watch now

Author Topic: Weightloss diary THREAD 2 (Support thread sa mga nagpapapayat o gustong pumayat)  (Read 58495 times)

hushush

  • Guest
Congrats kay sis px17 at get well soon sa cat mo...siguro gumawa na din ng paraan ang cat mo para matulungan kang pumayat..baka napifeel nya yun stress mo because of your failed regimen kaya sya nagkasakit..mayron kasing ganun pet na masyadong sensitive sa emotions ng mga tao lalo na sa amo nila..kami nga lagi may aso bukod sa mahilig sa aso nanay ko paniwala nya kapag may malubhang sakit na paparating sa family namin eh yung aso daw ang sumasalo.ganun daw katindi ang attachment ng pets sa tao...may instances na sobrang lusog ng aso tapos bigla na lang nagkakasakit o minsan namamatay.indi na umaabot sa vet dahil di na maagapan...anyways ot na..hehe.. :)

@jelai424

Welcome to this thread! You have more than 1yr to meet your goal..kung mag-stick ka sa goal at regimen mo ay di ka aabot ng 6mos magiging 49kg ka.i can guarantee you that...iyon ay IF YOU WANT IT SO BADLY.. :)
You have to have a fiery desire to meet your goal..dyan din kami nag-umpisa..itago mo lang yung baboyish pic mo..tapos pag naglolose ka eh maggawa ka ng BEFORE AND AFTER PIC.. :)
Ipost mo sa fb at instagram mo..ishare mo..para mas lalo ka mainspire...at para makainspire ka din ng ibang tao na gustong pumayat.. :)

About kefir..gumamit din ang husband ko nyan before..ako di ko makaya ang sobrang asim kasi!!ang hirap pati ng maintenance. Magastos sa gatas hehe..minsan napapabayaan lang sa ref..pero maganda sana yun. pampahaba din ng buhay. Kaya lang di ko talaga makaya hehe..para akong umiinom ng suka e hehe..

About IF..isearch mo lang sa google ang beginner's guide..pero as a gist, need mo magfasting for at least 14hrs..mabilis ang weightloss sa IF basta within limits ka ng calorie intake...need mo lang din itiming ng maayos para di ka mahirapan sa gutom..itiming mong [textspeak!] biggest part ng 14hrs mo ay while sleeping ka para paggising mo mag-cardio exercise ka while on fasted state bago ka kumain.sikapin mo mag-exercise kahit 15min walking, stretching or jog in place para maoptimize mo ang benefit ng IF... :)
Pero i suggest bago ka mag-IF e need mo muna maglow calorie diet for at least one month...preconditioning yun..baka kasi magka-eating disorder ka kapag sabak ka agad sa IF.. Basically kasi if you are doing IF, you are training your body to resist fake hunger so you will feel the real hunger.. :)

@neilrudecat

Congrats pala..winner ka pala ng Biggest Loser nyo! Pacanton ka naman:)
Nice insight about water sports..now ko lang nalaman yun na kahit magbabad lang parang workout na din hehe..matry nga..magandang alternative yan sa biking ko..matry ko nga magbabad sa giant pool ng mga anak ko kapag magbakasyon ulit kami sa antipolo..di ko kasi madala ang bike ko indi kasya sa car hehe..

About purple yam..paborito ko rin yun ha! Yun lagi pinapartner ko kapag nag-e-egg diet ako..O diba epektib sya pampabawas ng weight..

About jams at preserves..big no no yan sakin. mas oks pa nga ang dairy kesa sa jams..sandamakmak ng asukal yun eh. Kaya nga preserved e..it's bec of the sugar or salt..yung mga cake sandamakmak na sugar ang nilalagay para tumagal ang shelf life..yung sugar talaga ang nagpapahaba ng buhay ng breads at iba pang foods..kaya mahal yung "sugar free" wheat bread kasi special na sweetener ang nilalagay nila dun..otherwise wala pang 3days may amag na ang bread hehe.. Kaya isa sa mga tinuturing na bad carbs ang breads/pastry..kahit pa wheat bread may sugar pa rin yan kahit konti..
Yung natry ko na "sugar free" bread ay need ilagay sa freezer para tumagal ng 1wk..
Never ako mapapakain ng jams while im still on my weigloss regimen..i dont need too much sugar..pakainin mo na lang ako ng cheese.may calcium pa ako hehe..iwas din ako sa butter at margarines.. :)

Im just wondering.. Sana magkaron tayo ng eb one day..para sa 2nd eb may comparison tayo .. Before and After....haha..wala pa nga 1st eb e 2nd eb agad iniisip ko..wala lang..masaya siguro pag ganun.. :)

Mag-oorganize ako ng dayhike climb sa Mt.Batulao (nasugbu, batangas)..may sasama kaya dito? :) sana meron...parang eb n natin yun! :)

misslovelyjoy

  • Guest
I'll start magdiet na din. For 2 months I gained weight. Yung pants ko before na maluwang at kailangan pa ng belt ngayon hindi na kailangan tapos hindi ko pa sinasara yung buttons kasi as in ang sikip na hindi ako makahinga lalo na pag nakaupo  :'(

Try ko na din magjogging atleast twice a week. Hay!

hushush

  • Guest
^welcome sa thread sis! Kaya mo yan!  Let's do the planking hehe... :D

chiqmom

  • Guest
thanks sis hushbaby

sana by June, another 5 kilos ulit.

itt

  • Guest
chimom, ilang months yung 9 kgs na lose mo uli? hehe ako, medyo steady sa range ko na 51.3 kasi hindi na nakakaexercise pa lol. lowest ko was 50. nakalimutan ko na lol. target ko nung may 15 50kg kaso walaaaaaa. hehe babawi ako. hehe

hindi muna ako uli mag sosoda hehe

chiqmom

  • Guest
^7 kilos pa lang sis. nagstart ako magseryoso last week of march. 1200 calories or less per day, madalas 1k calories. no pork and beef din. no pasta and softdrinks. fave ko milk tea, triny ko din alisin na.

shyla_c

  • Guest
I'm joining this tread! Need to lose a couple of pounds hehe. Although sabi nila pag gustong may exercise you'll really find time pero ang hirap po ng stay at home mom with no helper and I work from home too with a toddler that's sooooo malikot. 5 hours of sleep a day and I need to work at least 6 hours a day pa plus chores wife and mommy duties, wala na po talagang time to exercise. The only time i have for myself is bath time and like now, waiting for emails may time ako magbrowse browse. sometimes I do stress eating and I am definitely gaining weight! Sabi naman din di ba pag losing weight 20% exercise 80% diet! I need a support group hehe!

itt

  • Guest
^^ hi sis :) I think katumbas na ng mommy duties mo yung exercise ng iba dito sa atin :D I think you can start by eliminating  soda/junkfood/fastfood in your diet :) I mean kahit slowly :D ako I started by not drinking soda and powdered bevs.  tapos chips and chocs ( although I have cheat days na, dati hindi talaga. or  tipong once lang every 2 weeks lol. ) anyhoo, try to check which procedure/routine is best for you.  :) and oh, dont worry kasi we'll help each other out ^_^ when I started I thought I wouldnt be able to reach my 2nd target weight. I had to change my initial target weight coz it's kinda unrealistic for me. plus it's not that healthy to lose that much in such a short time span so I changed it to a more realistic one. Im really happy that everyone is so helpful. Nakakatuwa kasi pag nag sshare ng achievements. and yes, struggles kasi mejo reality check din sya for me. Naiisip ko, " oh it's normal pala for my weight not to move ( when I plateaued ). after nun mas nag exercise ako ad lessened my calorie intake lol.

Right now mejo naging complacent ako but Im still a bit happy that I lost weight. Im trying to start again though. Ive been overnight oats in the morning ( cholesterol control). Ive stopped drinking soda / powdered bevs . Im hoping that I can keep up with it in the next few days lol. Im hoping that Ill finally reach 50kg by the end of May. if you have uestions, madami dito na magagaling talaga at displinado :D


chimom,

*bows down while chanting*

we're not worthyyyyyyyyyyyyy.


I dont think I can do 1200 cal per day. actually maybe I can but maybe not everyday. I can prolly do it every other day? or 3 times/week lol. Im hoping na hindi ako manawa sa overnight oats lol I bought 100gms+ of strawberries from the salad bar of merkado. Ill add it tom nalang sa oats hehe


btw, we tried koz ( the greek restau at uptown ) and fell in love with their greek yoghurt. hehe Im think of buying x amount of those to add to my oats sa next batch hehe. yummy din kasi yung candied walnuts nila hehe :D
« Last Edit: May 16, 2017, 01:19:09 am by itt »

hushbaby

  • Guest
^Parang yummy ng overnight oats mo sis. Will try that. Yun lang mas mahal kasi mga fruits sa supermarket. Yung na try ko pa lang chia pudding nasa ref din overnight. Masarap din with mangoes. I need lang to buy oats sa healthy options kasi bawal sa kin gluten. Ang gastos maging healthy :(

^^ sis same tayo. Work at home mom with 2 malikot kids wala ding yaya and struggle din for me mag exercise kasi walang time. Pinipilit ko na lang gawin fasted cardio tapos 4minute or 7minute workout sa youtube habang tulog pa kids ko. Madalas di ko din nagagawa lol I also do IF diet na explain na ni sis hushush before. Backread mo na lang hehe I started my diet last march 20, weight ko is 58 kg. No rice, no soda, no pasta, no fastfood except fries on cheat day hehe nag cake din ako last week. Cheat week kasi birthday ko naman. 53.5 ako now. Siguro kung walang cheat week at masipag ako mag exercise mas malaki weightloss ko. Pero ok lang at least may nalu lose naman ako every week. Slowly but surely. :) usually tuna salad, boiled saba, egg, chopsuey, kamote at ulam lang ako and no to little rice. Parang nasanay na ako na ganon. Kanina pala tumikim ako ng ice cream. Waaa Haha pero 2 spoonful lang and last na nag ice cream ako was feb pa.  50 kg ang goal ko by end of June. Sana ma achieve ko . Very supportive sila lahat sila dito especially pag nafrufrustrate pag nagpa plateau. Hehe pero di nga maiwasan yun parang mastuck ka sa certain weight for a while. Pero Go go lang sis. Kapit lang besh. Kaya natin to. Tiwala lang haha


hushush

  • Guest
@shyla_c

Bilib ako sa mga katulad nyo ni hushbaby na WAHM tapos may toddler at walang yaya..grabe effort nyan hehe..
Ang toddler kasi as much as possible araw-araw nasa labas at nakikipaglaro sa kapwa-bata para maubos ang kalikutan at matuto makipagsocialize/makipagkwentuhan...need nila masurpass yung stage na yun kundi eh preschool/elem age na parang toddler pa rin sa kalikutan..may classmates ang anak ko na ganun na mas matanda pa sa kanya pero mas malikot pa kesa sa kanya.. paminsan minsan ganun din anak ko sa school.kaya pinepwersa ko lagi lumabas at makipaglaro lalo na pag bakasyon..kundi e ako din ang makukunsumi pag nagbabangayan sila ng bunso ko hehe.. :) mas oks din na walang yaya para yung bata indi masyadong spoiled at maging independent at responsible..meron akong mga kakilalang laking-yaya na matatanda na, marrying age na pero parang teenager pa rin kung umasta..parang yun bunso kong kapatid na masyado na-baby. Ayun feeling teenager haha! Anyways ot na..kaya mo yan sis! Kaya mong pumayat kahit mahirap ang situation mo.. :)

If you feel like stress eating, opt for negative-calorie foods like green salads or yams, boiled eggs...busog ka na, papayat ka pa.. :) carrots sticks at cucumber sticks masarap ngatngatin while working..wag mo lang isawsaw sa mayonnaise or salad dressing. Try mo vinegar or ACD. Then suha/pomelo, green mangoes, singkamas, melons/cantaloupe, or other summer foods (wag lang ripe mangoes at dried and preserves kasi puro sugar at preservatives ang makakain mo)

@chiqmom

Congrats for losing that much weight! Excited ako for you..baka one month from now eh lean and sexy ka na din..o patingin ng pic ha..ipagmayabang ang pinaghirapan!wag ikahiya! Fats at bilbil lang ang ikinakahiya! :)

I did planking last night..forearm at side planks..mas madali sakin ang forearm planks..mahina ang arms ko, di ko makaya ang side planks..payat nga ang arms ko weak naman huhu..3 sec pa lang bumibigay na..di bale..magweightlifting ako ulit to strengthen my arms..

Masaya ako though kasi nakahanap na ako ng core workout na doable para sakin.. :)

@hushbaby

Try mo din sis ang planking kung wala ka pang workout.mas madali kesa sa push up or crunches..nabasa ko lang kagabi sa kabilang thread at tinignan ko sa google..mukhang doablr kaya tinry ko hehe..naenjoy ko naman...ako kasi ang taong tamad na tamad sa floor exercise eh..kaya nga bumili ako ng s.bike kasi yun ang pinakamadaling workout para saken heheh!

ano na nga ulit ang cardio mo? Jogging, walking or biking? :)
« Last Edit: May 16, 2017, 09:33:03 am by hushush »


hushush

  • Guest
Thanks sis itt for the link! :) i did 2 sets of forearm and side planks (4reps each) kanina..hopefully on succeeding days ma-increase ko ang reps..i will do squats din.nagkaidea ako sa link na binigay mo :)
Mabilis pala makapawis ang planks.. yung 10sec sakin parang 1hr na..im starting to love it.. :) tignan ko nga after 1mo kung may impact sa tummy at obliques ko.. :D

px17

  • Guest
welcome sa mga new sisters!

ako naman nung nagstart ako magdiet gradual change lang. 1st week binawasan ko na rice ko  from 1/2 cup to 1/4 cup then every lunch lang. Before alternate bfast ko ng rice+ulam or oatmeal, ang ginawa ko every morning oatmeal nalang talaga para mas matagal akong busog. Totally inalis ko na din ang sweets and bread (eto kasi snack ko palagi). 2nd week no rice na talaga tapos I started eating more veggies and fruits. 3rd week nawala na yung cravings ko sa sweets mas matagal an din akong nagugutom. Yung mga sumunod na weeks dun nalang ako naglagay ng cheat day.

Before ako magdiet konti na talaga ako kumain pero ngayong nagdiet ako mas kumonti pa ulit ako kumain kasi nabubusog na ako agad. Ang laking factor magpataba ng sweets. Siguro maya't maya kumakain ako ng chocolate, bread, cakes, milk tea at frappe kaya tumaba ako ng from 50kg to 56kg.

bukas anniv namin ni boyfie so mapapakain ako neto. IF next day ang drama ko neto.
« Last Edit: May 16, 2017, 01:55:35 pm by px17 »

itt

  • Guest
^^ tama yung sa frap at milkteas! lol actually pati jamba juice mataas din calories hehe. pag paminsan okay lang siguro :) sa sweets and midnight snacks ako nadali actually hehe

px17

  • Guest
^na alala ko before everyday ako nag tea at frafrappe. Tas last xmas season naka apat na set ako ng sticker sa sb. Boom! taba! hahaha di ko alam na mataas pala sa calories sa jamba juice. kala ko healthy healthy dun.

ngayon tea nalang ako talaga pero from loose tea leaves nalang kaya sure na akong walang sugar.

itt

  • Guest
^^ ang yabang ko pa sa sarili ko dati na healthier yung jamba lol pag check ko. oooooopsy! lol naku nadali na din ako nyan starbucks lol never again lol

nag sstart na ako uli mag seryoso. :)  sasanayin ko muna uli body ko sa onting calorie intake tas exercise na uli hehe

====

err, ngayon na pala ako mag sstart hehe ^_^
« Last Edit: May 16, 2017, 05:03:14 pm by itt »

hushbaby

  • Guest
^Super relate ako sa milktea at frap. Hehe Addicted ako sa milktea dati. Everyday ako nagmimilktea. Punta pa ako ng mall yun lang bibilhin ko. Buti nga napipigilan ko na sarili ko ngayon pag nasa mall. Naghahanap na lang ako ng water or yung lemonade sa fruitas. Pero feeling ko dameng sugar or syrup din yun.

Sis hushush di pa din ako nakabili ng bike e. Yung cardio ko yung 4minute workout lang sa youtube. Yun na yun hahah May ginawa din akong 30day workout challenge. Nagstart ako last april 20 pero na stop last week. After nun tinamad na naman ako. So far nasa 125 seconds plank na ako, basic at elbow plank lang. Itry ko din yung side plank. Tapos 40 push ups pero hirap talaga ako sa push ups pati squats. Sa situps nasa 125 yung last ko. Bukas ipush ko sarili ko na ma continue ko na ulit. Sobrang tamad ko lang talaga mag exercise kaya need ko talaga ng malaking push. Dapat before magising kids ko magawa ko na pero yun lang problema pag maunahan ako ng gising or pag tinamad talaga ako. Kanina di ako nakapag exercise. Naglinis kasi ako ng kalat sa storage room tapos nag mop so parang yun na exercise ko hehe
« Last Edit: May 17, 2017, 09:36:51 am by hushbaby »

px17

  • Guest
Good morning sisters!  ang dami kong kinain yesterday. Nakakalungkot lang kasi konting kain busog na ako. So di ko na ganong kasulit yung  food. nung umalis ako ng bahay 52.2kg ako pag uwi ko 53.1kg na. Pano ba naman bfast: rodics (tapa), lunch: triple sampler (buffalo wings) and 1/2 burrito, snack: frozen yogurt dinner: sariwon (beef, chicken, salad,  jjigae, egg and bibimbap)

As of the moment di pa ko nag bbfast. IF muna. Para mabawi ko yung mga kinain ko kahapon.

hushush

  • Guest
@hushbaby

125sec planks? 40 pushups? 125 situps? Tamad ka pa nyan? Potek!! Ako nga swerte na maka-10 ng push-up/sit-up haha! :D
Anyways nahinto ako sa planking kasi biglang sumakit ang obliques ko..ipinahinga ko muna..baka tom morning ulit..

@px17

So fasted state ka ngayon?mag-exercise ka at least 1hr bago ka kain..sayang yung benefit ng fasting mo.. Use your neoprene belt. :)

Egg diet ulit ako this week kasi marami na ulet ako supply..kaya lang nagtaas eh..tsk! Hirap tuloy magbenta lalot yung competitors nagpapamurahan..:(

itt

  • Guest
AF day 2! kaya pala puro ako cravings ( and the increase in weight? lol ). 51.6 ako ngayon( hopefully after af, mabawasan ng mga 300-500 gms lol ). I exercised 2 days ago. I wasnt able to do it yesterday bec of dysme T.T still having oatmeal for breakfast :D sana di akom ag sawa for 1 month para at least okay sa body ko hehe. nakuuuuu naririnig ko yung taho hehe taho and oatmeal nalang ako :D I need to hydrate uli haist.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close