Author Topic: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws? (Thread 2)  (Read 19069 times)

Lhiz

  • Guest
I depends siguro sa in-laws. Mayroon kasing lumalagpas na sa limitations nila and mayroon din naman nakakatulong talaga. Like in our case, we're still living with my parents and they really helped us a lot especially when I gave birth to my son. Am a working mom so super appreciated ko na my mom is taking care of her apo. Mahirap na magtiwala sa ngayon eh.

wonderwoman000

  • Guest
hi sisses, need some advise. i am currently on maternity leave and will be back to work by feb, we are living with MIL, my concern is parang ayokong maiwan LO ko with yaya and MIL. my MIL is a control freak and I feel threatened. gusto nya pa nanay tawag sa kanya imbis na lola. so feeling ko may aagaw na sa papel ko. oa ba ko? im thinking of resigning from work to be a full time mom kahit for a year lang. although i know makaka affect toh sa income namin. help please need some insights, im tortured and need to make a decision asap.

Purple_Power

  • Guest
^Kung ako nasa lagay mo hindi ko talaga alam kung alin dyan ang uunahin ko. Ang tanong kasi dyan is stable ba ang job ng hubby mo and he can earn well na sapat na for the family? Matanong ko rin bakit hindi kayo makabukod?

The best option here is you have to apply online jobs or maging work at home mom ka na, that is exactly what I am doing now kaya nung buhay pa yung granny hands on ako kay baby noon while working. Even that Lola is nagvovolunteer to take care ayoko pa rin kasi nakita ko na yung maraming lapses sa pag-aalaga niya kaya ako lahat ni pati laundry. Wala akong maid during that time.

Another option here is if you can live with your parents kung talagang control freak yang MIL mo. Tell your parents what you don't like about your MIL and for sure they will understand it. As I've posted ako talaga nilayo ko na habang lumalaki dahil sa sama ng bunganga niya araw araw tapos away pa sila ng away nung anak niya na tito ni hubby. 1 year mahigit lang ang tinagal ko run.

Let your hubby know kung ano ang concern mo at ayaw mo ng control freak, ikaw nakakakita dahil ikaw ang naiiwan dyan sa bahay.

Kung Nanay ang tawag sa kanya let that be basta ibahin mo sayo dapat Mommy Mama or basta hindi Nanay. Pero explain it very well na LOLA niya pa rin yan not a mother. Kung nataon buhay pa ang granny ni hubby I won't allow my kid to call her Tita, regardless of explanation it should be really Lola lalo na lola na sa tuhod eh! Pero if you are that sensitive of calling the kid as Nanay then insist is talaga na it should be Lola to avoid confusion to the kid.

Kaya kung ako ang tatanungin mo sa final decision mo kung talagang may threat na sayo mas uunahin ko ang bantayan ang bata at hindi maiwan sa MIL mo. Kung questionin ka about working yan ang sabihin mo you have to be there. HIndi ka niya pwedeng diktahan sa decisions mo. Kahit na literally parang kang nakikitira you still have to be strong enough o panindigan ang pagiging ina mo. Stick with your own pride bago ka pa lamunin ng buhay dyan.

shinies

  • Guest
hi sisses, need some advise. i am currently on maternity leave and will be back to work by feb, we are living with MIL, my concern is parang ayokong maiwan LO ko with yaya and MIL. my MIL is a control freak and I feel threatened. gusto nya pa nanay tawag sa kanya imbis na lola. so feeling ko may aagaw na sa papel ko. oa ba ko? im thinking of resigning from work to be a full time mom kahit for a year lang. although i know makaka affect toh sa income namin. help please need some insights, im tortured and need to make a decision asap.

Anong klaseng control freak ito at ikaw ay nathreaten?

"Mama" "Papa" tawag namin sa isang side na lolo/lola kasi gaya-gaya kami nung bata (ginagaya naming magpipinsan ang mga magulang namin at mga tiyo/tiya). Wala naman isyu kasi arbitrary naman ang pangalan.

Anong klaseng income effect ba ang mangyayari kung di ka magtrabaho?



Mukhang di naman malaking tulong kung titigil ka magtrabaho pwera na lang kung di ka na talaga babalik sa pagttrabaho.. Kasi kahit maging toddler pa yan bago ka bumalik sa trabaho, MIL mo pa din magbabantay nun at katulong niyo pa din siya sa pagpapalaki ng anak niyo.

Magipon kayo ng maigi hanggang sa makabukod kayo..
Kausapin mo na lang MIL mo para sa boundaries (gamitin mo yung tamang estratehiya na aayon sa ugali niya).
Galingan mo mag-time management para magampanan mo pa din ang pagiging ina mo.
Matatalino naman mga bata. Alam ng mga iyan kaibahan ng ina sa lola.

o9kristin

  • Guest
No. A kingdom can't have 2 queens. :)

We have our own ways on how to run the family. Mahirap makisama sa taong iba ang nakasanaya. Of course, that's not applicable to couples because we adjust for each other. Pag in-laws, di mo na sila mababago. Hindi sila ang mag-aadjust for you. :) It's either you adjust for them or bumukod ka na lang.

Purple_Power

  • Guest
^In fairness in my case I never expect na yung Lola ni hubby nag effort rin naman na mag-adjust to me kahit na ako yung tumira sa kanila. It is not that I am bragging but then kapag may mga ganyang cases kahit na ikaw yung tumira or literally nakikitira kailangan ipaglaban mo pa rin ang right mo as a human and woman. Naniniwala pa rin ako na hindi ka pa rin dapat abusuhin ng ibang tao, you have valid reason naman kung bakit it happens na nakatira ka sa bahay ng magulang ng asawa mo.

o9kristin

  • Guest
^ I agree rin naman. However, most of the time, ikaw ang kailangang mag-adjust which is sometimes mahirap. Swerte if super mabait ang in-laws. :)

quencher

  • Guest
Nope, I will not consider. Even sa house ng parents ko, nope.

Iba parin kapag nakabukod -- isang paraan din ito para matuto kayong mag-asawa na tumayo sa sarili niyong mga paa. hehe

Agree ako sa isang nag-comment dito, mahirap kasi makisama. Sa ayaw at sa gusto mo kahit gaano pa kabait ang in-laws mo, mag-aadjust ka parin kasi ikaw ang nakikitira.  ;)

Queserasera

  • Guest
Yan ang wag na wag ninyong gagawin haha!
 
● minu-minuto obserbahan ang gagawin mo
● desisyon ng mag asawa makikisali yan, kung malas ka na spoiled pala o mama's boy ang magiging asawa mo baka yung mag nanay ang masunod hindi kayong mag asawa 😂
●  wala kayong privacy, maniwala ka sasali at sasali yan. Ultimong Date Night niyong mag asawa baka kainggitan
●  wala kang kalayaan mag decide dahil kung kasama mo sila, for seniority syempre matic yan iisipin sila masusunod so kahit anong gusto mo kailangan magugustuhan rin nila..
●  Ang pag disiplina sa anak o mga anak makikialam yan, pag pagsasabihan mo anak mo magmukha kang masama, aamoin kasi nila ang bata so ikaw lalabas na kontrabida sa anak mo.
●  wala kang house rules kasi hindi mo lqng bahay yan, bahay Niyo yan
● makikialam sa usapang mag asawa lalo pag pera..madami pa..

kamalas-malasan lalo pag ang asawa mo hindi makapangatwiran sa parents lalo sa  "Mommy" niya wala kang choice talo ka sa tandem ng mag nanay.

believe me ang mga in-laws may something sa kanila na nakakairita talaga.

pinakamaganda talaga wag na kayo sumama sa isang bahay unless napakabait at totong kabaitan walang halong pagkukunwari ang in-laws ninyo 😂😂
« Last Edit: July 06, 2018, 02:54:04 pm by Queserasera »

littlekinselle

  • Guest
^on point!!  lahat yan 100% na tama.. eto lang walang palasyo na 2 ang reyna.

la_pinay

  • Guest
after x years bumukod na kami finally. things really went downhill, hanggang dumating na sa point na lagi na kami nag aaway to the point of breaking up. if you want a peaceful and happy marriage, dapat sa una pa lang, bumukod na.

swtgrl_bee

  • Guest
^Same here. Pero baliktad sa parents ko kami nakatira. So grabe ang bait bait talaga ng asawa ko. lol  ;D

Ang sarap sarap ng nakabukod. Kasi lahat ng rules, diskarte kayo ang bida.

mayda_m5c

  • Guest
More than 3 years na, kasama namin ang family ko sa bahay. Kami ang may sagot sa rent, daily expenses, at kung ano pa ang kaya. Pero kumuha na kami ng housing loan, gusto ni hubby isama si MIL pero ayoko. Gusto ko din kasi matuto kami dumiskarte na kami lang.

Hopefully next year makalipat na kami. Excited na ako  :)

symphonyann

  • Guest
no. leave and cleave. :)

Ching_Ching

  • Guest
No way. LOL. Even if maka-save kami. I'd rather rent or magpapaka kuba sa mag-bayad ng mortgage. ;D

quencher

  • Guest
Isa talaga to sa mga 'non-negotiable' ko.  ;D
Very vocal ako sa mga friends ko how it helped us mature - individually and as a couple.  8)

lady_butterfly

  • Guest
No. Kahit na sobrang ok kami ng family ni hubby pati tito at tita pati mga pinsan. Kahit love na love nila baby ko. No, kasi I want our relationship to stay that way. Baka kasi kapag tumira ako sa inlaws ko baka may mga maliliit na bagay na di kami pagkasunduan na maging dahilan ng mga away at chismis. Iba kasi kapag sa iisang bubong na lang kayo nakatira eh  :)

o9kristin

  • Guest
We?re buying a house near my mom?s house.. mga 10 house away lang.. Napapisip tuloy ako kung mahirap din ba yung ganung set up. Madalas mag isa na lang mom ko sa house and she is retired na. Iniisip ko mas ok na malapit kami sa kanya  pero what if magkaron lang kami ng conflict soon? Hindi na lang ako magpapakita araw araw! Hahaha!

quencher

  • Guest
^ I think sis ok lang.. Like for us, we live in a separate house but  few houses away lang from my parents' house.. Basta separate household, IMHO, ok lang..

o9kristin

  • Guest
Thanks sis! Worry ko kasi na magka conflict kami. Ayoko talaga kaya from the very start bumukod na kami..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close