Author Topic: Maine Mendoza thread 2  (Read 49400 times)

tomatostellar

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2185
  • something infinitely interesting
Maine Mendoza thread 2
« on: April 27, 2017, 01:24:51 pm »
thread 2 for Meng <3

dito tayo galing
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?topic=291600.600

sooo.. may something nga kaya sa kanila ni Sef?
crush ko din si Sef dati. Galing sayaw and naturally funny :)
http://stellarchild.blogspot.com/
"If you do not breathe through writing, if you do not cry out in writing, or sing in writing, then don't write, because our culture has no use for it."
~Anais Nin

Maple19

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 323
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #1 on: April 27, 2017, 01:54:51 pm »
I don't know sis kung may something nga sila. Pero if meron nga tapos pinagbabawalan ng management for the sake of the loveteam, parang nakakaawa naman si Maine.

Ako bilang fan, I don't mind kung di man sila magkatuluyan ni Alden, feeling ko medyo iba din sila ng trip sa buhay eh. May iba naman loveteams na kahit reel lang eh successful pa din (perfect example na ata sina Richard-Dawn at JLC-Bea). I guess they (management) are so afraid of losing the aldub fanbase pag nalaman na di sila or wala talagang spark in real life. Personally parang ang babaw naman ng ganung fans kung iaabandon na ang loveteam just because di sila in real life. Expected yan sa mga teens siguro. Pero Aldub, madaming fans across all age groups so naniniwala ako magiging understanding naman sila.

MisCalculus

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1520
  • SuNnY Came HomE...
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #2 on: April 27, 2017, 01:58:50 pm »
thread 2 for Meng <3

dito tayo galing
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?topic=291600.600

sooo.. may something nga kaya sa kanila ni Sef?
crush ko din si Sef dati. Galing sayaw and naturally funny :)

Yay! thank u sis :)

About Sef, nachismis lang. Maybe they became good friends privately, maybe because swak yung personality nila. Pero pwde din naudlot agad. It was complicated kaya kung ako sa kanila wag na lang. lols! Besides may gf pa ata si Sef (andrea torres).

nanghuhula lang ako. chos :D


"One day you will wake up and there won't be any more time to do the things you've always wanted. Do it now."

Gaysha

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 418
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #3 on: April 27, 2017, 06:12:35 pm »
For me, a price to pay for local showbiz fame , at pag nalinya ka sa may ka-loveteam, is to bear with it. No choice. It's either learn to like/love your ka-LT. Saka si Alden pa ba ang magiging choosy ako lol. I think nga lang di sila compatible sa ibang bagay, like sa music. Ewan lang kung make or break sya. As for Alden's sexuality na matagal na issue, for me i think at most is Bi sya not really 100% gay  ;D 

Myealexis21

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1407
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #4 on: April 28, 2017, 12:50:23 am »
Wala na ata si Sef at Andrea.

As for Maine and Alden, I think they are good friends naman.  Pero parang si Meng iba ata ang hanap sa lalake, yung tipong witty and may sense of humour, like her.  Minsan kase medyo corny mga banat netong si Alden eh haha! peace sa fans! -- fan din ako ni Alden  :)
Trapped in between yesterday and forever

tomatostellar

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2185
  • something infinitely interesting
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #5 on: April 28, 2017, 08:26:16 am »
Grabe matatapos na ang April may birthday bash pa din for Maine
Quarter-long celebration ba? Super busy siguro kaya kagabi lang ang avail nya.
http://stellarchild.blogspot.com/
"If you do not breathe through writing, if you do not cry out in writing, or sing in writing, then don't write, because our culture has no use for it."
~Anais Nin

etxetera

  • Proud to be
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1458
  • At home ako dito
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #6 on: April 28, 2017, 08:27:17 am »
Daming imbentong kwentong nagkalat but last night is the happiest aura in an event I saw so far from you. Keep that smile and happiness lalo back up pa by your families.  Family always more than anyone else.


And aaaaaw Maine not your fault or Alden's fault DTBY is shitty 😢 you shine sa DTBY and continue to shine. Madami-dami ka ng acting scene highlights proving how improve of an actress you are - PWEDE NA SA MAS MAGAGANDANG ROLES. Anyways  you and Alden deserve a way better project sa limpak limpak na swerte at salapi na inakyat ninyo if only may unity sana ang magulong niyong management nevertheless people reward those who take blame more than those who express remorse - HATS OFF INDEED YOU ARE AN INTELLIGENT GIRL  ;)
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
~ Whatever has to be done, it's always your choice. ~
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

etxetera

  • Proud to be
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1458
  • At home ako dito
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #7 on: April 28, 2017, 08:31:30 am »
Grabe matatapos na ang April may birthday bash pa din for Maine
Quarter-long celebration ba? Super busy siguro kaya kagabi lang ang avail nya.

Talagang almost 2 months after ang sked kahit na super early ni-organize. MAs late ata this year than last year pero mas masaya. Kita mo ang glow sa face niya at si Matti agaw eksena hanggang nung kinakantahan siya ng happy birthday pinupunasan nila ng sipon ni Alden lol
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
~ Whatever has to be done, it's always your choice. ~
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

coffeemilk12

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 98
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #8 on: April 30, 2017, 03:39:15 pm »
Hello! Patapak sa 2nd thread ni Maine.  :)

Sa tingin ko, both sides ang at fault sa ginawa nila sa DTBY. Naway magsilbi itong lesson sa kanila na magpakumbaba at tigilan ang kapalaluan. Sila din mismo ang wawasak sa ginto o biyaya na meron sila ngayon. Baka bawiin yan sa kanila at magsisi ang dalawang kampo sa huli.

Re 2017 Aldub movie Same since team sa IYAM ang gagawa, ang wish ko lang is sana hindi IYAM Part 2 kundi new and fresh story talaga. Kailangan nila bumawi sa movie na ito after the mild hit na DTBY. I'm sure bitbit pa rin nila si Shayne Sarte for a breathtaking cinematography. Sa supporting casts naman, kung nagbabasa sila dito, sana huwag nilang isama yung mga artista na may pagka-"jinx".

Tapos I do hope may inputs si Alden at lalo na si Maine sa movie na ito. Like nung IYAM na part sila ng creative team.

Meng, I know nagbabasa ka dito. Tingin ko may valid points naman ako. Pasensya na sa mga forumers at sa mga lurkers.
« Last Edit: April 30, 2017, 03:45:52 pm by coffeemilk12 »

innocent_beauty

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 971
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #9 on: May 01, 2017, 09:21:43 am »
feeling ko nangyari sa DTBY ay fans vs viewers mas gusto ng mga fans more of meng and alden (lambingan, killigan) na parang halos wala ng contradicting sa stories syempre ang viewers mas nakararami gusto yung mismong takbo ng kwento. May mga kontrabida pero di nila mailabas ng husto kc maraming fans magagalit. ;D just saying lang.
rejection doesn't always mean a failure, it is a challenge

coffeemilk12

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 98
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #10 on: May 01, 2017, 10:33:09 pm »
Ang reklamo ng fans is the story and execution of DTBY. From a casual viewer's POV, hindi maganda at maayos ang pag-execute sa kwento ng DTBY.

Maraming teleseryes and even movies na gasgas ang plot pero hit or click pa rin sa audience kasi nga maganda ang execution.

Suggestion ko sa upcoming movie ng Aldub, okay lang kung formulaic pa rin ang story pero dapat fresh at something new ang approach, para hindi ma-alienate ang casual viewers.

Re casting Dapat may story muna tapos mamili kung sino ang akma sa role na ito. Hindi yung may isasali na artista sa Aldub movie dahil sa palakasan or di kaya talent ng ganito or ganyan.

Thank you!

MisCalculus

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1520
  • SuNnY Came HomE...
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #11 on: May 02, 2017, 04:32:22 pm »
About the next aldub movie, may apprehension ako about it given na hindi man lang umabot sa kalahati yung expectations ng mga tao sa DTBY. Partida sabi ng gma pinaghandaan daw nila itong first aldub series.  ::) Sana bigyan nila ng time to really prepare for their next movie. Importante din talaga na continuous yung efforts nila to improve their craft. I wish Meng could attend more acting workshops pa sana kasi she has proven already sa dtby na may ibubuga naman pala sya sa acting. More practice pa, mas confident na sya next time.

For now, i am looking forward more on the release of her book.
"One day you will wake up and there won't be any more time to do the things you've always wanted. Do it now."

Gaysha

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 418
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #12 on: May 02, 2017, 06:05:09 pm »
^What does "Partida" mean?

etxetera

  • Proud to be
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1458
  • At home ako dito
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #13 on: May 03, 2017, 11:26:55 am »
feeling ko nangyari sa DTBY ay fans vs viewers mas gusto ng mga fans more of meng and alden (lambingan, killigan) na parang halos wala ng contradicting sa stories syempre ang viewers mas nakararami gusto yung mismong takbo ng kwento. May mga kontrabida pero di nila mailabas ng husto kc maraming fans magagalit. ;D just saying lang.

Not really depende sa pagkakalatag ng kwento na ang kaso pangit na nga kwento lalo pang pangit ang pagkakadirek. Kundi ba naman sira ang management ng both ipagkatiwala ba ang unang pinaghandaang serye kuno bilang kapitan ang isang bagitong direktor na wala pa napatunayan. Buti sana kung sing level ni Jadaone ang sinugalan kaso pang panahon ni Mara Clara style na maskipapano. Nagkalat at patuloy na nagkakalat. Ang masama sukat bang gumagawa ng sarili niyang script kaya nagkagulo-gulo lalo. Bilang sa daliri ang matino niyang eksena na maganda pagkadirek mula umpisa. Ni hindi marunong gumamit ng camera angles at lighting at walang paki sa mga characters na mas dapat ibabad ang eksena at iksian. Ewan bakit apple of the eye niya si Gardo at Thea na ang haba haba na ng inubos na airtime na wala namang konek sa pagkakatuluyan ng SinJie ang mga eksena pero ayaw niya tanatanan araw araw sa ulit ulit na mga eksena. Aksaya lang sa oras tapos lagi pang nagmamadali lahat ng eksena niya. 

Mas mahusay pa si Meng magdirek kung ikukumpara mga vid outputs ng bata even before siya nagshowbiz. May watchability factor unlike itong si Irene na wala ka art art. Kahit simpleng ibon na parrot nung umpisa gawin bang lovebird at wala siyang paki sa details. Di ganun ang isang mahusay na tv director.  Sinayang niya ang pagkakataon by messing up the series sampu ng iba pang mga totoong nakialam sa serye pero both ang Aldub ang nagsorry sa quality. Ngayon kumahog ang both management sa palpak nila tapos press release ADN may sala lol Mas may patunguhan pa ang real kesa sa career ng dalawang ito with the chaotic and poor decision making management they both have.

Ang daming learning's sa serye lalo in terms of incompetence ng both management but the best about it - it proved Maine has improved a lot as an actress( although ewan bakit binalik na naman siya sa pabebe scenes instea dnilevel up with scenes sa veteran stars SAYANG). Anyways sana she keeps her acting coach in all her future project kung sino man siya huwag na niya pakawalan. That person brought out the actress in her. 
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
~ Whatever has to be done, it's always your choice. ~
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Myealexis21

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1407
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #14 on: May 03, 2017, 01:08:30 pm »
^Agree ako, it was not executed properly.  Nakakainis ang kinalabasan.

Dapat nga pasalamat sila sa ADN kase kahit sukang suka na, nanonood pa rin for the love of Alden and Maine.

correct Sis, Maine improved a lot! Galing galing ni bebegirl!
Trapped in between yesterday and forever

MisCalculus

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1520
  • SuNnY Came HomE...
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #15 on: May 03, 2017, 03:43:06 pm »
^What does "Partida" mean?

Hehe, actually wala syang english translation per se. But here's the definition online:

"It refers to one party having an advantage over the other. But more than stating how one team has an edge, the term can be used to connote a tinge of boastfulness, confidence, bravery, false modesty, or even humor"

English translation: The term "to heck if you've got an advantage" comes to mind when thinking of the closest English translation for partida.

Sorry off-topic :)


"One day you will wake up and there won't be any more time to do the things you've always wanted. Do it now."

etxetera

  • Proud to be
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1458
  • At home ako dito
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #16 on: May 04, 2017, 02:25:41 pm »
^Agree ako, it was not executed properly.  Nakakainis ang kinalabasan.

Dapat nga pasalamat sila sa ADN kase kahit sukang suka na, nanonood pa rin for the love of Alden and Maine.

correct Sis, Maine improved a lot! Galing galing ni bebegirl!

At patuloy sis na nagkakalat lalo ang director. Ang pangit ng execution ng poetry scene kagabi. Even little details ng scenes like paperbag di man lang mabantayan. Ang careless. Lagi pang chaka ang anggulo niya kay Meng at dim pa lighting in puro ukay outfits pero deadma both GMA at Tape. Paano yung isa kumita na ng limpak pang pondo sa mas mga paborito yung isa gusto magpaka messiah at sumalba naman sa pelikula. Puro pansarili utak kesa sa kung ano ang present na problema na dapat munang atupagin. Counting chicks agad both. Bahala na si puting dwende sa kanila. What comes around goes around.   

At ang latest blog entry niya " Eh bakit ba tayo nangingialam pa? "

At least sumusuntok-suntok pa rin kahit pano ang old Meng once in a while - di naman pala tuluyang nawala  :P
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
~ Whatever has to be done, it's always your choice. ~
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

coffeemilk12

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 98
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #17 on: May 07, 2017, 06:45:26 pm »
I saw what she wrote on her sky lantern at yung "peace of mind" lang naintindihan ko dun.  ;D

Kung magulo man ang isip nya now, ang masasabi ko lang may purpose kung bakit pinagdadaanan nya ang ganito kabrutal at kagulong sitwasyon. Tingin ko test of character nangyayari kay Maine, tipong hanggang saan ang kaya nya.

I do hope mabasa itong post ko ni Maine or someone close to her. Unsolicited advice is since sabi na madalas sya maglurk sa socmed, once in a while umalis muna sya sa Twitter at wag magbabad dito kung kinakailangan. It will contribute to a more peaceful disposition.

Re Career Sana hindi sya madiscourage sa sinapit ng DTBY. Even Hollywood A-listers eh nakakagawa ng mga bad projects. So ganun ang buhay, may highs and lows talaga.

Sa movie naman, wish ko is yung name ng character ni Maine would end with an "A", parang Anna sa MBL at Gara sa IYAM. May dalang swerte kasi kapag ang pangalan ng character nya sa isang project ay nag-end with an "A". Wala lang, pamahiin lang ganon.  :D

etxetera

  • Proud to be
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1458
  • At home ako dito
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #18 on: May 07, 2017, 10:33:29 pm »
Sarap ng sapatusin SURREAL pa din bukambibig kahit little acceptance wala pa din. Likas talagang matigas ang ulo ng introvert hirap bend ang utak at walang kamatayang paghahanap LOL
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
~ Whatever has to be done, it's always your choice. ~
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

innocent_beauty

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 971
Re: Maine Mendoza thread 2
« Reply #19 on: May 11, 2017, 02:28:51 am »
^ sino sis tinutukoy mong " sarap sapatusin" si alden? si Meng? or yung management? eat bulaga?  sorry confused tuloy ako  ;D
rejection doesn't always mean a failure, it is a challenge

 


Latest Stories

Load More Stories
Close