watch now

Author Topic: Weightloss diary THREAD 2 (Support thread sa mga nagpapapayat o gustong pumayat)  (Read 58341 times)

itt

  • Guest
@jelai424 IF sis :D intermittent fasting :D hehe

@px17 sis :( hindi pa din ako makawork out :( di pa din okay foot ko. upper body nalang "winoworkout" ko hehe lifting lang, haist ang sad, sana di ako bumalik sa 52 lol

charmed30

  • Guest
hi sisses! pa-share naman ng mga regimen niyo. nadedepress na ako sa weight ko. 3 yrs ago, hindi naman ako ganito kataba. nung nagkababy ako nung 2015 nag start na tumaas ang weight ko. mas mabigat pa ko ngaun compared [textspeak!] buntis ako compared nung kakapanganak ko lang. now im almost 170lbs na, 2015 pagkapanganak ko, 154 lbs lang ako. last april, i did the gm diet for 2 rounds, my weight went down from 170 to 157lbs. kaso i gained it all back :(. i wanted to start exercising kasi before i got pregnant, i was active and very conscious with my body. i tried to do 30 day shred again kaso wala pang 7 days i stopped kasi tinatamad na ako. nagtry din ako magjogging, kaso a few days lang i stopped also. ang hirap i-motivate myself to exercise! ang hirap din magpigil kasi i love rice, sweets, pasta, and chips. help sisses! how do you stay motivated with your exercise and diet?

itt

  • Guest
hi sis :D mahirap talaga pero kaya yan :D aside from losing weight, tingin ko kasi mas mahirap i maintain yung target weight :D minsan kasi, once na reach na, nagiging complacent na tapos ayun doon bumabalik yung lost weight. hehe kaya better din if  paonti onti yung pag bawas kesa sa biglaan hehe. if you back read, youll see all our struggles hehe. ako nung una ang bilis ko nag lose ng weight tapos naging complacent ako kaya ayun, bumagal na. buti nalang yung mga sissies and bros natin dito nakaalalay. hehe. right now Im a bit sad kasi di ako maka workout because of my injury :( babawi nalang ako pag okay na ako. or at least upperbody nalang muna i wwork out ko hehe. naka 50kg na ako kaso feel ko nakagain ako uli bec of my trip lol so ayun.

sis hushhush, promise pag okay na foot ko balik na ako sa takbo and exercise hehe. haist. nanawa na ako sa chocs lol.  huling hirit ko yung ramen namin mamaya hehe.

Carecare

  • Guest
^^sis charmed, same tayo huhu bigla din ako lumaki since mag abroad ako.. hirap kasi ang lalaki ng servings sa abroad hahaha.. anyway, may napili ka na bang approach? haha sabay tayo magpapayat sis haha

hushush

  • Guest
Hello sisters! Ano nang balita hehe. Nalibang ako sa kanonood ng kdrama while nagpapagaling ng injury..hindi ako nagbinge eat and still doing IF... walang kainan kanunuod sa magdamag hehe..inom lang talaga ng tubig.. :D :D

Anyways, magaling na ang knee pit injury ko today kaya nakapag-biking na ako ulet pero @ level 3 resistance muna at baka mabigla sa level4-5..

@sis jelai

AF means Aunt Flo or menstruation.. :)

@sis itt

Ok lang yan take your time. Baka mapressure ka sa 48kg e di mo pa nga ma-maintain ang 50kg.. :)

@sis Carecare and charmed30

Welcome to this thread! post lang kayo dito at magtanong pag may time kayo..that way mamomotivate talaga kayo na magstick sa regimen nyo..kung sasarilinin nyo lang yang ginagawa nyo e medyo matagal atsaka tatamarin talaga kayo..iba talaga pag may weightloss buddies kasi may makakausap ka o may mapagse-sharean kapag naglo-lose ka or may magkocomfort sayo kapag naggegain ka or nagpa-plateau. Abang abang kayo ng mga nagpa-fad diet dito like military diet at GM diet. makisabay kayo para enjoy then you can compare results with other dieters here..si sis itt naka-2 waves na yan ng Military diet. Baka mag-3rd wave sya. Makisabay na kayo. :)

hushbaby

  • Guest
Grabe ka sis hushush ang hirap magbinge sa kdrama na walang binge eating haha pag ganyan napapakain talaga ako kaya di na lang ako nanonood muna hehe siguro pag achieved ko na goal ko. Mag adik ulit ako sa kdrama hehe

Sisses charmed and carecare kaya nyo yan. Tiwala lang hehe and lots of patience and determination. Kahit pakonti konti ma lose na weight ok lang. Mahirap kasi pag mafrustrate minsan pag sobrang bagal or walang nalu lose like pag mag plateau pero go lang. Ganon talaga. It doesnt happen overnight and you have to work for it. Ako kahit 1 pound per week ok lang basta may nalu lose ako. Slowly but surely. Hehe and all-out support naman mga sisses dito in terms of motivation and dapat sipagan din ma achieve yung goal na sinet. Hehe

Sis itt yan din wish ko wag ako bumalik sa 51 or 52. Kasi kahapon nag cheat day na naman ako kahit di naman cheat day. 2 days na akong nasa 50.8 di bumababa kasi napadami rice ko pero di naman sya balik 51 siguro kasi nag fasting ako ng 20 hours kahapon. Inenroll ko daughter ko sobrang tagal at haggard almost 4pm na ako nakakain. Tsk

itt

  • Guest
:D oo sis goal ko nalang muna is to main my current weight range and not hit 52 ( or 51 ) hehe. saka na uli yung paglose ng weight hehe

px17

  • Guest
sis itt kamusta na paa mo?

sis hushbaby grabe din dine out namin. sobrang sira ang diet. Kaya nastay ako sa 51ish. Pero today nag weigh ako 50.8kg na. tumuntong na din ako ng 50. push pa!

itt

  • Guest
^^ masakit pag may pressure hehe kainis hehe nag ttry ko uli maka 2L of water per day hehe mahirap pero go go go hehe

mamy_maldy

  • Guest
hi sisses! pa-share naman ng mga regimen niyo. nadedepress na ako sa weight ko. 3 yrs ago, hindi naman ako ganito kataba. nung nagkababy ako nung 2015 nag start na tumaas ang weight ko. mas mabigat pa ko ngaun compared [textspeak!] buntis ako compared nung kakapanganak ko lang. now im almost 170lbs na, 2015 pagkapanganak ko, 154 lbs lang ako. last april, i did the gm diet for 2 rounds, my weight went down from 170 to 157lbs. kaso i gained it all back :(. i wanted to start exercising kasi before i got pregnant, i was active and very conscious with my body. i tried to do 30 day shred again kaso wala pang 7 days i stopped kasi tinatamad na ako. nagtry din ako magjogging, kaso a few days lang i stopped also. ang hirap i-motivate myself to exercise! ang hirap din magpigil kasi i love rice, sweets, pasta, and chips. help sisses! how do you stay motivated with your exercise and diet?

Try mo kaya sis mag enroll sa gym. Ako kasi ganyan din before, tinatamad. Di ko ma sustain yung pag jogging every day. Pero nung nag enroll ako, na motivate ako mag gym everyday to see improvement kasi nga ayaw kong masayang yung monthly fee ko.

Nung una I thought baka masayang yung 1 year gym subscription ko, pero in a week 5 days ako nasa gym. Na engganyo ako mag gym kasi dami tao, di ka ma tatamarin mag workout out kasi madami kang kasabayan mag workout. At take note, mga chubby din sila tulad ko. Ang motivating factor ko na lang e, unahan sila sa pagpayat, hehe.

April 4 ako nag start at 138 lbs. now I'm 132.5 lbs. Sinabayan ko rin ng calorie count. At least 1484 calories ang na iintake ko.

hushbaby

  • Guest
I agree with sis maldy. Nakakamotivate din pag mag enroll sa gym kasi mapilitan kang pumunta para di masayang bayad. Sayang lang ang lalayo ng gym sa place namin. Sobrang traffic pa naman. Tsaka hirap din pag may kids na inaalagaan hehe

Sis itt totoo yan. Nakakapressure talaga. Kaya ako hinahayaan ko na lang kahit minsan wala ako na lose haha wag lang madagdagan. Problem ko din yang water intake ko. Wala pa yata akong 1L per day. Mahina talaga ako uminom ng water eversince

Sis px17 go sis! Push pa tayo! Konting kembot na lang. Kaya natin to haha kahit effort. Lol Sana maachieve na natin flat 50 soon. Hehe lumiit na ng konti braso ko pero yung tummy ko malaki pa din haaay kaloka!


itt

  • Guest
^^ nakakatuwa din pag may ibanv nakakapansin no? oo basta goal natin is to maintain our target weight. para tuloy ayoko muna mag ambisyon na mag 48 wahahhahahhahahaa. hirap din ako mag dami ng water sis pero ngayon tinatry ko uli hehe :D isa sa goal ko wag na ma 52 lol nasakto pa na 1st day ko. eeeeeeeeeeep so ayun ineexpect ko na na mejo bloated and mabigat ako ngayon lol tignan natin next week after matapos hehe. first meal ko kanina mga 3 pm na. kumusta naman hehe. basta tulong tulong tayo :D mamaintain ko yung 3 months na 50 nakuuuuu ansaya na :D bonus nalang if mabawasan hehe :D buti andito kayo lalo na si sis hushhush para mag disiplina at magpaalala sa atin hehel. excited na ako makapagtreadmill uli hehe :D

hushbaby

  • Guest
Hahaha oo lagot ka kay sis hushhush palo ka sa pwet. Ay tayo pala hahaha mahirap maachieve goal na weight pero mas mahirap nga mag maintain ng weight kasi dameng balakid sa goal. Food, katamaran, walang time, tapos food ulit hehe nakakatuwa nga pag may magsabi na pumayat na.. parang music to my ears lol

rics

  • Guest
Pasali. I am trying to lose weight din.
Last year I got sick and lost considerable amount of timbang. This year I gained it all back and more pa yata. Normally size 4 ako. When I lost weight naging size 2,  then balik size 4, size 6, ngayon size 8 na. Hirap ako to exercise and diet.

Concentrated and taba ko pa naman around the tummy area and my thighs. In a months time, we will go on vacation. I look really bad wearing a swim suit. Need to go on drastic diet of just fruits and salad starting next week plus exercise doing biking on elliptical at least  4x a week. Sana kayanin ko.


itt

  • Guest
^ oo no :D hehe iba din kasi pag may support system :D pag namaintain ko na yung 50kg ko ( as in yung tipong 2 months na ganun yung weight ko ah) mag papa firming treatment ako lol yung para lipo cavitation  ekek. parang minamassage lang sya sa arms hehe. bala kasi hindi masulit ( kahit voucher deal lang ) kapag ngayon magpaganun hehe. basta sis gawn din nating goal na uminom ng water ah? hehe hirap din ako eh.

hushush

  • Guest
Hahaha oo lagot ka kay sis hushhush palo ka sa pwet. Ay tayo pala hahaha mahirap maachieve goal na weight pero mas mahirap nga mag maintain ng weight kasi dameng balakid sa goal. Food, katamaran, walang time, tapos food ulit hehe nakakatuwa nga pag may magsabi na pumayat na.. parang music to my ears lol

^^ako din sinasabihan ng kapitbahay madalas na para daw akong si Dyan Castilejo. di ko alam kung flattery, mockery o simpleng comparison lalo na nun sinabi na "yung sports newscaster na matanda na din". Aray ko. Mukha na ba ako matanda at 35 (turning 36, months from now) hehe.. Baka ibig nyang sabihin e kasimpayat ko si Dyan. O kasing-maskulada or kasing-tuyot haha! Lahat naman tayo tatanda ang itsura pero yung katawan natin pede nating ma-maintain na parang 20s or 30s. Like Ina Raymundo kamangha-mangha ang katawan @40s..hays.
Mas ok na ako dun kesa ikumpara ako sa matatabang personality. Baka mag-beast mode pa ako hehe. :D :D

Anyways, medyo nag-lie low ako sa diet dahil baka nga naman magmukha na akong thunders.. May mga macro/micro nutrient deficiency na din ako lalo na sa calcium kaya i was eating lots of calcium-rich foods like cheese at milk lately..

Basta mamaintain ko lang @49-50 ang weight until december ay oks na ako dun.Di ko pala kayang mag-48 hehe... Unless may magcha-challenge sakin. I might extend my effort.. :D :D

Happy cheat day sisses! Dont forget the IF kahit cheat day ha! :)




hushbaby

  • Guest
Sis hushush pag cinompare ka kay dyan I think super payat mo na kasi parang muscular type na slim sya. Pero wag ka papayag na tanders na tayo a haha fresh pa tayo lol kaloka feeling ko 16 pa din ako at 36 hehe bata pa tayo. Tingnan mo si alice at Ina. Parang tayo lang hahaha joke pero mas ok na nga kay dyan ka icompare kaysa  dun sa mga chubby na celebs. :)

Sis itt gusto ko din try yang lipocavitation tsaka weights pag nareach ko na goal ko para ma tone muscles kasi feeling ko saggy yung arms ko kasi wala akong exercise this past few days. Day 1 ko kahapon and masakit puson ko kaya super tamad ko gumalaw. Until today actually .. Kaya ayun balik 51 :( nakakainis. 50.7 ako nung isang araw tapos naging 51.1 na naman haay..

Sis rics go get your sexy body back. Simulan mo na diet at exercise pero wag drastic. Baka mabigla system mo. Mas ok pa gradual changes. Tsaka mahirap pag crash diet. Goal ko din is makabalik sa size 2 para masuot ko na ulit mga damit ko na nakatago. Ilalabas ko sila pag na achieve ko na 50 kg hehe


itt

  • Guest
day 3 na. buti wala gaanong chocolate cravings hehe kaso Im at 51.5 aaargh. sana after nito maging 50.5 na uli hehe. nakuuuuuuuu promise ko talaga treadmill na ako uli pag okay na lahat hehe kahit 30 mins per day nalang uli para di mabigla hehe. last night, nag greek yoghurt parfait lang ako ( masarap yung sa starbuck's promise hehe ). tapos kahit na may chocolate ako sa harap, hindi ko pa din kinain. woohooooo! ay water din pala. hehe naka 1.5 ish liters pala ako kahapon. so yay!

cheezecake

  • Guest
started working out and diet last monday.  I hope magtuloy tuloy na

jelai424

  • Guest
Hello mga sissies!!! :)

Update: Last Saturday I hit 54.8! :D Party party!! And tama ka @sis hushush, dinalaw ako ni AF kaya medyo mahirap na maglose ng weight. :)

Pero bumalik ako ng 55 kasi nung Sunday, sumakit kalamnan ko while on fasting mode, kaya napakain ako ng biscuit. Hindi ko alam kung acidic ba ako or what. Medyo napacheat din ako nung Sat btw. Ginutom kasi ako kakahanap ng wedding gown! :D Grabe this is it!!!!!!!!!!!

May mga friends din ako na hindi ako nakita for months, at isa lang ang sinasabi nila: PUMAYAT KA! OMYGALIHWNSDSKN !!! GRABE ANG SAYA KO HAHAHAHA :))) For a change because it the past 2 years ang lagi nilang sinasabi "lumolobo ka", "taba mo na" etc. And take note, yung mga nagsasabi nun nung medyo pumapayat na ako hindi na nila ako kinakausap. Mga insekyorang palaka lol jk.


Anyway, sama-sama tayong pumayat mga sis! Nasa momentum ako ngayon!!! Cheers!  ;D ;D ;D ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close