watch now

Author Topic: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)  (Read 50071 times)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #220 on: March 23, 2017, 01:36:05 am »
sis hushhush parang gusto ko mag try ng lemon cleanse pero for 2-3 days lang. what do you think? ang worry ko lang baka mag faint ako. lol  ay kaso wala pala ako maple syrup on hand. lol

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #221 on: March 23, 2017, 07:36:14 am »
^sis hushush ano mga kinakain mo. share mo naman hehe. I dont workout. sadly.. pero kung lakaran eh ok sakin


Good morning muna sa mga kapatid natin sa pagpapapayat! :) Thursday na! May magweight update kaya bukas?

*Spinning while typing this post.. :)

Sis candacena

Naipost ko na yung daily meals ko last week.. pero irepost ko para sayo..inuulit-ulit ko lang yan.mix and match. I dont eat rice except on my cheat day which is Saturday (brown rice). Then i seldomly eat red meat (pork,beef) kasi takot ako sa colon cancer. Never pa ulit ako nakakain ng instant noodles  simula nun magdiet ako. :) I do calorie counting to make sure na di nag-oovershoot ang intake ko..effective naman dahil continuous lang ang weightloss ko ;) Good thing hindi ako nasasawa sa eggs..paborito ko talaga ang eggs simula pagkabata :)

Bfast (select 1 meal):
- 2 boiled eggs (130-150 cal)
-tortang talong, 2eggs 1eggplant (240 cal)
-tortang sibuyas, 2eggs 1-2 med onions (180-200cal)
-tortang kamatis, 2eggs 1-2 med kamatis (180-200 cal)
-tortang kamatis at sibuyas  2eggs 1-2med kamatis at sibuyas (180-200cal)

Beverages:
-plain coffee
-plain water
-green tea
-almond milk (50 cal per 240ml, 1cup max per day)

Lunch: (select 2-3 dishes)
-chicken tinola with sayote and pechay or dahon ng sili at malunggay (200-300 cal per serving)
-sinigang na pork with kangkong at labanos (300-400cal per serving)
-fish (boiled or fried) (1-2pcs medium)
-ginisang ampalaya (1-2cups)
-ginisang pechay (1-2cups)
-ginisang mixed veg (1-2cups)

Snacks (select 1-2 snacks per day, 110-250 cal per serving)
-singkamas (1-2pcs)
-pinya (2-3 slices)
-orange (1pc)
-apple (1pc)
-popcorn (plain, unbuttered, unsalted) (1serving)
-boiled peanuts (1/2 kilo)
-boiled yellow corn (1pc, unbuttered, unsalted)
-boiled purple kamote (1-2pcs)
-boiled yellow kamote (1-2pcs)

Dinner: (see bfast list, select 1 meal)

_____________
Sis itt

mag-juicing diet at fruit-veg diet ka na lang sis..mag-stick ka sa diet that will work for you :)
Take advantage of your exercise machines.45mins ka daily sa threadmill or elliptical/bike.at iwasan mo yun matatamis..dun ka talaga bagsak.napansin ko lang.kulang sa pagtitimpi :)

brandi

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #222 on: March 23, 2017, 08:01:46 am »
Sis hushush hindi ko din alam. Madami ako kinakain nung no rice diet ako sa balance lang.

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #223 on: March 23, 2017, 09:09:33 am »
okay lang 1 cup ng soy milk per day?

sis hushhush thanks sa diet meal menu mo! magagaamit ko yan. sad ko kasi di ako nakapag exercise 2 weeks na. Last week may period this week nagkasakit naman ako. :(

currently on transition mode na ako. From oats every morning yung lunch ko bawas ulam na then yung dinner ko no rice and 1 serving ng ulam nalang. Tas pag feel ko ngumuya raisin or fruit. Tas maraming water and green tea. :)

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #224 on: March 23, 2017, 10:32:17 am »
Waah! Nakita ko na mga pics mo sis hushush. Grabe ang sexy mo na sis. :)
kitang kita ang katas ng pinaghirapan! Kaka-inspire. :) Congrats!!! :) Gusto ko din!!!!

Btw, weight update:
March 2, 2017 = 122.2 lbs (55.5 kg)
March 9, 2017 = 120.8 lbs (54.9 kgs)
March 16, 2017 = 119.8 lbs (54.4 kgs)
March 23, 2017 = 118.2 lbs (53.73 kgs)

Akala ko di ako maglose this week kasi last week once lang ako nakapag exercise. Siguro nakatulong na consistently di na ako nagrice pag gabi hehe.

^Sis itt, pareho tayo super love ferrero! Naku struggle ko yan lalo na sobrang dami chocolates ngayon sa bahay. Pero deadma lang. Haha. nanibago nga ako sa sarili ko. Totoo yung sinabi ni sis hushush pag nadisiplina mo na sarili mo, mawawala na mga cravings. Tsaka may healthier alternative naman like yung dark chocolate, like ko na din yun ngayon. basta yung atleast 70% cocoa ah. Yun daw healthy. Yung carrot cake sis tikim ka lang ng konti, baka pwede mo bigay sa kapatid mo or mga pinsan or friend? Hehe. Ako naman 5 feet and 1/2 haha. Pinilit din talaga na may 1/2 noh. Regarding jama juice sis naku nabasa ko na may mga juices sila na kahit healthy eh umaabot ng 500 calories! Siguro next time ask mo yung taga jamba juice kung meron sila na around 200-300 lang. Push pa sis. :)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #225 on: March 23, 2017, 12:17:26 pm »
Hello sis romans828! Congrats din sa weightloss mo! O diba proven na maglose ka ng weight pag binawasan ang rice intake?ilan na ba tayong nagpapatotoo dito? :) hindi pa ba reliable source yan? :) charot!!
0.7kg din yung nalose mo in 1week ha! Bongga! Wala pa kamo exercise yan. :)

Bilib din ako sayo kasi hindi ka bumibitaw sa goal mo..e di ayan  53.73kg ka na lang...at talagang ang precision ha 2 digits hehe.like ko yang digital scale mo..ano bang brand nyan?
Sa susunod ikaw naman ang magpopost ng BEFORE and AFTER photo mo ha? :) excited na din ako makita ang katas ng pinaghirapan mo... :) masaya naman ako at mayron na ring malapit nang maka-achieve ng weightloss goal nya dito sa thread na ito.. :) makakarampa na tayo sa beach nang walang umaalon-alon na bilbil.. :) dapat naman kasi talaga yung tubig ang umalon eh..mali naman na pati yun tyan at bilbil natin umaalon.kaya dapat lang na magbawas ng fats..haha! :)

Ang inet ngayon grabe! kakain ulet ako ng halo-halo mamaya as afternoon snack hehe...ooops wag nyo ako gagayahin ha, yung mga malake pa ang hinahabol na weight dyan..magpigil muna kayo..i am 0.3kg close to my ideal weight as of this morning.. i weigh 52.3kg na lang.. :)
Bubuwelo muna ako sa extra challenge ko sa sarili ko na 50kg :)

^sis px17

Musta na sis?kaya pala nawala ka.nagkasakit ka pala..naku hirap nyan baka naman ginutom mo sarili mo ha? Oo nga pag may AF isa pang challenge sa regimen natin...kaya nun 1st day ko once lang ako nag-spin..then kinabukasan balik sa normal.. :)
As for soya milk..di ako umiinom nyan eh.tumataba ako dyan.siguro once a week pede ako inom..pero kung daily, baka mag-gain ako...yun almond milk ko nga di ko pa ubos..tig-50ml lang naiinom ko..mas gusto ko pa inom ng plain water eh..di ko bet ang lasa hehe..


Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #226 on: March 23, 2017, 03:53:50 pm »
Wow sarap ng halo halo inggit ako!!! Pero di pa ako pwede jan Hehe. Baka sa Sat na lang cheat day ko hehe.
May exercise ako sis crossfit pero once ko lang nagawa last week.
True yang makakarampa sa beach ng walang aalon alon! Although may konti pa ako, stubborn fats hehe. When I look myself in the mirror kanina, ibang klaseng confidence talaga ang nabibigay ng healthy at fit ang body. :)
Yung digital scale na gamit ko, sa office yun di ko alam brand hehe. Actually nakapounds kasi ang scale, kinoconvert ko lang to kgs hehe. Divided by 2.2 tama ba?
Sis, same set ka pa din ng kinakain? I'm thinking na next week i-tweak ko ang diet ko na no rice na talaga, ngayon kasi nagrarice ako pero every lunch lang. Iniisip ko lang baka matulad ako dati na sobrang mag-crave sa rice pag ginawa yun. Haha.

Thanks again sis hushush sa pagmotivate at pag-inspire samen lagi :)


hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #227 on: March 23, 2017, 06:39:21 pm »
Welcome sis romans828..atsaka wag ako ang pasalamatan nyo kundi ang mga sarili nyo..kasi nasa inyo ang gawa.nagsumikap kayo..eh ako panay salita lang naman dito hehe.. :)

Good idea yung lbs ang unit of meas. then iconvert sa kg..matry ko nga next time.yup tama yun.divided by 2.2.. :)
Yun nasa food list na yan lang ang mga kinakain ko kadalasan.kasi yung sa tingin ko na nakakapagpababa ng weight ko.atsaka niresearch ko yang mga hehe..

Totoo yun, angsarap ng feeling na nagkakasya yung mga sinusuot mong damit .masarap talaga maging payat kasi you can wear any garment..pero depende pa rin sa body shape or type...rectangular-shape kasi ako hehe..kaya hindi din ako basta-basta makasuot ng sobrang fit na top or dress..nagmumukha akong tinibang saging.as in straight ahead. Hehe.. :) kaya kadalasan loose shirts/blouses ang suot ko.lalo na kung leggings ang bottom..bahala na mag-imagine ang titingin kung may curves o wala.haha :)
Advantage pati kung payat ka, hindi ka matatakot magselfie nang naka-front view. :) Pansinin mo yung mga lagi nakasideview sa pix para magmukhang payat.. kasi itinatago yun totoong lapad ng katawan..naka-cardigan, long sleeves or shawl pa para hindi makita ang malalaking braso.. :)

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #228 on: March 23, 2017, 08:57:15 pm »
Thanks sis hushush I really appreciate it! May idadagdag ako. Torta! Hehe

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #229 on: March 23, 2017, 09:11:27 pm »
nasasad ako :( .8 ish lang nalose ko in 1 week :( haist.

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #230 on: March 24, 2017, 02:35:06 am »
^^welcome sis candacena. :) balitaan mo ko kung aling torta ang magustuhan mo..paborito ko tortang talong..pero pag nagmamadali tortang sibuyas..sarap..try ko nga maya tortang garlic at sibuyas.hindi ko pa natry yun eh. :)

imprincessfiona

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #231 on: March 24, 2017, 10:12:59 am »
Yes cheat day ko today! I can eat anything I want but still in moderation. Question lang, sino na po dito ang nakapag-try ng green coffee? Is it safe? Thankie sa sasagot! I agree malaki talaga ang nagagawa ng no rice sa gabi nakakaliit ng tummy. Ano kayang exercise ang pwede pampaliit ng tummy besides sa situps? May slipped disc at scoliosis po ako kaya hindi pwede na-stretch ang likod. Biking is one of the exercises na pwede kong gawin as per PT. Iyong po bang pag-inom ng warm water nakakatulong sa pagpapayat instead na cold water ang iinumin? Thank you ulit sa sasagot!
« Last Edit: March 24, 2017, 10:25:34 am by imprincessfiona »

ayi0119

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #232 on: March 24, 2017, 02:57:52 pm »
Weight update:
February 15 - 57.3kg
February 17 - 56.5kg
February 20 - 56kg
February 28 - 56kg
March 3 - 55.5kg
March 13 - 56.5kg
March 14 - 55kg
March 24 - 53kg :)

bumili na ako ng digital weighing scale at maya't maya ako kung magtimbang. hehe
nakaka-motivate kasi magdiet pag nakikita ko na after a meal malaki yun na-gain, so next meal, babawasan ko yun kakainin ko.

3 less kilos to go! :)

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #233 on: March 24, 2017, 05:13:02 pm »
@imprincessfiona masusuggest ko lang hula hoop pero mas okay ask mo nalang pt mo mahirap na at may scolio ka kasi.

@hushhush ubo at sipon lang naman sakit ko pero sabi ng doctor wag muna exercise kailangan ng maraming rest.

di pa ko nagtitimbang. today is cheat day pero naguiguilty ako kumain, parang ayaw ko kumain ng mas malaki sa diet serving ko. :(

ayi0119

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #234 on: March 24, 2017, 05:47:18 pm »
^ optional naman ata yun cheat day. Mas ok nga kung wala. Ako naman iniisip ko kung kain ako ng chips as a reward. This week is very stressful for me, kaya naghahanap ako ng comfort food. :)


hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #235 on: March 24, 2017, 06:11:24 pm »
^^^sis imprincessfiona.

Cheat day ko din!inadvance ko hehe.kasi nakakain ako ng oreo cookies at donuts na strawberry filled kanina.saka halo-halo.tinuloy-tuloy ko na ang kain ng brown rice at egg at hotdog hehe kaya itrade ko yun cheat day ko bukas.natuwa kasi ako sa anak ko nanalo kasi sa competition.. hehe...napuyat din kasi ako kagabi sa anak ko.panay patimpla ng gatas.di na tuloy ako makatulog..pagcheck ko sa BP ko masyado mababa! Hypotension..kaya need ko din muna magrest at 1session muna ang exercise ko.then need ko bumawi sa kain...sana bukas normal na ulit :)

About green coffee hindi pa ako nakatry nyan..san ba nakakabili nyan? nagbasa basa din kasi ako tungkol dyan before kasi nga medyo naging sikat yan.angsabi wala daw enough scientific studies to back up the weightloss claims..kaya hindi ako naging interested masyado sa green coffee.pero kung available sa mercury drug i will not hesitate to try it.ibig sabihin BFAD approved yun :)

About exercise for tummy, biking pwede na.bili ka lang ng neoprene belt yung exercise belt para maconcentrate yun fat burning sa tummy..nakakalimutan ko nga dumaan sa sports house at need ko din yun para matone yung loose skin at maburn ang excess fats sa tummy ko. :)

At speaking of exercise m/c..kung may budget ka sis and bet mo din, tignan mo yung tv ad sa shoptv about Maxi Climber..para syang derivative ng elliptical machine at simulation ng rock climbing..sa totoo lang gustong gusto ko sana bilhin yun.pero overpriced eh.9k! Hehe.e kung sisipatin mo baka di pa aabot ang 4k ang BOM cost nun..mukhang nasobrahan ang markup hehe :) pero kung may excess money ako i wont hesistate to buy that.sobrang simple ng design at pati ang storage pede itago sa closet. :) kung sa tulad mo sis na di pede mabend ang spine swak na swak yun for tummy exercise exercise :) pero tulad nga ng sabi ni sis px17 e consult mo muna ang iyong PT :)


@ss px17

Pagaling ka sis..need mo kumain. Wag ka muna pagutom..baka di ka makarecover sa kadadiet mo nyan..baka lowcarb fever yan.nagkaganyan na din ako before kasi nag-aadjust ang katawan.bedrest ka muna.baka hindi kaya ng katawan mo ang diyeta.. :)

@sis ayi

Musta na? Nabuhay ka! Akala ko nawala ka na din tulad ng iba na padrama-drama lang tapos wala pang 1wk e waley na.bitaw agad..hahaha..
Im so glad you're back! Mwah mwah! :)

At congrats pala! Anglaki na ng weightloss mo ha.in 10days eh 2kg agad nabawas mo..galeng!!..maaabutan mo na ako (nakikipagpaligsahan e no hehe) Akala ko talaga di ka na magpopost kasi akala ko naggain ka..usually kasi yung mga ayaw mag-update yun mga failed e..hehe.. :)

About cheat day, nako wag na wag na hindi kayo magcheat day! Matatambakan kayo ng "backlogs" nyan..the more na iwasan nyo the more na hahaba listahan ng mga food na need nyo kainin kung dumating yung time na hindi ka na naghigpit sa diet mo..kaya yung iba ambilis bumalik sa dating katabaan..yung pinaghirapan nabalewala dahil masyado namiss yung mga dating kinakain at mas dumoble ang intake kesa dati...kaya mga sis magcheat day kayo once a week.. or twice a week..nasa inyo na yun.wag masyado ideprive ang sarili. :)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #236 on: March 24, 2017, 08:17:12 pm »
sis hushhush ( and other sissies ). ngayong dinner lang yung only meal ko for the day. hehe kaso uhaw na uhaw ako hehe. sana nabawasan na ng husto timbang ko. try ko pa tumakbo mamaya kahit sandali. nag crispy suid lang ako tapos half rice ( na hindi ko pa naubos ) kaso nag regular iced tea ako :( saka half na icecream nila :( pero kasi grabe feel ko kelangan ko ng something cold talaga :( mag wwater na ako uli. hehe

feisty_angel4

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #237 on: March 24, 2017, 10:09:56 pm »
Hello Sisses!!!  Kamusta?  As for me, I am of this morning I weigh  65.85 ... I decided to lose weight last Feb 27...today is March 24.. almost a month na. Layo pa sa goal ko na 55...wheww...but still I am persevering. :D

When you're really at it, LOTS of temptations arises. hahaha

I ate  a lot for today, my brunch was lettuce and tuna tapos KFC with my son, rice and chicken lang for me. Then I drank 360ml of chocolate drink and 1 avocado for dinner. I consumed 2 liters of water for today, I have not exercised for almost 10 days, because our house is being renovated balik ako exercise bukas.
« Last Edit: March 24, 2017, 10:15:50 pm by feisty_angel4 »

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #238 on: March 24, 2017, 10:42:28 pm »
Sis hushush hindi ka nagtotortang tuna?? Like tung century tuna in water

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #239 on: March 25, 2017, 01:13:09 am »
sis @ayie wow nakakamotivate naman yan :) sana ako din hehe goal ko by april 15 sana maka at least 52 kg hehe pero asa. ngayon kaka timbang ko lang pero 53.7 na uli ( 53.5 kaninang morning) isang meal lang kinain ko today haist.

sana din mamaintain ko yung magiging target weight ko.  mareach ko lang yung 52, masaya na ako. tapos next target ko 50. hehe sana hindi mawala yung pag bawas ng timbang hehe.

ay may tanong pala ako. nag apply ba kayo ng firming lotion din? naisip ko pano pag naglose, mag sasag ba yung skin? although alam ko na nangyayari lang yun pag sobrang drastic ng change ng weight pero yung paonti onti per month kaya? sorry if OT.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close