watch now

Author Topic: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)  (Read 50137 times)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #240 on: March 25, 2017, 08:11:38 am »
Good morning mga kapatid sa pagpapapayat! :) Happy cheat day /binge eat day sa inyo (tapos na ang cheat day ko kahapon pa hehe) ! :)

@sis feisty_angel4

Uy sis! Musta na.antagal mo ding hiatus ah hehe..you have a long way to go pa nga sis.pero kaya mo yan..wala ka naman deadline. Pag ma-unlock mo yun way to effective weightloss, tuloy-tuloy na yan..kaya take your time :)

@sis candacena

Natry ko ang tortang tuna pero yun flakes in oil..ayoko ng flakes in brine kasi maalat hehe..
This morning tortang green bell pepper at sibuyas ang kinain ko..angsarap din pala hehe.. :) sa susunod tortang mushroom..pero hahanap muna ako sa market ng dried or freah..ayoko nung canned mushroom.. :)

@sis itt

Hindi ako gumagamit ng firming lotion.kasi kusa naman babalik sa dati yun loose skins.may katagalan nga lang..

Baka maging obssesion mo na yang katitingin sa timbangan ha..di kaya epekto yan ng mga tinetake mong slimming pills? Nga pala nagtetake ka pa rin ba?medyo worried ako sayo kasi talagang masyado kang anxious sa weight mo..be patient sis..take your time..magkakapimples ka nyan sa kaiisip..kayang-kaya mo maging 52kg sa  april 15 kung 0.5kg/wk ang weightloss rate mo...

Alam mo, pag kumakain tayo ng food normal lang na bibigat tayo.pag uminom tayo ng tubig bibigat tayo.take it this way. 1L of water equals to 1kg weight.. so normal lang na pagkainom mo madagdagan ka ng 1kg..magtaka ka kung uminom ka ng 1L tapos same reading ang makuha mo.ibig sabihin sira ang timbangan mo.gets?

O sya mag-spin muna ako :)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #241 on: March 25, 2017, 11:06:27 am »
^^ sis hushhush

wah. feel ko nga ganun ako. tipong bawat kain gusto ko mag timbang agad after a few hours :(at least pala na maintain ko weight ko kahapon.  Im keeping my hopes up that Ill reach my target weight of 52 by april 15. hehe. sana nga mag 51.5 eh pero  ayoko umasa. hehe baby steps. Ill take a bite or two of my carrot cake para di ako mag crave ng bongga hehe.  mag lelemon water ako today.

salamat pala sa pag push sa amin. saka sa mga nag popost ng stories nila. :D sa april 15 ko nalang ipopost yung weight ko hehe naka jot down naman sya sa planner ko hehe, everyday.  last night hindi ako nakatreadmill pero naka ibang exercise naman ako :)

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #242 on: March 25, 2017, 03:15:36 pm »
Happy cheat day! I ate my fave pork siomai and hakao for lunch. Tapus strawberry shake. Ang init ng panahon ang sarap mag halo halo waahhh.
Sis itt, hinay hinay lang and be patient. Trust the process. Also, try to eat 5-6 small meals na healthy instead of 1 meal na bongga sa calories. Minsan kasi pag ginutom natin sarili once kumain tayo di natin mamamalayan ang dami ng kinain natin tapus ibabargain pa natin na kumain ng not so healthy food dahil hindi naman tayo masyado kumain pa. Gawain ko din yan dati hehe. Keep calm and eat healthy. :)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #243 on: March 25, 2017, 04:33:21 pm »
I ate tinola for lunch hehe. then for snacks, i had mga 2 forkful of pansit lang and yung carrot cake na kinicrave ko ( 1 x 3 inches lang ) hehe. at least satisfied na cravings ko. siguro kasi mainit kaya wala gana kumain :( if meats lang okay naman no? balak kasi nila ata mag hotpot mamaya :( e ang gusto ko lang doon beef tapos didip sa satay sauce. di na akomag rrice. haist. sige Ill try to eat small meals pero kasi napansin ko nawawalan ako ng gana talaga kumain dahil sa init :( at least mas nakakapag water ako ngayon :D

thank you sis ah :D
Ill fix my eating pattern para at least hindi masama hehe.
ay may isa pa ako tanong. do you guys take dulcolax once a month? ako kasi if madami dami nakain nag ttake ako 1 tablet hehe pero I dont do it everyday ah.  mga siguro once/twice a month lang kasi masama yung lagi nag gaganun. hehe

sana matuloytuloy ko to hehe. sana ma maintain ko muna yung 52 ish by end of april tapos sana bumaba pa hehe.
« Last Edit: March 25, 2017, 05:09:28 pm by itt »

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #244 on: March 25, 2017, 06:01:44 pm »
^pag hotpot diba maraming gulay yun bukod sa meats...so bakit di mo samahan ng gulay at sabaw..busog ka nun..kung di mo kayang walang rice,magluto ka ng brown rice or black rice then magbaon ka ilagay mo sa lock and lock.suggestion lang :)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #245 on: March 25, 2017, 07:15:55 pm »
hi sis. hindi na kami tuloy. hehe nagkatamadan na din dahil sa init :( pero for dinner, Ill eat 2 spoons of rice lang hehe kakatapos ko lang mag exercise din hehe tapos lemon chicken. and mag llemon water pa din ako. gawin ko din yung small snacks siguro. ay oongapala, taho (minus the sago) is okay naman no?  kahapon nga wala na dapat ako plan kumain para at least mas mabawasan weight ko kaso di ko kinaya hehe kaya ayun. pero dont worry hindi madami kinain ko hehe.

may singkamas kami so siguro Ill eat that for snacks hehe. ddip naang sa suka hehe.

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #246 on: March 25, 2017, 07:43:12 pm »
^oks lang ang taho.soy yan eh.healthy naman.basta wag lang sobrang dami..speaking of..makapag-taho nga bukas.2weeks ago na ata yun last kain ko ng taho hehe..Thanks for the reminder...nag-iisip kasi ako ng kakainin bukas for snacks :)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #247 on: March 25, 2017, 07:49:21 pm »
may isa pa pala ako uestion. how would you knowif water weight lang yung nabawas pala? :D hehe kasi worry ko baka mamaya puro water weight lang pala nalolose ko. ang sad naman hehe

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #248 on: March 25, 2017, 08:19:20 pm »
^ganto kasi yun..pag start mo magdetox, or ng diet regimen mo, una talagang mababawas ay retained water..usually nasa 1-2kg or higher..kapag obese ka mas malaking waterweight maflush out mo..then kung tuloy tuloy lang yun regimen mo, babagal na yun rate mo to 0.3-0.7kg per week kasi fats na yun binaburn ng katawan mo.. pero kung may makain ka na masyadong maalat o matamis, mag-i-store na naman ng waterweight ang body mo, kaya pag nagtimbang ka mapapansin mo yung sudden weight gain na umaabot ng 1-2kg..saka mararamdaman mo na sumisikip ang bra mo.wedding ring, wristwatch or damit mo.minsan sumasakit ang tagiliran..pag ganun may retained water ka.or mataas ang sodium sa katawan mo..kaya need mo iflushout by drinking lots of water, buko juice or freshly juiced cucumber..or tea..or other natural diuretics..atsaka kung fats talaga yun nababurn mo makocompare mo naman itsura mo before and after.kaya importante din magselfie ka for comparison..saka yun mga damit mo na kung dati ay masisikip at bigla na lang naging maluwag..isa sa mga ebidensya yan na pumapayat ka.kahit walang nagsasabi sayo na "uy pumayat ka ah!"normal lang wala makapansin kasi araw araw ka nila nakikita.pede mo din imeasure yung diameter ng legs at braso mo to check kung lumiliit...

Sa experience ko, dalawang tao pa lang ang nagsabi sakin na pumayat ako (na araw-araw akong nakikita)...yun ay dahil nagsuot ako ng fitted na shirt..sabi nya nun lang nya napansin na lumiit ako..di kasi talaga ako hilig sa fitted shirts..naging confident lang ako magsuot lately hehe.. :)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #249 on: March 25, 2017, 08:40:00 pm »
so most likely water weight palang ako hehe. naeexcite na ako siguro pag nag 51-50 ako for sure may fats na naburn hehe. onting push pa :D

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #250 on: March 25, 2017, 09:29:49 pm »
Good morning mga kapatid sa pagpapapayat! :) Happy cheat day /binge eat day sa inyo (tapos na ang cheat day ko kahapon pa hehe) ! :)

@sis candacena

Natry ko ang tortang tuna pero yun flakes in oil..ayoko ng flakes in brine kasi maalat hehe..
This morning tortang green bell pepper at sibuyas ang kinain ko..angsarap din pala hehe.. :) sa susunod tortang mushroom..pero hahanap muna ako sa market ng dried or freah..ayoko nung canned mushroom.. :)

nag tortang talong na ko kagabi. gusto ko sana inihaw kaso wala choice. kaya nilaga ko muna.
okay naman. medyo na satisfied naman ako. ano gingamit mo pala oil pang torta sis?

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #251 on: March 26, 2017, 04:58:31 am »
^hindi ko pa natry yun boiled. :) canola oil lang gamit ko lagi tho may studies na di sya healthy.dapat daw veg oil..olive oil bet ko.angmahal naman sobra.

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #252 on: March 26, 2017, 09:33:24 am »
sis hush hush hindi na ako nakapag selfie for comparison hehe. magawa nga sya today kaso sayang naka lose na ako ng 1+ kg hehe pero okay pa din. nahihiya kasi ako kahit own copy ko lang yun lol

arawaraw ako nag wweigh hehe buti nalang same yung kahapon at ngayon hehe. gusto ko nalang isipin na if ever same pa din yung kahapon ngayon at bukas, in the next few days, hopefully fats na yung binuburn ko hehe. struggle din mag exercise kasi super init. doble yung pawis hehe. kahapon nag semi cheat day na ako when I ate a small slice of carrot cake. mamaya magllunchout kami. onting rice nalang kakainin ko if ever hehe. and no soda pa din. natetempt ako mag happy lemon pero titiisin ko nalang muna yun for now. dark chocolate with hazelnut is fine naman no? :D parang gusto ko kasi. pero shempre hindi isang pack lol.

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #253 on: March 26, 2017, 11:02:11 am »
^hahaha natatawa ko sayo sis araw araw talaga nagweweigh.. Ganyan din ako dati.. Hindi ka naman na ppressure dahil wala ka nakikita pagbabago? Unti unti mo sanayin sarili mo or lagyan mo ng oras yung pag weweigh mo. Hanggang sa once a day na lang or every other day ganun

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #254 on: March 26, 2017, 11:03:17 am »
^hahaha natatawa ko sayo sis araw araw talaga nagweweigh.. Ganyan din ako dati.. Hindi ka naman na ppressure dahil wala ka nakikita pagbabago? Unti unti mo sanayin sarili mo or lagyan mo ng oras yung pag weweigh mo. Hanggang sa once a day na lang or every other day ganun

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #255 on: March 26, 2017, 03:58:33 pm »
^^ naku may times pa nga na umaga ( after wiwi ) , afternoon, saka  before sleeping!

haist feel ko cheat day ko ngayon :( hehe nag happy lemon ako  na green tea with rock salt and cheese. tagal ko na kasi di nakakainom nito siguro mga 2+ months na. pero okay na ako basta mainom ko to. tapos may nakita pa ako na lava bread na maliit sa breadtalk hehe. for dinner konti nalang kakainin ko. or baka mag singkamas nalang ako. feel ko maddrepess ako pag tumaas sa 53.5 timbang ko hehe. sana same pa din sya tom kasi asa naman ako kung bababa sya. babawasan ko pa sana lunch ko kanina kaso mejo iba pakiramdam ko :( mejo nahihilo and lutang :(

natutuwa ako sa mga stories nyo. mas nakakamotivate actually. tama nga yung sa cheat day. mahirap i deprive yung sarili sa food na gusto. hehe I bought dark chocs na din kanina. emergency happy food. hehe pero promise ko hindi ko sya uubusin in one sitting :D

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #256 on: March 26, 2017, 05:12:48 pm »
^magiging 52.8 yan bukas..joke..hehe.. 😆 malay mo.. 😄

May napanuod ako sa shoptv kanina..Wonder core 2..exercise bench na may built in resistance bands...i like! 😄P5k+ lang sya..maganda naman ang specs..12 gym machines ang kaya nyang isubstitute..kaya lang wala na akong paglalagyan dun kung bibili ako..sa garage siguro hehe..sa mga nagbabalak dyan na mag-tone ng tummy. I recommend this product..anghirap magsit up nang walang nakahawak sa paa..huhu...extra challenge.. 😣

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #257 on: March 26, 2017, 07:03:23 pm »
I never got my sit ups right. yung neck ko lagi sumasakit so most likely Im doing it wrong. lol kaya ako ginagawa ko nakaupo nalang tapos parang crunches. di ko ma explain hehe basta naupo ako tapos sabay ko tinatataas yung folded knee ko tapos mejo nag sslouch ako, basta may nafefeel ako na strain sa tummy ko lol so ganun ako mga 20-30 na ganun hehe. naku sana magdilang anghel ka na 52,8 lol. pero kahit mag 53.3 ako okay na ako hehe. alam ko dapat kakain ako pa din pero minsan nakakadepress kumain lol. pero ayun kesa naman sa magkasakit diba? kanina di gaano healthy kinain ko pero onti onti lang. more on tikim tikim ( 1 kutsaritang sisg, kare kare ( more on the gulay and a piece of tripe ), 21 small slice of inihaw na liempo, 1/4 rice. okay naman na ako doon basta na tikman lang. ay green mango pa pala wth bagoong. lol pwede ba snack ko yun? I think I can eat just that the whole day! green mango  bagoong is love! kaso shempre may bagoong yun :( kailangan ba talaga mag breakfast? ayoko kasi nag bbreakfast eh :( lunch. Im happy to say na as of now, hindi pa din ako nag mmidnight snacks :D ayyyy kumain pala ako na 3 pcs ng piknik. pero 3 pcs lang! hehe sorry if TMI :(

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #258 on: March 26, 2017, 07:45:22 pm »
^mukhang mas oks nga ang crunches..matry ko nga bukas..pero gagawan ko talaga ng paraan yun situps ko..ill improvise na lang para magawa ko pa rin sya sa bahay...

Ok yung green mango.pampababa ng blood sugar at rich in fiber.indian mango para indi masyado maasim.kahit yung manibalang. 😉

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #259 on: March 27, 2017, 09:40:47 am »
Happy Monday Sisters! eto menu ko for today

Bfast: oatmeal + apple
Snack: sweet potato
Lunch: 1/4 rice + beef and broccoli
Snack: wheat bread
Dinner: Steam Fish Fillet

Goodluck to us for this week! No exercise for me parin this week. After my medications tsaka na ako balik sa exercise.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close