As someone who is happily married but undergoing the same situation right now for the past six months na siguro, let me share some thoughts.
Meron akong crush. Katulad ni TS, it never occurred to my mind na magkakagusto ako sa taong ito. It's like, parang nagising na lang ako bigla na may gusto na pala ako sa kanya. Pwede pala yun noh? Basta biglang gumaan loob ko sa kanya. Kinikilig na ko pag andyan siya, at lalo na pag kasama ko siya.
Fast forward, mas naging close kami dahil magkasabay kami madalas kumakain ng lunch dahil magkalapit kami ng opisina. Dun kami mas lalong nagkakilala. Pero ang talagang nag-"aggravate" ng lahat ng ito was because nagkaroon ng problem sa work ang asawa ko, and talagang naghahanap ako ng kaibigan na pwede kong labasan ng sama ng loob. And kay crush ko ito nahanap.
Fast forward ulit, ang status namin ni crush ngayon, close friends. Nothing more (baka meron? pero ayoko nalang isipin), nothing less, and I'm more than happy with that. Itong si crush ay nasa iisang circle of friends namin ni hubby and magkaibigan din sila.
TS, hindi masama magkaroon ng attraction sa opposite sex. Tao tayo, normal yan. Pero ang maipapayo ko lang ay ito:
1)
Limit your communication - kami ni crush, bihira kami mag-usap outside lunch time. may pa konti-konting text, konting tampuhan, konting kulitan, konting harutan, pero hindi yung tipong maya't-maya na parang usapan ng mag-jowa. Although meron kaming funny nicknames ni crush for each other, and may konting tanungan ng "namiss mo ba ako?", which is nothing new to me kasi meron akong guy best friend for more than 10 years na rin and we are also used to saying i love you and i miss you.
2)
Filter your conversation topics - pwedeng mag-usap about anything under the sun, current events, interests ninyo, pero syempre, wag paabutin sa mga usapang dapat pang-mag-asawa lang (like bedroom topics. you know what i mean). And make sure your conversations are something that you do not need to hide from your husband.
3.)
Assure your husband he's still the one - Eto yung medyo mahirap na part, especially if he knows na may gusto ka sa iba (like for my case). Dapat, si hubby pa rin ang priority mo. Sa kanya ang karamihan ng oras, atensyon, at lalong-lalo na ang sexual attraction mo. Mahirap, pero eto talaga ang need ng more effort.
4.)
Itatak sa kukote na may asawa ka na - Masarap magkaroon ng imahinasyon na magkagustuhan kayo ng crush mo, pero block it off by also picturing yourself that you're happy with what you have and you can no longer get what you want right now and you have to be contented with the person you already married. Mahirap ulit, pero kelangan e.
So, if the crush makes you happy and kilig, just enjoy the moment, enjoy the happiness that it gives you, pero remember na lang rin na hanggang dun lang yun kasi may moral and legal obligations ka na due to you already being married, and at the end of the day, ang dapat na nagpapasaya pa rin sayo ay ang asawa mo. Good luck.
