^sis UglyPanda, feisty_angel4 and kaiz
Welcome to the thread mga sis!
Ok lang naman magkwento kayo ng reason bakit nyo gusto magpapayat..support group thread naman ito..saka lahat naman tayo may reasons kahit gano pa kababaw o lalim pa yan reasons nyo..
Nun simulan ko nga itong thread eh panay daldal lang din ako kahit mag-isa lang ako dumadaldal hehe..pero it helped a lot to motivate myself..para mapigilan ang sugar addiction ko at magkaron ng disiplina sa pagkain..

@ayi
Inggit na inggit ako sa mga kinakain mo pag nagchi-cheat day ka hehe.di ko pa makaya kainin yan mga yan.hehe.masyado akong takot na mag-indulge..pero given the figure na naglose ka pa din kahit kumain ka ng sangkaterba..siguro after 3days 55.5kg ka na lang.

Nun weekend nga eh nasa foodcourt kami..yun anak ko kumain ng sundae cone.walang epek sakin lahat ng food sa foodourt..ganun katindi ang willpower ko..mind over tummy hehe!
@kaiz
Try mo bawasan sis yun sugar intake mo kasi yun talaga yun mabilis nagpapagutom satin..napansin ko yun pag kumakain ako ng pinya.dahil mataas ang sugar content nun pinya eh grabe yun sakit ng tyan ko after a while..pero pag low-calorie fruits like singkamas or apple mas controlled ko yun hunger ko. Kanina kumain ako ng taho.e syempre may arnibal..ayun ansakit ng tyan ko..kain ako ng singkamas to tame it hehe..
@yannuh
Sabay ka na samin sis! Para marami rami tayo magkwekwentuhan dito..

========
About me naman, hindi pa ako nakapagweigh in ulet kasi di pa ako napoop hehe..mukhang need ko na nga mag-magnesium..

atsaka nung last friday kawe-weigh in ko pa lang naman..

I went out this morning kaya hindi pa ako nakapag-exercise kasi nagbayad ako ng bills..sinuot ko yun sleeveless blouse na binili ko sa baclaran last december pa..e hindi ko nuon maisuot-suot dahil sa mga nakausli kong taba at sobrang laking braso...so today nun sinuot ko ulit ay maganda na yun flow nun damit sa body ko.wala nang nakausli at ang braso ko ay tolerable na ang size....then nag-leggings ako kasi mahaba naman sya..
Then nun sasakay na ako ng tricycle sa terminal, puno na pala..sabi sakin nun mga driver:
"Dito ka na MISS sa kabilang tricycle".
Natawa ako deep inside..nagmukha akong "miss" sa suot ko? Hehe e mantalang usually "ma'am", "madam", "ate", "tita" ang naririnig ko.. haha..katuwa lang..pag pumayat pa ako e bibili ako ng mga damit na pagdalaga para magpi-feeling MISS ako haha!
