watch now

Author Topic: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)  (Read 50282 times)

chiqmom

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #320 on: March 31, 2017, 10:39:41 am »
^sis, icocopy ko na lang diet plan mo. hehe hindi ako marunong magmeasure measure ng calories e. thanks!

good morning, ladies! sakit ng buong katawan ko.haha pero i am feeling more inspired than before.

maruchi

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #321 on: March 31, 2017, 03:31:09 pm »
Hi sissies. I've been a silent follower of this thread for how many days na rin and it inspires me to be healthy again. I'm at my heaviest now at 153.8 (i weighed this morning). I'm so sad that mas heavy pa ako ngayon compared to the times when i was pregnant with my 2 kids. Early this week, i thought of going on a diet again kaya nagawi ulit ako dito sa gt. Anlaki din kase ng natulong ng gt diet threads before sa pagpapayat ko dati after i gave birth to my eldest. But, after my second child, parang tinamad na ako mag diet and exercise. kulang talaga ako sa discipline and motivation and eto yung hinahanap ko - yung support group. So thanks sis hushush for starting this thread. I will post my daily meals here para may accountability at nakakahiya mag post dito pag marami kinain ko so by doing that baka sakaling macontrol ko yung food intake ko.
By the way, i'm 5 feet flat and am already in my late 30's kaya mabagal na din ang metabolism.
So here are my meals today

Breakfast
Egg with onions
(2 egg whites, 1 egg yolk, 1 small onion and i used olive oil)
2 slices papaya

Morning snack
1 pc medium sized banana

Lunch
1 pc fish tinola with cabbage and sabaw
Watermelon
1 cup plain oatmeal with 1 tbsp brown sugar

Afternoon snacks
1 small pack squid curls
Watermelon
1 pc medium sized banana

Dinner
1 pc pork adobo, 1 hard boiled egg - i did not eat the yolk
3 slices papaya
1 small pack squid curl

I hope makapag diet na talaga ako ng maayos.

« Last Edit: March 31, 2017, 07:39:33 pm by maruchi »

chiqmom

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #322 on: April 01, 2017, 12:43:51 am »
sumali ako sa sparkpeople.com. nice siya to track calories and fitness.

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #323 on: April 01, 2017, 07:46:37 am »
Good morning mga sis sa pagpapapayat! Sensya na now lang ulit ako nakapost..medyo nabusy hehe..😊

@sis maruchi and ambisyosa

Welcome to the thread! Glad to know na maraming naiinspire itong thread na ito...😊

Sis maruchi..maganda yun meal plan mo..actually i also started to add CABBAGE to my diet dahil malakas talaga yun makapayat..natural diuretic sya at mataas sa fiber. 😊

@sis chiqmom

Pinost ko na yun meal plan ko dito before. 2x pa nga hehe..pero imodify ko din siguro dahil nag-add ako ng cabbage 😊

@sis px17

Maya check ko how much calorie yun intake mo base on your meal posts. 😊

-----
Yesterday, i went to Chris Sports and bought the below exercise equipment:

1.neoprene belt (works as expected!)
2. Resistance band (strong grade, dapat pala lite grade lang)
3. 1lb dumbells (2pcs)
4 2lb dumbells (2pcs)

So yesterday until this morning i incorporated weighlifting with my spinning routine..sa 1lb dumbells lang ako nakakatagal ng 20mins.then 10mins rest then dumbells ulit..multitasking hehe..
pero sa 2lbs mabilis makangalay..5mins pa lang suko na ko.pero oks lang..newbie pa lang naman ako sa weightlifting..baka after 2weeks makaya ko nang matagalan sa 2lb dumbells..

About my weight, after 1week of cheating, im so glad that i didnt gain. Im still 52kg as of this morning..break-even lang.. 😊mag-weight update na lang ako kapag naglose ulit ako.. 😄

ambitious

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #324 on: April 01, 2017, 01:41:36 pm »
magandang araw mga ka-gt, salamat sa mga inspirasyon nio lalo na yung mga nakapaglose ng weight at naabot ang 50 something kilos, vow talaga ako sa inyo.

Kahapon po natapos ang challenge ko sa sarili ko gamit yung mga nakikita ko sa pinterest na workout. I started March 1 with 60.9 kilo and today April 1 I weigh myself with 60.2 kilo, parang walang paggalaw sa timbang ko kahit sana kako 1 kilo may mabawas, no rice diet na ko nyan ha

Heto ang mga workout ko sa gabi lang kasi may work ako.
100 crunches
90 jumping jack
80 lunges
70 squat
60 run in place
50 plank
40 squat
30 jumping jack
20 mountain climber
10 push up

Looking for new challenge this April.

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #325 on: April 02, 2017, 01:03:17 am »
^sis baka naman kahit n rice ka ang dami parin ng portions na kinakain mo? kasi imposible namang for 1 month wala kang mababawas given na nag eexercise ka pa.
 Yung mga workouts na pinost mo usually yan ginagawa namin sa circuit. Hindi pa ako nagdidiet nun pero bumababa ang timbang ko nun. Kaya ginawa skin ng coach ko nun pinapakain ako ng pinapakain at pinag weiweights kasi nga ayaw niyang payat ako ng sobra. Tapos naging busy na ako kaya nagstop ako mag work out and before hindi naman ako tumabataba kahit anong kain ko pero ngayon bumagal na metabolism ko kaya nag gain na ako ng 5kg.

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #326 on: April 02, 2017, 01:11:26 pm »
^^waw naman sis ambitious.. ambangis ng routine mo ha..kung ganyan siguro routine ko tagaktak lagi ang pawis ko..natry mo na ba sis magsuot ng neoprene belt while working out?
3days pa lang ako nakakagamit ng neoprene belt pero napapansin ko talaga  na nagiging firm ang tummy area ko dahil pag nagwoworkout ako grabe talaga yung pawis kapag inaalis ko na yung belt hehe.. medyo yuuuuck tignan  pero yipppee naman ang resulta hehe.. 😄..malakas talaga makapawis ang weightlifting..kahit 1lb lang per arm iyun pero..tagaktak ang pawis ko kaninang umaga..5am ako nagworkout kanina..spinning while weightlifting..😊

Para naman akong nagshopping galore kanina ng clothes dahil binisita ko yung old wardrobe ko sa house namin sa rizal...andun lahat ang summer blouses at dresses ko na 2 years ko nang hindi naisuot..karamihan dun hindi ko pa nasusuot at puro bago pa, may price tag pa hehe...plano ko na sanang ipamigay ang mga yun dahil nga nakatambak lang.sayang pati ang space..mabuti na lang at hindi ko pa naipamigay sa mga pamangkin ko..di ko naman kasi akalain na magpapapayat ako this year...then naisipan kong isukat lahat..at baka sakaling magkasya..then pinagsusukat ko nga lahat..at nagkasya lahat!! Boom! 😄
Hindi na ako bibili ng new dress for my son's graduation ceremony..pipili na lang ako kung alin ang pinakagusto kong isuot..😃 nakatipid tuloy ako! 😊
Once again, narealize ko  kung gano kaimportante ang maging payat..at mas naging mapagtimpi ako na wag kumain ng junks ngayon at sa mga susunod pang mga araw..harinawa.. 😄

Happy cheat day sisses! busy days ahead.. 😊

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #327 on: April 02, 2017, 03:53:50 pm »
good to know na nag che-cheat ka din pala hushush haha now Im relieved. nag cheat kasi ako kahapon. 1 day lang yun ha guilty pa ko. sana lalo pa lumakas will power and forbearance ko. na ok lang naman mag cheat pa minsan minsan. kasi para hindi ma deprive. nahihiya pa ko ipost ang weight ko. pero so far, almost 10 lbs na na lose ko. sana mag tuloy tuloy na talaga. ayoko na ng crash diet hindi maganda sa feeling. tulala talaga. haha naaapektuhan mga kasamahan sa bahay.

unti unti na din nila naiintindihan ang diet ko. kasi sa totoo lang ako lang talaga nag diet sa bahay. hindi uso kasi samin yun hehe. pero kanina medyo nagegets na nila na hindi naman diet lang ginagawa ko. kundi gusto ko din maging healthy
« Last Edit: April 02, 2017, 03:56:05 pm by candacena »

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #328 on: April 02, 2017, 04:50:32 pm »
^congrats sis candacena..10lbs!! Woot! 😊
uu naman tao lang ako nagchi-cheat din..😄minsan nga sabi sa sarili ko "good girl ako today ha..no junks..." tapos kumuha ng cheetos yung anak ko sa food box..at naamoy ko yung chips..ayun give in na ako..chumichima na din hehe..sarado na kasi lagi yung binibilhan ko ng popcorn kaya wala akong "less evil" option lately..dapat talaga hindi na ako magstock ng sitsiria.last na yun..nirequest lang kasi ng anak ko..today, i ate peanuts na lang as aft.snack..then purple camote nun morning...kelangan talagang magstock ng foodies para hindi ka maubusan ng option.e hindi ako nakapaggrocery kaya ayun nauubusan na ako..kaya bukas mamimili na ulit ako sa puregold..

Alam mo sis normal lang nakakainit talaga ng ulo yung pagdadiet..imagine nagpipigil kang kainin yung gusto mong kainin..at ang kinakain mo ay yung ayaw mo sanang kainin pero need mo kainin dahil gusto mo pumayat.. diba..
Sabi ko nga minsan sa asawa ko.."daddy bakit anghirap magdiet??" Sabi nya, "e kasi yung mga food na nakakapayat ay hindi masarap..at yung mga food na nakakataba ang masarap..kaya mas madaling kainin yun mga food na nakakataba kesa sa nakakapayat..kaya kung gusto mo pumayat, tyagain mong kumain ng hindi masarap"
May point talaga sya hehe...😄atsaka pag kulang ka talaga sa kain iinit talaga ang ulo mo..kaya ultra mega challenge talaga ang pagdadiet eh..kaya yung mga anak ko kapag nasusungitan ko sabi nila "ganyan talaga si mommy, yaan mo na.." e kahit naman hindi ako nagdadiet masungit naman talaga ako e hehe.. 😄
Pero mas masungit naman ako nuon na sobrang taba ko kasi hindi na ako kumportable sa mga damit ko 😃.lalo na pag may pumupuna na malake braso ko atsaka sa pic mukha akong baboy..nakaka-depress hehe..😁

So pili ka lang, masungit ka kasi nagda-diet ka pero papayat ka..o masungit ka kasi depressed ka sa katabaan mo...😃
Kahit naman kasi bugbugin mo sarili mo sa kae-exercise, need mo pa rin ng proper diet eh..hindi pedeng porke nagwo-workout ka e may lisensya ka nang lumamon..wala ka talaga maa-achieve nun..so need talaga ng diskarte..need mo mag-isip bakit di ka pumapayat..magcalorie count at iwasan ang mga food na nagko-cause ng fake hunger, kumain ng foods that will extend your satiety...humigop ng maraming sabaw or maraming tubig to kill your cravings..

Na-pinpoint ko na kung bakit ako nagbi-binge eat lately..it's because of the vinegar that i always put on my omelet.dahil sa acid sumasakit lagi ang tyan ko at akala ko gutom ako so ayun ang resulta, nasira ang diet ko for 1week..then kanina hindi ko na nilalagyan ng suka ang omelet ko..ayun achieved ko na ulit ang 1200 calories ko kahit pa maasim na sinigang ang ulam namin..kaya hooray! No junks today!😄 At sana tuloy-tuloy na until saturday para makapag-weight update naman na ulit ako.nakaka-miss na..😯.1 meal to go na lang.. tortang talong na lang ang lulutuin ko for dinner..😄

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #329 on: April 02, 2017, 05:42:55 pm »
happy ako na nagiging stable yung weight ko hehe :D ttry ko yung military diet for 3 days hehe sana mas makatulong sya sa pag achieve ng desired weight ko :D still at 53 though. may ilang days pa ako para sa 52 hehe :D

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #330 on: April 02, 2017, 07:19:47 pm »


^uuy! 53.0kg ka na sis itt? Totoo ba yan?hehe.. 😉 malaking congrats kung ganun! 👍..1kg na lang ang hahabulin mo at gagradweyt ka na dito sa thread. Imaintain mo lang yung diet mo at exercise routine at sure na sure yan maging 52kg ka by april 15. 👏

ambitious

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #331 on: April 02, 2017, 08:26:11 pm »
 congrats sa inyo, ituloy tuloy nio lang.

ako naman not sure if anung workout naman itry ko, mahirap magworkout ng sa gabi lang nahihirapan ako makatulog

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #332 on: April 02, 2017, 08:29:06 pm »
ay sis may kasunod pa yung 52 :D hehe by may 15 target ko naman 50 hehe. natutuwa ako kasi kahit mabagal mabawasan, at least stable na sya. yun nga lang mejo may days ako na namiss mag work out. kasi one time nagising ako na nahihilo at masakit tyan lol kaya ayun di ko na pinilit na magwork out. nag dulco nalang ako the next day ( 1 tablet lang. pero sabi nila dapat daw dalawa kaso natatakot ako mag take ng 2 pa eh hehe )

sana pag nag military diet ako mas lalo mabawasan hehe may naka try na ba sa inyyo nun?

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #333 on: April 03, 2017, 06:21:15 am »
Hindi ko pa natry yung military diet sis..tho matagal ko na tinitignan yun food list.simula pa lang magstart ako magdiet nung feb e gusto ko na iyon itry..hindi ko lang nagustuhan na walang snacks..importante pa naman yun..baka matulala ako kapag walang snacks.. 😯

Pero kung gusto mo itry sis, itry nating dalawa para may kadamay ka dyan sa binabalak mo hehe...tutal maggrocery ako ngayon.bibilhin ko yung nasa food list..then start tayo bukas..pero kung 1st day pa lang di ko makayanan na walang snacks e ititigil ko agad tong military diet na to..kasi baliwala din na ituloy  kasi hindi ko na makukuha yun intended effect nun diet.. nasa disclaimer nila yun eh.. 😑

O ano kakasa ka ba sa military diet??
Ako kakasa ako!! 😄 balitaan kita kung makumpleto ko yun food list mamaya.. 3 days lang naman eh.kaya kahit 2days muna ang bilhin ko..baka maya e 1st day pa lang suko na ko..sayang naman pinamili ko hehe.. 😊

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #334 on: April 03, 2017, 08:18:00 am »
Bibili din ako mamaya. Sana okay na pakiramdam ko.lol nag dulco uli ako kagabi kaya ayun. Napagod sa pagpoop kaya nahihilo ako ngayon hehe. Good news pala. 52.7 na ako hehe.still have a few more days to lose weight hehe sana flat 52 (or kahit 51.7)  by april 15 hehe

Kaya toooo.

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #335 on: April 03, 2017, 09:03:21 am »
^gusto ko din sumama sa military diet niyo! kaso di ba ako manghihina nun? kaso 3 days lang naman so mukhang keri naman?

na-alala ko lang dati sa thread ako na gain weight. Dati kasi 42kg lang ako tas ang malnourished ko talaga. sobrang panget ko naman sa kapayatan ngayon nandito na ako. Pero mas gusto ko tong pagbabawas kesa sa dati na kailangan ko mag gain.

Kahapon goals na sana ako sa no cheat kaso biglang nag aya kumain family ko sa kwentong bagnet. jusmiiii napakain tuloy ako. pero isang serving lang naman kaso rice pa din yun at unhealthy!

chiqmom

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #336 on: April 03, 2017, 09:53:32 am »
start of my cosmobody diet today!

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #337 on: April 03, 2017, 10:10:11 am »
gusto ko din mag join sa military diet? paano ba yun? hehe

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #338 on: April 03, 2017, 11:09:55 am »
Hi sissies!
I'm back from our HK trip:)
Matinding pagpipigil talaga ginawa ko sa food. Buti na lang nagbaon ako wheat bread at banana. Hehe. Yun ang naging breakfast ko. Kaso pag lunch and dinner, especially nung nagtreat ninang ko, sira ang diet! Huhu.
Goodluck sa weigh in ko this Wednesday, feeling ko mag-gain ako pero wag naman sana.
Balik healthy living today.
Breakfast - sweet potato
Snack - 2 pieces of chico
Lunch - Go Salds guzzler smoothis
Snack - boild egg
Dinner - No plan yet, maybe Subway sliced chicken

Goodluck sa military diet sis hushush and sis itt! :)
Sis chiqmom,welcome! Go ka lang sis, workout pa. Pag nakita mo na pinaghirapan mo, mas mamomotivate ka mag less rice kasi manghihinayang ka sa pinagod mo. Hehe.

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #339 on: April 03, 2017, 03:00:09 pm »
http://themilitarydiet.com/military-diet-plan/ eto sya hehe. goooood luck sa atin hehe :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close