Author Topic: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws? (Thread 2)  (Read 19063 times)

Purple_Power

  • Guest
We have a new thread here about if you consider living with in laws.

I am the one who posted about my conflict with the grandmother of my husband. Recently or mga weeks ago na I keep on fighting with my husband regarding sa Lola niya of course may mga bagay na hindi ko pa rin matanggap and it was hard for me to move one. Since nalaman ko nga na darating ang mother ni hubby in which I am thinking already that she could be my another Monster In Law then I keep on talking to my husband regarding that. I have no plans to meet her personally during that time since nakapetition si hubby at it would be over kung ako ay mapagbabalingan na naman or baka kaugali rin niya itong Lola na ako babangayan at aawayin and so on. So the plan is yung 2 year old kid lang namin ang makikipagkita muna kay MIL without me dahil siempre I am moving on. Nasabi ko tuloy kay hubby pati na hindi ko sila kayang makita pareho both this grandmother and the mother in law because it is like agony to me. But unfortunately my wish granted  :'( and never expect na it would be that way. Last September 18 the grandmother of hubby died due to cardiac arrest but first nagka stroke muna. Biglaan ang nangyari like sinugod sa ospital then kinabukasan at early morning patay na. Hindi na nagkaabot si mother in law and granny which is yun pa ang masaklap dahil 2 weeks na lang and supposed to be ang arrival ni MIL sa October 3 pa which is this Monday na dapat. The reason na pupunta si MIL here in Manila para sunduin na ang Lola going to USA but seems that si God na mismo ang sumundo. So dahil ganyan ang nangyari napaaga ang arrival ni MIL but before that nag-usap na kami ni hubby na he will reveal about us of everything na we are already married with a kid. Binilin ko kay hubby na ayoko na sanang makipag-usap muna about petition because of what this Lola did to me and I have no heart para ako na naman ang awayin regarding rito. Si hubby ang sumundo kay MIL sa airport then pagdating sa bahay nag-usap na sila about revelations. Okay naman yung 2 revelations na hindi sa UST grad si hubby at may anak na kami pero nung nalaman na kasal na kami napaluha dahil hubby loss the opportunity which is dapat next year na siya aalis. Hubby talk to his mother very well regarding sa legal matters na dapat dala namin ni LO yung name niya. Naliwanagan naman si MIL after that at tinanggap na niya as long as happy si hubby to me and hubby even mentioned na he is also happy with my family or parents. Sinabi rin ni MIL na kaya pala hindi na niya masyadong nakakausap ang Nanay niya which is itong Lola ni hubs kasi nga sa akin na siya nakatira. Hubby told MIL already na originally doon kami sa kay hubby nakatira na fed up na lang ako sa Lola niya dahil nga puro pakikipag-away na lang ang ginawa then this MIL revealed na she did the same thing pala, kaya nga raw siya umalis sa Pinas ang lumayo sa mismong Nanay niya dahil rin sa ugali nitong Lola.

The next day my parents together with my LO came to the wake pati mga kapatid ng mom ko nagvisit rin doon so kumpleto sila. They first met my MIL and natuwa kay LO. Nagkakwentuhan sila run then namention nga ni MIL na both Lola and hubby hindi na nakahintay sa petition to USA. Nagpaliawang si MIL sa parents ko about the attitude of this Lola na muslim siya kaya matapang. In which ako ang tingin ko it has something to do sa nangyari sa akin. I just came 4 days after her day of arrival together with LO again, to attend the mass and stayed whole day. When we came we stayed at the bedroom kung saan rin kami dati natutulog. I never thought that my Mother in Law will apologize of what this grandmother did to me. Of course may kaunting explanation. She even gave us advised na huwag magsigawan at magmurahan kung ganyan parati ang mangyayari then maghiwalay na lang. That is how I realized and believe my husband that she is a refine version of his Lola. Mother in Law keep on telling me about the good things of the Lola medyo more on in favor to them I mean nung nag explain something na magugustuhan raw ako nun at baka kasi hindi lang matanggap na may asawa na apo niya. Pinakinggan ko na lang and of course hindi na nagjustify since patay naman na ang pinag-uusapan namin.

The next day it was already cremation day of this Granny then sa amin sumakay si MIL then ang nagdadrive brother ko. Sa isang car magkasama father ko and si hubby. While we are waiting at nilalagay yung kabaong sa funeral car then napapaiyak si MIL bigla niyang binilin sa amin together with my mom na kami na raw bahala sa anak niya. My mom told her walang problema run.

MIL still told hubby na she will still talk to the lawyer regarding sa petition pero mukhang hindi naman na inilaborate but still I told hubby that kahit na mabait si MIL I wouldn't still consider to live with her siempre another adjustment and I am not comfortable with it anymore.

Kaya ang masasabi ko lang for those who are planning to get married here whether you are going to live with in laws or not PLEASE TALK about IN LAWS, if you think this is less important then you are probably wrong because you know the parents of your spouse can also do anything at meron talagang iba na naghihiwalay pa nandahil sa in laws. Actually nasabi na rin ito sa amin sa The Feast regarding marriage to talk about in laws. I am saying this so that it won't reach the point na may mamatay na unsettled ang issues. Nabalitaan na namin na before she died sinabi rin sa neighbor na nalulungkot si granny kasi wala na kami. I have this a bit regret dahil hindi siya nakaladalaw sa birthday ni LO at hindi pa namin naisipan na dalawin siya. I am hoping and expecting pa kasi na magkikita pa sila ni MIL this October.

simang

  • Guest
^condolences to your family sis

------

One downside of living with the in laws is yung pag discipline ng kids. Kung maraming authority figure ang bata and iba iba sila ng style sa pagturo ng manners, mas lalong hindi naiinstill sa kids ang tamang manners kasi walang consistency. At least kung kayo lang mag-asawa, pwede nyong pagusapan how to discipline your child. Pero pag may lolo/lola na involved, hindi mo sila masabihan how you want your child to be disciplined.

No, I will never consider living with my in-laws (or my parents). Okay na yung bisita bisita lang. But to permanently live with them, I can't. Familiarity breeds contempt.

SARAHnghae

  • Guest
8 months na kaming married ni hubby and were living with HIS family from the start. mabait parents niya saken and I had no issues with them UNTIL nung manganak na ko.
nung nagkababy na kami dun na ako nagkastart having issues with them. unang una, nung nasa hospital pa lang, di ko man lang mahawakan sarili kong anak kasi laging na kay MIL, to the point na siya pa yung napagkamalang nanay ng baby ko. hay, umiiyak na lang ako nun sa cr ng room ko. di ko rin alam, baka post partum depression or due to hormones.

tapos sa pag-aalaga din kay baby. kapag may ginagawa sila kay lo na hindi ko gusto, hindi ko masaway kasi nahihiya ako. napag-awayan na nga rin namin ni hubby to. syempre siya, kampi siya sa side niya. sa lahat daw ng aawayin ko yung magulang pa niya ang napili ko. although hindi ko naman sila inaway talaga, walang confrontation etc. kumbaga sinasabi ko lang sakanya kung ano yung mga hindi ko gusto sa parents niya.

hay, gusto ko nang bumukod but we still cant afford it. :(

ri-anne

  • Guest
^I feel you sis. Ganyan din ako sa mga anak ko, may stage na super selosa pag may ibang nag-aasikaso at nag-aalaga sa kanila. :)
I wonder baka your MIL just wants to help you to take care of your baby? Without her knowing na ayaw mo pala?
If there is something you don't want them doing, i suggest sabihin mo kaagad, of course in a nice way. Explain mo lang naman side mo. Better din talk to your husband about it kasi the two of you should have a united front.
Yan ay mga suggestions lang since you feel you can't afford na humiwalay pa. So you have to do something about the situation.

Ako naman kasi naexperience ko lang yan nung nagbakasyon kami sa pinas. Ganun at first i felt helpless pag andun kami sa kanila (like they're giving my kids sweets, ice cream, chocolates at night! and ayoko pa naman nun esp not when time to sleep na! Or laging pinapapanood ng tv! For me limited lang dapat ang tv or gadget time)
 But i opened it up to my husband. And i said, kami ang parents kaya kami ang dapat masunod pagdating sa mga anak namin. And it's a good thing he agrees naman so that's it.

You need to assert yourself as the mother. Hindi nyo kailangan mag-away ni hubby. Explain mo lang in an objective manner kung ano mga gusto mong mangyari at bakit. Siguro naman maiintindihan ni hubby at mil.

Good luck sis! *hugs*

SARAHnghae

  • Guest
^sis, yes. i know na gusto lang nila tumulong sa pag-alaga kay baby. and na-appreciate ko talaga yun. anyways, i got over it na. feeling ko talaga due to hormones lang un kaya ko nakaramdam ng ganun kasi kakapanganak ko lang nun. haha

btw, dati pa yung away namin na yun ni hubby. na-share ko lang dito. hehe.
hindi na kami nag-aaway ngayon tungkol dun...so far. lol
and infairness kay hubby, kapag may gagawin or ginagawa ang parents niya kay baby na di ko gusto. siya yung nagsasabi sa parents niya na wag ganito,wag ganyan...

share ko lang din, si mil kasi andaming pamahiin. like bawal maligo si baby kapag tuesday and friday. kaloka. eh hindi ako mapamahiin na tao and wala naman siyang maprovide na rationale kung bakit bawal. so dahil nasa puder nila kami, napipilitan ako sundin yun.
although hindi naman kami dependent sakanila financially. actually, parang sila pa nga ang nagbebenefit na nakikitira pa kami sakanila dahil kami ang nagbabayad ng bills sa bahay, nagbibigay ng pang groceries every week. eh wala silang stable na income and yung mga kapatid ni hubby wala din mga work, so yun.

living with inlaws has its pros and cons. di pa lang kami makabukod dahil hindi pa for turnover yung nabili naming bahay. konting tiis pa :)


Purple_Power

  • Guest
hindi ko masaway kasi nahihiya ako. napag-awayan na nga rin namin ni hubby to. syempre siya, kampi siya sa side niya. sa lahat daw ng aawayin ko yung magulang pa niya ang napili ko. although hindi ko naman sila inaway talaga, walang confrontation etc. kumbaga sinasabi ko lang sakanya kung ano yung mga hindi ko gusto sa parents niya.

hay, gusto ko nang bumukod but we still cant afford it. :(

Nako ako pa man din parati akong nagsasalita kay hubby kung ano ang ayaw ko noon, dapat nga ikaw ang kakampi niya kasi ikaw ang asawa eh! kahit na ba nakikitira kayo dyan. Dinala ka niya dyan so accountability ka niya, so not your fault kung bakit ka andyan. Hindi mo naman siya pinilit asawahin eh! kundi ginusto rin niya. Huwag niyang palabasin na wife ka dapat ikaw lang makisama.

Purple_Power

  • Guest
^Lola nga ng hubby ko nasa 70+ nung iniwan namin at may sakit pero andun naman yung isang anak. Pero siempre nagwowork yung Uncle kaya most likely naiiwan rin siya mag-isa sa bahay ng buong araw.

Last monday it happens na nung nagdinner time kaming 3 na lang ang natira, then hubby and MIL were talking about something tapos bigla na naman napasok sa usapan na kung nakinig lang raw si hubby sa Mommy niya eh di sana hindi nasayang ang opportunity kesyo ang magiging sweldo raw namin compare here sa Pinas magiging triple pa. Sa isip isip ko mabuti na lang hindi nakinig o sumunod ang hubby ko sa MIL niya dahil in the first place ayokong masakripisyo ang pagiging legitimate nandahil lang sa malaking sweldo o opportunity. Pangalawa hindi naman yung profession namin ang magiging work namin siempre magiging blue collar job tapos ang mangyayari pa makikitira kami siempre dito sa Mother In law which is ito ang pinakaayaw ko. Kapag nataon hinintay ang petition either siempre hindi ko na mapapangasawa si hubby, ipipilit siyang ipakasal sa Amerikana for the sake of Citizenship o di kaya matagal kaming ikakasal tapos pipilitin akong pasunurin doon which is again makikitira and for sure gagamitin lang rin ako run lalo na kung naghahanap pa lang ako ng work. Maraming masasakripisyo kapag sinunod ni hubby yung MIL ko. I am hoping naman na sinasabi niya lang yan as panghihinayang lang pero sana huwag na siyang gumawa ng paraan kahit na mag asawa na kami tapos pipilitin kaming magpunta roon kahit na ayaw na namin. Sampal sa akin yung mag asawa na kami tapos gusto pa siya magdedecision para sa amin nandahil lang sa opportunity kuno na sinasabi niya. Hindi naman kasi langit ang America eh! I am not born yesterday when it comes to this kind of strategy, since may relatives rin kami sa US na ganito ang gawain. Mama ko same feelings rin nung pinagsasalitaan siya nung sister ng Papa ko about sa America. Kaya isang bagay na hindi ako excited and convince sa sinasabi rin nitong MIL ko malakas rin ang kutob ko na may plano siyang gawin. Next year babalik siya at magtatagal siya ulit dito sa Pinas I am totally hoping naman na hindi niya ako kulitin lalo na si hubby about America. At lalong ayaw ko na gagawa siya ng way para pilit niya kami mapapunta sa America. Isa pa ayokong magkaroon ako ng utang na loob nandahil lang nagkaroon ako ng opportunity, of course may kapalit pa rin ang lahat ng tulong na yan which is sobrang mabigat. Buti na lang mama ko supportive sa decision ko na ayaw ko saka siya mismo nagsabi na gagamitin lang ako run lalo na kapag nagtrabaho mapipilitan kaming magbigay ng pera regardless kung kami ang kapos.

nhie

  • Guest
I feel you sissies, im living now with my boyfie since last year, and we're together na for 7yrs, next year na [textspeak!] wedding namin. Nagrerent kami ng bahay, before kami lang dalawa, and then bigla na [textspeak!] yung nanay nya nagdecide na dito na sa amin titira, at dala dala ang mga gamit nya, i understand naman kasi only child ang bf ko and single si MIL matagal na so wala na syang makakasama. So wala kaming choice kundi isama sya, wala namang problem sa akin yun, mabait naman si MIL e. Pero minsan nga lang may mga gusto ako na nakokontra at para bang ako pa yung nakikisama sa kanya.

Hindi talaga advisable na tumira kasama si MIL,hirap gumalaw para bang kada desisyon ko may masasabi sya.

There are times pa na kapag may lakad kami ni bt or date kami gusto nya isama namin sya, e kaya nga date un para sa amin tapos gusto nya sasama sya, naloloka na lang ako minsan.

Tunay talaga na sa isang palasyo isa lang ang reyna!

mindiegirl

  • Guest
To all sisses na living with in-laws, saludo ako sa inyo at ang hirap talaga nyan. We are just newly married at isa sa pinaka sinettle muna namin is to live on our own kahit rent muna. Iba pa din kasi na bukod kayo eh. Ang daming complications kapag nasa iisang bubong. Sabi nga kahit gaano kabait pa ang in-laws magkaka problem pa din. Kaya leave and cleave ang advice sa mag asawa. Our spouse is our #2 priority na (#1 si God) last na ang parents. But we should still honor them. To those na hindi na maiwan ang mil/[textspeak!] dahil nag iisa na lang, just continue praying na maging harmonious ang relationships.

queen_athena

  • Guest
We moved into our own house last August 8,2016.  But we lived with my parents for four years. It was not easy. I  earn around 80~100k per month and may work din si hubby but it was not easy since lahat ay sa amin inaasa.  From food na around 15~20k per month, electricity bills na more or less 6000 per month, internet bill 2000, pag may nagkasakit sa family, pag may handaan like birthdays and fiesta, plus yung budget ng anak namin sa gatas, diaper and yaya per month na umaabot din sa around 15k and yung monthly budget din ng tatlong anak ng mister ko na sa lola nila nakatira. Super nahirapan talaga kami.  Hindi kami makaipon mag-asawa. Lalo na nung nag-start ang construction ng sarili naming bahay nung 2015. Mas naging mahirap. Pero ngayon ang sarap ng feeling na nasa sariling bahay namin kami. Hindi na kami nahihirapan financially and yung family ko natuto na din to stand on their own. Nag-aabot pa din naman kani sa kanila.

Sa mga couples na nakatira sa mga in-laws, "Do not be contented. FInd your way out and bumukod kayo". It might take time pero that is the best way. Leave and Cleave!!

Purple_Power

  • Guest
In fairness naman with MIL hindi naman siya horrible unlike this granny ni hubs. She is appreciative saka positive ang sinasabi unlike ni granny nakakawalang gana kasi inaasikaso parati ang pakikipag away, bastos, saka parating negative. Almusal mo negative vibes agad. I think natuto rin si MIL sa past experience niya kasi noon naman sa kwento ni hubby may ugali rin talaga siya, saka na appreciate niya yung pag aalaga ko kay LO dahil hindi niya ito nagawa kay hubby. Iniisip ko rin kung paano siya yung una kong natirahan baka mas kaya ko pang makisama o hindi mabigat ang hard feelings. Hindi pa rin naman maiiwasan na may mga bagay kayong hindi mapagkakasunduan. Now that I learned it is not a good idea living with in laws kahit nga sa bahay ng mismong parents mo eh! I will stick to my conviction. Ngayon ko naisip ang rights mo as a woman and wife kahit na ba ikaw mismo yung literally na nakikitira sa magulang ng asawa mo. Yan rin ang madalas kong ibigay na advise sa iba sa mga hindi pa makabukod for different reasons, well hindi naman parating financial reason yan eh! Yung iba kasi breadwinner pa rin ng pamilya.

twinbee

  • Guest
may times din na may conflict kami ni MIL.. kasi naman eh pero thankful na rin, medyo improving na relationship namin... iba talaga pag hindi magkasama, queen of the house and monster in law hehe

wonderwoman000

  • Guest
napaka control freak naman kasi ng mga MIL, unhealthy talaga living with them. we have been living with MIL for more than a year now , ngayon may baby na kami mas lalo ko naiinis sa pangengealam nya sa pagpapalaki ng bata. totoo talaga na pwede itong ikasira ng marriage.

littlekinselle

  • Guest
Mga sis!  I need your advise please englighten me sa situasyon ko..

May nalaman kasi ako na binaback stab ako ng sister-in-law at MIL ko.

Eto ang tawag saken ng MIL.. walang silbi puro pag papadede lang ang alam.. kasi im EBF. Since wala ako work kaya nag EBF ako laki tipid din talaga sa gatas.

At di ko alam big issue pala sakanila un Diapers na binili nila na di ko pinagamit sa anak ko dahil dumugo ang pusod at nag ka rashes yun pwet.. may hastag pa na #mayissueakosadiaper sabi ng  sister in law ko  then
Sagot ng MIL ko naman "di gusto ng mayaman niyang asawa ang diaper"  it was referring to me.. at ito pa kinumpara pa ako sa isang asawa na anak niya na buti pa si Katrina naaapreciate ang mga bunibili ko.. what the heck diba??

At ang malala pati anak ko.. isinama nila.. maybe its a joke pero mali talaga sinabi pa ng SIL ko na di niya tanggap na kamuka niya si baby ko dahil "PANGO"  nag mana daw sa mommy ko.

Gusto nila mag work ako agad agad para di nagigipit asawa ko sa monthly amortization sa car.
Parang ang dali lang ang pag papalaki sa anak diba trabaho yon??  Ei this year ang dami ko pinag daanan muntik na kami mamatay ng anak ko habang buntis ako may 3 ako general operations.. tapos ganon gusto nila ako work... mag wowork naman ako pero di this year at papalakihin ko pa anak ko ng konte..

Hayy Pero pag kaharap ko ang babait nila.. pero ramdam ko naman na peke sila..  puro pang lalait sa ibang tao ang alam.. pag bibigyan ko sila this time pero pag nakabasa oa ako ulit ng pamimintas nila sa anak k dahil sa ilong.  Di talaga ako at anak ko pupunta sa bahay nila.

Dapat kaya malaman ng asawa ko yon?? Convo ng mga kapatid niya babae at nanay niya? Kasi un convo sept pa ngyari.. today ko lang nabasa.
« Last Edit: December 26, 2016, 03:26:34 pm by littlekinselle »

fashtag

  • Guest
I wake up late so i would not want to live with anyone else baka mamisinterpret ako as a lazy person  :P  Then comment here and there.  Luckily, we can afford to live comfortably on our own naman so better sarin that we don't.  I hope there won't come a time din that she will need us to care for her kasi baka maging too close for comfort kami and there might be rules in my house that she would not agree to, and dun manggagaling misunderstanding namin.

Purple_Power

  • Guest
littlekinselle Are you living with them? If not that is good and easy. Sana you are not living with them dahil kahit ako hindi ko talaga maatim na living with them at baka nakikipag-away na ako sa asawa ko nyan. Nagcomment na ba sila sayo ng harap harapan mismo? Kasi if purely backstab lang naman sila, ignore them na lang kasi hindi mo yan macocontrol talaga eh! Pero kung garapalan yung sa facebook post, magreply ka pero siempre hindi mo kailangang bumaba sa level ng SIL mo. Mother na ba yang SIL mo? if not yet then post your responsibilities as mother. Marami kang pwedeng sabihin na pangaral na yung SIL mo makakaramdam na parang sampal sa mukha niya. Kung hindi niya tanggap ang pamangkin niya then stay away na siya dapat sa anak mo. Wala siya dapat pakialam sa anak mo. Baka ako pa yan magbiro rin ako sa kanya, na pabuntis ka na lang ng marami or get a life na lang na naka smile ka.

Ano ba mga sinabi sayo harap harapan? Ito lang naman rin ang masasabi ko as a wife and daughter in law. Assert yourself as a wife and a woman. Hindi ka nila pwedeng panghimasukan lalo na sa mga decisions mo. Dapat wala silang pakialam kung may trabaho ka o wala, wala silang karapatan magquestion. Let your husband know what they are doing to you, dapat siya ang magresolve nitong problema. Kapag ignore niya lang then tama ang decision mo na not going to their house anymore. Yan rin ang ginawa ko noon na nilayo ko talaga daughter ko at the same time dahil nakakatakot yung pagkakamulatan niya sa ugali nitong Lola.

  I hope there won't come a time din that she will need us to care for her kasi baka maging too close for comfort kami and there might be rules in my house that she would not agree to, and dun manggagaling misunderstanding namin.

Huwag kang papayag na mag insist siya ng rules lalo na kung nakabukod kayo. Hindi naman meaning na mas nakakatanda eh siya masusunod sa lahat. Respeto lang pero hindi dapat pakialaman ang buhay niyo. Stick pa rin kung ano ang dapat niyong gawin o patakaran niyo sa bahay.

littlekinselle

  • Guest
^no sis dipa sila mother yung dalawa kong SIL . Masyado lang sila pintasera kahit ibang tao pinag uusapan nila puro lait nadidinig ko.. Hindi sakin sinabi or post  ng status sa FB.. Kaya ko nalaman is nag pa log-in si MIL ng FB account sa laptop ng asawa ko.. So yung nakita ko siya naka log in alam ko mali binasa ko un group chat nila mag iiina. Mali din ako kasi pinaka alamanan ko. .. Then ayon nabasa ko lahat.. Na shock ako di ko akalain na may ganon pala sila sinasabi saken, pag kaharap ko naman ang gaganda ng mga sinasabi  mabait naman pero yun nga peke naman pala sila..

Di ko alam  paano ko sasabihin s asawa ko yun nabasa ko na yun.. Baka saken pa magalit dahil binasa ko un group chat ng  nanay niya at mga kapatid niya  babae... Hay
« Last Edit: December 26, 2016, 01:18:39 pm by littlekinselle »

Purple_Power

  • Guest
laptop yun ng asawa mo so accidentally mo lang naman pala nakita yun. Hindi magagalit sayo ang asawa mo at wala siyang karapatan.

Ngayon alam mo na back stabber sila, aware ka na dapat na hindi sila mapagkakatiwalaan. It is time for you to stay away from them at huwag maging close sa kanila.

littlekinselle

  • Guest
^tama di mejo didistansia na ako sa kanila.. kaya ayoko ipaalaga ang anak ko sa MIL dahil baka ano paituro sa anak ko.. 
Iniisip ko paano ko sisimulan sabihin sa asawa ko ang mga nabasa ko.

Purple_Power

  • Guest
Kailangan talaga sabihin mo agad lalo na kung ididistansya mo yung bata sa MIL mo. Kasi mapapaisip pa ng kung ano ano ang asawa mo at magtataka kung bakit mo pinadidistansya kung hindi naman niya alam nararamdaman mo, baka ikaw pa mapasama. Asawa ko naintindihan niya kung bakit dinistansya ko si LO sa Lola niya tapos na explain niya pa ito sa mismong MIL ko in which the result is hindi ako masise mismo ng MIL ko kasi naintindihan rin niya. MIL ko rin mismo lumayo sa nanay niya eh! Mag assert ka talaga dapat sa asawa mo, saka ikaw ang ina eh! understood naman dapat na mas ikaw ang may karapatan sa bata kesa sa MIL mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close