Author Topic: I'm a husband and i need advise  (Read 10379 times)

NeilRudecat

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #20 on: May 12, 2017, 04:04:40 pm »
@hushush

Bago pa lang kasi siya dito sa forum.  Moderated pa siguro siya.  It may take around 24 hours for his posts to appear. 

I admit nagagalit ako ng husto sa kwento niya.  I am very emotional because there are women and children who were very much affected.

Shadow Angel

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #21 on: May 12, 2017, 04:09:06 pm »
Grabe ang haba ang bottom line lang namin puro anak lang ng anak wala ka bang planong mag family planning? Tipikal na lalaki na dahil nag tratrabaho mukha walang contribution sa pagaalaga sa bata. Isa pa mentality ng lalaki na dapat ang babae sa bahay lang. Ang hirap kaya ng na sa bahay tapos all around lahat tapos reklamo ka pa walang sex malamang pagod sa mga bata at gawain bahay. Tamad pa ang tingin mo sa kanya ha? Hindi nakakapagod mag alaga ng bata lalo na madami baka sunod sunod pa. Ayusin mo sarili mo hindi lang mga tao sa paligid mo.

PS. Hindi ka reply kasi newbie ka pa lang need mo mag post/reply sa ibang thread mga 10 and up.

NeilRudecat

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #22 on: May 12, 2017, 04:26:18 pm »
Okay, here's my advise to you, iamdidiaz

I hope you are Catholic...please recognize that you have done a lot of wrong things and make an atonement for everything: (1) fast, (2) pray, (3) go into confession, receive absolution and blessings from a priest and (4) go to Mass and receive communion.

*kung may available na Exorcist Priest, please submit yourself to exorcism and deliverance prayers

Tama ang sinabi ni hushush

May evil design itong nangyayari sa iyo at nadamay pa ang ibang tao.

Mahirap makakuha ng exorcist priest dahil kakaunti lang sila ng may faculty galing sa bishop.  Ang mas available sa iyo ay ang Confession.

I highly suggest na unahin mo ito.  Ang susunod mong gagawin ay reparations.  Pagssasaayos ng lahat ng nasira.  Makinig ka sa side ni Eka.  Makinig ka sa mga anak mo.  Lahat sila, pakinggan mo muna.  Malalaman mo kung paano mo maisasaayos ang buhay ninyo.

Mukhang may skill ka naman sa pagsasaayos.  With God's blessing...mas magiging magaling ka pa.  I am not blaming you for what has happened to you and your life...but please take responsibility.  Kung hindi naging mabuti sa iyo ang nanay mo at hindi naging maayos ang pagpapalaki sa iyo...ikaw na mismo ang mag-ayos sa sarili mo (PArenting the Child within).   Move on na.  Hindi ka na yung bata noon o yung tambay noon.  Tatay ka na.  Maging nanay ka rin please.  Bukod sa mga anak mo, maging tatay at nanay ka rin sa sarili mo.

You have the power to change your family tree in your own hands...starting with yourself.  Stop the brokenness and begin the healing.

Magiging legacy mo ito sa mga anak mo at magiging mga anak nila.






kvandenhaak

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #23 on: May 12, 2017, 10:51:51 pm »
Kaloka naman at may exorcism na involved...LOL!

mysterioza_me

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #24 on: May 12, 2017, 11:20:34 pm »
Maligo ka ng tubig na may asin, sabi ng lola ko pwede na daw yun pantaboy ng malas 😂

khaleesiCersei

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #25 on: May 13, 2017, 02:14:51 am »
Hahaha! Tama na kasi ang paninisi sa iba. Puro mali ng iba nakikita mo, lagi na lang kasalanan ng lahat ng nasa paligid mo bat ka nagwawala. Kelan mo kaya aaminin na ikaw itong padalos dalos kaya ka minamalas.   

siguro kung mabibigyan lang ng pagkakataon si eka eh tatakasan ka na din nyan tulad ng ginawa ng una mong nakasama. Iniisip lang niya kapakanan ng anak nyo kaya hindi siya makaalis. She must feel so trapped and frustrated on how her life turned out because of you. Ang dami niya sigurong pangarap sa buhay na hindi niya naabot dahil sa yo. Punong puno siguro siya ng pagsisisi bat nagpapaniwala siya sayo noon.



NeilRudecat

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #26 on: May 15, 2017, 09:31:15 am »
Hindi ka husband.

You're only a partner. 

Hindi mo bingyan ng tamang pagpapahalaga ang nakarelasyon mo sa pamamagitan ng pagpapakasal...pagko-commit ng sarili mo.

Wala kang right na mag-expect na pagsilbihan ka.

mysterioza_me

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #27 on: May 16, 2017, 07:26:31 am »
Akala ata ni TS simple lang ang trabahong bahay at mag-alaga ng bata kaya nageexpect pa siya na pagsilbihan siya na parang hari. Not because "nasa BAHAY LANG" ang partner mo di siya napapagod, hindi lang isang bata ang alaga niya.

NeilRudecat

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #28 on: May 16, 2017, 09:33:47 am »
@mysterioza_me

Korek ka diyan,

Napapaghalata ang uri ng pagkatao...posibleng hindi tumutulong sa gawaing bahay kahit noong bata pa.  Umasa sa nanay na matapos magkandahirap sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kaniya ay sisisihin pa sa naging buhay nila.

Haay, naaawa ako sa mga babaeng nabibiktimang ganitong mga lalaki: Bobolahin, bubuntisin...aalilain.

hushush

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #29 on: May 16, 2017, 10:08:20 am »
Hindi na nakapagreply si TS..natakot ata ke NeilrRudecat hehe..otherwise..guilty.. :)

bollin_pop

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #30 on: May 16, 2017, 12:52:18 pm »
On point lahat ng replies ni sis NeilRudecat. Wala na kong maidagdag sis!

Sana makatulong din kay TS and magreply din siya.

LeallianFaye

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #31 on: May 28, 2017, 05:18:42 am »
Hindi talaga mamomotivate misis mo niyan kung sasabihan mo ng bobo. Nacocompensate ba pagaalaga ng misis mo sa anak niyo at sa mga anak mo sa una? Hindi biro ang ganyan kadaming bata ah, Sarili ko ngang anak na iisa nasasagad na pasensya ko imagine di pa sariling anak. Turingin mong misis ang misis mo, ipasyal mo naman o kaya bigyan mo ng "pamper" time, masahihin mo, ikaw naman mag alaga sakanya at sa mga anak mo at niyo, bigyan mo ng pera pang shopping o pang kain sa labas kung ano bang gusto niya, pahingahin mo naman misis mo kaya wala ng gana yan mag alaga sayo at sa dinamidami niyong anak kase pagod na yan, imbes na kusa siyang magluto at maglaba dahil gusto niya ginagawa mo kasing obligasyon kaya natatamad na misis mo. Tingnan mo tratuhin mong tao't kabiyak at hindi "housewife/yaya" malaking pagbabago ang pagaalaga niya sayo at sa mga anak niyo.

engr_neechee

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #32 on: May 29, 2017, 01:16:53 pm »
@TS!

Eto ang isang kutos! at isang bigwas sa iyo nang matauhan ka...

Lahat ng problema mo ay gawa mo.

Ang problema sa iyo, hindi mo makita ang diprensiya sa sarili mo.  Ikaw ang puno't dulo.

Kinuha mo ang partner mo bilang asawa at hindi alila/katulong.  Buti pa ang kasambahay pre, may day-off.  Yung partner mo, wala!  At kung sa akin ka napunta, malamang nasiraan ako ng ulo at nasaksak kita sa sobrang frustration. 

Alam  mo ba na pinakamahirap sa lahat ang maging stay at home wife?  Saka pre, Parenting is a shared responsiblity.  Hindi ka naman semen donor lang diba?  Pagkagaling mo sa trabaho, tingnan mo sa bahay kung may maitutulong ka sa asawa mo.  Kung may nakatambak na hugasin, hugasan mo.  Kung maraming kalat ang mga bata, iligpit mo.  Tanungin mo kung nakakain na ba siya.  Pagpahingahin mo muna at nakakabaliw mag-alaga ng bata pre.  Maglaba ka ng lampin.  Kunin mo ang mga sinampay.  Kung maaari nga, ikaw ang mamalengke.  Huwag kang umasang maipagtimpla ka ng kape kasi grabe ang iniwan mong responsibilidad sa kanya.  Maghugas ka ng plato bago ka pumunta ng trabaho sa umaga.  Magschedule ka ng araw mo ng laba.  Labhan mo lahat ng labahin sa bahay para naman makabawas sa pagod ng partner mo. 

Sana hindi na dumami ang mga taong katulad mo sa mundo.  OMG!

hypergalactix13

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #33 on: May 30, 2017, 09:26:02 pm »
hahaha.. ang sakit mo sa bangs!

sorry TS pero ikaw ang may problema dito. if you really are a "HUSBAND", then act like one. kung ginawa man ng asawa ko yung at least isa sa mga ginawa mo, aba e talagang hindi ako magdadalawang isip na iwanan ka.

konting isip-isip naman.

loveleah

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #34 on: June 01, 2017, 02:08:46 am »
Di ko na tinapos story mo TS, parang may similarity ka kasi sa ex Hubby ko eh, gusto siya ang mukhang nakaka awa, blame ng blame sa iba lol. Sana naman na tauhan ka sa advices na natanggap mo dito , buti nalang shi nare mo story mo para maka basa ka ng mga comments from the other side, hindi yung puro opinion na ka parallel and gusto mong marinig..:D

airish_2

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #35 on: June 02, 2017, 08:06:33 pm »
Ang haba! 😱 haha! sana isapuso mo at pag isipan ang lahat ng advice dito. At bago ka magdecide sa isang bagay ipagdasal mo muna. Always ask for his guidance.

barbillie

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #36 on: June 05, 2017, 11:12:28 am »
Natawa ako sa exorcism! Hahaha!

Anyways, judgmental ako. Unang-una, kung ipinanganak kang mahirap, kasalanan yun ng magulang mo. Pero kung tumanda ka na't lahat, sandamakmak na nga ang anak mo sa iba't-ibang babae at hanggang ngayon wala kang stable na source of income, kasalanan mo na yun. Walang ibang dapat sisihin.

Sa mga nakarelasyon mo, di mo ba napansin bakit common yung pagiging selosa? Maski yung huling kinasama mo na sabi mo eh mabait, naging selosa na kalaunan. Malamang kulang yan sa affirmation. Inattempt mo ba na isecure sila? Malamng hindi mo sila binibigyan ng tamang atensyon o pagmamahal at puro sarili mo ang iniisip mo. Puro pain mo ang inintindi mo. Pero yung shared responsibility, di mo maibigay. Ang commitment, hindi lang yan thru fidelity.

Sunud-sunod ang maling desisyon mo sa buhay. If there's one thing I can commend you about, it's your resilience. Wag mo isipin magsuicide, kawawa ang mga anak mo. Responsibilidad mong itaguyod sila kahit gaano kahirap, kaya please lang, take accountability.

Kahit gaano ka kagalit, hindi mo dapat pinagbuhatan ng kamay ang asawa mo. Maraming paraan para makapag-usap kayo. Sinubukan nyo na ba magheart-to-heart talk? Yung walang halong pangungutya. Yung pakikinggan nyo lang ang isa't-isa. Sinasabi mo mapride yung kinakasama mo, the mere fact na minamaliit mo sya (kesyo housewife lang, na ikaw naman ang may gusto), isa ka ring mapride na tao.

Kung di nyo kayang mag-usap dalawa, kumuha kayo ng moderator. Yung moderator, dapat walang bias. Kung di nyo kayang kumuha ng counselor, subukan nyo muna ang isang kaibigan, kamag-anak o kakilala na pinagkakatiwalaan nyo pareho.


lovemeagain30

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #37 on: June 13, 2017, 04:50:52 pm »
hmm.. bigla akong nagduda sa nobela ni TS kung totoo.  ??? para kasing sinulat ng taong may pangarap maging writer at dito nilabas ang kwento.

Kung totoo man ang kwento ni TS ang maipapayo ko lang na malupit ay -- mag condom ka next time.  para hindi na madagdagan ang masalimuot mong buhay.  ;)

baliwsayo

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #38 on: June 14, 2017, 07:45:45 am »
Ang haba nga.. di ko na tinapos.

Dear TS, believe it or not, alam mo ang sagot sa tanong mo, you don't really need our advise. Parang engot ba? Tutuo yun. Tanungin mo sarili mo, mag-self analysis ka.. at pwede ba tigilan mo ang pag-blame sa mga naging partners mo. Dun ka siguro mag-start. Wala kasi solusyon ang problema mo kung tingin mo wala naman  problema sa yo.

butxh

  • Guest
Re: I'm a husband and i need advise
« Reply #39 on: October 03, 2017, 04:58:21 pm »
first time kong mag comment i hope maka tulong.. dahil guy si TS.. i put myself on his shoes.. first and foremost.. thanks sa pag share ng story mo.. expect na ang mga nag reply sa post ay let say against or yung negative na napapansin nila sayo dahil babae din sila.. so para fair naman ang advise na matatanggap mo.. andito ako bro para sa side mo.. ang advise ko ay ganito..

kaya mo ba for the meantime mag solo or single parenting sa mga anak mo? kasi napapansin ko hindi ka ata navavacantehan sa lovelife mo...?

bro..tahimik ang buhay pag walang gulo.. kung sa tingin mo hindi ka na masaya sa situation mo ngayon hindi masama ang umiwas sa gulo...try to find peace sa sarili mo at seek for guidance specially spiritual guidance kasi for me there are things na hindi mo controllado..

about naman sa responsibility mo sa anak mo.. i hope andyan ang nanay mo na tutulong sayo lalong lalo na financially stable ka pa naman para mag hire din ng katulong..

about naman sa lovelife mo.. hindi lang ikaw dapat ang mag grow sa isang relasyon dapat dalawa talaga kayo .. it takes two to tango.. pero kung sa tingin mo yung partner mo ay hindi ka naiintendihan at nirerespeto.. problema niya na yun.. if you think you done enough.. stop it.. go on with your life.. pinanganak ka mag isa ng nanay mo.. so it mean kaya mong mag isa..wag mo e depend ang buhay mo sa ibang tao.. ang most important leave some respect sa sarili mo at siguro sa partner mo dahil hindi rin maganda ang nagkakasakitan kayo.. maiiging maghiwalay kaysa magkasakitan kayo..

bro..hindi isang sakit ang walang partner in life.. but to be honest..hindi ka naman nag iisa.. andyan ang mga anak mo.. lalo na ang Panginoon..

I hope open minded ka sa mga opinion ng mga tao dito nasa girltalk ka syempre alam nila ang feeling ng isang babae.. but i admire you for your patience and dedication sa family mo... but sad to say feeeling mo ganun parin ang nangyayari sa buhay  it mean [textspeak!] may dapat kang baguhin hindi sa pamamaraan mo but you need to help yourself first.. for me siguro you dont focus everything sa partner mo.. try to find much deeper meaning of your life.. ask spiritual guidance medyo pansin ko [textspeak!] hindi mo na kwento dito kung what kind of relationship ang meron ka sa Panginoon.. so i hope you try to seek and for sure you'll find the reason of your life..

have faith and don't lose hope.. sabi nga ng Panginoon.. " seek first the kingdom of God and His righteousness, and all these things will be added unto you..."  Godbless sayo and goodluck.
« Last Edit: October 03, 2017, 08:06:07 pm by butxh »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close