bilang may ari ng isang negosyo gaya ng resto,karapatan naman natin na magmasid sa mga ginagawa ng tauhan diba?lalo na sa kusina. kung may nakita tayong hindi gaanong okay,walang masamang kausapin sila kahit on-the-spot pa yan dahil pwedeng hilaw,sunog o sobra yung ingredients na nilalagay o ginagamit nila. hindi mo naman sinisigawan,kakausapin o ire-remind mo lang. maliit lang negosyo namin kaya wala kaming HR o kung sinong pwedeng gumawa non kagaya sa malalaking resto.
sa amin ng asawa ko, ako yung nagluluto talaga,nung time na kulang pa kami sa kitchen crew,isa ako sa naging cook sa kitchen. ang asawa ko tamad sa bahay,sanay ng pinupuri palagi,at sensitive ayaw ng napapagsabihan. kaya sa resto,magkaiba kami ng point of view minsan.
naging mabait kami sa mga tauhan namin lalo itong asawa ko,hanggang sa ito 2 months na yung negosyo,parang nagkakasungay na yung mga tao namin.
*nag co-complain sila na wag raw silang sisitahin kasi naiistorbo sila lalo sa oras ng operation. tama naman may punto. Pero saan ba resto yung walang nag momonitor? hindi naman instant yung niluluto namin,made to order lahat.hindi ko naman sila sinisita,may time na papasok ako bigla,nag re-remind lang ako dahil napakadami pa kailangan improve sa kanila. 2 months pa lang yung resto,ganito na yung tauhan namin.
masyado kasing sinusuyo ng asawa ko yung mga tauhan,mag smoke sasabay pa,dapat may distansya rin para hindi sana naging ganito masyadong kampante tapos ako pa ang masama ngayon. Ano naman kung sitahin ko minsan kanino ba yung negosyo na yun?namuhunan ka kailangan talaga mag monitor. kung wala naman ako nakikitang hindi okay,hindi naman ako magsasalita. nandito ako sa stage na nasaktan rin kasi pinakisamahan ko rin sila ng maayos,nakakabiruan namin,tapos tumatagal ganito na sila sa akin.
yung ginawa naming "kitchen supervisor" ang lakas ng loob na magsumbong sa asawa ko palibhasa kasi pag nag advance anytime pinapayagan,kasabay pa mag yosi, pati yung relasyon nila nung "kabit" niya eh nakkwento pa sa asawa ko. siya dapat ang gumagawa ng pagsita na yan pero isa pa siya sa kailangan pagsabihan,hindi naman siya sinusunod ng mga tauhan niya.
bilang may-ari rin ako ng resto, lalo na 2 months pa lang ito,kailangan kong gawin yung parte ko dahil hindi biro mag negosyo. kung hahayaan ko lang sila na gawin yung gusto nila, sino bang kawawa,kami rin. ang pinagtataka ko bakit pa nagsusumbong na ako raw eh wag mang-sita sa kanila
wala naman ako sinisita maliban sa pag remind ng pag gamit ng timer sa pagluto,minsan kasi nakakalimutan,pwedeng hilaw yung mailabas mong luto, pagsinop sa gamit, tamang pag stock ng pagkain o ingredients sa ref (ex.yung sliced cheese balutin ng cling wrap). pag madaming tao,minsan sasabhin ko ayusin kasi dami tao lalo na pag friends ko yung nagpunta. lahat yan pinaalala ko na hindi ko sila pinagtaasan ng boses. isang beses lang nangyari yun na nagalit ako dahil gabi na,wala pang takip yung cooked pasta,tanghali pa niluto pero gabi na hindi man lang nila na-portion para naitago na sa ref,ang batter ng onion rings walang takip maghapon. may mga tumatapon na ingredients pero dedma lang,sa kanila okay lang normal yun sabagay kusina yun. pero kung palagi may tapon,lugi ka niyan.
sa asawa ko naman sisilip lang sa kusina,mambobola,okay na..ganun ang pinagkaiba amin. yung ugali niyang ayaw ng pnagtataasan ng boses,mukhang pinapamana niya sa tao niamin. oo pakikisamahan mo,pero may panahon n a kailangan mo silang rendahan dahil gaya niyan oras na humaba ang sungay niyan,ikaw ang kawawa gaya ng nangyari sakin ngayon. ako pa binabawal nilang mang sita. kaya pala nung ang Manager namin ay nagtitingin sa loob,ganyan ang sabi samin nitong "kitchen supervisor",wag pakialaman ang tao niya. sa kanila bahala sila,pero ako bilang may ari ng negosyo,wala sila karapatan na bawalin ako dahil wala naman ako nakikitang masama sa ginawa ko. hindi ako nagmumura,wala akong sinasabing nakakababa ng pagkatao nila,ang bilin ko lang eh yung kaayusan ng kusina at food quality.
ngayon nagtataka itong "kitchen supervisor' bakit nagagalit raw ako. (hindi kasi ako nagsasalita sa kanila ngayon). sino bang hindi magagalit?na-offend nga ako eh kasi parang tinatanggalan nila ako ng karapatan sa negosyo ko tapos magtataka kayo bakit ako magagalit sa inyo. ngayon lang ako naka encounter ng namamasukan na ayaw na napapakialaman ng amo..
ano po ba opinyon niyo mga sis?