Author Topic: I'm a husband and i need advise  (Read 7439 times)

iamdidiaz

  • Probationary
  • Posts: 3
I'm a husband and i need advise
« on: May 10, 2017, 01:06:19 pm »
Guys i'm not sure if im even allowed to ask question sa Girls talk forum na to but i really need help.

Bago ko man po sabihin ang problema ko i'll be honest with you kung anong klaseng lalaki ako before ako nag asawa (hindi po kasal)

14  years old po ako natutong manligaw, 18 po ako nong nakaramdam ng tingin ko tunay na pagibig pano ko po nasabi? kasi right after po nong nagkahiwalay kami (pinaghiwalay) e never na po ako nagtino and babae po sakin e come and go lang at never ako nakakaramdam ng panghihinayang.. sobrang walangya ko nagagawa kung makipag sex kahit sa harap ng gf ko pero di naman po ako nanakit kasi nga po wala naman dapat saktan kasi kapag nahuhuli po ako inuunahan ko na po ako na ang nakikipag hiwalay agad. talkish pa ako as in. Yan po ako at hindi ko po pinagkakaila to at lalong hindi ako proud.

Pagdating naman po sa personal na buhay ko, isa po akong under grad, sutil, pasaway at walang pangarap sa buhay, rebelde at sinisisi ang nanay dahil never ko nakilala tunay kong tatay, pero meron akong step father na walang ibang ginawa kundi sumbatan ako sa kawalang yaan ko pero ramdam ko naman na mahal nya ako sadyang isip bata lang kaya imbis na makinig sa payo lalo pang nagrerebelde

21 years old po nong narealize ko na parang walang nangyayari sa buhay ko puro na lang ako ganito ganyan kaya nag tinuloy ko ang pagkacollege sa tulong ng tyuhin ko pero walang nangyari dahil piangselosan ako ng mga kapatid ng tyuhin ko at ginawan ako ng tsismis kaya hindi na ako nakapag tapos at hanggang sa naging tambay na lang ulit dahil nawalan na ako ng gana sa buhay ko.

23-24 years old po ako nong naisip kung tumatanda akong paurong at ni hindi ko man lang mabili ang gusto ko kasi tambay lang ako isa pa di naman ako bobo hanggang sa triny kong mag apply sa call center para mabago na din buhay ko kasi mga kaibigan ko unti unti ng nagkakanda walaan yong iba nag aabroad, yong iba may trabaho na ako na lang tambay.

Habang nag wowork ako as call center agent nakilala ko tong babae na nagpatibok ng puso ko, maganda, matalino, maka dyos hanggang sa naisip ko ito na ata ang time para mag asawa na ako gusto ko ng magkaanak gusto ko ng mabago buhay ko at tingin ko ito na ang tamang panahon at ayon nga po nabuntis ko sya nagsikap ako ginawa ko nag resign ako sa trabaho para mafocus ako sa asawa ko at mabantayan ko pag bubuntis nya masigurado kong nakakakain sya sa tamang oras at masustansya mas pinili kong mag freelancer para mabantayan ko sya, sya naman ang wowork pa hanggang 7 months sa pagsasama namin at pagbibilang ko medyo napapaisip ako na parang kulang ang bwan ng pag bubuntis nya pero never sumagi sa utak ko na hindi akin ang pinagdadala nya ang nasa isip ko premature ang bata kasi nong pinanganak sya 8 months lang ang bilang ko ang sabi ng asawa ko premature pero ang eksena nong araw na pinanganak ang panganay ko habang ako ay kabadong kabadong nag aabang sa ospital at sabik na sabik sa kung ano magiging anak ko na parang gusto ko maglulundag sa excitement e pag labas ng doctor ang sabi sakin healthy daw ang babay which is good news nong tinanong ko kasi nga expected ko premature ang sabi sakin ng doctor sakto ang bilang ng bata hindi ko alam ano magiging reaction ko sobra akong nanlumo.

Pero hindi ko inopen sa asawa ko ang bagay na yon at sa halip e minahal ko pa sila lalo, lalo na ang bata kasi kung totoo mang hindi akin to hindi ko hahayaang matulad sakin to, pero after 3 months hindi ko natiis at lagi ako binabangungot na kinukuha ang bata sakin kaya kinausap ko sya pero mahinahon sinabi ko sa kanya habang nakahiga kami at yakap sya na sabihin nya lang sakin ang totoo at hindi hindi ko magagawang magalit sa kanya basta magsabi lang sya ng totoo at tama nga ang hinala ko hindi nga akin ang bata pero sinabi ko sa kanya na mamahalin ko ang bata at ituturing na akin, sobrang mahal ko po ang bata.

Pero ang pagsasama namin nasubukan kasi hindi ko po sya pinagtatrabaho dahil ang prinsipyo ko po sa buhay ako ang lalake ako ang gagawa ng paraan para maghanap ng kakainin natin, obligasyon ko na mabigyan kayo ng magandang buhay lalo na ang anak ko at ang gusto ko gawin nya habang ako ay nagtatrabaho e alagaan nya ang bata at magfocus pero iba kasi sya hindi sya sanay hanggang sa nag aaway na kami kasi selosa sya, ni ayaw nya ako palabasin ng bahay, ipasama sa mga kaibigan ko, kahit umattend lang ng bday which is ok lang naman sakin kasi naiintindihan ko din naman kasi iba na ang buhay ko, buhay pamilyado na ako. Saksi ang lahat ng kaibigan ko at magulang ko sa pagbabago kong yon.

Pero hindi ko na po pahahabain pa dahil hindi naman po sya ang issue ngayon, nagkahiwalay po kami nitong una kong asawa dahil po sa nahulihan ko syang nanlalake at mismong bestfriend nya ang nagsiwalat ng baho nya sakin pero sa kabila nong alang alang sa anak ko pinipilit kong mabuo kami ulit hanggang sa masundan ng isa pa pero hindi na kami nag sasama.

Muli nanaman akong bumalik sa pagka walangya kasi bakit nangyayari sakin to karma ba nong binata pa ako? pero bakit kailangan kong mahiwalay sa mga anak ko? bakit kailangan madamay mga bata..

hanggang sa natuto akong magbeerhouse bago kasi kami magkahiwalay nong asawa ko sa unang anak pa lang namin maganda na ang naging sitwasyon ko dahil may maganda akong trabaho na above average ang sweldo katas na rin ng pagsisikap ko.

Halos araw araw ako nag bebeerhouse sa loob ng 4 na buwan para lang may makausap at makapag labas ng sama ng loob at para na din makapag happy happy at makalimot pandali hanggang sa nakilala ko tong babae na ok naman oo nagwowork sya as dancer sa isang club pero ok naman maganda din at click agad kami nong naging kami wala pang 1 month inalis ko na sya sa trabaho nya at nagsama na kami pero ang mali ko hindi ko man lang sya muna kinilala maigi bago ko sya kinuha at nagsama, mabait sya sa mabait pero 100x selosa kesa sa una kong asawa pero tanggap ko babae e ang hindi ko matanggap alcoholic at di nya maalis ang pagyoyosi na madalas naming pag awayan mahal nya mga anak ko lagi ko nga sya kasama pag binibisita ko mga bata takot kasi baka daw yong nanay bisitahin ko pero hindi rin kami nagtagal kasi nasasakal ako sa kanya at natuklasan kong nagdadrugs sya so heto mali nanaman ako.. hindi ko alam kong ano ba nangyayari sakin gusto ko lang naman ng maayos na relasyon at pamilya gusto ko ng tahimik na buhay...

Hanggang sa nakilala ko ang babaeng lalong nagpagulo ng buhay ko, niligawan ko sya pero never naging kami pero ang ginawa ng pamilya nya sakin hinding hindi ko makakalimutan at sa sobrang depress ko muntik na akong magpakamatay kasi kung karma man yon hindi ko matanggap, hanggang sa nadamay na pati trabaho ko, hanggang sa wala na akong pera, hanggang sa nalugmok nanaman ako at pati mga bata nakalimutan ko na.

And then 1 day naisip ko mga mali ko at bakit kailangan madamay ng mga bata sa kabobohan ko kaya pinilit kong bumangon ulit ginawa ko niyaya ko ang una kong asawa na magbakasyon sa probinsya namin kasama mga bata para na din makpag pahinga at mahimasmasan atsaka pagkakataon na din para makabawi sa mga bata pero ang pakay ko talaga e magkabalikan kami.

Pero bago po kami umuwi ng probinsya meron po akong nakilalang babae na syang makakasama ko hanggang ngayon (tawagin na lang natin sya sa pangalang eka) nakilala ko po ito sa probinsya nong nagbakasyon kami ng kaibigan kong bakla, maganda sya kaso probinsyana at aaminin kong walang sinabi ang una kng asawa at mga sumunod na babae kahit [textspeak!] niligawan kong kinabaliwan ko ang kaso hindi gaano attractive sakin kasi prang ang probinsyana ng dating nya pero infairness kahit sa kutis wala silang panama.

Nong nasa probinsya kami ng una kong asawa nakakausap ko sa telepono si eka kumustahan lang ganito ganyan. May nangyayari po samin nong una kong asawa at ineexpect ko nga na magbabalikan kami pero ayon nga ayaw nya na dahil meron na daw syang ibang nagugustuhan.

Pag uwi namin galing probinsya dahil bigo ako at lagi kong kausap si eca e nakagaanan ko na ng loob hanggang sa pumupunta punta ako sa probinsya nila hanggang sa after a month naging kami at doon pa ako tumutuloy sa kanila ang babait nila pati sya, actually may anak na po sya at kitang kita ko gaano kakulit ang anak nya pero sya pag di nya na kaya yong kulit ng bata naiiyak na lang sya so para sakin sobrang bait, tapos laging nag huhugas, laging naglalaba dba housewife material isa pa may bad experience na din sya so malaki ang chance na baka magclick kami, di nagyoyosi, umiinom lang pag okasyon red wine pa o san mig apple kaya yon parang nagustuhan ko na sya me nangyayari na po samin pero kapag lumuluwas lang sya ng manila kasi wala kaming pagkakataon sa kanila hehe ang bastos ko naman kapag ganon.

Ang siste heto pa lang una kong asawa buntis  at hindi sinabi sakin 3rd month nong sinabi nya 4 months n nong nagpacheck up kami sobrang natakot ako kasi meron na akong bagong mahal kaya ginawa ko sa takot ko sinabihan ko si eka na magsama na kami pero lingid sa kaalaman ko nabuntis ko din pla si eka.

At ayon nga nagkanda loko loko na nong una mahirap pero andyan na e kalaunan natanggap na namin at lalo ko pa syang minahal nong sinabi nya sakin na kunin na namin mga anak ko doon sa una kong asawa para kami na mag aalaga kaya talagang inilaban ko buti nga di na kami umabot sa korte kasi nagkasundo naman kami.

5 na po anak ko, 3 sa una 2 sa kanya, natural po na selosa ang babae alam ko po yon pero habang tumatagal parang nagiiba ang pag sasama namin hanggang sa pati mga anak ko sa una e pinag seselosan nya kahit napakaliit na bagay pero sinasabi nya naman sakin na mahal nya mga bata kaya naguguluhan ako kung ano ba talaga.

Nag sumikap ako kasi nasa akin na mga anak ko at ayaw ko sila magkahiwa hiwalay, pero madalas na po kami mag away dahil selosa po talaga sya at parang nagiging tamad in a sense na kahit man lang ibilad ang sanggol naming anak sa araw hindi nya magawa, sobra ko atang binaby kasi ako lahat gumawa.

Nakikituloy kami sa bahay ng erpat ko at lagi kami nagtatalo dahil selosa pero ang trabaho ko ay bahay lang at hindi rin ako pala labas habang tumatagal lumalala ang pagtatalo namin hanggang sa para akong nasiraan ng bait nasapak ko sya sobrang nagsisisi ako kasi never ko naman ginawa yon para akong nadala sa mga nauna tapos heto nanaman ako kaya naiinis ako sa sarili ko.

Hanggang sa umalis kami sa puder ng erpat ko kasi baka napepressure sya at nakapag patayo ako ng sarili kong opisina so imagine ang sakripisyo na ginawa ko para magawa kong makapag patayo ng sariling opisina tapos lagi pa akong piang dududuhan sabi ko nga pano pa kaya kong call center pa din ako baka mamatay ka sa kakaisip ano ginagawa ko.

Gusto ko sya intindihin hindi po ako nagmamalinis sabi ko nga nagawa ko na syang saktan at nauulit po ito hanggang sa narealize ko na hindi lang sya ang nagbabago pati na din ako huli naming away nong di ko na sya sinaktan nong kinaladkad ko sya palabas ng bahay dahil sa anak ko. Sobra po talaga sya mag selos at never po syang nawawalan ng irarason sa tuwing pagsasabihan sya lahat ng bagay meron syang nakaabang na pangdadahilan.

Sobrang sama ng loob ko kasi gusto ko sya bahala sa mga anak ko habang ako ang bahala sa future nila, oo makukulit kasi mga bata pero hindi naman tamang punahin ang kakulitan at sabayan. Opisina bahay lang ako, i swear never ako nambabae at never sa ni isa nyang akusasyon napatunayan nya yon lang talaga nong nagkasabay sila na nabuntis ko pero akala ko ba tanggap nya kaya nga kasama namin mga anak ko e kasi nangako syang tutulungan ako.

Hindi nya ginagampanan ang pagiging asawa nya, kahit sa sex ang lamig nya sakin dahil ba probinsyana? ang hiling ko lang kasi stressful ang trabaho ko na sana pag uwi ko di ko madadatnan ang mga bata na madudungis at sana me nakahain na pero kabaligtaran tapos ang dami pang reklamo tapos walang katapusang hinala sobrang nakakarindi kesa patulan ko ginagawa ko pumapasok ako ng maaga para tulog pa sya at uuwi ako ng hating gabi para tulog na sya ang opisina ko tapat lang ng kanto namin at kitang kita kasi salamin see through sa loob kung may babae man ako kung pumasok man ako o hindi kitang kita actually araw araw ko nga sya nakikita na dumadaan don natatawa na lang ako.

Hanggang sa nalugi ang negosyo ko hindi ko sya sinisisi pero gusto ko marealize nya ang papel nya nong time na yon, hindi nakakabusog ang selos. Imbis na dapat sya ang inspirasyon ko at motivation wala lalo akong nalugmok nakaramdam ulit ako ng pagkadepress hanggang sa mag drugs ako marijuana lang naman at pampatulog lang like 2-3 hits solve na ako at twice a month lang ata pagnakakaramdam lang ako ng matinding depresyon.

Nalubog ako sa utang na hindi ko kayang bayaran , utang sa banko, utang tao, utang sa magulang, wala na ako malapitan at inopen ko sa kanya ang totoong sitwasyon pero bakit ganon mas inuuna nya pa ang pag seselos kesyo puro daw ako barkada wala namang katotohanan inamin ko sa kanya na dahil sa kanya nagawa kong magdrugs at sinabi ko na gusto ko na magpakamatay pero daig wala imbis na ang inaasahan ko simpatya at palakas loob iba ang pinakita nyang reaction natawa pa, sabi ko ano ba to..

Pero naovercome ko po ang pagkalugmok ko at heto gumaganda nanaman ang takbo ng trabaho ko pero sya ayan ganyan pa din, puro reklamo, puro selos ang mga anak ko sa una kong asawa dahil sa pagkalugmok ko hindi ko na kasama tinitiis ko kasi nag tetake advantage din ako para makarecover pero nong tinanong ko sya kung ok ba na pauwiin ko na mga bata ang sagot nya sakin hindi kasi ayaw nya na daw mag alaga .. sobrang sama ng loob ko, sobra sobra.. hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya at lalong hindi ganito ang gusto kong takbo ng buhay ko ...

Feeling ko nauulit nanaman .. kailangan ko ng tulong, alam ko nilalason lang sya ng pride.. ano ba gagawin ko para marealize nya kung ano papel nya? kagaya ngayon nagising ako na me topak sya di ko pa sasabihin na ipag hain ako di pa ako ipag hahain .. ni hindi nga ako pinagtimpla ng kape..

hindi ko naman sila ginugutuman, hindi naman sya minamaltrato ng mga magulang at kamag anak ko, sabihin na nating paminsan minsan lumalabas ako pero hindi naman din ako nag tatagal sa labas at nagpapaalam naman ako ng maayos minsan nga kahit maayos na paalam ayaw nya.. hindi rin ako lasenggo, minsan sa ginagawa nya gusto ko nasa labas na lang kausap mga kaibigan pero kasi alam ko iniisip non pag wala ako sa bahay..

3 na po anak nya 2 sakin, sana marealize nya na masyado na syang matanda para magpabebe, matigas ang ulo nya sobra sya ang tipo ng taong pag sinabihan mo tagos na sa kabilang tenga may dahilan pa.. hinding hindi nauubusan ng katwiran minsan talaga nasisigawan ko sya ng bobo alam ko mali at aminado ako pero hindi e hindi ko na alam kong ano ang magiging reaction ko. Pagkatapos ng ilang kabiguan ko ganito pa din?

Ilang beses ko na sya kinausap ng masinsinan at maayos, ilang beses na din kami nagkaharap ng pamilya nya at nanay ko pero grabe.

Konting pagmamahal na lang nararamdaman ko puro awa na lang kasi wala na syang magulang ang tinutuluyan nya lang sa probinsya nila ay tyuhin nya.

Ang gusto ko po mangyari maintindihan nya ang papel nya bilang asawa, maksama ko ang mga anak ko ayaw ko silang magkakahiwalay at alagaang maigi ang mga anak namin.

Ano po ba gagawin ko at ano bang mga mali ko na dapat kong ituwid? kahit sex life sobrang walang kadating dating ewan ko ba pag niyaya mo naman sasabihin malibog ka ganito ganyan haay so kanino ako mag lilibog sa ibang babae? ang sakit at ang bigat ng loob ko di ako perpekto at hindi ako malinis kaya sana mapayuhan nyo naman ako...

counseling po ba solusyon? kasi baka wala naman akong budget para don.. help po

salamat sa pagbabasa ng napakahabang storya ko..

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #1 on: May 10, 2017, 02:22:26 pm »
Hello bro! Thank you for sharing your story..sobrang haba pero ok lang.mas maige nga yun na makita yung buong background ng love story mo..and i salute you for fighting!bihira yung ganyang guy na kahit sunod sunod na ang dagok sa buhay eh patuloy pa rin naniniwala na may pag-asa pa..i really salute you dahil nagkaron ka ng time na sumulat ng pagkahaba haba..walang lalaki na makakagawa nyan unless desperate na talaga..kitang kita naman na pinilit mo talaga magbagong buhay, nagsumikap ka pero nagkakamali ka talaga ng babaeng nililigawan o nagugustuhan..
Ok lang sana kung once or twice ka nagkamali.pero pang-ilan na ba yung kinakasama mo? Puro yata selos ang nagiging problema..matanong ko nga..gwapo ka ba?or atrractive? Kasal ba kayo kahit sa huwes?Sa tingin mo ba kung pakakasalan mo yung kinakasama mo matitigil na ang selos? Kasi usually yung mga babaeng insecured takot maagawan ng asawa lalo na kung gwapo o lapitin ng ibang babae ang asawa..mahal mo ba sya?kung oo bakit di kayo pakasal..para magkaron ng basbas ng simbahan at mabawasan ang malas at kaguluhan sa buhay nyo..
Ang isa pang masasabi ko, wag mo sanang mamsamain, base lang sa mga kwento mo, feeling ko may bad spirit/s na nakadikit sayo eversince nun bata ka pa..na syang nagdudulot ng malas sa buhay mo..nalulong ka sa drugs.sa bisyo..sex..alak..lahat yan can open doors to evil spirits na nag-uudyok sayo na lumihis ng landas...kaya indi mapanatag ang buhay mo..lagi ka napapadpad sa mga lugar o pagkakataon na nagtutulak sayo para madepress ka at malugmok sa kamalasan.kaya pati pagpili ng babae e nagkakamali ka..kung sa beerhouse ka kukuha ng mapapangasawa e makakaasa ka ba ng matinong babae? ..so ang payo ko sayo bro bukod sa counselling ay magseek ka din ng help na may magcast away ng evil spirit sa buhay mo..naniniwala ako na may kinalaman ang evil spirits kasi kung wala, bakit parang paulit ulit lang..marami namang taong nagkamali pero nakakabangon din naman..pero sa case mo parang tormented ka na at need mo na talaga ng special help..with regards to your children, ingatan mo sila..kung anong makalakihan nila, magulong buhay, baka pati sila matulad sayo at malasin. Kaya sana maayos mo muna yung buhay mo para susunod lahat..kung magkapeace of mind ka ganun din ang asawa mo..then ang mga bata...lumapit ka kay God..yun na lang siguro ang best way..lapit ka sa church at priest.magkumpisal ka at humingi ng tulong..ano nga pala religion mo?basta ganun..feeling ko talaga need mo ng spiritual help..magpa-spiritual counselling ka kung pano mapalayo sa malas..saka dapat matutunan mo muna sigurong magtimpi sa sex..mag-abstain ka muna..di ka naman mamamatay pag walang sex..diba?ayusin mo muna ang magulong sitwasyon.dapat mapaniwala mo ang asawa mo na matino ka na talaga para makafocus ka sa panibagong buhay..pag nawala na yung selos selos na yan ay mababago ang priority nyo sa buhay..magfocus kayo sa mga bata..sa edukasyon at kinabukasan nia..building business and investing on properties..then yung health nyo dapat ipreserve nyo..lalo ka na nalulong ka sa drugs..narehab ka na ba?baka maige unahin mo muna magparehab..hanggat andyan ang addiction, mahihirapan ka magbago..timbangin mo kung ano ang pinakauna mong dapat gawin..pero kung ako ikaw, eto ang mga gagawin ko:

1.rehab muna
2. spiritual help or personality assessment and improvement
3. Marriage counselling
4. parenting seminar

Magastos yan pero meron naman mga libreng seminars eh..pwedeng dyan nakasalalay ang future nyo ng pamilya mo..at sana naman nakatulong ako sayo kahit papano..

budzwhiz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1897
  • Baking. Arts. Photography. Travel.
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #2 on: May 10, 2017, 05:35:58 pm »
Afford mo ba kumuha ng yaya? Baka kailangan lang ng makakatulong sa bahay ng asawa mo dahil kahit sino naman tanungin natin hindi biro ang anim na bata sa iisang bahay. Baka palagi syang pagod sa pag-aasikaso sa kanila kaya ikaw mismo hindi na nya maasikaso.. Minsan kasi kayong mga lalake iniisip nyo na dahil kayo ang nagtatrabaho para sa pamilya, kayo lang ang napapagod. Nabanggit mo yung katamaran nya na pati sanggol hindi na nya napapaarawan.. Hindi kaya stressed din sya? Tapos ang gusto mo pa pati mga anak mo sa una mong asawa, dalhin sa bahay nyo. Sino ba ang mag-aalaga sa kanila, hindi ba't sya? Siguro noong una, okay lang sa kanya yun kasi nagbubuntis o iisa pa lang ang anak nyo. Pero ngayon lumalaki na ang pamilya nyo. Sana wag mo masamain yun, baka hindi nya kaya i-handle ang ganun karaming bata. Intindihin mo rin sya. Siguro tignan mo din ang pinanggagalingan ng asawa mo. Gusto nya lang sigurong bumuo kayo ng sarili nyong pamilya. Medyo magulo rin naman kasi yung sitwasyon nyo, hindi lang isang anak mo sa iba ang gusto mong itira sa bahay nyo, kundi tatlo. Bakit hindi mo nalang hayaan sa nanay nila tumira ang mga bata, kesa naman ganyan na pinagmumulan ng mga away nyo. Para matahimik na kayo. Pwede mo naman suportahan at dalawin diba.

 Kausapin mo rin ang asawa mo. Tanungin mo kung ano ang mga hinanakit nya. Kung bakit sya palaging nagseselos, (marahil ay dahil sa past mo), kung kailangan nya ba ng makakatulong sa bahay.. Mahirap ang maging stay-at-home mom bro, lalo kung hindi lang naman iisa ang anak nyo. Nakakabaliw kapag nasa bahay ka lang at walang masyadong nakikita at nakakausap. At sana tigilan mo na ang pananakit sa kanya. Buuin nyo ulit yung respeto nyo sa isa't isa.

Kapag wala kang trabaho, ano ang ginagawa mo? Mas pinipili mo bang makasama ang mga barkada mo at makipag-inuman o nabibigyan mo ng panahon ang asawa at mga anak mo? Umuuwi ka pa ba sa inyo? Nailalabas mo ba sila?

Higit sa lahat, sa tingin mo ba mahal ka pa ng asawa mo? Wala ba syang ibang lalake?
"Not one drop of my self-worth depends on your acceptance of me."

Accept what life has to offer, and enjoy.

cosmochick

  • Not Your Average
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1530
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #3 on: May 10, 2017, 06:53:49 pm »
hindi ka ba  gumagamit ng proteksyon?

Wag mo na dagdagan please ang anak mo.
I want a life that sizzles and pops and makes me laugh out loud.

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3245
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #4 on: May 11, 2017, 06:23:01 am »
Super haba post. Just schemed through, Baka may namiss ako but here are my thoughts.

<Feeling ko nauulit nanaman .. kailangan ko ng tulong, alam ko nilalason lang sya ng pride.. ano ba gagawin ko para marealize nya kung ano papel nya? kagaya ngayon nagising ako na me topak sya di ko pa sasabihin na ipag hain ako di pa ako ipag hahain .. ni hindi nga ako pinagtimpla ng kape..>

Ano ba tingin mo papel nya? Katulong? Di ka ba marunong magtimpla ng kape or prepare breakfast on your own?

Ilan taon na sya? Nakapag tapos ba man lang sya? How many years na kayo sa maynila at bakit hanggang ngayon eh probinsyana parin tawag mo sa kanya? Iyan lang ang description mo sa kanya all throughout.

if she defies you, bobo na sya or bubugbugin mo? Pang sex at katulong lang for you?

Hindi sya slave, nag grow ba sya as an individual simula nung nagsama kayo or pumirmi lang syang ganyan - probinsyana?

Ang hilig mo rin kasi maghanap ng problema. Di ka tapos sa isang problema, sasabak ka na naman sa new chapter at maghahanap ng problema. You are always reacting irrationally tuwing may problema ka. This is what brought to where you are now. Ilan taon ka na ba? Parang napaka unstable ng buhay mo kasi. Hindi dapat ganyan ang taong pamilyado, lalo pa na lahat sila nakaasa sayo. Tapos konting hirap at problema, magwawala ka na naman, then light bulb moments will bring to your senses ulit.  Tama ka nauulit ulit. Kelangan mo ng self reflection. May mga statements ka pa - 'babaeng nagpagulo ng buhay ko' Actually, ikaw may kagagawan kasi. San ka ba nakakita na may balak ka makipag balikan sa asawa mo pero may Ibang babae kang kausap o nililigawan. Ang gulo mo bro, dami pang anak. Ikaw ang gumawa nyang mga ora oradang decision tapos ngayon ang gulo gulo na ng buhay mo. Pati mga bata, damay.

Aside from earning (kasi di biro ang dami ng anak mo), you have to take care of your family's well being. Mga anak mo, lumalaki ba ng maayos or Baka magrebelde din pag teenager na? Yung kinakasama mo, pag usapan nyo na dapat marunong din sya tumayo sa sarili nya. Papano kung bigla ka nawala sa Mundo na ito (knock on wood), Kaya ba nya palakihin on her own ang mga bata? at ikaw, Hindi naman kailangan lagi kang may partner. Kung di nag workout, ayusin mo muna sarili mong Buhay at mga bata bago ka maghanap na naman ng kakasamahin at aanakan.

« Last Edit: May 12, 2017, 01:01:36 am by Girltalker2 »

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5767
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #5 on: May 11, 2017, 08:14:56 am »
Ts insecure ang live in partner mo kaya siya selosa. Did you try to make her feel secure and beautiful? Baka kasi yung attention mo nasa mga bata lang kaya dumating na sa point pati mga bata pinagseselosan niya. Or maybe its not selos naman (sa mga bata) but pagod kaya ayaw niya na nasa poder ninyo ang mga anak mo. Nakakapagod mag-alaga ng mga bata sa totoo lang. Isang bata lang na alagain nakakapagod na ano pa kaya kung 5 kids. Hindi naman siguro siya tamad pero nasabi mo may sanggol kayo, baka napupuyat siya sa gabi dahil sa bata kaya wala siyang gana sa trabahong bahay sa araw or sa sex. Try ninyo magbakasyon ng kayong 2 lang maski 2 days baka yun change ng scenery makapagpapresko ng takbo ng isip ninyo pareho at makapag-usap kayo ng maayos. Hindi na biro ang issue ninyo kasi nasasaktan mo na siya. Buti hindi ka pa nilalayasan niyan. Instead of physically and verbally abusing her you should make her feel loved and secure para mabawasan pagiging selosa niya. Yung simple gestures lang like pag-uwi ng pasalubong or pagbigay ng flowers maski pinitas lang sa halaman ng kapitbahay ang laking bagay na nun. Baguhin mo pakikitungo sa kanya bro baka magbago din siya.

"Whatever you give a woman, she will make greater. If you give her sperm, she'll give you a baby.. If you give her a house, she'll give you a home. If you give her groceries, she'll give you a meal. If you give her a smile, she'll give you her heart. She multiplies and enlarges what is given to her. So, if you give her any crap, be ready to receive a ton of s***!"
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1435
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #6 on: May 11, 2017, 11:15:22 am »
I think paulit ulit kasi TS keep on making the same mistakes. You seem to be self-centered. It's always about how you feel and not caring about how others would feel. Maybe it will all stop if you try to be more selfless. also you keep on putting blame on others instead of youself. Lahat ng nangyayari sa yo eh resulta ng mga choices mo sa buhay. May choice ka naman eh di ba? ikaw pa rin naman nagdedesisyon sa buhay mo. So ibig sabihin ikaw ang liable sa mga consequences ng actions mo, hindi yung ibang tao.

Kasi parang lahat ng nakasama mo, how you describe them eh lahat hindi maganda, na para bang sila lang lahat ang may kasalanan bat nagkakanda leche leche buhay mo. Parang ikaw ang victim dito? So again if you try to be less self centered baka maging maayos na talaga ang takbo ng buhay mo.

And parang ang weird lang na lahat ng nakasama mo selosa? I mean not every woman is you know. Unless you made them feel that way? Parang you made them all dependent to you and somehow turned them insecure about themselves. Kasi they all started ok eh. Until yun nga naging selosa na lahat at nega na ang ugali. Mapapaisip ka bakit ganon? so parang something's not quite right siguro on how you treat them. Or maybe you like them that way. Baka yun ang type mo, mga selosa hehe. Maybe you like chaos/drama that's why you attract chaos/drama in your life.
 

RoadrunnerXCX

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 601
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #7 on: May 11, 2017, 03:03:03 pm »
pang MMK ang talambuhay mo bro sa totoo lang...slow down iyon lang mapapayo ko sa iyo masyado ka nagpapadalos dalos sa pagdedesisyon sa buhay. pasok ka ng pasok basta basta sa mga relasyon na walang matibay na pundasyon. dapat kilalanin mong muna maigi mga nakikilala mo bago ka pumasok sa bagong pakikipagrelasyon tapos inaanakan mo pa agad ... pero bilib naman ako sa iyo napakagaling mong umahon sa buhay sa pagkaka bankrupt or jobless nagagawan mo din agad ng paraan paano mo ibabalik ang lahat nakapagpatayo ka pa ng business...sayang kung magpapakahinahon ka lang sa pagpapamilya tapos makakita ka ng tamang babae at magaling ka namang dumiskarte pagdating sa kabuhayan mabibigyan mo ng magandang kinabukasan sana mga anak mo.
“Allow the universe to unfold as it should" - Desiderata

kvan

  • Introvert, Demisexual
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3321
  • Accidental Cougar
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #8 on: May 11, 2017, 10:36:59 pm »
Ang haba, pwedeng gawing bullets para maikli? LOL! Basahin ko ulit ng mas mabuti later.
"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" ---Matthew 6:34

NeilRudecat

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
  • The Truth on Informed Choice & Women Empowerment!
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #9 on: May 12, 2017, 10:12:12 am »
Medyo nayayamot ako pero kailangan ko mag-comment dito para mahimay ang impormasyon dito.

Comment 1:

Quote
"18 po ako nong nakaramdam ng tingin ko tunay na pagibig..."

Sinasabi mo na kaya tunay ay dahil nung pinaghiwalay kayo eh nagwala ka, nawala sa katinuan at naging walanghiya.  Hindi ka nananakit?  Ibig mo bang sabihin, physically?  Dahil nanakit ka ng mga babaeng ginamit mo lang.

Parang proud ka pa sa mga katarantaduhan mo ano. Iyon ang mas nababasa ko sa pamamaraan mo ng pagsusulat kahit pa may declaration ka na "hindi ako proud"

Alam mo, hindi tunay na pag-ibig yun.  Ipinakita mo mismo sa mga sinabi mo na wala kang kakayahan magmahal.  Kung totoong marunong kang magmahal, dapat ay naging mabuti ka sa kapwa mo...lalo na sa mga babae.  Bakit?  Dahil ang sinasabing mo na minahal mo ay babae.  Kaya kahit na nagkahiwalay na kayo, dapat mananatili sa iyo ang pagmamahal sa mga katulad niya...sa mga kabaro niya.

(http://)

NeilRudecat

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
  • The Truth on Informed Choice & Women Empowerment!
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #10 on: May 12, 2017, 10:24:38 am »
Comment 2 (for Paragraph 4)

Quote
"sinisisi ang nanay dahil never ko nakilala tunay kong tatay, pero meron akong step father..."

Consistent ka, na walang kakayahang magmahal ng babae.  Sarili mong nanay eh hindi mo kinilala ng mabuti.  Hindi mo sinikap intindihin kung bakit naging ganun ang buhay niya...ang buhay ninyo.  Sa halip na tumulong ka na magkaroon ng solusyon, nagdagdag ka pa ng problema.

At this point, I'm guessing na magiging tulad ka ng step father mo...siya ang posible role model mo eh.

Napansin ko rin na consistent ka sa pagsasabi ng mga negative traits mo.  Ine-establish mo na "bad boy" ka at pinalalabas mo na result ito ng naging buhay mo...mukhang nangangalap ka ng simpatiya sa mga mambabasa mo.
(http://)

NeilRudecat

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
  • The Truth on Informed Choice & Women Empowerment!
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #11 on: May 12, 2017, 10:30:07 am »
Comment 3 (for Paragraph 5)

Quote
"tinuloy ko ang pagkacollege sa tulong ng tyuhin ko pero walang nangyari dahil piangselosan ako ng mga kapatid ng tyuhin ko at ginawan ako ng tsismis...."

Well, ikaw lang ang source ng information ngayon.  Para sa iyo tsimis.  Ano kaya iyon sa side nila kung mabibigyan sila ng pagkakataon na maipahayag ang side nila.
(http://)

NeilRudecat

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
  • The Truth on Informed Choice & Women Empowerment!
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #12 on: May 12, 2017, 11:12:31 am »
Comment 4 (for Paragraph 6)

Quote
"...triny kong mag apply sa call center..."

Nakaka-amaze na hindi ka nakatapos, may personality problem...pero sabi mo tinanggap ka sa call center. So, from tambay to call center agent.

Siguro nga maboka ka (talkish)...or mabola...kaya nakukuha mo ang mga babae.

Comment 5 (for Paragraph 7)

Bakit hindi mo niyayang makasal sa iyo kung totoong napatibok niya ang puso mo?  Kaya tinatawag na asawa ay dahil ikinasal.  Nagsasama lang kayo (cohabiting).  May relasyon kayo pero hindi iyon pagiging mag-asawa.

Quote
"nag resign ako sa trabaho"

Wow, hindi biro ang makapasok sa Call Center pero ikaw kaya mo mag-resign.  Magaling ka nga talaga at kaya mo mag-freelancer.

Again, may mga sinulat ka na naga-appeal sa emotion ng mambabasa mo..getting more of their sympathy and to side with you.
(http://)

NeilRudecat

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
  • The Truth on Informed Choice & Women Empowerment!
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #13 on: May 12, 2017, 12:08:43 pm »
Ang haba, grabe.  Iniisip mo bang mababasa ito ng producers ng Maalaala Mo Kaya (MMK)?

Quote
"dahil sa kanya nagawa kong magdrugs"

Kanina ko pa napapansin na ambilis mo mag-blame sa iba.

Quote
"kailangan ko ng tulong, alam ko nilalason lang sya ng pride.. ano ba gagawin ko para marealize nya kung ano papel nya? kagaya ngayon nagising ako na me topak sya di ko pa sasabihin na ipag hain ako di pa ako ipag hahain .. ni hindi nga ako pinagtimpla ng kape"

Ang kailangan mo pala tlalaga ay katulong.  Bakit nambola ka ng babae para makipagrelasyon sa iyo, aanakan mo at paaalagain mo pa ng karagdagang 3 anak sa una mong inanakan?

Ang problema sa iyo, kahit sinasabi mong may pinagkakakitaan ka na...tambay mode ka pa rin.  Hindi ka tumutulong sa bahay sa pag-aalaga sa mga bata at sa gawaing bahay.  Kahit sinasabi mong hindi  ka lasenggo, hindi ka pa rin mapakinabangan sa bahay.

Quote
"3 na po anak nya 2 sakin"

Sana naiisip mo na baka may epekto ang pagbubuntis mo sa kaniya.  Bawat pagbubuntis at panganganak niya, ibinibigay niya ang bahagi ng buhay niya.  Ikaw ano ang direktang kontribusyon mo?  Semilya?

Nakakaapekto rin sa pag-iisip ng babae ang panganganak (Postpartum Depression).

Quote
"Ang gusto ko po mangyari maintindihan nya ang papel nya bilang asawa, maksama ko ang mga anak ko ayaw ko silang magkakahiwalay at alagaang maigi ang mga anak namin."

Papel mo rin itong mga sinasabi mo...lalo na ang paga-alagang mabuti sa anak mo.  Dapat nga papel mo lang mag-isa ang pag-aalaga sa 3 anak mo sa una mong nakarelasyon.  Dapat bukod sa panggastos, binibigyan mo rin siya ng malaking allowance sa mga ginawa niya at gagawin pa.
« Last Edit: May 12, 2017, 01:36:40 pm by NeilRudecat »
(http://)

luna laxa

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 284
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #14 on: May 12, 2017, 12:43:11 pm »
Hindi ka yata handa na matalakan nang sobra ng mga sissies. May pagsusumbong kasi yung general tone mo eh. But you got to hear it bro. May mga tao na di talaga for na may kasama sa Buhay, asawa man o anak, and I'm afraid isa ka ron kung di ka magbago.

Matagal na proseso yung change mo kasi very much instilled yon sa karakter mo. Evidence yung and andami mong desisyon na justified para sayo. I'm sure lahat ng sumagot ang Ina nalang nasa isip eh: hmm where to start.

Di naman drugs DRUGS and marijuana so sa part na yon cleared ka. Pero bro, matinfing rehab ang kailangan mo sa machismo mo. Eto for me and deadly combination: machismo + weak personality + incompetence.

NeilRudecat

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
  • The Truth on Informed Choice & Women Empowerment!
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #15 on: May 12, 2017, 01:48:15 pm »
Quote
"Hanggang sa nakilala ko ang babaeng lalong nagpagulo ng buhay ko, "

Blame, blame...blame.  Talagang lagi na lang ang babae ang may kasalanan sa kaguluhan ng buhay mo ano?  Mula sa nanay mo...hanggang sa mga ginamit mo at inanakan mo.
(http://)

NeilRudecat

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
  • The Truth on Informed Choice & Women Empowerment!
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #16 on: May 12, 2017, 01:58:34 pm »
Quote
"maganda sya kaso probinsyana at aaminin kong walang sinabi ang una kng asawa at mga sumunod na babae kahit [textspeak!] niligawan kong kinabaliwan ko ang kaso hindi gaano attractive sakin kasi prang ang probinsyana ng dating nya pero infairness kahit sa kutis wala silang panama."

Haay, kamanyakan.  Natipuhan mo dahil maganda.  Siguro bata pa siya nung sinimulan mong sirain ang buhay niya.

Hindi mo matukoy kung ang itatawag mo sa kaniya ay "Eka" o "Eca".  Hindi mo rin nabanggit ang mga edad ng mga nakarelasyon at kung ano ang mga kasarian ng mga anak mo, kung babae ba o lalaki.

Nakasentro sa iyo ang kwento ano.  Consistent ka nga...na walang kakayahang magmahal ng totoo.  Ang tunay na nagmamahal, mas magku-kwento pa tungkol sa taong minamahal nila kesa sa sarili nila.  Mas aakuin ang responsibilidad ang mga pagkakasala kesa i-blame sa kanila.

(http://)

NeilRudecat

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
  • The Truth on Informed Choice & Women Empowerment!
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #17 on: May 12, 2017, 02:11:43 pm »
Quote
"naging kami at doon pa ako tumutuloy sa kanila ang babait nila pati sya, actually may anak na po sya at kitang kita ko gaano kakulit ang anak nya pero sya pag di nya na kaya yong kulit ng bata naiiyak na lang sya so para sakin sobrang bait, tapos laging nag huhugas, laging naglalaba dba housewife material "

Maayos si Eka noong hindi mo pa siya dinedemonyo.  Kinuha mo siya dahil pinagnasaan mo at maging sa iyo lang siya...para maka-sex mo at aalilain mo...para ipaghugas ka niya at ipaglaba.  Housemaid at material lang ang turing mo sa kaniya...bagay lang...itinuturing mo na parang walang buhay, walang emosyon, walang damdamin.  Ang mas tawag diyan sa ginawa mo sa kaniya ay posession...demonic possession!

(http://)

NeilRudecat

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
  • The Truth on Informed Choice & Women Empowerment!
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #18 on: May 12, 2017, 02:20:04 pm »
Quote
"di nagyoyosi, umiinom lang pag okasyon red wine pa o san mig apple kaya yon parang nagustuhan ko na sya "

Mukahang kahit na taga-probinsiya, maayos ang pagpapalaki kay Eka. 

(http://)

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #19 on: May 12, 2017, 03:42:08 pm »
Haha! Grabe ang tirada si Neilarudecat!!
Hindi daw makapagpost ng reply si TS.di nya daw alam kumbakit.. (As per pm) e di ko din alam kumbakit di sya makapagpost.
Pero alam ko kating-kati na sya sagutin lahat ng posts dito..  :D

Bro ipm mo na lang samin at ikacopy paste namin ang mga sagot mo sa comments dito :)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close