Author Topic: I'm a husband and i need advise  (Read 10371 times)

cupcakejane

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #40 on: November 16, 2017, 10:34:54 pm »
Guys i'm not sure if im even allowed to ask question sa Girls talk forum na to but i really need help.

Nalubog ako sa utang na hindi ko kayang bayaran , utang sa banko, utang tao, utang sa magulang, wala na ako malapitan at inopen ko sa kanya ang totoong sitwasyon pero bakit ganon mas inuuna nya pa ang pag seselos kesyo puro daw ako barkada wala namang katotohanan inamin ko sa kanya na dahil sa kanya nagawa kong magdrugs at sinabi ko na gusto ko na magpakamatay pero daig wala imbis na ang inaasahan ko simpatya at palakas loob iba ang pinakita nyang reaction natawa pa, sabi ko ano ba to..

Pero naovercome ko po ang pagkalugmok ko at heto gumaganda nanaman ang takbo ng trabaho ko pero sya ayan ganyan pa din, puro reklamo, puro selos ang mga anak ko sa una kong asawa dahil sa pagkalugmok ko hindi ko na kasama tinitiis ko kasi nag tetake advantage din ako para makarecover pero nong tinanong ko sya kung ok ba na pauwiin ko na mga bata ang sagot nya sakin hindi kasi ayaw nya na daw mag alaga .. sobrang sama ng loob ko, sobra sobra.. hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya at lalong hindi ganito ang gusto kong takbo ng buhay ko ...

Feeling ko nauulit nanaman .. kailangan ko ng tulong, alam ko nilalason lang sya ng pride.. ano ba gagawin ko para marealize nya kung ano papel nya? kagaya ngayon nagising ako na me topak sya di ko pa sasabihin na ipag hain ako di pa ako ipag hahain .. ni hindi nga ako pinagtimpla ng kape..

hindi ko naman sila ginugutuman, hindi naman sya minamaltrato ng mga magulang at kamag anak ko, sabihin na nating paminsan minsan lumalabas ako pero hindi naman din ako nag tatagal sa labas at nagpapaalam naman ako ng maayos minsan nga kahit maayos na paalam ayaw nya.. hindi rin ako lasenggo, minsan sa ginagawa nya gusto ko nasa labas na lang kausap mga kaibigan pero kasi alam ko iniisip non pag wala ako sa bahay..



Ang gusto ko po mangyari maintindihan nya ang papel nya bilang asawa, maksama ko ang mga anak ko ayaw ko silang magkakahiwalay at alagaang maigi ang mga anak namin.

Ano po ba gagawin ko at ano bang mga mali ko na dapat kong ituwid? kahit sex life sobrang walang kadating dating ewan ko ba pag niyaya mo naman sasabihin malibog ka ganito ganyan haay so kanino ako mag lilibog sa ibang babae? ang sakit at ang bigat ng loob ko di ako perpekto at hindi ako malinis kaya sana mapayuhan nyo naman ako...

counseling po ba solusyon? kasi baka wala naman akong budget para don.. help po

salamat sa pagbabasa ng napakahabang storya ko..

I understand now kung bakit hindi natutuwa sayo mga tao.  Una, what you need is a therapist.   Please stop blaming your wife, partner, your mom and everyone else beside yourself.  I don't know what you do for a living, but considering you let her do everything at home, I guess its not enough for you guys to hire help.  Ang bigat ng vibe mo, seek help.  Wag one sided, wag masyadong mataas ang tingin sa sarili just because you bring home the bacon.

batangpasaway

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #41 on: November 17, 2017, 06:36:24 am »
Alam mo bro, mukang hindi asawa hanap mo sa buhay. Ginawa mong alila yung asawa mo e. Wag mo masyadong paulit ulit ipagmalake yung financial support mo sa family mo dahil hindi sapat yun. Kelangan matuto karin tumulong sa gawaing bahay. Tsaka andame mong anak. Sa anak palang ubos na energy ni misis, nag-eexpect ka pa na pagsilbihan ka at magkaroon ng good sex, at dagdagan ng anak na di naman kanya yung inaalagaan nya.  Bago tignan kamalian ng partner mo unahin mong tignan kamalian mo. Baka nga nagkaganyan sya ng dahil din sayo. Bago mo gustuhin ipaintindi ang papel nya sa buhay mo intindihin mo muna yung papel mo sa buhay nya. Bago mo hangarin na maging mabuting asawa asawa mo tanungin mo sarili mo kung mabuti ka rin bang asawa. More than being your family's provider, you should also be a father to your children and a helper to your wife. Dapat nagwowork kayo as a team. Ni minsan ba nagawa mong tanungin asawa mo kung [textspeak!] pa maitutulong mo, kung okay pa ba sya? Or lage nalang ang hinahanap mo ay kung anung magagawa nya for you? Hindi madali maging stay at home mom. Ni hindi nga nauubos ang gawaing bahay e.

kvandenhaak

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #42 on: November 17, 2017, 07:19:04 am »
Bakit naman kelangan pa sya ipaghain at igawa ng kape? Can't he do that himself? Parang maid ang turing sa asawa?

kirsten10

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #43 on: November 17, 2017, 03:14:28 pm »
kailangan ni TS ng yaya. tiga timpla ng kape nya, at tigahain. tiga alaga ng mga anak nya. tiga pagsilbi. ganito kasi ang typical na family model na tinuturo nung unang panahon. daddy, provider. mommy, house, take care of children and husband.

iba na po ngayon TS sa makabagong panahon. equal duties na. kung stay at home wife man sya, appreciate mo sana na napakahirap sa bahay, lalo na 5 anak aalagaan? sobrang pagod yun. aba e laba, luto, bantay pa lang, tapos paghahain ka pa at timpla kape? at sexy time sa gabi, at effort pa para mag ayos sympre. omg, napakataas ng expectation mo sa asawa mo. be realistic. hindi sya superwoman. at hello, magtimpla ka ng sarili mong kape at maghain ng food mo. or sya ang pag silbihan mo kasi pagod na sya sa 5 anak nyo. im sure naka upo ka maghapon sa office mo, try mo kumilos sa bahay.

and very consistent, lahat ng issues mo sinisisi mo sa partner mo. be accountable for your actions, hindi lahat kasalanan ng iba. recognize mo din un issues mo. kakaloka ka.

nicoletta

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #44 on: November 18, 2017, 05:14:32 pm »
my gosh I can't believe kung anong gusto niyang gawin ng asawa niya for him

mysterioza_me

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #45 on: November 18, 2017, 10:57:26 pm »
^Obviously katulong sa araw, bedwarmer sa gabi

 

Latest Stories

Load More Stories
Close