Hello! Gusto ko lang po sana humingi ng advice/opinion ninyo kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang relationship ko with my bf, itago natin sa pangalang Jay. Ganito kasi ang sitwasyon:
I am a single mom. Kinasal ako at a young age of 19 years old. After 1 year, iniwan din kami nung tatay ng anak ko. After 3 years, naging kami ni Jay. 7 years na kami ni Jay. Mabait siya, mapagmahal, understanding, faithful, malambing, and sweet. Mahal na mahal na mahal niya ako. Tanggap niya ang anak ko. Tunay na anak ang turing niya sa kanya at tatay naman ang turing ng anak ko sa kanya.
35 years old na si Jay, isang call center agent. Silang 2 na lang ng tatay niya ang nasa bahay and pinapadalhan naman siya ng pera ng ate niya every month. Kung tutuusin, sapat ang kinikita niya plus padala pa ng ate niya para sa household expenses, pero dahil sa mishnadling sa finances and wrong business decisions, baon siya sa utang. Ako naman, isang professional, sabihin natin isa akong abogada na nagtatrabaho sa sarili kong law office. Hehe.
Ang pinakaissue ko sa kanya ay wala pa rin siyang ipon at baon sa mga utang dahil sa mga negosyo na pinasok niya na agad na nagsara. Gusto niya umasenso pero puro palpak ang mga pinapasok niya dahil hindi pinag-aralang mabuti at mas nakinig pa sa mga taong di rin naman successful. Palagi ko siyang pinagsasabihan na pag-aralan muna ang papasukin niyang negosyo, calculated risk ba.
In short, at his age, hindi pa rin financially stable si Jay. For the past 7 years, palagi kong sinusuportahan si Jay sa mga ginagawa niya. Malaki ang hope ko na aasenso din siya. Binibilhan ko siya ng mga self-help books para mamotivate siya (na hindi din naman niya yata binasa, sad), and palagi ko siyang ineencourage na magsumikap kung ayaw niya yung sitwasyon na ganyan. Kung ano-ano na rin yung sinuggest ko sa kanya na pasukin niyang work/sideline na may mas malaking income para makabawi siya, pero ayaw niya kasi takot siya mawalang ng stable job. Hindi ko siya binibaby na feeling sorry for him. Gusto ko gumawa siya ng solusyon sa problema niya.
Siya yung tipo na kapag nagfail sa isang bagay, madedepress tapos F n F na yung failure niya. Yung parang bata na magmumukmok sa kwarto imbes na matuto sa mga pagkakamali at lalo pang magsumikap. Ako naman yung kabaligtaran. Ako yung mas namomotivate kapag may problema, and mabilis akong matuto sa mga pagkakamali ko. Kumbaga, don't dwell on the problems. Solve them. Siguro kaya ineexpect ko si Jay na dapat ganun din, which is dapat ganun naman dapat talaga di ba.
Kahit na hindi pa naman annulled ang kasal ko, gustong-gusto na ni Jay magsama kami at bumuo ng pamilya lalo na at nagkakaedad na siya. Ang sabi ko sa kanya, saka na kapag stable na siya dahil hindi kami mabubuhay ng puro pagmamahal lang. Sa totoo lang, gustong-gusto ko na rin magkaroon ng buong pamilya. Pero hindi ko feel na safe at secured ang magiging mga anak ko kay Jay. Alam ko kaya ko buhayin ang pamilya ko pero kailangan ko din naman ng partner, ng katuwang sa buhay, hindi yung hihilahin ka pababa dahil sa kind of mindset niya.
Ngayon, nakipaghiwalay ako kay Jay. Sabi ko, baka mamotivate siya kapag wala na ako. Nafufrustrate na ko sa kanya. Wala kasing growth ang relationship namin. Habang ako naaabot ko ang mga goals ko, siya naman ay palubog nang palubog. Ever since naman tinulungan ko siya maabot mga pangarap niya. Nakakapagod din yung palagi na lang ikaw yung nagsosolve ng mga financial problems niya (to the point na ako pa umasikaso ng job application niya sa isang company and minsan ako pa nagaabono ng credit card expenses niya under my card kasi hindi niya mabayaran on time).
Sa tingin niyo po ba, dapat ko pa bang ituloy itong relationship ko kay Jay given the situation? Iniisip ko kasi, baka maghiwalay din kami kapag mag-asawa na kami dahil sa pera. Please I need your advice/opinion.
Thank you so much!