Author Topic: Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !  (Read 3430 times)

MR.TURKO

  • Guest
Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !
« on: March 15, 2017, 03:06:34 am »
ASSALAMU ALAIKUM mga sis! First time ako mag post !  May close friend ako na babae, anak siya ng MANINANG at MANINONG ko. Since matagal na kami hindi nagkita kasi nasa US nag work tanong siya kung ano ba daw gusto ko regalo . Matagal na siya nag tanong sakin nito kaso nag iisip pa ako ng maganda. Lately tumawag siya sa phone  habang kausap ko ang GF ko sa skype PC. Sinadya ko sagutin kasi wala naman ako nililihim kay GF. Nangungumusta lang si close friend at sabi niya uuwi na daw siya by next month. Tanong ulit kung ano gusto ko kaya sabi ko JBL CHARGE 3 BLUETOOTH SPEAKER na color blue na lang. Ayun pumayag si close friend. At siyempre tuwang tuwang ako kasi may pang pastime na ako . Tsaka matagal ko gusto magkaroon ng ganun kaso hindi mabili bili kasi waley budget may kamahalan pa kasi ang presyo. Ang problema ko ngayon itong si GF, galit na galit kasi daw baka ano na yun. Grabe talaga maka duda. Hindi daw kami kadugo ng close friend ko at bakit daw ako malambing sa tono ng boses ko kung makipag usap. Siyempre kapatid ang turingan namin sa isat isat at walang malisya sa akin yun. Si GF parang aligaga panay iyak ng iyak sa skype na para pang may nagawa akong napaka bigat na kasalanan sa kanya. LDR pala kami ng GF ko nasa JAPAN siya now. So galit si GF na tatanggap ako ng regalo sa ibang babae. Sabi ko atleast may libangan naman ako at happy siyempre kasi magkakaroon na ako ng gusto kong gadget.  Sabi ba naman na mababaw lang daw happiness ko at material na bagay lang daw yun. Pinapili pa niya ako . Pinagpalit ko daw siya sa material lang. Ngayon nag sorry ako sa kanya at sabi hindi ko na tatanggapin na lang. Aba panay parin ang iyak hindi ko daw siya mahal. Wala daw ako kwentang BF. Ngeks Hello nagparaya na nga ako tapos ako pa ang masama. Magiging happy daw ako sa gadget na bigay ng iba kaso siya naman daw masasaktan. Habang tina type ko to nasa skype parin si GF na panay ang iyak at pina pa konsensya ako. Ayaw makinig sa akin.Mahal na mahal ko si GF at ayaw ko mawala siya. Ngayon gusto niya tanggapin ko na lang daw baka ano pa masabi ng family ko na kinontrol niya ako.

If ever tanggapin ko yun, masama ba akong BF na?
Help mga ka Girltalk, , ano ba mabuting gawin sa GF ko?
« Last Edit: March 15, 2017, 06:01:22 pm by MR.TURKO »

plumpolka

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigy ng regalo, Si GF galit !
« Reply #1 on: March 15, 2017, 11:11:47 am »
nalulungkot lang si gf kasi LDR kayo. di maiiwasan sa babae na mag overthink. nakilala na ba ni gf mo yang si close friend mo? kasi kung hindi, baka malamang dun nya nakukuha yung pagseselos nya sa kanya. walang gf na may gustong may ibang ka-close na babae yung bf nila. the best thing you can do is paramdam mo sa kanya na friends lang talaga kayo ni close friend and i-include mo si gf sa closeness nyo ni friend.


para sakin, pwede mo tanggapin yung pasalubong ni close friend kasi sayang naman pero dapat meron din syang pasalubong para kay girl. baka pwede ka magpabili ng kahit na anong something lang na pasalubong din para sa gf mo. kahit ikaw na magbayad at kunwaring pasalubong lang din sa kanya. hahaha!


mga babae kasi, nature na nila na paranoid sa ibang babae lalo na ldr kayo. make her feel secure na friendship lang ang meron kayo ni ate close friend and best advise ko lang is isali niyo sya sa friendship niyong dalawa para di nya mafeel na left out sya sa inyong 2 na parang sya pa yung 3rd party. mahirap din siguro sa kanya kasi matagal na kayong friends and sya gf mo lang. competitive sya sa memories at lalim ng pinagsamahan niyo ni close friend samantalang sya yung gf mo.


you can accept the gift and sabihin mo na meron din si gf tapos ibida mo na lang na gusto nga sya makilala ni close friend etc... kung masyadong ma-effort, wag mo na lang tanggapin, sabihin mo na lang kay close friend na baka magalit si gf, kaso baka sumama naman loob ni close friend kay gf and di maging maganda [textspeak!] simula ng friendship nila hahahaha! hirap magka-gf no?

hushush

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigy ng regalo, Si GF galit !
« Reply #2 on: March 15, 2017, 12:16:26 pm »
OA naman ng gf mo bro.. napakaselosa pa..ganyan kasi talaga pag LDR marami insecurities lalo nat di pa kayo kasal..hayaan mo na lang sya umiyak nang umiyak.para gift lang ng friend mo..hindi naman mismong yun friend mo ang nakalagay sa package at sya yun marereceive mo pagkabukas mo ng package..e di pag nareceive mo na yun package buksan mo sa sa harap ng monitor while web chatting..at sabihin mo "o wala si friend sa package ha..speaker lang to.object lang to.wala akong cathexial feeling with this contraption.." pak ganern! Pag umarte pa ulet e basagin mo sa harap nya yun speaker.. "o may reklamo ka pa? " boom panes! :)
Pero bro sa susunod.tutal alam mo na kung gano ka-oa magselos ang gf mo, sa susunod wag ka muna basta basta tatanggap ng gift sa mga tao na sa tingin mo pagseselosan nya.ipaalam mo muna sa kanya para iwas-away lang..diba?

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigy ng regalo, Si GF galit !
« Reply #3 on: March 15, 2017, 01:06:34 pm »
Sorry pero ang oa naman hehe. Maganda ba si close friend kaya todo selos si gf? Anyways tangapin mo na yung speakers sayang naman, wag mo na lang siguro iparamdam sa gf mo na enjoy na enjoy ka dun sa regalo sa yo at wag mo rin post sa social media para wala na lang further na iyakan galore.

About sa walang humpay na pag iyak ni gf eh siguro tigilan mo na muna ang pag aamo sa kanya kasi mukhang pag iinarte na niya yan at drama na lang. Baka gusto lang niya ng inaamo amo. Sabihin mo sa kanya na tama na move on na kayo. Kung ayaw niya at tuloy pa rin sa drama eh wag mo na muna kausapin, sabihin kakausapin mo na lang siya ulit  pag hindi na siya magdradrama, titigil din yan.

Imo, hindi maganda ang ganong relasyon. More than anything kelangan nyo ng trust at respect sa isat isa. Lalo at LDR kayo. Kelangan tanggap nyo na kahit magka relasyon kayo eh may kanya kanya pa rin kayong gusto sa buhay at may kanya kanya kayong friends. Dapat may respeto sa freedom at feelings ng isat isa. Yung walang controlling or pagiging possessive

kasi unang una hindi ninyo pag aari ang isat isa. Hindi kayo mga bagay para angkinin or hindi nyo alipin ang isat isa para mandohan or gawing sunod sunuran sa gusto mo. Kaya importante ang respeto sa karelasyon bilang tao. Kasi pag wala yun, dun nagsisimula mapalitan ng hatred ang love.

At importante syempre ang may trust kasi kung wala yun eh malamang magiging cause pa yan ng breakup nyo

Girltalker2

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !
« Reply #4 on: March 15, 2017, 07:46:15 pm »
Mr Turko, matanong kita... ikaw ba may history ng pambababae? Be it with your current gf or past gf?

Kung ako gf mo, di naman siguro ako iiyak pero magagalit ako. Una una, di ka ba nahihiya na mahal Yung binibili ng Friend mo (other than your gf) for you? Alangan naman walang kapalit yun?

Sabi mo wala kang Budget, how would you feel if a guy friend gives your GF a Prada bag worth 20k? Since you cannot give her one branded bag?

Hindi ba awkward para sabihin friends lang sila at wala Yun?

Secondly, nung tumawag Yung Friend mo while gf is in the other line, did you somehow 'recognise' your GF? Did you tell this friend of yours na may GF ka? Since nakikinig din naman GF mo sa conversation, ano ba naman Yung sabihin mo sa Friend mo - sige, I have to go kasi my gf is waiting on the other line. Hindi eh. Parang pina inggit mo lang gf mo na may ibang Babae na nagbibigay ng attention Sayo and possibly may gusto pa.

And the fact you cannot see your mistake, kapag ako gf mo, lalo talaga akong magagalit. In fact, I would start thinking if you're really ready for a relationship. Financially, you can't afford a speaker. Secondly, dami Mong ka close na ibang girls. Last but not the least, you cannot see through situations like these from a committed guy's point of view.

para sakin, whether tanggapin mo O Hindi, the fact remains di mo ma distinguish ano dapat ang asta mo around the opposite gender. Given Ito alam ng gf mo nagalit na sya, what more Pag di nya alam, lalo pa na ldr kayo.

Tapos Hindi mo nga tatanggapin, malulungkot ka naman at manghihinayang na parang nawalan ka. Natural maiinis Talaga gf mo. Kahit ano pa Gawin mo.


And you know why I decided to be with my BF? Nung courtship days namin, may babae na nagbibigay din sa kanya ng gifts. He doesn't open them and just puts them aside. He was in fact planning to leave them in the office once he starts work sa ibang company. But when I helped him move his stuff, he told me just leave it there as some lady gave it to him. Then in another time, may Another ofcmate from a different office na binigyan sya ng food, he makes it a point to let me know. Sinoli nya kasi natakot sya Baka may gayuma, at Buong box lang naman binigay sa kanya samantalang sa ibang staff, shared yung 1 box. Then naalala ko one time parang may pasalubong din sya from a girl, he gave it to me. Sabi nya he won't use it. And I can give it to whoever can use it kasi sayang. I Guess the point I'm making is be careful with these things when it comes to the opposite gender. Puedeng malinis konsyensya mo, and it could be fun to receive such an attention. Pero before you know it, baka unti unti na nahuhulog loob mo sa iba nang di mo namamalayan.

Anyway, bf/gf palang naman kayo. Technically you're still free.
« Last Edit: March 15, 2017, 08:00:00 pm by Girltalker2 »

Shadow Angel

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !
« Reply #5 on: March 15, 2017, 09:29:19 pm »
Sa katulad ko hindi selosa no issue sa akin ang ganitong bagay. Hindi ko alam sa iba na big issue pala to? Kung may trust issue kayo dati pa ibang usapan na un kumbaga may history na. Marami rin ako narereceived na gifts from guy friends at ako din nagbibigay sa close ko talaga bf/gf pa lang kami that time pero no issue at all. I guess depende yan kung pareho nyo na established ang trust at secured relationships. Para sa akin wala kami rules mag asawa sa isa't isa hindi naman kami nag asawa para sumunod sa rules at baguhin ang isa't isa. Basta alam namin ang limit ng may mga asawang tao. Mahirap din kasi na parang wala kang freedom sa relationship na para kailangan sundin lahat un rules ni boy/girl lalo na kung bf/gf pa lang.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !
« Reply #6 on: March 15, 2017, 10:19:04 pm »
It's a bit OA but she has the right to feel threatened or jealous especially sa situation nyo na LDR. Lambingin mo na lang ng konti. Lilipas din yan.

Girltalker2

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !
« Reply #7 on: March 16, 2017, 07:30:23 am »
Hindi ko alam sa iba na big issue pala to? Kung may trust issue kayo dati pa ibang usapan na un kumbaga may history na.

For me yung Sayo if normal lang, di kelangan Pag usapan. Feeling ko it really depends on the circumstances if you as the recipient and the partner are comfortable receiving gifts out of nowhere at Yung tipong mamahalin (Na you can't afford to buy it yourself but the other girl will give the bf). Siguro depends din sa culture.

I guess depende yan kung pareho nyo na established ang trust at secured relationships.

Siguro nga, trust is one. But coming from a broken marriage, dyan puede mag umpisa lahat. Just imagine an office mate na girl giving your hubby a gshock watch for example kasi close sila. Idk, parang may implication eh.

Para sa akin wala kami rules mag asawa sa isa't isa hindi naman kami nag asawa para sumunod sa rules at baguhin ang isa't isa. Basta alam namin ang limit ng may mga asawang tao. Mahirap din kasi na parang wala kang freedom sa relationship na para kailangan sundin lahat un rules ni boy/girl lalo na kung bf/gf pa lang.

I'm not sure if kelangan patawan ng rules Ito. Kasi depends nga sa situation. Iniisip ko Baka malaking factor nga ang culture and compatibility ng couple on how you view things.

Culture kasi for me kahit babae o lalaki, never ko dare magpabili ng anything mahal na di ko afford. Kahit nga sa parents ko or siblings. Feeling ko nakakahiya.

As for compatibility naman - dyan na pumapasok yung limit ko at limit mo (Kung meron man) ay in sync. Or di nyo kelangan Pag awayan kasi both know how to handle such situations individually kahit di nyo naman Pinag uusapan. Sa case ni TS na h highlight itong incompatibility kasi one is not happy kahit tanggapin or di tanggapin ni ts Yung pasalubong.

I agree bakit ka may rules? It hampers freedom, nakakainis. As for TS, I just think they're not compatible sa case nito. So for TS, if kaya nyo pa Pag usapan, if ok lang Sayo not to take the gift or take the gift and give it to your gf (hehe), idk whatever can make you BOTH happy.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !
« Reply #8 on: March 16, 2017, 07:50:38 am »
^tama nasa culture din foreigner kasi husband ko and si hubby matured in terms of relationship. Wala kasi kami issues about opposite sex friendship. I guess kahit hindi namin pag usapan pareho namin alam kung paano ba kumilos ang may asawang tao. Ang asawa ko mas maingat sa akin pagdating sa ganyan mas conservative din sya kesa sa akin. Pareho kami agree na trust pinaka mahalaga sa lahat. Kaya feel ko pareho namin pinapahalagahan ito.  Bukod siempre sa respect at love. Si TS iba ang gf nya baka typical selosa girl. Tapos iiyak na parang tatantrums lang. Nakafocus kasi isip nya na girl ang nag bigay. Hindi nya naiisip un kung anong samahan un 2. Bukod sa before pa sya maging gf nandyan na un friend ni TS sa buhay nya.Feeling ko issue pa rin sa gf ni TS mura o mahal man ang gift/pasalubong.

mimiku

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !
« Reply #9 on: March 16, 2017, 02:10:59 pm »
Selosa ang gf mo. And that's your cue on how to deal with her. Ako din selosa and would feel very bad if out of nowhere during a convo my bf would receive a call from a chick and then maririnig ko na bibigyan siya ng gift. I mean, roar to the highest level ako. Normal for selosa ladies like us to feel that way. Even my husband, seloso din siya and very much he would feel the same. Minus the crying, I could imagine him making all those dramatic exclamations about allowing myself getting gifts from the opposite sex. But that is just us. For other people, sasabihin OA siguro dahil ok nga lang talaga sa kanila yung ganun. But they are not your gf. Iba nararamdaman niya sa nararamdaman ng iba. Di mo naman siguro kayang hiwalayan siya dahil lang sa issue na ganyan.

You already have your cue na selos lang talaga siya. Hindi siguro yan trust issue may mga tao lang talaga na ayaw may pinagtutuunan ng ibang attention ang kanilang partner. Heck, I was even deleted sa FB by a friend of mine dahil selos ang gf niya sa akin. Inintindi ko na lang din.

On a side note, I could sense you guys are still young. Lilipas din ang sama ng loob ng gf mo.

baliwsayo

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !
« Reply #10 on: March 21, 2017, 01:29:42 pm »
Hindi naman kasi normal magregalo ng mamahalin gamit ang babae sa close friend niya lang. Palagay ko dun nag-uugat yun selos ni GF. Kasi kung chocolates lang ang gift sa yo, hindi magrereact ng ganyan yan.

Yayamanin ba si close friend o sakto lang?

antithesisofbarbie

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !
« Reply #11 on: April 06, 2017, 02:25:14 pm »
Hindi ko naman kinakampihan ang GF mo... pero kung ako nasa kalagayan niya maiinis din ako. Selosa ko by nature  - indenial ako minsan pero selosa ko talaga at tanggap ko na yon.  Although hindi naman ako iiyak gaya ng gf mo pero I want you to realize na - bakit siya nag eeffort ng long distance at bakit kailangan updated ka sa pag uwi niya? at excuse me bakit ka niya reregaluhan? Irregardles kung kinakapatid mo siya or kung ano man ang connection na meron kayo I think kahit naman mapapaisip. Anong meron?

I don't know TS but it is just me. May nasasabi man si GF mo na kung ano no it's out of selos nalang and as his BF i think responsibility mo to give her assurance sa mga bagay bagay. And usually naman kasi.. minsan may tiwala ka sa partner mo pero wala ka tiwala sa mga nakapaligid or naaligid sa kanya... tapos biglang may EFFORT pa sa pa tawag at pag reregalo?



Ms. Undecided

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigy ng regalo, Si GF galit !
« Reply #12 on: May 23, 2017, 11:22:39 am »
nalulungkot lang si gf kasi LDR kayo. di maiiwasan sa babae na mag overthink. nakilala na ba ni gf mo yang si close friend mo? kasi kung hindi, baka malamang dun nya nakukuha yung pagseselos nya sa kanya. walang gf na may gustong may ibang ka-close na babae yung bf nila. the best thing you can do is paramdam mo sa kanya na friends lang talaga kayo ni close friend and i-include mo si gf sa closeness nyo ni friend.


para sakin, pwede mo tanggapin yung pasalubong ni close friend kasi sayang naman pero dapat meron din syang pasalubong para kay girl. baka pwede ka magpabili ng kahit na anong something lang na pasalubong din para sa gf mo. kahit ikaw na magbayad at kunwaring pasalubong lang din sa kanya. hahaha!


mga babae kasi, nature na nila na paranoid sa ibang babae lalo na ldr kayo. make her feel secure na friendship lang ang meron kayo ni ate close friend and best advise ko lang is isali niyo sya sa friendship niyong dalawa para di nya mafeel na left out sya sa inyong 2 na parang sya pa yung 3rd party. mahirap din siguro sa kanya kasi matagal na kayong friends and sya gf mo lang. competitive sya sa memories at lalim ng pinagsamahan niyo ni close friend samantalang sya yung gf mo.


you can accept the gift and sabihin mo na meron din si gf tapos ibida mo na lang na gusto nga sya makilala ni close friend etc... kung masyadong ma-effort, wag mo na lang tanggapin, sabihin mo na lang kay close friend na baka magalit si gf, kaso baka sumama naman loob ni close friend kay gf and di maging maganda [textspeak!] simula ng friendship nila hahahaha! hirap magka-gf no?


I agree with you sis, my bf, err-- ex na pala :( Pinag-awayan namin yun kasi nakita niya yung close friend niyang girl from highschool one day nung umuwi siya sa province. But he choose to delete all their convos at wala siyang binanggit sakin kung hindi ko pa mahuhuli. O confronted the girl, she said na they are close lang talaga but then si ex tinago niya sakin kasi baka daw magalit ako. At ngayon tinago niya, anong sa tingin niya mararamdaman ko diba? That was March pa. Sabi ko layuan niya muna, pero hindi eh, nung mga panahon na umiiyak ako dahil dun, pinuntahan niya si girl sa province to say sorry, sorry and sorry all over again. Parang ang babaw pero yun yung dahilan ng break up namin right after my birthday. We decided to end our relationship. Sobrang hirap sa part ko. But still sh*t happens always kapag magkasama kami, lagi kami magkaaway, siguro mas mabuti na nga na we parted. Kahit sobrang hirap, tas mkikita ko sakanya na siya parang okay na okay. Nakakangiti pa siya samantalang ako halos di na makapag takeng pictures dahil sobrang maga mata ko everyday :(((

MayVerona

  • Guest
Re: Close friend na girl magbibigay ng regalo, Si GF galit !
« Reply #13 on: December 01, 2017, 01:07:13 pm »
WAHAHAHAHA nakaka relate ako ssob ganyan na ganya GF ko tangapin mo lang tska paliwanagan mo na sya lang ang nag iisang babaeng mahal mo at hindi mo sya kayang pakawalan na sya ang nag bibigay ng halaga na baket ka na nabubuhay sa mundo na to HAHAHAHA nag papalambing lang yan kasi LDR kayo nag hahanap lang yan ng atensyon mo  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close