pano gagawin namin, sino maiiwan kay daughter. So my husband called my MIL para humingi ng favor na samahan muna kami temporarily. Rinig na rinig ko sa phone, na para bang problema ang hatid namin and tinurn down niya si hubby-- na kesyo madami daw syang gagawin at hinahabol. I saw the hurt and disappointment in my husband's face. Pero sobrang bait lang talaga niya na anak. Di namin pinilit. After 2 days, malalaman namin, na lumuwas si MIL kasi yung yaya nung isang apo nila ay di na pumasok. Grabe talaga. Pag kami humingi ng favor, busy, pero pag yung isang apo, di magkanda-ugaga. Ewan ko ba mga sis. Pero naaawa ako sa anak ko. Ano ba ginawa niya to deserve this kind of treatment. Sobrang adorable ng anak ko pero she doesn't get to experience alagaan ng lolo at lola. Yung father ko na malayo pa pinang-gagalingan at kelangan pa lumipad ng eroplano, ay mas madalas pa nakakasama ng anak ko. Di ko alam kung sensitive lang ba ako, or may reasons ako para maka-feel ng ganito. Meron bang naka-experience sa inyo ng ganito mga sis? Sorry kung mahaba. Gusto ko lang ilabas sama ng loob ko kasi di ko masyado ma-open to kay hubby kasi syempre pamilya niya parin sila. Pero ang tagal ko nang dinadala to, and naiipon lahat ng sama ng loob ko na wala akong outlet sa nararamdaman ko. Nakaka-depress lang kasi. They say it takes a village to raise a child, pero hello, para kaming pinabayaan mag-asawa. Iniisip ko na lang yung benefits nito. Na mas bonded kaming tatlo kasi kami-kami lang talaga sa hirap at ginhawa.

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1434
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #1 on: July 14, 2017, 06:36:51 pm »
Hi sis, eto from an outsider's point of view lang. kasi may mga ganyan talagang eksena sa mga inlaws, at usually favorite talaga ang unang apo, at hindi lahat pare pareho ng treatment sa anak etc. Siguro learn to detach na lang ang never expect anything from them.

 I hope you stop feeling sorry for yourself and your baby kasi ang importante naman eh yung unit nyong 3. Kayo talaga ang pamilya, ang asawa mo at anak mo, period. Sa inlaws, grandprents, relatives etc..eh hindi na masyado dapat mag expect anything from them. Focus on the good. Your baby have your dad naman as a grandparent. Your baby will be fine as long as you focus on what is good.

Kasi the more you dwell on the negatives eh lalo lang sasama loob mo. Detach yourself from them, tipong civil lang at kung ano sila sa yo ganon ka na lang din sa kanila, Wag mo na intindihin kung ano sila dun sa isang anak or apo, just think it's none of your business at sila din labas sila sa kung ano man meron kayo ng asawa mo and yung sa dad mo.

Tsaka yun nga no expectations dapat,
Kung alam mo naman na wala kang aasahan from them na tulong eh i guess just try to find other solutions pag tungkol sa pag alaga kay baby. You don't need them. Kaya mo yan sis, there's always a way.

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #2 on: July 14, 2017, 11:49:44 pm »
Thank you sis. Ganun na nga lang gagawin ko. Actually na-notice ko even may husband parang naging detached sa kanila. Medyo sumama din kasi loob nya kasi sya eldest and naging breadwinner noon, pero ngayon na sya nangailangan, parang dedma. Naawa din ako sa kanya everytime ni-re-reject kami or kapag nalalaman niya na ni-reject kami pero turns out andun sa kabila. Thanks sa advice sis. Naglabas lang talaga ako ng sama ng loob kasi nadedepress ako. Di ko alam kung post-partum blues lang to or ano, pero di ko kasi masabi masyado kay husband tong nararamdaman ko kasi alam ko na ngang may sama din sya ng loob, parang gagatungan ko pa. Haay.

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1434
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #3 on: July 15, 2017, 12:37:56 am »
Tama naman yan sis kelangan mo din ng outlet para malabas kung ano man nasa loob mo, ok ang mga ganitong forum na you can vent out or ask advice from other people especially if hindi natin kayang ilabas ito sa mga taong close satin.

 Ako, dito din ako nagrarant or naglalabas ng inner thoughts ko na hindi ko masabi sa mga taong malapit sakin hehe. It helps to unload kumbaga. Parang therapy na rin kahit pano hehe.

 Anyways, goodluck sis, just be strong. Isa sa mga natutunan ko dito sa girltalk eh.. The more na wala kang pake sa mga taong walang natutulong sa yo, and the less you see/talk to them, the more things get better. Just shift your focus on the people you love and who loves you back.

Sakin kasi hindi ko na rin inaalam ang mga pinagagawa ng inlaws ko or sinasabi nila about me. As in deadma haha! Bahala sila dyan. When i stopped trying to know what they do or say, sobrang gumaan ang buhay ko hehe.

Tapos pag sila may kelangan deadma din ako hehe. Madami naman silang kamag anak, dun sila humingi ng tulong. Hindi ko naman sila tinatarayan or inaaway, just deadma lang at drama ek ek, kunwari sorry po kasi ganito ganyan.. in short, i give them the same BS that they gave me when i was the one needing help hehe.

So maigi na yung may boundaries since sila naman nag umpisa nun hehe. Alam nila na wala silang aasahan sakin same as alam ko na wala din akong aasahan sa kanila. hubby knows naman how i feel about them pero i don't rant na sa kanya kasi syempre pamilya  niya pa rin yun. Basta alam niya ang stand ko. And i am thankful  na he stands by me naman hehe

kvan

  • Introvert, Demisexual
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3307
  • Accidental Cougar
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #4 on: July 15, 2017, 02:56:36 am »
Stop expecting anything from them and you will get along better. To be honest, it's a favor given to you if they decided to take care of you while recuperating. You don't want to owe them anything if they are like that. Otherwise, maririnig mo pa yan na sumbat. I also gave birth via CS. But I pretty much was on my own dahil dito ako nanganak sa Canada. It is not easy but it's doable kahit mag-isa ka lang.
"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" ---Matthew 6:34

minabey

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 229
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #5 on: July 16, 2017, 12:34:22 pm »
Share ko lang side ko, sis, sa in-law point of view naman.  ;D

I have 2 SILs from two brothers. Yung isa, I'm close to and am very fond of and the other, I just tolerate. My fondness also extends to the children. I'm very fond of one set of kids and not so much the other but I love all my nieces and nephews. I just don't like all of them.  :D
If I got an invite from them, the ones I like, I will bend over backwards to make sure I made it but for the other, I went because I had to, fake smile and all.

They're all grown now, some working already (big age gap with my brothers) but I think even as kids, they knew who was genuine with them.

I guess what I'm trying to say is I agree with previous poster na don't expect anything. Bonus na lang if they do something nice for your family. If they like you, I don't think you need to tell them you need help. Magkukusa silang mangumusta at magtanong kung may kailangan kayo or kung may maitutulong sila sa inyo. Keep them in arm's length and be civil so your daughter still has an open line to your husband's side but no expectations na lang.

Glad that your daughter has your dad at least. Better to have people around her that loves her. It will get more complicated as she grows older but who knows, maybe later on, they'll turn around and will want to get to know your daughter.

If you can keep that negativity away from your family and concentrate on building a happy, loving positive family environment, I think it will be better for you. Kaya nyo yan, sis!  ;D


lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #6 on: July 16, 2017, 04:29:36 pm »
lam mo sis TS, yung paghingi ng tulong sa in laws or maski sa side mo may maidudulot din hindi maganda sa pamilya mo. bakit kamo?

--mawawalan kayo ng diskarte pagdating sa pagpapalakad ng pamilya. pakiramdam niyo may maasahan kayong tulong mula sa kamag anak.. not i'm saying its all bad pero papasok kasi ang mga salitang...

--UTANG NA LUOB. sis sa totoo lang mahirap bayaran eto. di bale ng ibang tao ang tumulong sayo wag lang kadugo.

-- mahirap din kapag involve ang grandparents sa pagpapalaki ng apo. pati sila kasali sa desisyon na gagawin niyo mag asawa para sa anak niyo.  yan pa ang possible niyong pag awayan mag asawa pagdating ng araw.

kaya kung ako sayo sis, cheer up! pasalamat ka na rin at ganyan sila ka distant sainyo. for all you know they are giving you favors pa nga. one of them is peace of mind!  ;D

galing ako sa sitwasyon kung saan masyadong naging involved ang magulang ko sa first born ko.. i appreciate it at first (kasi siyempre kailang ko tulong nila nuon) then again they became too much involved,, naku sakit na sa ulo! kung alam ko lang nuon, i should have done things differently.

 

shinies

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 717
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #7 on: July 18, 2017, 12:35:15 am »
Siguro dapat dagdagan niyo na lang yung pagiging independent niyo.. Tipong, kung ang sitwasyon ay talagang nakabukod kayo na walang in-laws na malapit sa inyo, ano gagawin niyo?
Sa ibang bansa ganyan din naman as in waley at sila-sila lang talaga.. Change in perspective lang siguro na hindi naman nila kayo kailangan alagaan..

At kung wapakels sila sa anak mo, eh di wapakels ka na lang sa kanila ::) Ganyan ginawa ng nanay ko. Kitang kita mas paborito yung mga apo dun sa paboritong anak kaya ni minsan hindi umasa mga magulang ko sa kanila.
Pinaka-importante naman para sa anak mo eh kayo. Hindi kayo kawawa kasi andiyan kayong 3 para sa isa't isa.

Aanhin mo naman kasi yung magpapasama sa ganyan na napipilitan o napakanega kung ano ano pa sinasabi sa ibang tao o ang reklamo masyado sa anak niyo? Parang wala naman silang magandang naidudulot sa inyo.

Ang maalagaan ng lolo/lola ay nice-to-have lang pero di required. Required ng anak ang magulang niya kaya wag mo iisipin kawawa siya.
Yan ang experience naming mga pinsan ko na hindi mga paborito ng lolo/lola. Di rin namin sila hinahanap kasi sanay na wala sila. Ok naman kami at hindi malaking kawalan dahil inalagaan naman kami ng mga magulang namin ::)

Dahil nagtatampo na ang husband mo, mas mabuti na ikaw yung maging positibo at iparamdam mo sa kanya na hindi kailangan umasa sa mga magulang niya. Bawas bigat ng loob ba.

diann28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 56
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #8 on: July 18, 2017, 06:33:23 am »
hehe nakaka related ako dito. Sakin naman una apo yun anak ko both side. Lalake yun 1st born ko. Yun mother inlaw ko noon halos di na ibalik yun panganay ko samin noon ng asawa ko. Lagi nya kinukuha panganay ko. Kami pa sumusundo sa anak ko. Kamukang kamuka kasi ng panganay ko ang papang nya ( father inlaw ko. ) eh kamuka pa ng asawa ko yun father inlaw ko. Kaya lagi nasa mother inlaw ko panganay ko. 40mins pa ang byahe ng bahay nila papunta samin. Sa parents ko naman spoiled din panganay ko sakanila. Kasi 1st apo din.tuwing sunday sinasama nila mag simba at pinapasyal. 6yrs old na pala panganay ko. Tapos nag ka anak ang kapatid ko.babae. nakita ko kung paano i spoiled at mahalin ng parents ko yun pamangkin ko parehong pareho sa panganay ko. Equal na equal lang.
Eto na. Nanganak ako sa bunso ko. Lalake ulit 2nd born ko. Kamukang kamuka naman ng papa ko 2nd born ko. Si mother inlaw. Di sila close ng parents ko.sa ospital pa lang 5mins lang sya andun at umalis agad. Lalo na nakita nya di kamuka ng father inlaw ko yun bunso ko.tapos di tulad sa panganay ko na lagi hineheram. Sa bunso ko never sya ginanon ng mother inlaw ko. Pupunta dito mother inlaw ko para sa panganay ko.pag babakasyunin sakanila. Or isasama sa out of town. Pero bunso ko waley... sa parents ko since kamuka ng papa ko bunso ko. Ganon din.pano i treat ng parents ko panganay ko at pamangkin ko. Ganon din sila sa bunso ko. Wala naman ako sama ng loob sa mother inlaw ko. Oklang sakin kung mas favorite nya panganay ko kaysa sa bunso ko. Dalawa palang apo nya. Yun dalawa anak ko. Naisip ko di naman kawalan yun sakin kung ganon sya sa bunso ko.busugin ko nalang sya ng pag mamahal.at dapat sakanila mag kuya wala ako kami favorite ng papa nya.

Di rin pala kami close ni mother inlaw. 7yrs na kami kasal ng asawa ko. At 3 yrs inrelationship. Sa 10yrs na yun ramdam ko ayaw nya sakin. Unlike sa mga gf ng mga brother inlaw ko. Na halatang halata gustong gusto nya. Dati kasi bread winner ang asawa ko. Tapos may work din ako dati.nag resign ako. Naging house wife. Naging house wife ko. Sister inlaw ko na yun breadwinner nila.pero until now.may monthly allowance pa din si mother inlaw ko sa asawa ko. Oklang sakin. Mahalaga ok kami ng asawa ko at di kami pinapabayaan. Oklang din sakin di kami close ni mother inlaw. Dati big deal.pero natangap ko na... na ganon talaga
« Last Edit: July 18, 2017, 06:50:28 am by diann28 »

skela96c

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 396
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #9 on: July 20, 2017, 03:32:52 pm »
hi TS, i guess what you're feeling is perfectly normal. natural lang naman na mahurt lalo na anak mo ang concern.  sometimes i feel same way with my in-laws too.  nakakalungkot pero iniisip ko na lang, kung ayaw nyo, wag.  let it be a challenge. we will have a happy, well-balanced, disciplined kid, no thanks to the in-laws.  hehe




 

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2102
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #10 on: July 20, 2017, 06:24:09 pm »
Since di mo maasahan ang MIL mo kayo na lang ang mag adjust mahirap kapag hindi bukal sa loob magiging utang na loob mo pa at madali lang isumbat sa inyo mga nagawa nila. Ako never ko nafeel ang lolo or lola. Wala na kasi ako lola both sides lolo na lang na may favorite apo at anak pa. Mom ko naman hindi man lang excited nun manganak ako sa dami ba naman apo nila. Buti na lang sa side ni hubby mahal na mahal anak namin. Lalo na pag ka anak ko post patrum nag stay kami sa kanila ng 1 week para kahit papaano makapag rest sa nga gawain bahay. Hindi ko nga na feel na nasa ibang bansa ako or foreigner ang Inlaws kasi para silang pinoy sa todo support sa amin mag asawa.

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #11 on: July 22, 2017, 12:46:42 am »
Thank you sis sa mga inputs niyo. Tama kayo, less expectations para less hurt. And maybe I'll try to be more understanding na lang. Ang worry ko lang kasi baka pag laki ng anak ko magstart sya magtanong ng mga bagay-bagay like bakit yung pinsan niya ganito, ganyan. Although, I think naman kung busog naman sya ng attention and pagmamahal samin, di siya magccrave ng attention from others. Shoo shoo na mga negative. Kung ayaw nila, eh di wag. Basta palalakihin ko anak ko na may respeto parin sa kanila kahit medyo dedma lang sila sa kanya na parang kala mo di nag-eexist anak namin. Anyway lilipat na kami ng Manila and lilipat na kami at lahat, 8 months na anak ko, 3x pa lang nakikita nung lolo yung anak ko, while ang lola naman last niyang kita sa anak ko was 4 months na. Bahala sila.

Richardrobert

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: When Grandparents play favorites
« Reply #12 on: June 25, 2018, 01:44:08 pm »

I believe that my parents were not fond of each other's parents,  so we didn't see them very frequently as children, and close relationships, between us youngsters and our man or woman grandparents, Essay Writing have been not advocated or supported.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close