watch now

Author Topic: Weightloss diary THREAD 2 (Support thread sa mga nagpapapayat o gustong pumayat)  (Read 58233 times)

itt

  • Guest
With patries?  Lol ako nag give in sa isang spoonful of dark chocomousse. Okay na din at least na.satisfy na cravings ko hehe

hushbaby

  • Guest
Sis itt and chiqmom ako din I have sinned..  a lot! Waaa birthday kasi ng baby bunso ko and father in law. Dameng temptation :( dameng cakes, lechon, karekare, bbq, pansit, sisig, atbp. Lahat yan kinain ko in a day. Skipped the dessert lang  except for a small slice ng cake Lol di ko na din chineck weight ko kasi bka ma sad lang ako waaa pero sana 51ish pa din at sna di nadagdagan. Sana ma hit ko goal ko na 50 by june 12. Independence day. Free from fats. Haha Mag balikloob na ako sa IF diet and exercise ko today. Hehe

Sis hushush panira ng diet ang kdrama napapa binge eating while watching ako kaya di ko na inulit haha nakakaadik e.

goodluck sa tin mga sis. Aja! :)

Happy Friyay!

hushush

  • Guest
@sis itt/chiqmom

Good morning sisters!oks lang yan noh! lahat tayo nagkakasala.tao lang nagugutom tayo eh hehe..bawiin na lang sa fasting or workout para di tayo masyadong guilty.. :)

@hushbaby

Anong kdrama nuod mo ngayon?katatapos ko lang LOTBS..maghahanap pa ng di masakit sa mata ang subtitle hehe..
Onga kakagutom yun pagbabasa ng subtitle e no?kaya napapakain ng marami..haha!

Eto ako tambay ulet sa embassy..sana makauwi agad

@cheesecake

Welcome to the thread! Anong plano mong gawin to meet your goal? Halos ganyan din and weight ko nung feb..in less than 3mos nareach ko ang 49ish kg..kaya keri yan kung seseryosohin mo..magfocus ka lang. Paghihirapan mo talaga. :)
« Last Edit: June 02, 2017, 07:28:12 am by hushush »

px17

  • Guest
sisters lipat kayo sa kdrama thread! tambay kasi ako dun. haha bibigyan ko kayo ng kdramas kung gusto niyo. Kla mo  magkalapit [textspeak!] ng bahay eh noh.

birthday ko tom so dine out ulit. sana wag ako bumalik  to 52kg ;) anyways everyday na ako nagjojogging kaya burn more fats! :)

itt

  • Guest
px17 yan din goal ko. wag tutuntong sa 52kg hehe. mejo bloated pa ako ng onti hehe mag ooatmeal muna ako hehe siguro for 3 days oatmeal breakfast ko hehe

px17

  • Guest
^for 5 days 1 apple and 1 orange bfast ko, feeling ko effective siya  na di ako magcrave ng sugary stuffs sa buong araw. Medyo hirap pa ko na wag mag 52 kasi kaka 51ish kg ko lang eh. MInsan pag nakakain na ako nag 52kg na ako. :(

hushush

  • Guest
^sisters. Normal lang na maggain tayo kapag kumakain.kasi may weight ang food eh.maging ang tubig.inom ka 1L. Katumbas na yun ng 1kg..kaya wag kayo mastress na naggegain kayo after eating..maflushout nyo rin yan thru wiwi or bowel..ang masaklap dun ay kung yung calories absorbed  ay magrereflect as body fats hehe..

Next week baka magboiled egg diet ulit ako. Then green leafies..ipaprocess ko muna sa utak ko this weekend na kakain ulit ako ng sandamakmak na repolyo.. :P
« Last Edit: June 02, 2017, 05:10:13 pm by hushush »

hushush

  • Guest
Good morning sisters!

@px17

HAPPY HAPPY BIRTHDAY!! :D
Magpakabusog ka today! Wala muna diet-diet! :)

Goblin naman ang nuod ko kahapon.pero in moderation lang. Like 3-5 episodes per day para di ako masyadong magutom at magbinge eat.pag nararamdaman kong parang gusto ko lumamon hinihinto ko na hehe.theb inom tubig to kill the hunger pangs..

2 days naging 50.3kg ang weight ko.. Then this morning pagkagising ko: 49.3kg. Then after my fasted cardio ay naging 49.0 kg ..
Nakakainspire maging goodgirl..baka bukas makalawa maging 48ish na. Excited na ko! Mapapaaga ata ang calorie-restricted diet ko a hehe.. :)
« Last Edit: June 03, 2017, 07:10:00 am by hushush »

hushush

  • Guest
Yey! As of this morning, after fasted cardio, my weight was 48.8 kg .
I looove IF! :D

Good morning sisters! Asan na kayo? Nagtabaan na naman siguro kayo hahaha! :D

Magweight update nga pala ako.
1 month ko din pala namaintain ang 49ish na weight...masaya na ko dun na inde na ako nakatuntong ng 51 or 52kg kahit araw-araw ako nagcheat.. :).. Pag mareach ko ang 48.0 kg eh 47.0 kg naman ang next goal ko! Didikitan ko si sis imeego! :D :D

WEIGHT UPDATE:
57.3 kg (feb 8, 2017)
56.5 kg (feb 13, 2017)
55.3 kg (feb 17, 2017)
54.7 kg (feb 25, 2017)
54.1 kg (march 3, 2017)
53.4 kg (march 10, 2017)
52.8 kg (march 17, 2017)
52.3kg (march 23, 2017)
52.0kg (march 28, 2017)
51.9kg (april 5, 2017)
50.8kg (april 7, 2017)
50.5kg (april 15, 2017)
49.7kg (april 21, 2017)
50.8kg (april 30, 2017)
49.1 kg (may 5, 2017)
48.8 kg (june 4, 2017)

8.5kg lost in 16weeks!
« Last Edit: June 04, 2017, 11:21:25 am by hushush »

px17

  • Guest
^hi sis hushush. Buhay pa naman kami! nagtimbang ako this morning, 51.3kg! yay! di pa nagrereflect yung kinai kong pizza, chicken at chocolate cake! Kailangan mag exercise! Anyways, I'm on BCP again, nireseta ulit ng OB kasi hormonal imbalance nanaman. Sana hindi ako tumaba! pero feel ko kung diet naman ako di ako mag gegain.

hushush

  • Guest
^birth control pills sis?diba below 30 ka pa.buti pinayagan ka ng physician/ob mo...dati kasi nun early 20s ko dami ko acne saka bacne. Then gusto ko din sana magBCP kasi kikinis daw talaga ang skin pag nagBCP pero sinabihan ako na di pa daw pede sakin...magpaderma na lang daw ako hehe.. :)

Anyways, congrats at malapit ka na pala magflat-51kg..konting tyaga pa yan..good to know na may kasama pa rin pala ako sa dito sa weightloss thread hehe.. :)

Tag-ulan na at need na talaga natin ng malaki-laking weight leeway..halos araw-araw na nga ako nagluluto ng sopas hehe..sunod nyan nilagang mais naman ang pagtitripan ko..
Siguro 1month ulit ang roller coaster ko sa 48-49 bago magflat-48.. 
:D

px17

  • Guest
^yes sis. Last year on BCP ako kasi non-stop period ko. Tas ngayon naman di ako nagkakaron, di siya dahil sa acne kaya ako niresetahan. Baka kaya di ka binigyan kasi gagamitn mo for pampakinis? hahaha pero wala naman atang required age ang BCP.

Oo konti nalang. push pa sa exercise at veggies. :) sana this week flat 51 na ako. Wag lang ako sabutahihin ng BCP. :(

jelai424

  • Guest
Hi Sissies!!!

Nakabalik na din uli dito hehe. I followed IF. Pero ang ginagawa ko is 10 hrs na pwede kumain, the the rest of 14 hrs is fasted mode na. Minsan on a weekend, 8 hrs lang ako pwede kumain then 16 hrs fast. From 58 kg last May 15, 56.2 kg na lang ako as of today!!!!  ;D ;D ;D ;D

Minsan napapa-cheat pa ako hahaha pero d na ako nagge-gain. pansin ko stay na lang ako sa 56. Hindi ko pa din nattry yung sinasabi nyo na fasted cardio, but I will soon! Matapos lang ang project ko, mage-exercise na ako talaga. Mage-enroll ako sa zumba class!!! Yipeee!!!

Nakakainggit yung ibang mag sissies dito mga nasa line of 4 na, mga kasing payat na nila Ellen Adarna sana ma-achieve ko yan!  Thanks sa mga nag-advice sakin salamat salamat po. I will post an update and hopefully mag -50 kg ako bago ako sukatan ng wedding gown on December. Sabi nga ng beki kong ka-work, O-PLAN balik alindog Lols :))

hushush

  • Guest
@sis jelai424

Thanks for the update! Congrats nang malaki for losing 2kg in less than 1month.. :D
Ansaya ko para sayo at gumana din ang IF sayo.naku after 1mo baka 54 ka na.pero kung may fasted cardio baka maging 52 ka after a month.. :)

Daily fasting ka ba sis? Or alternate day? :)

jelai424

  • Guest
Hi sis @hushush! Thanks! Everyday ako nag-IF :) Hopefully magawa ko yung sinasabi mo sis, basta ngayon steady yung weight loss ko everyday. :) Nakaka-motivate lang hahaha :) Ano pala mga exercise mo for fasted cardio? :)

hushush

  • Guest
^sa case mo sis na may pinaghahandaan kang big event (wedding), i highly suggest na magworkout ka at least 30mins a day..any cardio exercise like jogging, running or jog-in-place (ginawa ko yan before nun wala pa ako stationary bike) or any exercise that can increase your pulse or heartbeat up to 100 beats per minute or higher.. 30mins lang on fasted state oks na yun...di mo need pakamatay sa pagwoworkout hehe..mas mapapakain ka pag sobra sobra ang workout... :).

Stationary biking lang ang exercise ko. 30mins every morning before taking my first meal around 13th or 14th hour.. :)

hushbaby

  • Guest
Galing more than 8 kg na nalose mo sis hushush. Go go go! Ako naman na stuck sa 51.6 huhu more than 1 week na. Kanina naubos ko yung malaking lays. Di rin ako nakapag fasted cardio for 2 days na. Walang househelp and yaya. So yung paglilinis na ang exercise ko.

Happy birthday sis px17! Lapit ka na mag 51. Inggit ako waaa nastuck na naman ako :(

Goodluck sis jelai I'm sure by december sexy ka na :) 

hushush

  • Guest
^uy at least stable na ang weight mo ay indi ka na nakakatuntong ng 52kg..malaking bagay na yun..basta stick to your regimen. Kung 14hrs IF ka sundin mo talaga kahit na gutom na gutom ka na talaga..inom ka lang plain coffee of lots of water o kaya nuod tv para malibang...hintayin mo yun oras. Kahit 10mins na lang before your 1st meal. Kasi sayang naman yung effort mo na nagfasting ka for 13hrs hehe...

Share ko lang, nagme-measure ako before ng binti at braso ko to record my body changes at para malaman ko din kung liliit sya..last month or 2mos ago ang reading ko sa diameter ay 9.5" (lowest section) 10.5- 11.5" (mid at high section)..then halos weekly ko sya mine-measure nuon at excited ako kung may changes kaya lang walang pagbabago eh kaya nasawa na ako sa kame-measure...naisip ko baka hanggang dun na lang ang iliiit ng braso ko..then lately pag hinahawakan ko ang braso ko parang lumiit kesa dati kaya naisipan kong imeasure this morning..

Aba nun magmeasure ako eh 9" na ang braso ko sa lowest section at 10.5 sa highest..for sure due to muscle loss din.pati binti ko na dati ay 14.5" ang biggest diameter ay naging 13.5" na lang ngayon..oks na din. May malaking K na akong magsleeveless lagi unlike before na parang braso de mercedes sa laki hehe.. :D :D :D

jelai424

  • Guest
@hushush - sige sis hush try ko yan may treadmill ako gagamitin ko na lang sya before ako pumasok sa work. kailangan lang talaga makatulog ako ng maaga. hirap lang talaga pagsabayin kasi working ako 8-9 hrs then luluto pa ako pagdating sa bahay at magbrew ng kefir kaya everyday mga 12 pm na ako nakakatulog. hirap ako pag 6 hrs lang ang tulog, di ako efficient sa work.. kaya ang pagpapapayat i think is lifestyle change kailangan mong sipagan, iniisip ko na lang it is our way of taking ourselves.. interesting din ang pagsusukat mo ng arms mo ha, magawa ko din. :) just an update, 55.85 ako ngayon! yes nagline of 55 na ako!!! nung college ko pa nakita ang numerong 'to sa weighing scale. hahahaha!!!


@hushbaby - thanks sis sana mgdilang anghel ka, number one worry ko yan at the same time motivation. Yung phone ko punong-puno ng mga babaeng payat na nakawedding gown hahahaha :) para sa pagpayat! :)

it's so nice to have this thread. si fiance kasi baka naririndi na sa kaka-salita ko ng tungkol sa pagpayat.. :))

sa saturday mamanhikan na sila fiance so lamon galore na naman. hahahahah pero minsan lang naman. bawiin ko na lang sa fasting. lols :))

hushush

  • Guest
^sis jelai424..congrats naman!! Woot!! Natutuwa naman ako sayo kasi nakikita ko sayo yun determinasyon..for sure wala pang dec eh 50kg ka na. High five tayo dyan..pa-ice cream ka ha hehe..

Magandang magrecord ng body measurements lalot may binabantayan kang body parts mo..para hindi ka din panay assumptions kung mali ba yung pagkakalaba ng damit mo..umurong ba or lumuwag..aside from weighing scale e yun tape measure ang magsasabi sayo ng katotohanan..indi yung kapitbahay mo or yun bestfriend mo..kasi biased naman usually ang sinasabi nila..diba.hehe.. :) lalo ka na, critical sayo yun measurements dahil susukatan ka para sa wedding gown mo.. :)

May ichichismis lang pala ako..nuon na nag-uumpisa pa lang akong magpapayat nawento ko sa thread 1 na may friends ako na dinediscourage akong magpapayat kasi sabi di naman daw ako mataba.. Then sabi ko that tine "my weighing scale has spoken the truth, that im heavy! "

So ngayon , lately sya naman yun kapansin pansin ang weight gain dahil nagbakasyon.Lumaki ang braso, pisngi, tyan..hehe..then sinabihan ko sya na need nya magbawas. Then after one week sabi nya "pumapayat na ko o lumiit na tyan ko". Sabi ko, "may pumapayat ba na parang buntis sa laki ng tyan" ..hehe..then sabi ko magtimbang kasi sya para malaman nya ang truth kung talagang pumapayat sya or baka tumataba lalo..e ayaw nya.dami nya excuse na kesyo wala daw sya timbangan achuchu..

Then one day, inaya ko sya sa apartment namin kasi papatikman ko yun leche flan ko..so ayun pagpunta nya sabi ko "o tutal andito ka na rin lang e magtimbang ka na sa digital scale ko".. So wala syang nagawa. Then natulala sya nung makita nya ang reading : 62kg! Napanganga sya..haha! Kaya ayun parang di sya makapaniwala.sabi nya 55kg lang sya nun last sya magtimbang...
Kaya sabi ko sa kanya, "ayan ang katotohanan, na mabigat ka na kaya magbawas ka na.." timbangan lang talaga ang magsasabi sayo ng katotohanan kung tumataba ka or pumapayat ka.. :D :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close