watch now

Author Topic: Employee and Employer conflict  (Read 1597 times)

tinybubbles7

  • Guest
Employee and Employer conflict
« on: October 22, 2016, 08:18:24 am »
bilang may ari ng isang negosyo gaya ng resto,karapatan naman natin na magmasid sa mga ginagawa ng tauhan diba?lalo na sa kusina. kung may nakita tayong hindi gaanong okay,walang masamang kausapin sila kahit on-the-spot pa yan dahil pwedeng hilaw,sunog o sobra yung ingredients na nilalagay o ginagamit nila. hindi mo naman sinisigawan,kakausapin o ire-remind mo lang. maliit lang negosyo namin kaya wala kaming HR o kung sinong pwedeng gumawa non kagaya sa malalaking resto.

sa amin ng asawa ko, ako yung nagluluto talaga,nung time na kulang pa kami sa kitchen crew,isa ako sa naging cook sa kitchen. ang asawa ko tamad sa bahay,sanay ng pinupuri palagi,at sensitive ayaw ng napapagsabihan. kaya sa resto,magkaiba kami ng point of view minsan.

naging mabait kami sa mga tauhan namin lalo itong asawa ko,hanggang sa ito 2 months na yung negosyo,parang nagkakasungay na yung mga tao namin.

*nag co-complain sila na wag raw silang sisitahin kasi naiistorbo sila lalo sa oras ng operation. tama naman may punto. Pero saan ba resto yung walang nag momonitor? hindi naman instant yung niluluto namin,made to order lahat.hindi ko naman sila sinisita,may time na papasok ako bigla,nag re-remind lang ako dahil napakadami pa kailangan improve sa kanila. 2 months pa lang yung resto,ganito na yung tauhan namin.

masyado kasing sinusuyo ng asawa ko yung mga tauhan,mag smoke sasabay pa,dapat may distansya rin para hindi sana naging ganito masyadong kampante tapos ako pa ang masama ngayon. Ano naman kung sitahin ko minsan kanino ba yung negosyo na yun?namuhunan ka kailangan talaga mag monitor. kung wala naman ako nakikitang hindi okay,hindi naman ako magsasalita. nandito ako sa stage na nasaktan rin kasi pinakisamahan ko rin sila ng maayos,nakakabiruan namin,tapos tumatagal ganito na sila sa akin.

yung ginawa naming "kitchen supervisor" ang lakas ng loob na magsumbong sa asawa ko palibhasa kasi pag nag advance anytime pinapayagan,kasabay pa mag yosi, pati yung relasyon nila nung "kabit" niya eh nakkwento pa sa asawa ko. siya dapat ang gumagawa ng pagsita na yan pero isa pa siya sa kailangan pagsabihan,hindi naman siya sinusunod ng mga tauhan niya.

bilang may-ari rin ako ng resto, lalo na 2 months pa lang ito,kailangan kong gawin yung parte ko dahil hindi biro mag negosyo. kung hahayaan ko lang sila na gawin yung gusto nila, sino bang kawawa,kami rin. ang pinagtataka ko bakit pa nagsusumbong na ako raw eh wag mang-sita sa kanila

wala naman ako sinisita maliban sa pag remind ng pag gamit ng timer sa pagluto,minsan kasi nakakalimutan,pwedeng hilaw yung mailabas mong luto, pagsinop sa gamit, tamang pag stock ng pagkain o ingredients sa ref (ex.yung sliced cheese balutin ng cling wrap). pag madaming tao,minsan sasabhin ko ayusin kasi dami tao lalo na pag friends ko yung nagpunta. lahat yan pinaalala ko na hindi ko sila pinagtaasan ng boses. isang beses lang nangyari yun na nagalit ako dahil gabi na,wala pang takip yung cooked pasta,tanghali pa niluto pero gabi na hindi man lang nila na-portion para naitago na sa ref,ang batter ng onion rings walang takip maghapon. may mga tumatapon na ingredients pero dedma lang,sa kanila okay lang normal yun sabagay kusina yun. pero kung palagi may tapon,lugi ka niyan.

sa asawa ko naman sisilip lang sa kusina,mambobola,okay na..ganun ang pinagkaiba amin. yung ugali niyang ayaw ng pnagtataasan ng boses,mukhang pinapamana niya sa tao niamin. oo pakikisamahan mo,pero may panahon n a kailangan mo silang rendahan dahil gaya niyan oras na humaba ang sungay niyan,ikaw ang kawawa gaya ng nangyari sakin ngayon. ako pa binabawal nilang mang sita. kaya pala nung ang Manager namin ay nagtitingin sa loob,ganyan ang sabi samin nitong "kitchen supervisor",wag pakialaman ang tao niya. sa kanila bahala sila,pero ako bilang may ari ng negosyo,wala sila karapatan na bawalin ako dahil wala naman ako nakikitang masama sa ginawa ko. hindi ako nagmumura,wala akong sinasabing nakakababa ng pagkatao nila,ang bilin ko lang eh yung kaayusan ng kusina at food quality.

ngayon nagtataka itong "kitchen supervisor' bakit nagagalit raw ako. (hindi kasi ako nagsasalita sa kanila ngayon). sino bang hindi magagalit?na-offend nga ako eh kasi parang tinatanggalan nila ako ng karapatan sa negosyo ko tapos magtataka kayo bakit ako magagalit sa inyo. ngayon lang ako naka encounter ng namamasukan na ayaw na napapakialaman ng amo..

ano po ba opinyon niyo mga sis?
« Last Edit: October 22, 2016, 08:52:15 am by tinybubbles7 »

shinies

  • Guest
Re: Employee and Employer conflict
« Reply #1 on: October 22, 2016, 05:35:56 pm »
Sis, di naman ala nagger ang pagsabi mo sa kanila ng dapat gawin? Kung hindi, normal na lagi may problema sa mga empleyado.

Di mo rin dapat pansinin o pagsabihan mister mo pano makitungo kasi iba iba talaga ng style.

Mag meeting ka sa kanila kada linggo. Pameryenda ka na din sabay discuss ano mga dapat nila tandaan.
Kung wala pagbabago, palitan mo.

Ang negosyo ay negosyo. Ang may ari ay dapat sundin lalo kung sa pamamalakad ng negosyo.

tinybubbles7

  • Guest
Re: Employee and Employer conflict
« Reply #2 on: October 23, 2016, 01:04:03 pm »
yun nga sis hindi ka naman pwede magtaas boses sa kanila kaya nagtataka ako sa gusto nila mangyari. Oo sis madalas ako pa nga ang galante manlibre gaya last week nanglibre pa ako ng Lunch sa mga naglinis na pang Morning shift. kagabi may 2 complain sa kitchen gustong gusto ko tignan pero ako yung di makapasok sa loob dahil ayaw nila ng papakialaman sila at naiistorbo sila. yung mga ganon on-the-spot imposibleng hindi ka mag usisa dahil may nagrereklamong customer. Itong Manager namin puro sa Dining lang naka focus, sa 10 oras na shift niya 2x ko lang siya nakitang sumilip sa loob.

Tapos nagco-complain sila ngayon bakit hindi ako nagsasalita. Ano ba talaga diba? binigay ko na yung gusto nila na wag makialam pero ngayon may complain pa rin. Tumahimik ako sis kasi masakit rin na bilang Employer ka,sasabhin ng tauhan mo wag mo sila sitahin dahil nakakaistorbo.

kabes

  • Guest
Re: Employee and Employer conflict
« Reply #3 on: October 25, 2016, 12:41:01 pm »
di ko ma-gets problema mo. o are you just ranting?

Unang una kasi, dapat may rules and regulation kayo. dapat define din ang work ng bawat isa. di ko gets bat takot na takot ka sa supervisor mo. ikaw ang may ari, dapat wala kang restrictions sa area that you can check and access

2nd, dapat discussed lahat ng penalty and sanction if deviate sa rules and regulation.

3rd isipin mo at ipa-realized mo sa kanila na any complaints ng customer (cleanliness, service etc) kayo as owner ang sasagot sa dti or sanitation department. kayo ang mapepenalize. dapat maisip mo din yan bago mo isipin ang pakikisama.

4th if all thins fail, hanap ka na ng kapalit.

2 months pa lang din ang kiosk namin, and iba iba kami ng style ng partners ko, pero walang lumalabas sa staff kung may misunderstanding man kami ng partners, kasi pera namin nakataya jan. dapat clear sa lahat kung sino ang employee and employer.

yung isa matigas ang ulo, ayaw magtangal ng nail polish, the next day na pumasok sya, pinakitaan ko ng rules and regulation, sabi ko, saka na sya pumasok pag malinis na kuko nya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close