watch now

Author Topic: Weightloss diary THREAD 2 (Support thread sa mga nagpapapayat o gustong pumayat)  (Read 58134 times)

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
^I feel you Sister, nung wedding ko din malaman kami mag-asawa hehe, mahirap talaga preps eh nakakagutom at nakakastress minsan, daanin mo nalang sa work out and choose healthier options. Anong height mo if I may ask?

hushush

  • Guest
@jelai

Welcome back sis! Humataw ka na din while active kami. Tagal kami nag-hiatus porke namaintain ang weight hehe. Pero ngayon need ulit magpapayat hehe.
Sa fri or sat ako ako ulit magweigh in para makapagweight update.

Nagmu-muesli na pala ako. Sarap din pala. Nabili ko lang sa SM kanina. Para di maumay sa usual weightloss foods lalo na ang eggs. Fave ko ang eggs pero pag araw araw nakakaumay din talaga. Hehe. Kaya naghahanap ako ng alternatives.

May nabasa pala ako about baking soda for weightloss. Imix daw sa 2tsp apple cider vinegar then 1glass of water. Every morning. Itry ko to. bukas maghanap ako ng ACV.

itt

  • Guest
I'm trying my hardest to drink lots of water din pala to avoid water retention. hehe and stop muna soda. Mag oone week na. hehe.  set na nga ako ng goal. dapat by end of march, 48kg na ako pero dapat mamaintain ko yun. hehe. oongapala, basta mamaintain yung weight for at least 2 months okay na yun no? unless magbinge eat.hehe

hushush

  • Guest
^basically, forever naman dapat ang weight maintenance. Indi short term lang. Unless sawa ka nang maging payat... pede naman maggain for a while pero dapat bounce back to your regimen din agad kung ayaw mo lumobo..
Masaya na sana ako sa 52kg kasi anghirap imaintain ang 49kg para sakin hehe.
Daming di ko pede kainin.. Pero pag nakikita ko yun dati kong pix lalo na nun nagtravel kami at nakaswimsuit, naiisip ko, mas ok ang feeling pag ganun eh. Yun confident ka sa mga suot mong damit. Sayang pati yun effort ko last year..
Ngayon, 2-3kg ang need ko ilose. Anghirap nun pero need umeffort hehe. :D
Iwas-iwas muna sa fattening foods. May cheat day naman eh. Dun ako babawi ng konti. :)

Yun pandesal talaga eh!! Di pa rin talaga ako makaget over sa pandesal na yan. Last year ko pa problem e.. Masarap kasi talaga kumain ng pandesal araw-araw.. Disiplina talaga ang kelangan. Wag bumili para di matuksong kumain. Dami kasi pandesalan dito eh.hehe.. :D
Yun tipong pag nadadaanan mo nalalanghap mo yung masarap na amoy mula sa oven hehe.. :D
Aah.. Mami-miss kita pandesal ko.. For now goodbye muna sayo. Need ko kasi magpasexy ulit hehe..

Just finished my 45min workout... bukas ulit ng umaga. :) then hapon ulit kung sisipagin. :)


Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
^tumpak lahat ng sinabi mo sis hushush!  :D Pasaway talaga yang mga carbs na yan, kalaban ko din yan eh haha!

jelai424

  • Guest
Hi Sis Rorie, kayo din pala ng husband mo sis malaman, yung future hubby ko ang nanaba ng bongga. maskip na sa kanya yung damit nya... dati 10 kami dahil sya payat at ako ang mataba, ngayon 10 pa din naman kasi sya na yung bumilog at ako medyo namayat naman ng kaunti from 62 kg. Not bad na din.. Pero i know mas may ipapayat pa ako. Kaya balik na uli sa pgiging disiplinado. :)

sis hushush, ang galing mo naman na-maintain mo. Ako nanobra na sa timbang. :( Though is still follow IF, yung quality at yung qunatity ng food ko nabaligtad. Dumami ako ng kain ko at madalas na uli ako magjunk food. Tsk tsk. Pat buffet lalo na nung holiday!

Anyway, i will keep up with my weightloss journey again. I miss this thread! :)

hushush

  • Guest
^ kaya mo yan sis. Self-motivation lang sis.
Alalahanin mo summer na. Keri mo bang magsuot ng shorts/sando na may nakausling muffin top saka bilbil tapos pawis-pawis pa hehe. Yaks. Kadiri tignan yung pati leeg may bilbil tapos pag nagpawis... Ngiiii!!!

Bumili ako ng new digital scale. Pinagretire ko na yun kenko ko kasi 5yrs na din yun. Di na accurate ang reading. Paiba-iba..
I got a new camry digital scale. Sa ace hardware ko nabili. Less than 1k lang. Kaya di masakit sa bulsa. Sana lang tumagal din ng 5yrs.

Yamski

  • Guest
Hi, Sisters! I've always wanted to share here.

4 yrs ago: 150lbs
3 yrs ago: 129lbs (thanks to boxing)
Jan 6, 2018: 157lbs

Ang laki ng kailangan kong ibaba uli. :(

Inspired by your posts here and since walang budget for boxing, sinubukan kong mag-IF simula Jan 8, 2018. Medyo nahirahapan talaga ko. Cheating pag may birthdays (around 3x). May isang week pa na di ako nag-IF.  A week ago, tinigil ko na talaga ang rice with 15-hour fasting (di ko talaga kaya 16 hours sorry). So, here's what happened next:

Jan 6: 157 lbs
Jan 15: 154 lbs
Jan 30: 152 lbs
Feb 13: 148 lbs
~ that's 9 lbs or about 4kg!

I will start to incorporate light exercise while doing my usual IF and no rice. Hopefully ma-achieve ko yung desired weight ko very soon.

hushush

  • Guest
^hello sis yamski! Uy nice to hear from you. Welcome to this thread and thanks for the weight update!
Sabi na ba at may mga lurker nitong thread na naiispire ng mga weightloss methods namin.. :)
Buti naman at may makakasabay na ako sa pagpapapayat ko hehe.  :)

Ako naman kadarating lang AF ko kaya nahirapan ako magworkout kanina umaga. Ngayong gabi lang ako nakabuwelo. 1hr cardio exercise.

Bukas magstart na ako uminom ng ACV+BS (apple cider vinegar + baking soda) solution every morning.. Sana may effect sakin.. . :)

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
jelai424 Sis anong height and weight mo ba ngayon? Baka matangkad ka naman ok na yung mga 60 kgs mo konting bawas nalang. Maganda din tignan sa wedding photos malaman ang face hehe mukang happy lalo plus madaming energy kailangan ng ikakasa! Grabehan ang preps eh exhausting talaga.  ;D Nung wedding namin mga 48 kgs ata ako, 50 kgs ako pag malaman ako and 45 ideal (at pangarap kong balikan) na weight hehe. 5 flat ako.

hushush

  • Guest
Currently drinking my very first glass of ACV+BS.. Grabe parang ko makayang ubusin lahat. Angsagwa ng lasa... @__@

itt

  • Guest
Currently drinking my very first glass of ACV+BS.. Grabe parang ko makayang ubusin lahat. Angsagwa ng lasa... @__@

lol ganyan ako dati. kulang nalang isuka ko na. di ko kinaya:(

hushush

  • Guest
^haha! Nagganun ka din ba. Onga kasuka nga. Yun remaining 50ml di ko na talaga kinaya eh.. Sana pala lemon water na lang. Angkaso anghirap magprepare ng lemon. Maghanap pa tapos mahal kada pirasi.. E yun ACV isang bote mura lang. Filtered na heinz yun nabili ko. Hays.. Ewan ko kung iinom pa ako nun bukas....bahala na haha..  :D :D

itt

  • Guest
braggs daw yung okay. hehe pero. hindi din. iba yung asi m sa skimura:(

hushush

  • Guest
^unfiltered ang braggs kaya ayoko.. Maya try ko inom around 10am. Supposedly, before breakfast daw dapat yun.. Angkaso nagplain coffee ako while doing fasted cardio. Magpapauhaw na lang ako para kunyari last glass of water na yun sa buong mundo hehe.  :D :D

hushush

  • Guest
Good morning weighloss diary and mga sis na nagpapapayat! :)
Ngayon lang ako nakapag-update kasi hinintay ko pa matapos ang AF ko. Yesterday, naka-23hrs fasting ako unintentionally. Then 1meal lang nakain ko (roasted chicken ng chooks) for the whole day.  Kasi halos maubos ko ang buong chicken haha. Joke. Hati kami ng panganay kong mahilig sa chicken. :D

After reading about keto diet (nacurious ako how it works) ,Im planning to do a 1-week keto diet starting today.. So puro red/white meats, eggs at green vegs except rootcrops, then some nuts. Iwas sa white grains.. Kaya wala muna akong muesli this week. 1week lang ang gagawin ko kasi hindi ko kaya walang oats/barley/wheat as source of my fiber.. Medyo mahina kasi ako sa vegs kasi. Raw tomatoes at cucumber lang kadalasan nakakain ko. :)

Medyo disappointed ako sa weightloss ko kasi 2x a day na nga workout ako everyday. Then may moderate calorie deficit at prolonged fasting na nga ako tapos ito lang ang nabawas ko?? I guess may retained water pa talaga ako since may PMS pa ako.. Well let's see what will happen after a week. :)

Focus lang tayo mga sis! :)

Weight update:

October 3, 2017 - 49.1 kg
February 8, 2018 - 52.0kg
February 19, 2018 - 51.1kg
« Last Edit: February 19, 2018, 07:47:54 am by hushush »

px17

  • Guest
Started jogging ulit 2 weeks ago at IF parin. Still 48kg parin ako, hirap kasi dami ko cravings. :(

hushush

  • Guest
^good for you sis naagapan mo. Ako nalibang sa pag-oonline shopping. Ayun naggain na pala ako haha! :D

Nag-prune juice ako yung single serving lang na tig-48 na small bottle. Funny thing is, I underestimated the power of that small bottle of juice, so uminom ako bago magpunta ng bank thinking na "naku 5hrs pa magtake effect yun as per experience".
E wala pa 1hr ayun nag-alboroto na tyan ko. Hanap tuloy ako ng cr. Napabili pa tuloy ako ng macdo meal para lang makapupu haha! Next time kung may lakad, wag iinom ng prune juice!! :D

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Curious ako sa prune juice, anong brand yang tag 48 a bottle, kailangan ko yan paguwe, nag adjust din ng timings yung schedule ko ng poop pag umuuwe plus over eating syempre bakasyon haha! I wanna test the power of prune juice!

hushush

  • Guest
^jolly fresh sis yung nainom ko. May isa pang brand limot ko lang ang brand name, yun ang dati ko iniinom na 5hrs ang effectivity. E wala silang stock nun kaya jolly fresh na lang.. Akala ko pare-pareho lang ang prune juice eh.depende din pala sa brand. :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close