watch now

Author Topic: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)  (Read 50363 times)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #260 on: March 27, 2017, 09:49:50 am »
Good morning mga sis sa pagpapapayat ! Na-insomniac ako sa green tea.. 😨
nakipagpuyatan tuloy ako kay sis itt..hehe.. 😃

Hi sis px17! Nice meal plan!buti ka pa well-planned mo ata ang whole week mo..ako naubusan ng eggs kaya 1 whole boiled yellow corn lang ang nakain ko for bfast at snack..naggrocery ako this am kaya bawi ako sa lunch at aft. snacks..😊

Hahataw ako this week sa exercise..baka maka-51.9kg ako by sat.. :)😁
No halo-halo muna this week..no to bad carbs.. :) sa sat na lang uliy sa cheat day! Fighting! :)😄

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #261 on: March 27, 2017, 10:14:09 am »
^sis hushush wala pa ko menu for tom. Mamaya ko na pag-iisipan :) or kokopya nalang ako ng menu niyo dito. WOW so proud of you sis ang laki na ng nabawas mo. Goal ko start ng april enroll na sa circuit+jogging+hula hoop para mabawas ko yung 5kg in 1 month. Road to 50kg! Nagtimbang ako nag 55kg ako last sunday pero dahil di naman siya digital feel ko mga point something lang nabawas ko.

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #262 on: March 27, 2017, 12:08:32 pm »
wow mukhang parepareho tayo ng end goal ( sort of ) ako 50 din sana by May. lol paonti onti muna kaya 52 goal ko by april 15. right now 53.3 ako  :D

imprincessfiona

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #263 on: March 27, 2017, 03:23:19 pm »
bakit iyong weight ko hindi bumaba more than 3.5kg? Para syang ping pong ball. Taas baba pero never naman bumalik sa 68.5kg. Siguro talagang need ko magstationary bike na. Pero every morning naman brisk walking pag papasok sa office.

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #264 on: March 27, 2017, 06:20:03 pm »
^^ sis ilang days / weeks before you lost 3.5kg? para maging basis ko sana sa akin. right now kasi ang onti ng nalose ko from 2 days ago to today. :(

saka yung pag pingpong ng weight mo, ilang kg nagiiba iba?

---

ok so for today, here's what I ate ( sorry sis hush hush hindi balanced hehe )

breakfast:
ginisang monggo with tinapa and 1/2 cup of rice

snacks:
green mango with shrimp paste and a  bit of sweet chili
4 pcs isawbaboy + 4 pcs isaw manok from mang larry's isawan ( UP )
4 pcs bulaklak = 1 pcs isaw baboy from the orange isawan at UP din:


dinner:

2 orders of pork siomai from chowking. no rice


waaaaaaaaaaah. babawi nalanga ko sa exercise mamaya. :( saka yeah water uli.
« Last Edit: March 27, 2017, 07:06:14 pm by itt »

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #265 on: March 27, 2017, 07:07:33 pm »
bakit iyong weight ko hindi bumaba more than 3.5kg? Para syang ping pong ball. Taas baba pero never naman bumalik sa 68.5kg. Siguro talagang need ko magstationary bike na. Pero every morning naman brisk walking pag papasok sa office.

Baka sis need mo na bawasan ang calorie intake mo..or tama ka you might need increase your physical activity.. balitaan mo ko sis kung ano exercise m/c ang mabili mo.. 😊

Naka-3rd session ako today..yey! sana ma-maintain ko til friday. 😊

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #266 on: March 27, 2017, 07:14:08 pm »
^sis itt. Puro isaw ah hehe..baka ma-hepa ka nyan... mayron namang mga carinderia sa UP na nagluluto ng gulay..dami dun eh hehe 😊

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #267 on: March 27, 2017, 08:16:24 pm »
^ tagal ko na kasi hindi nag iisaw. kaya ayun :( actually bawal kami kumain nun wahahhahha.
sigh good luck sa akin mamaya. tatagalan ko ng 10 mins yung treadmill ko. ay sis hush hush abanggit ko ba na nag 53.3 ako kanina? hehe natuwa ako kasi nag move yung weight ko hehe.


hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #268 on: March 27, 2017, 08:31:04 pm »
^uy congrats!buti naman nabawasan ka pala ng 0.2.. 😊siguro kung naggain ka baka nag-warla ka na naman hehe..bawasan mo muna yun slimming pills mo.para di ka masyadong ma-imba..😄 kayang kaya mo yan 😀

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #269 on: March 27, 2017, 08:44:39 pm »
Sis hushush as much as possible ba dapat light lang ang dinner?? Kasi sa dinner mas gusto ko mag torta

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #270 on: March 27, 2017, 08:51:22 pm »
^torta lang din kinakain ko sa gabi sis..ok naman di naman ako ginugutom basta tulog aga saka inom dami tubig.. 😊

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #271 on: March 27, 2017, 08:58:49 pm »
Gusto ko sana maka 4 eggs ako sa gabi. Hindi kasi ako makain sa umaga hehe

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #272 on: March 27, 2017, 09:34:40 pm »
^ ay safe ba kumain ng madaming egg lagi? baka maover ka sis ah? ako gusto ko sa tortang talong yung plain lang. no meat. hehe. yung ensaladang talong sa bistro remedios masarap! try nyo din minsan :D

imeego

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #273 on: March 27, 2017, 10:21:12 pm »
Weight update ako mga sis, super happy lang

March 18- 52.7 kg
March 27- 51.5 kg

Nagcheck ako ng weight a while ago, super happy lang sa result, baka mas mababa pa to if  early morning ako nagcheck tipong wala pang kinain 😁 effective talaga for me ang less rice, ang laki ng effect..sana by end of march nasa kahit saktong 51 na lang

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #274 on: March 27, 2017, 10:22:27 pm »
^^ wow :D kaya yan sis :D ang galing naman. sana maging ganyan na din weight ko soon :D

imeego

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #275 on: March 27, 2017, 10:30:14 pm »
Thanks sis, may byahe kasi kami kaya goal ko talaga pumayat 😁  bukas check ko ulit, adik lang LOL

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #276 on: March 28, 2017, 04:56:58 am »
@sis imeego
Waaaaw!!!! Congrats naman sa 51.5kg! Pa-ice cream ka naman! nakakainspire naman.. 😄
Update mo ulit kami ha.baka 51.0 na lang yan ngayon 😊

Good morning mga sis sa pagpapapayat! Aga ko gising para maka-3sessions ulit today hehe.. :) Mag-weight update muna ako, parang di ako nakapag-update last week.. 😊

WEIGHT UPDATE:

57.3 kg (feb 8, 2017)
56.5 kg (feb 13, 2017)
55.3 kg (feb 17, 2017)
54.7 kg (feb 25, 2017)
54.1 kg (march 3, 2017)
53.4 kg(march 10, 2017)
52.8 kg(march 17, 2017)
52.3kg(march 23, 2017)
52.0kg(march 28, 2017)

5.3 kg lost weight in 7 weeks!😊

@sis candacena. baka mahilo ka pag 4eggs hehe..2eggs lang ako tapos dinadamihan ko sibuyas..try mo sis 3 eggs muna tapos damihan mo kamatis at sibuyas...busog na busog na nun :) pero agahan mo kain.before 6pm :)
Wag ka mag-skip ng bfast. Dapat may protein ka lagi sa umaga para di ka gutumin nang todo :)

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #277 on: March 28, 2017, 08:25:48 am »
good morning sisters!

nag cheat ako kagabi. Nagkita kami ng mom and brother ko sa sm tas nag bingsu kami. Konti lang naman kinain ko kasi share kami sa isang bowl pero milk kasi yun. huhuhu bawi nalang ako later.

Menu ko for today
bfast: muesli oats
snack: sweet potato
lunch: sinigang na baboy + 1/4 rice
snack: wheat bread with peanut butter
dinner: fish (request ko kay mothe, di pa sure to)

Konti nalang mag 50kg na halos lahat dito. Goodluck sisters!

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #278 on: March 28, 2017, 08:58:30 am »
Hello mga sis!
Share ko din meal ko. Currently, I'm into sweet potato naman, last week puro singkamas. Hehe.
Breakfast - Boiled egg and sweet potato (1/2)
Snack - sweet potato (haha)
Lunch - Chicken curry and 1/2 rice
Snack - banana
Dinner - Baka subway sliced chicken

Tapus crossfit ako today. Yey!

May trip kami starting Thursday, baka masira ang diet ko. Huhu. Any tips pag nasa trip? balak ko magbaon ng healthy food like fruits and wheat bread. Problema lang, di ko talaga maiwasan minsan magtry ng magtry ng food kasi nga iniisip ko minsan lang ako makarating dun. Hehe.

Happy Tuesday! :)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #279 on: March 28, 2017, 09:00:47 am »
^ayyay! hugs sis..oks lang yan.ganun po talaga napakahirap po talaga magpigil sa food..kapag nga nanunuod ako ng shows sa tv na nagpifeature ng mga resto at masasarap na foods panay tili ako..sabi ko "aaargh! Angsarap non!! Kaingget!" Pero nagpapasalamat na din ako at malayo ako sa tukso dahil laging bahay-school-puregold/palengke lang ako.hehe..

Kanina may nakausap ako kapitbahay namin halos 1month ko syang di nakita at nagkakwentuhan kami..sabi nya "panay ata exercise mo ah..laki ng ipinayat mo!" Sabi ko "bumili po ako ng exercise bike kaya bihira na lang din po ako lumalabas" 😀 nakakainspire kapag may nakakapuna ng weightloss ko! 😊

 

Latest Stories

Load More Stories
Close