watch now

Author Topic: Weightloss diary THREAD 2 (Support thread sa mga nagpapapayat o gustong pumayat)  (Read 58265 times)

imeego

  • Guest
Gawin ko nga yang mag-measure, problema ko tummy area ko eh..maluwag na pants ko pero flabby tummy pa din kaasar haha, although medyo tanggap ko naman na di talaga magiging flat since nanganak na ako twice at di naman ako mahilig mag exercise 😆 weight ko kanina 47.4 kg, medyo malaki na leeway kahit lumafang ako every weekend

chiqmom

  • Guest
hello girls. kumusta? regular na akong nagzuzumba. hehe MWF. sana mahit ko ang weight loss goal ko this month.  ;)


hushush

  • Guest
^^sis imeego.  Try mo magsuot ng neoprene belt while exercising to trim your tummy area..300 lang yun..o kahit naghahandwash..araw araw na din ako lately nghahandwash..got the idea from you malakas kamo makaburn ng calories.tipid pa sa kuryente hehe..anglayo mo na mahirap nang dikitan weight mo..baka magmukha na akong tuyot @48 flat haha.. :D

Anghirap lang sa IF kapag naabutan ako ng fasting period at nakalimutan ko kumain ng enough to survive 14hrs e nagigising ako ng alanganing oras tulad ngayon..hays..di bale mayang 6:30am lalafang na ko ng pandesal at eggs..woopee! Tiis-tiis.. :)

^sis chiqmom

Oi musta! Busyng busy ka pala sa kasasayaw.buti naman at enjoy ka dyan..anlakas makapagod ang zumba.ako tamad na tamad talaga magganyan. Hirap ako sundan yung moves. Atsaka nakakagutom ng todo hehe..kaya mild workout ang ako para iwas lamon.. :)
Goodluck sis.update mo kami ha kaya mo yan..inom dami tubig para di masyadong magugutom. :)


imeego

  • Guest
Naku sis parang di na kakayanin ng neoprene belt to, baka tummy tuck na katapat neto but ayoko naman ng surgery hehe..pero try ko pa din yan baka may effect pa 😆 

crzysxycl

  • Guest
hello sisses! makikisali hehe. nagbasa ako ng ilang pages, parang ang saya ng usapan dito. :)

gave birth last year, pero until now mukha pa rin akong buntis haha. sooobrang laki ko nung preggy ako. pag nakikita ko old pics ko, hanggang throwback nalang ako lol.

back read muna ako. :)

hushush

  • Guest
^Hello sis crzysxycl!welcome to the thread! Uu masaya dito minsan may kulitan at kantyawan para machallenge ka talaga na magpapayat hehe..  :)
Relate ako sayo kasi nuon ganyan din ako sa 2nd baby ko. Kaya mo yan sis. Pagsumikapan mo, suportahan ka namin dito.. Nakakasawa maging mataba diba. panay bili ng malalaking damit..para kang tumatakas sa bangungot tapos mas malalang bangungot ang kinasasadlakan mo..so instead of running away from it, face it and do something. Marami nang pumayat dito or bumaba ang weight sis..nasa iyo na yun kung gusto mo din. :)

Nagising na naman ako ng alanganing oras..carb loaded naman ako kahapon..kumain ako maraming spag at choco cake kasi bday ng anak ko.. Maybe it's because of sugar rush hehe.Indi naman ako feelibg guilty dahil IF naman ako after..
Andami pang tirang cake kahit andaming nagpuntang mga bata.marami pala ang 12x16 plus may cake roll pa kasi pinabili ng isa kong anak.nainggit sa kuya. Dapat daw sya din may cake hehe..so madami-dami pala akong titirahing cake neto hehe.maipamigay nga yung iba..
« Last Edit: June 09, 2017, 02:25:38 am by hushush »

ayi0119

  • Guest
Sa wakas tumuntong din sa 51 ang weight ko. :D ang tagal kong tumambay sa 52, my goodness!

Sana kayanin ko mag swimsuit sa Bora next week. hahahaha

jelai424

  • Guest
Hi mga sis!!!

Last timbang ko 55.80 ako, now, 55.90. Que Horror! Same lang naman halos yung kinain ko, bakit ganun? :(

Kelan ba masasabi na nag-plateau yung weight mo? Tsaka paano nyo na-overcome? At ang aga ko naman mag-plateau if ever, di man lang ako bumaba pa sa 55. :( Medyo nakaka-panic kanina. :(

hushush

  • Guest
Good morning sisters! Happy cheat day to all of you!
I weighed in this morning to check if i gained from the pastas and cakes i ate 2days ago. I also drank 2cups of prune juice yesterday to flush out my body wastes..Thankfully, the reading was 49.0kg.. Whew! Akala ko talaga 50kg hehe!
Magka-cabbage soup ako mamaya tutal maulan.masarap humigop ng mainit. :)

@sis ayi! Congrats! Long time no post ah..buti naman at naglose ka na ulet. Goodluck sa bora getaway mo ha..pm mo sakin ang best swimsuit pic mo.pls..hintayin ko ha??  :)

@sis jelai

Masasabi mong nagplateau ka kung 1-2weeks or longer ay walang pagbabago sa weight mo kahit same lang ang kinakain mo or ang regimen mo..para mabreak mo sya either need mo pa magbawas ng calorie intake (let say 100 calories or higher), increase mo yung physical activity or tweak your regimen..another reason ay baka retained water yan at need mo flushout by drinking lots of water. When i reached a plateau @52kg, nagswitch ako sa cabbage at green leafies diet bago ako nagstart mag-IF kaya ayun nabreak ko sya. malulusutan mo din yan.. :)

Isa rin palang reason ay baka malapit na ang AF mo or baka may AF ka ngayon kaya ka nag-gain..dont panic. :)

Pag nagdadiet kasi tayo para tayong sumusugal. Yung tipong nagpapaka-goodgirl ka na nga with your calorie restricted diet, workout and all tapos pagtuntong mo sa timbangan expecting that you will lose more grams of weight but instead, you will be shocked to see that you gained more..but if you stick to the healthy regimen, drink lots of water every day, the fat weight will eventually come off..kelangan lang talaga ng patience..

Minsan naman pabaya tayo sa mga kinakain (sa case ko ngayon) but because of IF you will be more surprised that you did'nt gain much weight.
Yan ang hiwaga ng IF hahaha! :D :D

itt

  • Guest
di pa akomakapagtimbang at maka exercise :( injured kasi haist kainis. hehe

hushush

  • Guest
^o musta na sis itt? Kelan ang 48kg challenge natin? :)

Nag-cabbage soup ako for lunch..hindi masyadong nakakaumay kapag inihahalo sa sopas..syempre iniwasan ko yun macaroni.umay na umay na ko sa pasta e hehe..

itt

  • Guest
^^ sis just came home from the hospital :( natapilok ako sa hong kong T.T magang maga paa ko. haist. puro lakad naman kami so feel ko madami akong na burn perooo nakuuuuuu i mmaintain ko muna yung 50 sis bago mag 48 hehe ^_^


hushbaby

  • Guest
Hi sisses, musta long weekend? ;) sarap kumain.. bed weather hahaha anyhoo, sa wakas nakawala na ako sa 51. More than 2 weeks yata ako sa 51. Waaa 50.9 ako now after lunch. Napadami kain ko kasi naglinis ako ng house. Bka mmyang dinner balik 51 na naman haha

Sis ayi have fun sa bora. Post ka ng bikini pics please 😊😁

Sis hushush speaking of sopas nagki crave ako nyan now. Sobrang nakakatamad kasi yung weather ngayon. Sarap lang matulog hehe napapagaya ako sa baby ko na lagi tulog ngayon. :)

Sis itt hope gumaling agad yang paa mo. Ang sakit kaya matapilok. Pag sa hk talaga lakad galore. Yung kinain mo mabi burn mo din agad dahil sa dami ng lakad hehe

itt

  • Guest
Thanks sis! Nagpacheck up sa ortho yesterday and he recommended that I undergo PT.lol bahala na ttantyahin ko nalang if papa pt ako. Exercise na ako after hehe

chiqmom

  • Guest
good morning ladies!

sana okay ka na sis itt

lost another kilo, 9 kilos na in total nabawas ko.  ;D more to go.. naghahanap na naman ako ng bagong way to burn calories. ayoko na bumalik dun sa Zumba. hehe nagrequest lang ako last time dun sa isa na if pwede hindi nya ako isabay sa picture picture since d ako comfortable. every sesh kasi nagtatake ng photo while we are doing the routine, nakita ko lang yung iba medyo off yung  itsura ko. may nakatuwad, nakanganga, etc.  kakahiya naman since inuupload nila then tag sa iba. request ko lang naman e hindi yung mga closeup. naoffend yata or d nya maintindihan request ko, pinagkwentohan ako. nagiinarte daw. oh well, alis na lang ako.

itt

  • Guest
^^ sis I think valid naman excuse mo kasi kahit ako ayoko ng ganun :( saka diba basic courtesy naman dapat to ask those who were included in the pic if it's okay with them na ipost yung pic? o kung gusto nila, sana i blur muna yung iba na andun.

I dont think I can exercise for now :(  baka matuluyan :(basta na explain mo sis side mo bait ayaw mo. sana na intindihan nila :(

hushush

  • Guest
^^sis chiqmom.i agree with sis itt. You have the right to ask them not to include yourself or your pix in their posts..or they may take angles or positions that arent too awkward or embarrassing..pede namang hindi makikita ang mga fez nyo diba..need nila aralin yung basic and creative composition and framing..saka prior to posting dapat may approval ng mga taong nasa pix lalo na kung public account yun. Maraming makakakita na kung sino-sino na lang at baka mabully/mabash ka pa or kayo.

E kung ayaw nila tumanggap ng criticism or suggestions for improvement, hanap ka na lang ng ibang zumba group that wont cause you discomfort.. Dont let that incident stop you from doing what you love to do to hit your goal weight...

@sis itt

Get well..wag ka muna magworkout kung alam mong injured ka.iparehab mo muna..naexcite ka siguro sa gala tapos nakahigh heels ka pa hehe..ako nagbabaon ng tsinelas pag masakit na paa ko sa kalalakad pag nagtatravel.keber na kahit pa malamig hehe..

May knee pit injury din ako.kahapon ko lang narealize. Iniignore ko lang kapag nararamdaman ko lalo pag naglalakad ako. Kaya pahinga din muna ako sa spinning lalot AF days ko.

itt

  • Guest
^^ actually na fitflops ako tapos papunta na ako sa cab that will take us to the airport lol di ko napansin na may step pala ayun natapilok hulog ako. buti makapal pants ko :( akala ko nung una pilay na kasi ang sakit sakit :( buti pauwi na kami nun :( oo sis babawi ako after baka mag butt lift nalang muna ako pero hindi ko lalagyan ng pressure yuung right foot ko hehe

jelai424

  • Guest
hi sis hushush!


Ano yung AF sis? :) ndagdagan ako ng almost 1 pound dahil kakalamon ko this last long weekend huhuhu. Pero at least 1 pound lang naman. Balik na uli sa seryosong diet :)

px17

  • Guest
kamusta sissies? puro eat out kami last week, ayan tuloy 51.1kg parin ako.

jogging kami later. di na kapag jog last week lagi kasing umuulan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close