OTD COORDINATOR WITH HOSTING ? P12,000 + P1500 Biscuit Bar
6/10 : Absolutely Knot EventsWe got a win-win package from AK Events last 2015. 9K for OTD with hosting + 3K OOTF to tagaytay. Then few months before the wedding, we just added biscuit bar.
When they were starting marami silang positive feedback talaga, kaya that was one of the reasons why we booked them. Until such time na nagkaron ng sunod sunod na issues sakanila ng nega feedback, still we kept our trust with them na magiging okay ang wedding namin.
During meetings, we really appreciate Ms. Kim?s effort to be with us. To think na buntis pa sya nun. We had a meeting with Father Allen in Caleruega last NOV 7 and kaylangan magsama ng coordinator, so Ms. Kim and Mr. Al sinamahan kami sa meeting, but we paid naman P700 gas fee besides gabi na yung meeting namin nun 5PM inabot ata kami ng past 7PM sa Caleruega.
1 week before the wedding, we had a final meeting pa in Trinoma and kakapanganak lang nun ni Ms. Kim, akala namin hindi sya makakasama kasi thru text sinabi nya ng si Sir Al lang ang makakasama namin, pero along the way she informed us na sasama daw sya, so we?re both shocked kasi nga kakapanganak lang nya. We really appreciate the effort kasi hands-on sobra samin.
They really done so much naman for our wedding despite of the lapses. Like yung bubble and smoke machine sa Bridal march ko, wala sa contract yun but they?ve done it for us. Yung ni-request ko kung pwede I drop nila sa Soto grande yung mannequin day before our wedding, kasi ay event naman sila ng Tagaytay that time, naibigay din nila. Nauna pa nga samin sa preps house yung mannequin eh. As well as yung vodka sa singles games na sila na yung nag provide at hindi narin naming nabayaran. Yung secondary candles na nagawan ng paraan kasi hindi pwedeng gamitin yung DIY namin kasi baka daw maabot ng apoy, then yung envelope for stipend ni father, hindi naman kasi namin alam na sa white envelope ilalagay pala. hehe! Yung mga songs sa lists na sila na nag provide, not all naman. Pili lang kasi we filled it up very well all the OTD worksheet kasi para maging maayos ang lahat. Naappreciate naman namin yun talaga.
They?re just on time, pagdating nila trabaho agad nakita ko naman yun. Si Ms. Kim as head coordinator, nagpunta sa preps to check everything, then to the venue and church, then balik na sa venue after everything.
I gave them 6 based sa mga lapses na nangyari sa wedding namin na alam namin nagkulang sa coordination. And dahil dun, hindi ko talaga na feel yung Bridal March ko which is one of the most important part for us, we've waited for this day to come and we planned this for almost two years, pero bumagsak ang spirit ko talaga dun pa sa bago ako mag walk down the aisle.

Wala akong problem sa Bridal Assistant ko, sobrang maasikaso sya sakin. As a bridal assistant talagang laging naka support. Halos nahihiya na nga ako minsan kasi todo alalay sya sakin, lahat meron syang naka ready. Tissue, water, etc.
Yung crew meal ng florist hindi naibigay kapag hatid nila ng flowers sa preps area. Hindi ko alam kung hindi tinanggap, naiwan, or hindi talaga naiabot. Sayang kasi counted sila sa breakfast meals and we provided meals for them, sadly hindi nila nakuha yung para sakanila.
But as a part of the coordinating team, dun sya nagkulang based on my observation. Sya nalang kasi yung naiwan na part ng coord team sa preps house. Alam nya din na yung lahat ng female ento ko kasama namin sa preps.
Wala akong kahit isang shot with my female ento during preps. Nakakalungkot. Ilang beses hinanap ni photog kay BA yung mga ento ko, ?coord, san na yung mga girls?? ang sagot nya lagi ?hindi pa sila ready? I just don?t know if chinecheck nya ba talaga, pero ako kasi lutang na lutang na talaga ako nun kaya wala nako sa sarili ko. Kumbaga hindi ko na kaya I handle yung mga nasa paligid ko, hindi ko na alam ang nangyayari. Hehe!
Ang sakin lang, if unang check nakita nyang hindi pa pala ready, sana man lang sinabihan nya na double time baka sakaling nagmadali sila sa pag bibihis at pag-aayos. That?s one of their jobs right? Na ma-follow ang timeline. Example if ang timeline is by 9:00 AM : shoot with the female ento, sana man lang naremind yung female ento ko na may shoot para aware sila. Syepre ang mga abay, susunod lang naman sa instructions kapag sinabi magmadali kasi may shoot, pero kapag walang nagsabi iisipin lang nila na sa simbahan ang roles nila.
Next thing was, yung coord team sa church and yung nag iisang coord member sa preps house naming ay hindi well-coordinated. Why did I say so? One of the worst things that could happen in a wedding, maiwan ang whole female ento. Yes, naiwan 5 out of 6 female ento, 1 is my siste MOH na nakasakay sa bridal car ko. Lahat sila naiwan sa preps house.
I am not blaming AK here ng buo, alam ko may lapses sa side ng female ento. Miscommunication. Since isang van nalang naiwan sa house, ang sakay nalang nun family members namin. They were asked by my brother if sasakay sila, ang sagot daw ng isang abay ko, may susundo daw sakanila yung van na naghatid sa side nila groom na nauna na 30 mins ago.
Past 9:30 AM na kami umalis ng preps house. If as early as that, na trace na agad ng mga nasa church na wala pa yung female ento sa simbahan, if it was properly coordinated by my Bridal Assistant (nag-iisang coord member na naiwan sa preps house) sana nagawan agad ng paraan. Nasabihan sana agad yung isang sasakyan sa simbahan na bumalik na, para sunduin ang girls, nakaabot sana sila sa march.
What happened was, paglabas namin ng house, isang female ento nalang nakita ko which is y best friend. Close sya ng family ko, so I anticipated na sasabay na sya dun. Pwede sya sumabay actually, kaso hindi nya iniwan yung 4 na girls. Yung girls, they just stayed inside the room, waiting ng magsusundo, kaya hindi namin sila napansin. Ang isip ko din, baka nakaalis na or nakasakay na dun sa van na isa. My BA, hindi rin nag-check.
Nagkaalaman nalang nung pagdating namin ng church 10mins before 10AM (ceremony time) wala pala yung mga girls sa sasakyan! And dali dali si Sir al kinausap yung kuya ko baka pwedeng balikan sa bahay kasi nung tinawagan, andun pa sila lahat sa bahay. Halos naiiyak nako nun sa bridal car, kasi si Father Allen andun narin. I am worried nab aka mapagalitan na kami kasi late kami makapag start, and worried ako with my girls kasi I so love them tapos hindi sila makaka March. As what I mentioned earlier, ayokong masayang yung effort nila for our wedding, they shouldered everything tapos hindi sila makakasama sa procession.
Alam kong may problem, pero pinapakalma ako ni Ms. Kim, ginagawan na ng paraan, pumayag na kuya kong bumalik at sumundo ulit, gagawin daw nila lahat I delay ng konte para umabot ang girls. But I know, hindi sila talaga aabot kasi it will take 25 mins one way of travel from caler to soto and another 25 mins going back to church. Naiiyak na ko kasi alam kong sablay na talaga. I can?t even smile, I had pictures inside bridal car pero pinipilit nalang ako ni Serg to regain my spirit. Sobrang baba na talaga.
Alam kong may pagkakamali sila kasi pinapagalitan ni Ms. Kim si BA ko inside the bridal car. And hinding hindi ko makakalimutan yung sinabi ni Ms. Kim sakanya ?So hindi mo kinonfirm na hindi pa pala nakasakay yung mga babae sa van? Inassume mo lang na nakaalis na kasi hindi nyo na sila nakita paglabas nyo ng bahay?? and I?ve seen here really disappointed and kinakausap nya ako to smile kasi pipiliting ihabol.
10:30 AM, we really need to start kasi umakyat na si father allen sa church. Nakakaiyak, kitang kita sa raw video habang paakyat ako ng church na nakasimangot ako at pailing iling. Sobrang hinayang talaga ako, I felt guilty na napabayaan ko yung mga girls ko. Nakakaiyak everytime na maalala ko talaga.
It really affects my bridal march. As in, ZERO emotion ako. Feeling ko nga konting kibot winoworry ko. Kapag mabigat yung veil ko feeling ko mahahatak at matatanggal sa lakas ng hangin, yung gown ko feeling ko laging sasabit or what. Basta parang disoriented nako. Parang ayoko pang umakyat, pumasok at mag march. Kasi ang nasa isip ko lang, yung guilt kasi kung nasan na yung mga girls napabayaan ko sila. Para nalang akong batang sumusunod sa mga naririnig ko kung aakyat naba ako, yuyuko, dahan dahan na steps. Yung favorite kong bridal march song, hindi ko na enjoy yung moment kasi, parang bingi ako, basta naglakad nalang ako. Pero ang iniisip ko talaga yung mga abay ko kung nasan naba sila. Sobrang sakit sa dibdib. Kahit pagupo ko sa altar, ang unang words na nasabi ko sa hub ko ay ?Sorry, napabayaan ko sila. Naiwan sila sa bahay hindi ko sinasadya.? And he said ?ano ba nangyari? It?s okay. Hinid ko nga rin napansin na wala pala sila? lutang daw kasi sya at gusto nya lang talaga Makita na pumasok na ako.
During procession, syempre since last tayong papasok, napanood ko lang yung nagyari sa procession sa raw videos, and may mga lapses parin sila as a coord there. Ang nag aasisst ng procession si Sir Al at yung Groom?s Assistant una okay naman, Si Ms. Kim at BA nasa labas nakatutok sakin.
I DIYed our ring box, treasure chest sya, but then yung ring bearer namin, naglakad ng nakasara ang chest, at parang nagbitbit lang ng balde. Wala man lang nag instruct na dapat naka open yun. Hays nakaka sad talaga. Nung maglalakad na yung flower girls, biglang lumabas si Sir Al, yung GA naman, nawala din sa loob, so labo labo na. Since bata ayun nag tuloy tuloy na ng lakad, as in sunod sunod silang naglakad, wala tuloy silang solo shots pati yung sister ko na Maid of Honor, sumunod din dun sa pamangkin ko na FG hay nako nakakaloka talaga. Nagkumpol kumpol na sila papaunta sa harapan.
Kapag si father allen ang OP, bawal ang coord sa harap, but kahit pa bawal sila sa harap if they fully given the instruction kung san uupo, lalo na yung ento members, sana hindi sila parang ligaw sa harapan. Walang nag advise sa mama ko at kuya ko kung san sila uupo. Na-discuss yun sa meeting ni father allen, kasama namin si Sir Al nun sa meeting and meron pa akong na forward na copy sakanila. Pag hand over sakin ni mama kay hub, rinig na rinig talaga sa raw video, sabi ng mama ko hindi nya na alam kung sino kakausapin nya ?san na kami uupo?? Tsk tsk talaga. Tapos since yung brother ko nasa right ko, ayun pumunta sya sa right side sa may upuan naman ng mama at lola ni hub, tinuruan lang sya ng mama ni hub na ?dun kayo sa kabilang side.? Nakakainis talaga. Kung nandun palang sa line up, nasabihan na sana sila na pagpunta nila sa harap dun kayo sa front sa right na upuan uupo, edi sana alam na nila kung san sila pu-pwesto. Ang nag assist sakanila sa upuan? Yung video team na naka pwesto dun sa harapan. Thanks to them.
Dahil late kami, domino effect late narin kami sa reception. We have to omit some parts of the program kasi nga para makakain na guests. Tinanggal na namin yung grand entrance na dapat ay duet kami, simpleng grand entrance nalang. Yung ibang trivia games, binago na yung mabilis na way nalang ng trivia games like question and answer nalang.
Yung first dance namin as a couple, sobrang iksi nalang din. Hindi narin kami nag money dance. Sabi ni Ms. Kim, I signal naming sya kung mag money dance kami, pero hindi na namin naisip talaga.
Lapses din sa reception, wala halos sign ang tita witty guestbook namin. Nakakalungkot na yung paguwi namin na excite kaming basahin, tapos wala pa ata sa 15 persons ang nakapag sign. I don?t know what happened. Nakakalungkot talaga promise! We ordered it online pa kahit nasa Dubai pa kami, tapos wala rin palang mangyayari. We better not have any kind of guestbook.
Yung suppliers gifts namin, chocolates with thank you tags, hindi rin naibigay yung sa florist at HMUA. Yung sa florist, hindi naibigay eh nag deliver sila ng flowers sa venue. Yung sa HMUA, nasa holding area lang naman sila, pero hindi rin naibigay. Hayyyyy! Nakakalungkot na nag effort ka and that?s our simple way of thanking them kahit hindi namin sila nakilala ng personal or nakasama ng mahabng oras, pero hindi nakarating sakanila yung gift, syempre nakakalungkot.
Nung nakita ko na hindi naibigay right after the program, agad kong binaklas yung thank you tag nung isa then pinaabot ko nalang sa supplier namin ng photobooth kasi andun parin sila.
Isa sa mga kinalungkot ko is yung nabanggit kong naging minor issue namin sa L&J. When I asked Ms. Kim about it, hindi nya ako inassist and she did not even helped me to settle things. Kami dalawa ng isang ento member ang umupo dun sa table plus my hub then we discussed. Syempre that time, lutang ako hindi ko pa alam, wala ako sa katinuan. Pero hindi ko talaga makakalimutan yung inabot sakin ng bestfriend ko yung folder, I went straight to Ms. Kim sa registration then I asked her ?Ano po ito?? And then she just answered me with a body language yung tinaas lang yung 2 balikat na parang kung ita-translate mo into words ay ?ewan ko? then naisip ko, okay I have to settle it on my own. To think na one of their scopes is to handle contracts of suppliers, pero hindi nya ako inassist. Nakakalungkot lang.
May mga turn overs din kulang, yes nag sign ako dun sa paper na pina sign nila, pero syempre right after hindi agad maiisip ng couple yun kung may kulang or wala. hehe! Like yung mga twinning green tea boxes that we provided for hot beverage. Favorite ko pa naman yun! Hahahaha! Alam ko naman walang gaanong nag te-tea sa guests namin, I am thinking maiuuwi namin yung mga teas, but sadly not. Out of 100 tea bags (4 boxes) 1 box lang yung laman ng plastic na nauwi namin and less than 10 pcs lang ang laman.I just don?t know san napunta yung mga teas, pero yung isang buong plastic na binalik nila samin na may mga packed sugars, creamers, at coffee tanging yung 3 sealed boxes ng twinning green tea mint yung wala sa loob ng plastic bag, eh magkakasama naman naming na turn over yun sa preps house.
Overall, yung wedding namin sablay talaga at parang mairaos nalang. It just so happened na sobrang happy kami kay father allen, binigyan kami ng magandang weather, and nag stay ang guests kaya sobrang happy na kami ni hub. Let Go and Let God talaga para ma regain yung happiness.
HOSTING
9.5/10 : Ms. Kimberly PunzalanFor me, she?s a real good host. Nakukuha nya ang crowd. Sobrang happy kami sa mga games, maraming nag participate. She has a very good english accent din, kaya no regret on getting her. Sabi rin ng ate ni hub which is suma-side line ng hosting minsan and events sa mga gigs, magaling daw yung host naming very lively and nakakadala talaga.
Nag less lang ako ng .5 kasi sa speech, hindi namin alam bat yung lola ni groom ang nag speech pero yung mother ni groom hindi. Wala naman kaming matandaan na instruction na wag magsalit mama ni groom, medyo nakakahiya lang kasi nag-iisang lalaking anak si groom tapos bunso pa, then hindi nakapag speech ang mama nya. Before we sleep that night, nag ask pa si groom sakin, ?bat hindi nag speech si mama?? hala hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi ko rin alam eh.
***
Yung failures na nagyari sa wedding namin, it doesn?t mean na mag fa-fail din sila in their future couples. I tried to be as organized as I can, lahat ng turn over ko may labels and instructions, but still lapses happened. Our wedding might not be perfect, but our guests loved our wedding so much lalo na si Father Allen. They can?t really moved on, few weeks after may nag me-message parin samin. Kung nakalakad lang daw ang female ento, perfect na. Hindi nila alam madaming sablay, pero syempre they?ll not go down into the details eh, pero tayo even the smallest one mapapansin kaya alam nating may mga sablay.
If only we could turn back the time, para maitama at maiayos ang lahat, but we can?t. We just think that our lives will not stop on the wedding day itself, our marriage is much more important after all and that is the rest of our days after the wedding.
We just let it go and let God, kaya sabi nila hindi naman daw kami mukang na stress. Hahaha!

I hope my reviews can help our future wawies here. Salamat sa pagbabasa and happy preps!
Thank you so much my Girltalk, 2015-2016, Tagaytay Caleruega Brides, w@w family, and Mimma!!! God bless everyone!!! ♥