watch now

Author Topic: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)  (Read 50404 times)

imeego

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #280 on: March 28, 2017, 09:45:20 am »
Normal ba to mga sis?

I checked my weight last night and it was 51.5 kg, pero kakadinner ko lang last night then rechecked this morning, after wiwi and poop and empty stomach pa and 50.5 kg na lang..after breakfast chineck ko ulit 51 kg na ( ate half cup of rice, 3 slices of tocino, 1 sunny side up egg,  2 pcs tuyo, 1 cup of coffee and 1 glass of water).. Mas accurate naman ang weight taken early in the morning no?
« Last Edit: March 28, 2017, 10:27:12 am by imeego »

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #281 on: March 28, 2017, 09:49:46 am »
^Sis imeego,
I think normal yan sis. And best taken talaga ang weight after gumising, pag wala pa kinain. :) Kaya better talaga na same hour and same day every week mag weigh in para mas accurate ang comparison sis. :) so 50.5 talaga ang weight mo, I think. Hehe. Congrats!

^Sis hushush,
True yan. Kakakilig pag may mga nakakapuna ng pinaghirapan Haha. Kahapon din kinilig ako sa comment ng officemate ko na maliit na daw bewang ko compared dati, pwede na daw ako magwedding gown. aww! :D

imeego

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #282 on: March 28, 2017, 10:32:54 am »
^ thank u sis!!!! Waahhh hahhaha ang  saya naman, achieved ko na original target weight ko, medyo over pa 😁   Before kami bumyahe hopefully 50 na lang, and waiting pa ako sa period ko this month baka sakali bumaba pa kasi pansin ko tumataas weight ko around 1 week before my period eh 😁

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #283 on: March 28, 2017, 11:00:18 am »
^^sis romans828.san ka ba magtravel at kelan?depende kasi kung san.kung abroad naku masisira talaga diet mo dyan hehe..kung local lang marami ka naman din mahahanap sa healthy foods kahit san ka punta pero kung ako magtatravel soon ay magbabaon ako ng brown/black rice..at least di ka matetempt kumain ng whole rice..then kung snacks naman ay fruits.alam na.singkamas.apple..banana.pinya...saka magbabaon ako ng fave tea ko.para pangdetox sa gabi bago matulog..o kaya psyllium fiber 😊

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #284 on: March 28, 2017, 11:16:03 am »
^sis imeego. Tama si sis roman828..50.5kg na yung possible nominal weight mo today..unless may poopies ka pa at hindi mo pa nailalabas lahat ay magiging 50kg pa nyan..so happy for you! Keep it up.. hinay hinay lang sa bakasyon at baka bilis lang ulit weight gain mo 😆

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #285 on: March 28, 2017, 12:01:54 pm »
:( im back to 53.5 from 53.3 yesterday :( mas matagal naman work out ko last night.
nakakadepress T.T babawi nalang uli ako mamaya. baka after brunch mag work out uli ako. kahit treadmill lang muna.

ay di pa pala ako nag poopie this morning so di ko sure if bababa pa sya.

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #286 on: March 28, 2017, 12:58:43 pm »
Sis hushush, sa HK. Though mostly naman dun dimsum, less rice na lang ako. Thank sa pag-remind. Magbabaon ako ng green tea :)
sis itt, wag ka masyado mastress. Kasi sabi mo everyday ka nagweweigh eh, baka nagktaon lang na madami ka nakain kahapon or the other day pwede ka pa naman bumawi ngayon or bukas. Nakaka-depress talaga pag lagi mo titingnan weight mo hehe. Once a week ka na lang sis :)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #287 on: March 28, 2017, 01:30:22 pm »
Waw! 👍sa thursday na pala yun no.. 😊kung pede naman kayo magluto sa hotel nyo eh baon ka na din ng black/brown rice..panigurado lang.imposibleng hindi ka mapa-rice dun hehe..khit 1kg lang.lagay mo sa lock&lock.hehe..hinay- hinay sa milk teas hehe.. 😄

imeego

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #288 on: March 28, 2017, 01:43:14 pm »
^thanks sis..actually, plano ko talaga lumafang doon, babawiin ko na lang ulit pagbalik namin dito 😁  sayang naman kasi kung di ko pa ienjoy at sulitin ang bakasyon LOL

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #289 on: March 28, 2017, 02:06:12 pm »
eeeep HK kayo pareho sis imeego and roman? waaaaah kami sa june kaya pala dapat by may 30 maging 48-49 ako ( lol asa ako ). pero sis okay lang mag food trip doon basta puro lakad kayo hehe para maburn na din. pero worth it maglakad ng malayo para sa KFC eggtarts lol
ay sis bring water para pag maglalakad kayo ma di ka ma dehydrate :D hehe

wah. yun nga nakakadepress pag everyday magtitimbang :( mga 3 siguro mag eexercise nalang ako uli. tapos mamayang gabi :( haist. mag tataho ako for snacks hehe :D

imeego

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #290 on: March 28, 2017, 02:14:57 pm »
Sg ako sis hehe..april 2 na alis namin kaya diet muna ngayon 😃

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #291 on: March 28, 2017, 02:22:49 pm »
^^ i inom mo nalang ako ng tehtarik at kaya toast at soft boiled eggs hehe.

ang hirap din no? shempre susulitin mo na yung food doon pero..... :( sana mareach ko muna target ko by april 15 T.T nakakaiyak tuloy.

last night, jinijiggle ko yung fats ko sa thigh :( ang sad kasi feel ko super tagal bago sya mawala :( sana sa bawat jiggle ko nalalaglag sila hehe

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #292 on: March 28, 2017, 02:39:48 pm »
Nakupo sa SG ka pala sis imeego. 😲 mas lalong mahirap magdiet haha!angsasarap ng foods dun eh..pinagtatawanan nga ako ng friend ko before kasi sa sobrang dami daw ng food choices e ginisang ampalaya daw talaga ang inoorder ko..😂.nagpunta daw ako dun para lumamon!hindi para magdiet...
Kaya kalimutan mo muna ang diet.pagbalik mo saka ka papayat ulit.bilis ka lang naman pumayat eh...😊

Si sis itt malaki na naman ang problema..😥 hindi kasi sumusunod sa 'protocol' na wag araw-arawin magweigh in eh..dumaan na kami dyan...yung stress at depression na cause din ng slimming pills mo nakakagulo yan ng hormonal balance mo kaya isa rin siguro yun reason bakit bumabagal ang weight loss mo..stay positive.focus on your exercise routine.look forward for the fruit of your hardwork..sabihin mo sa sarili mo "sa friday ako magwe-weigh in..sa friday ako magwe-weigh in" tapos hinga ka nang malalim..chillax..patience, patience.. 😎

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #293 on: March 28, 2017, 03:21:19 pm »
O nga pala may ise-share lang ako insight..about taking long afternoon naps. Napansin ko kasi na yung mga friend ko na matakaw sa siesta ay matataba at nahihirapan magpapayat...then ako lately hindi ako makapag-siesta.laging gising dahil din sa plain coffee (unless sobrang antok talaga ako sa puyat) ..instead ay nagi-spin na lang ako to kill time...so syempre as usual google ako about afternoon naps and weight gain.. Nabasa ko na ang recommended nap ay 45mins lang..may claims na taking long naps can cause weight gain..maybe because it can slow down your metabolism then mapapakain ka nang marami paggising mo..whereas kung short naps lang then exercise ka or magpakabusy ka after taking light snack ay mas magiging efficient ang body mo..so mga sis iwasan natin ang long afternoon naps para di tayo masyado tataba 😏

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #294 on: March 28, 2017, 04:02:25 pm »
sigh sige sis. babawasan ko na pag wweigh  in ko hehe. pero hihirit ako na every 3 days nalang hehe. nakakadagdag ng stress yung umaga tanghali gabi mag timbang. nakakaloka :(

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #295 on: March 28, 2017, 04:55:05 pm »
^shocking naman yung 3x a day, 7x a week ka pala nagwe-weigh in.. 😧
Ikaw din..malulurkey ka talaga kapag di mo baguhin ang ganyang attitude...masyadong atat..😓.nakipagpustahan ka siguro no..ganyan officemates ko nun nagpupustahan sila parang biggest loser ang peg..manalo syempre may premyo....pumayat na, may pera pa..😃

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #296 on: March 28, 2017, 05:05:19 pm »
^^ oo sis nabawasan na nga yan. dati bago kumain saka after kumain nag titimbang ako. lol hindi pa naman ako nakikipag pustahan hehe.  ay sis ok lang naman mag green mango and bagoong no?  for snacks? dapat dinner ko yun kaso sabi ni mama baka daw sumakit tyan ko hehe

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #297 on: March 28, 2017, 05:16:15 pm »
^ nasagot ko na yan sis natanong mo na yan last week ata e hehe..marami ako time pero pag paulit ulit yun tanong nakakaumay magtype hehe 😛

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #298 on: March 28, 2017, 05:33:25 pm »
eeeeep! oonga pala.hehe sorry :( nawala sa isip ko.

anyhoo, ayun excited na talaga ako. may 17 days pa ako to work out to reach my goal :D

imeego

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #299 on: March 28, 2017, 06:51:40 pm »
^^ oo sis, tagal na nga nakalista sa itinerary ko yung kakainan namin kaya lafang talaga 😁  bawi pagbalik..korek sis mabilis talaga ako mamayat, dati nung single pa  ako kahit madaming rice di ako tumataba, suki nga ako sa mga eat-all u can LOL  although now na medyo aging na and with 2 kids na eh may effect na din, pero once magdiet ako mabilis ako maglose ng weight 😀

 

Latest Stories

Load More Stories
Close