Author Topic: Pregnant Mistress  (Read 26401 times)

Girltalker2

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #20 on: February 11, 2017, 10:25:18 am »
My parents told me to confront them once and for all. They told me to take legal actions to put a stop to this. Hindi ko alam gagawin ko. Help!

Your family is behind you. Go for it. Follow your parents advice. They have your interest at heart.

lendaendalenda

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #21 on: February 11, 2017, 12:16:37 pm »
Nangyari sa kin yan sis. Nabuntis na talaga yung kabitch. ang ginawa ko ako kumukuha ng sweldo ng asawa ko at ako ang nagbibigay na sustento sa anak ng kabit ng asawa ko. binibilhan ko lang ng mga kailangang supply yung baby. wala akong perang binibigay.. hanggang nagising sa katotohanan yung kabit, siya na kusang lumayo

aquacharly

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #22 on: February 11, 2017, 06:20:37 pm »
^ yes, LENDAENDALENA, yan gawain nila - pag hindii mahawakan ang pera/assets, bibitiw ang  kabitch.  Good job, matapang ka and decisive! 


para kay TS, stay strong and if there is a chance kill the husband.  :D seriously mahirap situation mo. pray for guidance.




Hahaha, oo nga, per the reports in the diarios -- EJKs cost 5thou per head na lang if more than 1 at a time.  Good grief!  But hopefully, betrayed women don't act on this idea & have the philanderer & kabitch reported  as drug entrepreneurs.  Just stay strong & focused, and move away from all that trash. 

beyondmydailydose

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #23 on: March 11, 2017, 11:44:54 pm »
Pray hard. Pick up the pieces of you that has been broken. Find ways to be empowered. Life is beautiful. If this is the case, you do not need someone like your husband. You deserve nothing but love and respect. Take Care!❤

narumei06

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #24 on: May 24, 2017, 12:30:43 am »
Bubuhayin ko lang po ulit 'tong topic na'to...

I am in the same very complicated situation. Difference lang is di kami magkaanak ng husband ko. We're in a 17 years relationship: 9 yrs bf-gf and 8 yrs as married couple. He's 36 yrs old and I'm 35.

Sobrang depress ako ngayon sa nangyayari sa buhay ko lalo na sa marriage namin ng husband ko. As of now, magkahiwalay kami... last year, nagstruggle talaga relationship namin dahil sa mga di pagkakaintindihan. I admit na naging immature ako that time na napabayaan ko sya for months dahil iniwan ko sya mag isa and umuwi sa family ko. Alam ko sobra sya nahirapan dahil walang nag aasikaso sa kanya, lalo na nagwowork pa sya. Naging kampante ako na di sya gigive up dahil patuloy nya naman ako sinusuyo na bumalik na. Bumabalik naman ako pero parang naging way ko na yun pag uwi sa family ko everytime may mga away kami...

But this January, narealize ko lahat ng pagkakamali ko na sobra kong pinagsisihan and hiningi ng tawad sa sa husband ko and kay God. Na that time ready na talaga ako magbago and ayusin na ang pagsasama namin. Pero nagulat nalang ako nang bigla nya na ako ipagtabuyan dahil last december lang medyo ok pa kami.. Sobrang sakit at bigat ng naramdaman ko nun sabihin nya sakin na di nya na ako mahal and kailangan. Pero di ako sumuko, ako naman ang sumuyo sa kanya but thru chat and email lang kasi ayaw nya na makipagkita sakin ng personal. Every chat namin ramdam ko parin ang galit nya sakin and paulit ulit nya lang sinasabi na tapos na kami. Hanggang sa binlock nya na ako sa mga accounts nya, nag iba narin sya ng moblie # and di na sya nagrereply sa mga email ko. Nalaman korin na di na pala sya sa bahay namin umuuwi, and sabi lang ng family nya nagboboard na sya malapit sa work nya. Tinuloy ko parin pagmemessage ko sa kanya kahit alam kong malabo nyang sagutin... sobrang hirap na madalas pinanghihinaan na ako na ako ng loob. Hanggang this month (May) may nalaman ako na halos kapusin ako ng hininga kakaiyak... may babae ang asawa ko and pregnant yun girl. officemate nya. And may nakapagsabi sakin na 25 yrs old lang yun girl and single.

Hindi ko alam paano na gagawin ko. Sobrang bigat... Gusto ko sagipin ang asawa ko pero paano? ayaw nya na ako makita... na ipagpasa Diyos nalang daw namin sabi nya.

Di ko alam kung may plano pa ba talaga syang ayusin marriage namin o mas gusto nya na makisama sa girl dahil may magiging anak na sya don na sobrang nakadagdag sa sakit dahil di nga kami nagkaanak  :'(

please help me. I know it's my fault kaya nangyari lahat 'to sa marriage namin. Kahit nagkasala asawa ko, nandun parin yun willingness ko na patawarin at tanggapin sya. Sobrang mahal ko husband ko and gusto ko sya tulungan sa sitwasyon nya ngayon. His my first ever boyfriend and want to be with him for the rest of my life. Lagi ko pinagpepray kay God na maibalik nya ulit ang husband ko. To guide him on the right direction.

Ang daming tumatakbo sa isip ko... isa na dun, kung mas mahal nya ba yun girl? SOBRANG HIRAP...  :'( :'( :'(

lovemeagain30

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #25 on: May 24, 2017, 04:55:56 pm »

Hindi ko alam paano na gagawin ko. Sobrang bigat... Gusto ko sagipin ang asawa ko pero paano? ayaw nya na ako makita... na ipagpasa Diyos nalang daw namin sabi nya.


'Te anong sinasabi mong sasagipin mo siya?? Hindi na minor ang asawa mo oy! :) Binanggit mo rin you want to lead him in the right direction.. napa Huh ako?

Ang alam ko sa marriage its a two way street. Hindi lang isa ang may gusto isave ang marriage dapat PAREHO. obviously your husband wants a way out. he's clear with it. he got his mistress pregnant. he doesnt want anything to do with you.

Huwag mo ng ipagpilitan "i-rescue" pa siya kasi he already made his decision.  sobrang sakit talaga yan kasi siyempre mahal mo yung tao. ang tanong lang mahal ka pa ba? The answer is OBVIOUS. yung sinabi niyang ipagpa sa Diyos nalang ang relasyon is a gracious way of saying NO to you. sa sitwasyon ngayon mukhang ikaw ang nangangailangan ng 'sagip kapamilya' at hindi siya.

Sa totoo lang sa ginawa niya sayo na binuntis niya ang mistress niya ay grounds for annulment na yan. pwede mo nga sila idemanda kung tutuusin. i doubt na gagawin mo yun kasi mahal mo nga.

Kung ako tatanungin mo, mas maganda magsimula ka ng mag move on sa buhay mo. bumangon ka! magsimula ka ulit ng buhay na bago. cut all communications from him. hindi madali pero hindi imposible. patawarin mo narin ang sarili mo. ang nangyari nuon ay nangyari na. wala ka ng mababago pa sa nangyari pero maayos mo naman ang kinabukasan mo. ipakita mo sa mundo na kaya mo rin mamuhay na wala siya.

kasi kung ilulugmok mo ang sarili mo sa problema lalo nat may parating na bata ay mas masasaktan ka kapag nakita mong one big happy family na sila SOON. napaka sakit yan teh! sobrang sakit yan. pero kayanin mo. samahan mo rin ng dasal. malalampasan mo rin ito.

« Last Edit: May 24, 2017, 05:09:12 pm by lovemeagain30 »

ficklemind

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #26 on: May 24, 2017, 05:42:23 pm »
^^sis narumei06
medyo hinde ko din gets yun sabi mong gusto mkng sagipin ang asawa mo, at gusto mo siyang tulungan. maybe may kulang lang sa kwento mo, need ba ng help ng asawa mo? saan? napipilitan lang ba siya dun sa babaeng nabuntis niya, naaksidente lang or may relasyon talaga sila ? ang kwento mo kasi ayaw na sayo ng hubby mo, hinde ka na niya mahal, pinagtabuyan ka na nga.

I'm so sorry sis for  what happened sa marriage nyo, stay strong.
Please don't blame it all to yourself, may fault din si husband mo, siya nga ang tuluyang bumitiw at naghanap ng iba.



Girltalker2

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #27 on: May 24, 2017, 06:39:12 pm »

Sis Narumei, just move on. Mahirap now, but that's the only way. Ask your hubby to spend for the annulment so you can be free. Bata ka pa, you can find a better partner. Just learn from this experience. Gugulo lang lalo ang buhay mo if you want to be with someone na ayaw na sayo, moreso may anak pa sa iba.

Do you have a job?

narumei06

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #28 on: May 24, 2017, 08:16:08 pm »
Salamat mga sis sa mga advice..

Sasagipin means sasagipin po sa pagkakasala. Kasi malaking kasalanan ang ginawa nila nun girl sa mata ng Diyos at ng tao na di dapat kunsintihin kasi lalo lang sila malulubog sa mali.

Hay...  :( Di ko parin akalain na mararanasan ko rin pala ang ganitong situation.. sobrang sakit and hirap pala. Halos mabaliw nako sa dami ng tumatakkbo sa isipko. 17 years, mawawala nalang bigla...  :'(

Kahit pilitin ko idivert ang atensiyon sa ibang bagay di sya mawala-wala sa isip ko.
nakakapagod umiyak pero di ko talaga mapigilan.. nakakadepress.
Sa ngayon, di ko pa talaga matanggap, hoping parin ako na balang araw babalik sya..
pero sana nga makaya ko na... sana di na tumagal, na makamove on na'ko.

narumei06

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #29 on: May 24, 2017, 08:26:12 pm »
Sis Narumei, just move on. Mahirap now, but that's the only way. Ask your hubby to spend for the annulment so you can be free. Bata ka pa, you can find a better partner. Just learn from this experience. Gugulo lang lalo ang buhay mo if you want to be with someone na ayaw na sayo, moreso may anak pa sa iba.

Do you have a job?


Wala pa daw syang budget sis..

Nagresign ako sa recent job ko dahil sa problem nga namin. Nawala ako sa focus and lagi akong absent.

Lahat ngayon, parang back to zero  :(
Gusto kong mag start ulit ng panibago, kaso parang ang hirap pa.

narumei06

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #30 on: May 24, 2017, 09:17:49 pm »
minsan natetempt akong isumbong sila sa HR nila just to teach them a lesson. May moral policy kasi company nila na bawal ang ganun affair, so possible na materminate sila. I admit, medyo may bitterness nga akong nafifeel, which is normal naman siguro kasi fresh pa ang lahat.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #31 on: May 26, 2017, 02:02:37 am »

17 years, mawawala nalang bigla...  :'(


Ayaw kita sisihin pero kasalanan mo e huhuhu. Sana naisip mo yan nung panahon na bigla ka nalang lalayas habang yung mister mo nag-iisa at nag-aantay sa bahay. Tingin ko naman sis mahal ka ng mister mo talaga nagsawa nalang siguro siya talaga sa paghabol and pagsuyo sayo. Naging overconfident ka din, ugali na din siguro natin ito e na pag-alam natin na mahal na mahal tayo nagpapabebe naman tayo sa karelasyon natin. Siguro nung time na wala ka si girl ang naging sandalan niya, mahihirapan na siyang iwan si girl lalo na kung sabik hubby mo sa anak. Tama yung mga sis natin, magmove on ka nalang. Kasi kahit sabihin na kasal kayo ikaw ang lalabas na kontrabida. Ikaw kasi ang unang "umiwan" sa kanya. Hay nasa huli talaga lagi ang pagsisisi

Girltalker2

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #32 on: May 26, 2017, 11:50:44 am »

^ i kinda disagree. Kahit ano pa ugali ni narumei, obligasyon ng asawa nya to talk to her and perhaps give her an ultimatum 'if u leave again, tapos na tayo'.

But no, narumei's hubby is likewise an *sshole. Malamang naghahanap na ng gf while the wife is away. Pero habang di pa maka score, asawa parin sya ni narumei. Pero nung nakahanap na, ipagtabuyan nalang ang asawa nya.

Of course we just heard narumei's version of the story.  But looking at this, Pareho sila may kasalanan and if you ask me, di naman hahantong sa ganyan if the guy didn't have a mistress. Or ano ba naman yung kausapin ng maayos ang asawa na umayos sya or else...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #33 on: May 26, 2017, 01:10:30 pm »
^For me its tiring na every away, lalayas then susuyuin para umuwi. For months mawawala. Ako man hubby nun hahanap nalang ako ng iba kasi malay ko naman kung kelan uuwi or uuwi pa ba. Kung susunduin ko at susuyuin ko na naman, hanggang kailan naman kami magkabati kasi for sure pagnag-away kami lalayas na naman at uuwi sa magulang so ulit na naman ang cycle. May isip na sila pareho, the wife is just too confident na anjan lang lagi ang husband niya kaya ok lang unli tantrums, kaso nagsawa na si mister e. For me nakakaubos ng pasensya yung ganyan. Nakalimutan ata ni wife ang obligasyon niya bilang asawa ayan tuloy may ibang babae ng gumagawa ng obligasyon niya bilang asawa.

Naranasan ko yung ganyan na ako lagi umaamo. Que kasalanan niya or ako may kasalanan ako gumagawa ng way na magkaayos kami. Later on naisip ko lumalaki lang ulo at nakakasawa na yung cycle, nakakabawas ng pride na parang ako ang naghahabol, nakakawala ng selfrespect kasi ako pa sumusuyo maski kasalanan niya. So nung di ko pinansin hahabol-habol naman. E sorry nalang siya, nagsawa na ako e,  binigay ko lahat ng pasensya at pang-unawa ko hanggang dun nalang yun.

Kaya sis narumei move on ka nalang yaan mo na hubby mo. Mukhang happy na siya e. Paghindi na siya happy then binalikan ka at handa ka pang tanggapin siya, go lang. Malay mo pagsubok lang yan para ma-realize mo mga ginawa mo. Pero kung gusto mo magbagong-buhay nalang mas mainam yun lalo na magkaka-baby na sila e. Yaan mo na siya kay girl #2 at magpakatatay sa anak nila.

narumei06

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #34 on: May 26, 2017, 08:44:28 pm »
I admit naman na malaki naging pagkukulang ko,. pero may mga pinanggagalingan din naman ako bakit ako naging ganun, mali nga lang yun actions ko.

Eversince kasi na makasal kami never nya ako pinakilala sa mga officemates nya, kahit sila di ko kilala. yun iba sa name lang pag kinikwento sakin ng husband ko but I never met them personally. He didn't even add me as friend sa facebook account nya. hindi korin nakikita sino mga nakakatext or nakakachat nya sa phone kasi may passcode. Ni isa sa mga accounts nya wala akong access. And minsan pag may kakilala syang nakakasalubong namin, di sya yun nag iinitiate na ipakilala ako na wife nya. Sasabihin nya lang pag nagtanong sino ako... I really felt bad.. Madalas pumapasok nalang sa isip ko, kinakahiya nya ba ako? (di man ako kagandahan like angel locsin, pero di naman ako pangit)  ??? Nun nalaman nga ng mga friends & officemates ko na di kami friends sa FB, they said na parang weird. For me, sobrang weird nga talaga kasi family nya friends nya, then ako.. etsapwera.

I already asked my husband about it, sabi nya ayaw nya lang daw ilathala personal na buhay nya. eh di naman  paglalathala yun pagfifriend. at least man lang malaman ng iba na I exist, that he has a wife.. nagagalit lang sya palagi pag na oopen ko yun topic sa kanya kaya hinayaan ko nalang. Pag meron din mga events sa company nila na pwedeng isama ang asawa, di nya ako niyayaya.. kahit nga tanungin man lang kung gusto ko ba pumunta. Haaayy.. sobrang nalulungkot lang talaga ako pag naaalala ko. Parang di ko na mafeel yun halaga ko bilang asawa nya.  :'(

Dumating lang din ako sa point na napagod na ako and nagdoubt kung asawa ba talaga tingin nya sa 'kin.

Pag bumabalik ako after nya suyuin, wala naman nagbago.. lalo lang nadagdagan ang doubt ko kasi madalas na sya umuwi ng late and pag magpapaalam syang may inuman sila ng officemates nya, di na umuuwi overnight, kinabukasan diretso na sya sa work. ayaw nya sabihin kanino sya nakitulog kasi di ko naman daw kilala.. pag pinaalam nya naman daw, baka daw imessage/tanungin ko pa.. ang sakit, asawa nya ako eh! and one time, 3 days syang nawala, nag batangas di nya din sinabi sino mga kasama nya.. so ako, nganga na naman, mag isa sa bahay. Lahat pinapalampas ko nalang... mahal ko eh.

Sa situation naming ngayon, gusto kolang sana makausap sya ng personal para maliwanag at marinig namin ang bawat side namin, to figure out what are the things that we need to fix. na baka may paraan pa para itama o iayos ang lahat. Kasi mahirap talagang bumitaw agad-agad pag marriage na ang pinag uusapan, may pundasyon narin kasing nabuo. We made a promise to God na we'll be there for each other no matter what. Yun nga lang di ko na kontrol ang sitwasyon, kaya kay God ko nalang pinauubaya lahat. I have to hold on to my faith and put all my trust in him that he's the only one who can make everything, possible.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #35 on: May 27, 2017, 01:41:04 am »
^The fact na tinaboy ka and ayaw kang kausapin that only means na tinatapos niya na lahat sa inyo. Parang ang dami ninyo na din kasing issue, nagkasala-salabat na. Sa ngayon mainam na magpalamig at mag-isip muna kayong 2.

Girltalker2

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #36 on: May 27, 2017, 07:06:48 am »
^^ he is really an *censored*. Ayaw ka pakilala. Then FBI account na pinaayos sayo, are u sure that's his account?

Ang daming secret sa buhay. Kahit anong gawin mo, ayaw mag open up.

Why do you want to be with this person? Napaka stressful. Mamamatay ka ng maaga. If I were you, tell him to file annulment na otherwise he will suffer the consequence (tell their HR but don't warn him).

Secondly move on, please lang. the guy is not worth it. Sinayang mo lang effort mo dyan. Look for a job that can offer you stability. Umayos ka. You only have 1 life and don't throw it away for an *sshole. You still have your family and friends to accompany you.

narumei06

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #37 on: May 27, 2017, 08:17:48 pm »
Siguro nga we need time para magpalamig muna, di ko rin kasi sya makausap ng maayos (thru e-mail) dahil puro sumbat lang napapala ko sa sobrang galit nya, na di nyarin naman iniintindi side ko. Mas lalo lang yata nakakadagdag sa galit nya pag pinipilit ko pa syang mag usap kami ng personal, which is ayaw nya na nga gawin. I'll let God nalang to do the work for both of us.. iheal ko muna sarili ko, until I am ready enough to accept whatever this stressful situation turns out.. either restoration of our marriage or totally let go...

Shadow Angel

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #38 on: May 28, 2017, 06:21:30 pm »
Wala sa tagal ng relasyon 17 years will be nothing kung hindi pinagpatuloy na alagaan ang relasyon. Minsan sa buhay gumagawa tayo ng stupid actions and decision be sure lang sama before ka nag alsa balutan alam mo consequences open ka dapat sa lahat ng ng pwedeng mangyari including na pwede magsawa sya kakasuyo sayo. Hindi dahil matagal na kayo, asawa ka o alam mo mahal ka makakampante ka na na ok lang ng iwan sya just because hindi maharap o maayos ang problema ang ginawa mo tinakbuhan mo lang binigyan mo lang lalo ng pagkakataon ang asawa mo ng maghanap din ng scape goat nya. Ang relationship forever na pinaginaalagaan nyan. Hindi dahil mag asawa na kayo or matagal na mastuck na lang sa ganun at makampante na lahat ok lang or ma taken for granted. Anyway magsisi ka man mukhang huli na. One sided lang which is ikaw na lang ang may gusto na maayos pa relasyon nyo. Kita mo naman kahit wala ka sa house nyo umalis din sya para makasama un girl. Meaning decided na sya at nag start na sya ng new life without you. Kaya masakit man pero kailangan mo na rin mag start ng sariling buhay without him.

Chili1113

  • Guest
Re: Pregnant Mistress
« Reply #39 on: May 28, 2017, 07:47:28 pm »
narumei06: gosh! NA shock ako sa mean-ness and nastiness sa comments dito. DON'T listen to all the negative and judgmental comments here from people who don't even know you, nor have any idea what you are really going through.

1. No you are not insecure-- if you were then you wouldn't have ever left your hubby before to move in with your family. I am sure you left before because you had reason to leave. No-- your reactions and SELF-DOUBT is not because you are ugly, or weak, or insecure, or stupid, or WhAtEvER cr@p people here are insinuating.  You are simply a person going through a serious marital problem, and I am telling you-- all you feelings are normal for someone going through a loss. You may be in denial, or angry, or blaming yourself, but this is all part of the process.

2. I suggest you see someone like a counselor who can help you through this difficult time. CEFAM in Ateneo is a good place and affordable.  But most important of all-- just know that the pain will go away and that it will get better. It will take time but things will become clearer to you in the end.

Also the 1st step is you must forgive yourself for your own mistakes. Then next is to just TAKE A BREAK. You husband has been avoiding you, so let him be in the meantime. You cannot force or beg for someone's attention and affection and it will drive them away further. Use this time to take a step back and to think clearly.  Compose yourself and grieve. Then take each day as it comes. This is really essential for your own self-respect and well-being.

AND LASTLY to the others here... my gosh... have some compassion with your comments. You may mean well but quit it with the judgmental  brouhaha. What did this poor girl ever do to deserve such hurtful and condescending remarks? To even suggest that she is ugly  and insecure because of her actions is just unspeakable!
« Last Edit: May 28, 2017, 07:57:58 pm by Chili1113 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close