Natawa naman ako sa mga Batangas wedding experiences nyo

Hihi. Kasi lumaki ako sa ganyang tradition, I was born and raised in Batangas. And like what you all said parang fiesta talaga ang traditional kasal sa Batangas. And naexperience ko pa sa wedding ng sister ko nung 2011 yang inaannounce kung magkano ang binigay.The couple also has to give "sabit" sa kanilang principal sponsors, even sa mga ninong/ninang sa binyag at kumpil, ito yung gift ng couple usually may ilang kilong karne, kakanin, kung ano ano. Just this last weekend kinasal yung inaanak ng mom ko so nagdala sila ng sabit sa bahay namin the night before ng wedding, around 5-7kg of pork meat (freshly slaughtered pa ito ha, haha), tapos isang basket of random food (suman, kalamay, leche flan, cake, toyo, suka, ketchup, etc). So ang tradition is as a ninong/ninang, tatapatan mo dapat ng money yung value nung sabit na binigay nila.
So invited kami sa kasal last weekend, hindi sya sobrang traditional in the sense na sa resort yung ceremony and reception (hindi sa bahay), tapos catered yung pagkain. Yun nga lang, being Batangenyos, ayun wala pa yung bride and groom sa reception venue, nakapila na yung mga tao sa buffet table. Wala din silang program, so yung mga guests eh talagang nag aantay lang ng pagkain. Syempre after kumain ng mga guests, kanya kanyang kwentuhan na, yung iba sa labas na nakatambay, yung iba umalis na. Nung dumating yung bride and groom, kumain lang din sila, tapos nag toss ng bouquet, pero, yung mga guests hindi nakikinig, kanya kanyang kwentuhan. So ang ending, yung bouquet toss eh ginawa lang para sa picture. Wala din silang host and coordinator kaya literal walang flow yung reception. Tapos the parents of the bride pumunta sa table namin, nag iinvite pa kasi may reception pa daw sa bahay nila, at 3 baboy daw ang kinatay para doon. Di na kami pumunta.
Kaya nung kinasal kami I had a major requirement -- gusto ko malayo sa amin. Sa Batangas pa rin kami kinasal pero we chose a venue na medyo liblib lol, para yung mga invited lang talaga ang pupunta. And we kept our guests to a minimum, talagang family and friends lang. Pero di nagpatinag ang parents ko, the day after ng wedding they held a separate reception sa house namin to invite our neighbors and also their friends (sila na gumastos dyan, kasi sabi ko talaga party nila yan).
Anyway, as much as I respect the Batangas wedding tradition, hindi ko talaga sya maappreciate especially now. Nawawala talaga ang solemnity ng kasal. Tapos totoo kasi yung ginagawang business ang wedding, kasi madalas ganun talaga ang goal nila, makarami ng cash -_-