watch now

Author Topic: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)  (Read 50010 times)

feisty_angel4

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #140 on: March 14, 2017, 04:34:33 pm »
Hi, Sissees, .30 kg lang nabawas ko for a week kasi I attended 3 events, so kahit pigil ng pigil... nakakahawa ang mga kasama, kaya pag uwi, green tea agad. Tapos exercise sa umaga. As of today 66.30 ako and I am on my 22nd diet day. Wala ako exercise 4 days na dahil may mga bisita sa bahay. Frustrated na ako dahil na-disturb yung momentumng pagpayat ko. Hayyy, try ko to lose at least 2 kg after another 2 weeks.

ayi0119

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #141 on: March 14, 2017, 04:57:02 pm »
hushush congrats! Habulin ko nga yang weight lost mo.  ;D
After eating that big burger, I ate pineapples and pomelo kinabukasan, at jogging kanina. Sa tingin ko nga exercise ang kulang talaga sakin bukod sa diet. Ang hirap lang isingit sa schedule ko. haay

px17 kain ka gulay and fruits, pamalit sa madaming ulam. :) Kasi kahit 1 kutsarang rice lang kainin mo pero madaming ulam, wala din.

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #142 on: March 14, 2017, 07:08:11 pm »
^sis ayi

Nagtataka nga ako sayo..dikit nga dati ang weight natin..anyare sayo..napag-iwanan na kita? :) naweightloss plateau ka na sa kabi-binge eat..di bale bawi ka na lang..malay mo next fri e may mabawas.. :)

^^sis feisty_angel4

Ok lang yun sis :) importante may nabawas sa timbang mo.kesa may nadagdag.diba?bawi ka na lang sa susunod. tumanggi ka muna sa binge eating..kasi walang katapusan yan eh..ang pagkain indi nawawala yan..unless magka-world war or magka-famine..at least yung mga sanay sa konting pagkain magsa-survive yun kahit pako (fern) salad lang na nakikita sa gubat ang kainin..pero yun mga sanay sa malakihang kain as in lamon..ewan lang natin baka magsuicide kapag wala nang makain..joke lang... :)

^^^sis px17

Welcome to thread! basa-basa ka sis ng advices dito ha.sobramg dami na..pili ka na lang at i-execute.. :) pero pede ka naman magtanong kung may tanong ka.. :)

Yan ang pitfall ng mga compliments na "di ka naman mataba ah!", "di ka tumataba kahit dami ng kain mo"... one important lesson i learned about it: DONT BELIEVE THEM. It's a trick! Why? Kasi ingget sila sa figure mo.and they want you to gain para maging baboy ka na din tulad nila.. :)
Nun magdecide ako magdiet i told my friends i will not eat bananaQ anymore.then sabi nila "di ka naman mataba ah!" i did not believe them, sabi ko "my digital weighing scale told me the truth: Im 57kg! IM FAT!"
Then when they realized that im determined to lose weight, my other friend told me: "oo nga napansin ko nga anlaki na ng braso mo..."

See? Hindi nila sasabihin sayo ang totoo na mataba ka na..they will make you believe that you're not gaining weight for their own advantage.. :)

If you want to maintain your current weight, always check the scale..bantayan mo.para sudden increase maaagapan mo agad..pero wag naman araw araw.. baka mastress ka at magstress eating ka naman.. :)


hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #143 on: March 14, 2017, 08:11:25 pm »
Only YOU can verify whether you gained or not.your digital weighing scale is your bestfriend. Why digital? Para precise. At madali basahin..kesa sa analog.baka maya medyo may problema yun eyes mo eh di nagkamali ka pa ng basa..  :)

Saka kung sa analog, baka akala mo eh naglose ka ng 0.5kg kasi nasa gitna yun dial..pero 0.2 lang pala kung digital ang gagamitin mo..o kaya akala mo 1kg yun nalose mo pero 0.7 or 0.8kg lang pala..
Kaya nagbinge eat ka ng todo to celebrate..tapos iiyak ka after 1wk kasi naggain ka ng 0.5kg.akala mo slight lang gagalaw yun dial indicator..tapos ilang beses ka pa nagcalibrate hoping na di lang calibrated si mr.analog scale kaya pumalo ng ganun kalaki..(halatang may pinaghugutan ako no?)
Kaya importante ang precision eh.. :)

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #144 on: March 14, 2017, 08:41:09 pm »
sis hushush sige gagawin kong veggies nalang ulam ko. Hindi naman ako ma-rice kaya sa ulam talaga nagkakatalo. yay! Nagbabasa basa nga ako ng pwedeng snacks at pampatagal ng cravings. Pag nasa office kasi ako bigla nalang nag popop up na gusto ko ng sweets at gusto ko ngumuya (I thinks stress eating thing yun?)

Kinausap ko na nga rin si boyfie na wag muna kami mag date. Gawin nalang naming jogging date ang food trip. Napaguusapan na magbalik circuit na din kami aalisin ko na reason na pagod sa office kaya hindi makapag work out.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #145 on: March 14, 2017, 08:44:22 pm »
hushush pa before and after photos ka naman dyan para mas lalo kami ganahan. Haha!

Side note : good girl pa din ako sa diet and exercise  :D

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #146 on: March 14, 2017, 09:49:33 pm »
^Sis Rory_Lorelie_Gilmore

Sure! Why not? I wanted to.. :) Kaya lang public forum to eh.ayoko naman ibalandra ang pic ko dito.baka mamaya may makakita na nakakakilala sakin at isumbong pa ako sa mister ko.mapagalitan pa ako na nagpopost ng pic sa public hehe :)

^^sis Px17

Pwedeng stress eating..sugar addiction most likely..withdrawal..pag di ka na adik, di ka na masyado magke-crave sa sweets..dati nga lagi din ako nagkecrave sa sitsiria or chips..when i used popcorn as substitute napansin ko na lang di na ako nagke-crave sa nova chips, piattos, etc..
Coffee addict din ako before, when i started to drink plain coffee, ayun bihira na lang din ako nagko-coffee, tubig na lang kadalasan (hindi ako matubig nuon)..kagandahan kapag nagda-diet ka, water will be one of your bestfriends...parang magiging takbuhan mo sya kapag may strong urge ka to cheat o binge eat, "ay iinom muna ako tubig, baka bigla akong mabusog"

Pag nasa office ka, magbaon ka ng fruits or vegs like grapefruit (best choice), green apple or boiled corn, purple camote, singkamas..natural candy kasi ang fruits so you may use it to feed your sweet cravings at the same time getting the nutrients that your body needs.. :)

O sya sleep muna tayo late na..bukas ulit..importante din maaga tayo tulog para hindi tyo masyado papangit.. :)



lonely_dad

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #147 on: March 15, 2017, 07:20:26 am »
effective ba yung one whole lemon squeezed sa one glass of hot water every morning?

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #148 on: March 15, 2017, 08:49:20 am »
^sis hushush thanks sis! okay lang kay na gawin kong snack ang cereal? parang gagawin kong chips.
Problema lang sakin pag malapit na at during period grabe cravings ko. Pero labanan talaga! Push para sa goal na 50kg! alisin ang 6kg. yay!

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #149 on: March 15, 2017, 11:43:32 am »
Agree with singkamas as snack. I bring it to office nowadays, it's my staple snack.
Ilang calories ba ang isang buong singkamas, medium size sis hushush? Hehe. Mga 2 ang nauubos ko sa isang araw. Minsan 3. Hehe.

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #150 on: March 15, 2017, 12:20:17 pm »
^ilang grams teh? Assuming na malake lang ng konte sa kamao natin e siguro 80-125cal lang. 2-3 slices ng singkamas solve na ako kapag medyo nagutom... kaya lang pag madami ako nakain let say 3 whole turnips sa buong araw (pinapak talaga) at napoop ako kinabukasan.. sumasabit yun fiber e hehe..(sowee, yakee pero ganun eh :P ) kainis nga eh! paalala lang wag masyado kumain ng maraming singkamas hehe kung ayaw nyo mangyari senyo yun.. :) kaya pala yung ibang dieters jinu-juice yung singkamas hehe :)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #151 on: March 15, 2017, 12:29:14 pm »
^sis hushush thanks sis! okay lang kay na gawin kong snack ang cereal? parang gagawin kong chips.
Problema lang sakin pag malapit na at during period grabe cravings ko. Pero labanan talaga! Push para sa goal na 50kg! alisin ang 6kg. yay!
Depende sis sa cereal..ano ba yun brand at ano klase? Kung corn cereal i wont recommend it..kung honey-glazed i wont recommend it too..meron ako natry before yun fitnesse cereal pero yun plain lang..matamis din kasi yun eh.kung may makikita ka sugar-free (which i think wala kasi need nila yun sugar as preservative) ..
Mag-oatmeal ka na lang sis yung quick-cooking tapos 1tbsp milo lang.ontian mo lang water para di masyado matabang.ganyan ang kinakain ko nung 1st 2weeks ko magdiet.. :)

ambitious

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #152 on: March 15, 2017, 01:23:42 pm »
Pasali po, i am 36 years old now and i am trying to reduce my weight. I exercise and I don't eat anything in between aside from coffee. I think my daily calories intake is 1100 but still my weight is fluctuating. Sabi nila pumayat na daw itsura ko pero ang scales hindi nagbabago.

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #153 on: March 15, 2017, 07:36:24 pm »
^sis ambitious. Welcome to the threa! :)

About your daily calorie intake..how did you arrive with that figure? Did you calculate it base on your BMR and physical activity or nagdecide ka lang na 1100 cal ka lang per day to get your goal weight?
How long ka na po pala sa weightloss regimen mo? Twing kelan ka nagwe-weigh in? :)

Minsan kasi pag sobrang baba ng calorie intake vs sa recommended lalo nat very active ka, nagsa-survival mode ang katawan natin kung nadedetect nya na ginugutom mo sya..imbes na iburn ng body mo yun fat reserve mo ay mas lalong iki-keep nya thus weightloss plateau occurs.. :)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #154 on: March 15, 2017, 09:41:29 pm »
Hi :D Im trying to lose weight too kaso struggle :( So far, I try removing soda/juices from my diet although may times na umiinom ako lalo na pag may special occasion. Oh. after reading the threads here, naenganyo din ako mag take ng slimming pills. Anyhoo, the only exercise I do is teadmill-ing hehe. I do  it at least 30 mins at a time. Nung una everyday ako kaso may times na nagiging every other day. Sana maka help sya pa din. Im tempted to do GM diet uli pero kailangan iready ko pa kasi yung kakain ko for the duration of the diet. T.T ang hirap ang dami ko gusto gawin kaso minsan hindi nagagawa. Sana makalose pa din ako ng 6 kg in a span of 2 months. kaso di ko sure if kaya sya. haist

rizzabb27

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #155 on: March 16, 2017, 03:12:46 am »
Omg ang dami na reply hehe nakakatuwa naman at active pa rin. Anyway. Grabe super nadedepress ako kasi feeling ko walang nangyayari sa pag heherbalife ko btw just to give a bit bg im currently working in kuwait sa starbucks so haggardo versoza ang peg ko everyday. Pinaka exercise ko eh 10mins walk papasok at pauwi then im doing this 500crunches for 5days lol. So feeling ko nababawasan bilbil ko 😂tho im not really sure kasi wala naman akong tape measure. Then ang food ko most of the time pag breakfast syempre yung lovely herbalife ko then pag break time nag bleblend ako ng saging, oats and skimmed milk, then pag uwi either cereals na lang or boiled egg. Mali yata ganito.

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #156 on: March 16, 2017, 08:19:25 am »
Depende sis sa cereal..ano ba yun brand at ano klase? Kung corn cereal i wont recommend it..kung honey-glazed i wont recommend it too..meron ako natry before yun fitnesse cereal pero yun plain lang..matamis din kasi yun eh.kung may makikita ka sugar-free (which i think wala kasi need nila yun sugar as preservative) ..
Mag-oatmeal ka na lang sis yung quick-cooking tapos 1tbsp milo lang.ontian mo lang water para di masyado matabang.ganyan ang kinakain ko nung 1st 2weeks ko magdiet.. :)

ow so hindi pala okay ang cereal. Oats person naman ako kahit walang milo keri lang. Safe lang ba lagyan ng honey or brown sugar ang oats?

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #157 on: March 16, 2017, 01:50:51 pm »
Thursday is my weigh in day.
Update:
March 2, 2017 = 122.2 lbs (55.5 kg)
March 9, 2017 = 120.8 lbs (54.9 kgs)
March 16, 2017 = 119.8 lbs (54.4 kgs)

Medyo mabagal ang pag-lose ko hehe. Siguro dahil ang hilig ko sa nuts. Hihi. Pero oks na din kesa mag gain.
Dapat ko din siguro dagdagan ang exercise ko. Hehe.
I'll set a short term goal na 53 kgs by April 6. :)


ambitious

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #158 on: March 16, 2017, 03:40:11 pm »
^sis ambitious. Welcome to the threa! :)
ty hush sa reply, yan kasi ang nacalculate ko sa myfitness, i decided na pag di ako gutom hindi ko pipilitin sarili ko kumain,
« Last Edit: March 16, 2017, 07:20:27 pm by mama squeak! »

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #159 on: March 16, 2017, 07:33:43 pm »
^sis Px17

pag processed kasi alam natin na may hidden ingredients yan na kahit hindi fattening nakakasama naman sa kalusugan natin..
Atsaka bukod sa hindi sya masyado nakakabusog at mapapalaki ang kain mo dahil sa sugar (it will cause your blood sugar to spike) at matetempt ka pang maglagay ng maraming milk sa cereal mo. kung gusto mo kumain ng corn flakes or wheat flakes eh kumain ka na lang ng boiled corn (unbuttered) or oatmeal. Kung kutkutin lang, yung isang buong boiled corn pede mo hatiin sa 3 then pag nagutom ka kahit hindi pa snack time, pede syang pantawid gutom.
Try mo din boiled yellow or purple camote.. boiled peanuts..madaming healthy snacks na nagiging fattening dahil piniprito o nilalagyan ng maraming sugar..basta wag lang masyado marami..a handful a day or fewer..yun daw ang recommended..

About brown sugar, as long na ilimit mo sya 1-2 tsp walang problema..ang honey healthy sya pero hindi ko alam ang portion size na safe.nakagamit na din kasi ako nyan before at parang di ako satisfied kahit andami na ng serving. hehe..kaya tanggal na sa listahan ko hehe..

^sis Romans828

Congrats sa weight loss! Maaabutan mo na ko :)
As long na nag-eexercise ka araw araw at least 45mins oks na yun. Pero kung madadagdagan mo pa e di gora lang! Pero alam mo naman yun consequence nyan.mas magugutom ka.tataas ang food consumption mo :)
Anong nuts ba yang pinaglilihian mo? :) basta yun boiled or roasted piliin mo..wag yun fried at salted para iwas excess fats :)

Speaking of nuts..bumili ako ng ALMOND MILK sa hypermarket..kasi nacurious lang ako kung anong lasa..angmahal pala! Php169 na 1quart tetra pak...Silka brand..yun lang ang available brand..more on soya milk kasi sa SM..pero nakakatuwa dahil may variants sya na 50 CALORIES/ 240ml serving at 80 CALORIES/240ml serving. syempre yung 50cal ang pinili ko hehe..di ko pa nakoconsume kasi pinag-iisipan ko pa kung pano ko sya iinclude sa diet ko..kung lalaklakin ko ba sya as beverage or ano kaya. Di na kasi ako nag-o-oatmeal eh.ihalo ko kaya sa plain coffee ko..hmm..so yung 5cal na coffee magiging 55cal... pwede... :) nagkaproblema pa tuloy ako dahil sa curiosity na yan.. :)

Ok friday na bukas!may magwe-weight update na kaya bukas sa mga bagong "recruit"? Sis Rory_Lorelie_Gilmore

 

Latest Stories

Load More Stories
Close