I admit naman na malaki naging pagkukulang ko,. pero may mga pinanggagalingan din naman ako bakit ako naging ganun, mali nga lang yun actions ko.
Eversince kasi na makasal kami never nya ako pinakilala sa mga officemates nya, kahit sila di ko kilala. yun iba sa name lang pag kinikwento sakin ng husband ko but I never met them personally. He didn't even add me as friend sa facebook account nya. hindi korin nakikita sino mga nakakatext or nakakachat nya sa phone kasi may passcode. Ni isa sa mga accounts nya wala akong access. And minsan pag may kakilala syang nakakasalubong namin, di sya yun nag iinitiate na ipakilala ako na wife nya. Sasabihin nya lang pag nagtanong sino ako... I really felt bad.. Madalas pumapasok nalang sa isip ko, kinakahiya nya ba ako? (di man ako kagandahan like angel locsin, pero di naman ako pangit)

Nun nalaman nga ng mga friends & officemates ko na di kami friends sa FB, they said na parang weird. For me, sobrang weird nga talaga kasi family nya friends nya, then ako.. etsapwera.
I already asked my husband about it, sabi nya ayaw nya lang daw ilathala personal na buhay nya. eh di naman paglalathala yun pagfifriend. at least man lang malaman ng iba na I exist, that he has a wife.. nagagalit lang sya palagi pag na oopen ko yun topic sa kanya kaya hinayaan ko nalang. Pag meron din mga events sa company nila na pwedeng isama ang asawa, di nya ako niyayaya.. kahit nga tanungin man lang kung gusto ko ba pumunta. Haaayy.. sobrang nalulungkot lang talaga ako pag naaalala ko. Parang di ko na mafeel yun halaga ko bilang asawa nya.

Dumating lang din ako sa point na napagod na ako and nagdoubt kung asawa ba talaga tingin nya sa 'kin.
Pag bumabalik ako after nya suyuin, wala naman nagbago.. lalo lang nadagdagan ang doubt ko kasi madalas na sya umuwi ng late and pag magpapaalam syang may inuman sila ng officemates nya, di na umuuwi overnight, kinabukasan diretso na sya sa work. ayaw nya sabihin kanino sya nakitulog kasi di ko naman daw kilala.. pag pinaalam nya naman daw, baka daw imessage/tanungin ko pa.. ang sakit, asawa nya ako eh! and one time, 3 days syang nawala, nag batangas di nya din sinabi sino mga kasama nya.. so ako, nganga na naman, mag isa sa bahay. Lahat pinapalampas ko nalang... mahal ko eh.
Sa situation naming ngayon, gusto kolang sana makausap sya ng personal para maliwanag at marinig namin ang bawat side namin, to figure out what are the things that we need to fix. na baka may paraan pa para itama o iayos ang lahat. Kasi mahirap talagang bumitaw agad-agad pag marriage na ang pinag uusapan, may pundasyon narin kasing nabuo. We made a promise to God na we'll be there for each other no matter what. Yun nga lang di ko na kontrol ang sitwasyon, kaya kay God ko nalang pinauubaya lahat. I have to hold on to my faith and put all my trust in him that he's the only one who can make everything, possible.