Author Topic: DE LIMA and HUMAN RIGHTS  (Read 19721 times)

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2629
  • GuyTalker
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #280 on: August 23, 2017, 02:53:44 pm »
bakit ba sila nagsisikan sa kaso ni Kian, trending tuloy sa mga tv news. samantalang yung buntis na babae na pinatay ng minor de edad na adik once ko lang napanuod sa news wala ng nagka interest sa kwento...

ot lang, napansin nyo ba si Renato reyes jr? aktib na naman siya ngayon sa kaso ni kian, yun ba talaga ang means of living nya? ang manguna sa lahat ng pwedeng pag rally han? ilang presidente na ang nagdaan lahat na lang nag rally siya. haha! pakiwari ko di siya mabubuhay pag hindi siya nakapagsagawa ng rally.
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

TomHansen

  • Not a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 894
  • Wait for it..
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #281 on: August 23, 2017, 04:33:35 pm »
^ Kasi magkaiba po yung krimen nung menor de edad na adik at pulis. Yung menor de edad normal na mamamayan yun at katransaksyon niya magkalive-in na bumibili ng droga sa kanya. Yung pulis PULIS, men of power, yung mga taong supposed to be pprotekta sa iyo. At kita mo rin kung papaano sinasalba ni bato at propaganda machine ng admin ang mga pulis  ginagawa pang masama yung biktima kaya tumatagal ang kaso. The video shows kung papaano sabihin ng mga pulis na nanlaban ang isang suspek kahit hindi...... di ba dapat magworry kayo?

and bakit hindi "magsiksikan sa kaso" now na nakikita yung abuse of power na dati pang kinakatakot ng mga tao adik man o inosente. Ito yung pruweba na may mga tanim droga at ejk na sinasabi ng pro admins na wala... If concern kayo sa inosente bakit ayaw niyong binabalita yung kaso ni Kian, nakakairita ba because it reflects how kawalang kwenta ng war on drugs ni tatay d?

magwoworry lang ba kayo kapag pamilya niyo na sabihang "nanlaban"?
Attraversiamo..

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2629
  • GuyTalker
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #282 on: August 23, 2017, 05:42:07 pm »
Quote
If concern kayo sa inosente bakit ayaw niyong binabalita yung kaso ni Kian, nakakairita ba because it reflects how kawalang kwenta ng war on drugs ni tatay d?

magwoworry lang ba kayo kapag pamilya niyo na sabihang "nanlaban"?

sa palagay mo ba tama lang na puro yun na lang ang binabalita? ang nakakatawag lang ng pansin dito eh yung publicity ng ilang pulitiko. meron pa nga nakakulong na nagrerequest pa makalabas para daw kuno makisimpatya sa mga naulila ni kian. kung yung mga pulitiko na ito eh makikita mo sa lahat ng lamay ng mga nabiktima ng krimen pwedeng wala ng magkokomento kasi nga naman makikilala sila sa ganun Gawain.

mas mag woworry ako pag nalaman ko na madaming adik at talamak na illegal na droga sa paligid ng pamilya ko na naglipana. yun pa, may chance na mas mabiktima sila ng sinasabi mong "nanlaban".
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #283 on: August 23, 2017, 10:40:54 pm »
bakit ba sila nagsisikan sa kaso ni Kian, trending tuloy sa mga tv news. samantalang yung buntis na babae na pinatay ng minor de edad na adik once ko lang napanuod sa news wala ng nagka interest sa kwento...

ot lang, napansin nyo ba si Renato reyes jr? aktib na naman siya ngayon sa kaso ni kian, yun ba talaga ang means of living nya? ang manguna sa lahat ng pwedeng pag rally han? ilang presidente na ang nagdaan lahat na lang nag rally siya. haha! pakiwari ko di siya mabubuhay pag hindi siya nakapagsagawa ng rally.

LPs are desperate to pull down the Duterte Administration. They'll do everything. Kung saan pwede sumawsaw doon sila. What's the difference between Kian's case sa mga inosenteng nirape pinatay na sanggol, buntis o dalaga? Gusto ko na sanang maawa sa case ni Kian but everytime I see Trillanes, Hontiveros and Robredo's face s TV speaking about Kian's case..kainis..ANG PLASTIK lang ha..parang hindi bagay..Tsaka anyare na sa Bautista's case? Parang bigla atang dinivert ang news..

tischarmedlife

  • Super Mommy
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1350
  • a warrior and a survivor
    • TisCharmedLife
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #284 on: August 23, 2017, 11:59:00 pm »
So discounted ang pagkamatay nung mga bata, buntis at dalaga kase normal na mamamayan lang na adik ang pumatay? Pero dahil may alleged police abuse, kailangan super media coverage along with these epal pulitikos na lahat ng issue sinasakyan basta may maibubutas lang sa administrasyon ngayon, sige sige. Well, kahit nga si Pres. Duterte regarding sa rebolusyong eklavu ng LP, sabi nya, By all means go ahead. Kung hindi satisfied sa ginagawa nila, sige go. Pero anyare? Nilangaw ang rebolusyon kuno. Dahil hindi talaga sila concerned sa mamamayang Pilipino, they are acting like that dahil may vested interests sila.
Yang si Risa, atat na atat na mapaalis ang Pangulo kase pag ang sunod na naungkat yung pagwaldas nya/nila sa Philhealth funds, yari na sya. Iyan ding si Drilon, isa pa yan, e lalo naman si Leni. Kahit pinaboran ng SC, I know sometime soon, lalabas din ang totoo na nandaya ang LP para maipanalo yang si Leni.
"I think, therefore I am"

http://tischarmedlife.wordpress.com/

TomHansen

  • Not a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 894
  • Wait for it..
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #285 on: August 24, 2017, 12:14:45 pm »
^ Discounted? and sabi ko "magkaiba" hindi discounted.. We trust the police to deliver justice dun sa kaso ng adik pero kapag pulis na pumatay ng inosente DAPAT magalit ka rin.. Kapag ang adik pumatay ipapulis mo pero kapag pulis na ang pumatay at pinagtatakpan pa nung bato aba iba na yan. Bawas bawasan niyo pagbabasa ng blog ni mocha at sass para di palaging propaganda nakukuha niyo at di kayo palaging nakafocus sa LP. Watch the news without the duterte goggles maybe maintidihan niyo pinaglalaban ng tao.

sa palagay mo ba tama lang na puro yun na lang ang binabalita? ang nakakatawag lang ng pansin dito eh yung publicity ng ilang pulitiko. meron pa nga nakakulong na nagrerequest pa makalabas para daw kuno makisimpatya sa mga naulila ni kian. kung yung mga pulitiko na ito eh makikita mo sa lahat ng lamay ng mga nabiktima ng krimen pwedeng wala ng magkokomento kasi nga naman makikilala sila sa ganun Gawain.

mas mag woworry ako pag nalaman ko na madaming adik at talamak na illegal na droga sa paligid ng pamilya ko na naglipana. yun pa, may chance na mas mabiktima sila ng sinasabi mong "nanlaban".
Oo nga dapat puntahan din ng LP yung lamay ng pulis LAST YEAR! :D

Sigurado ka bang puro yun lang ang balita? Mabuti na yan kesa makalimutan na naman ng mamamayan gaya ng mga nakaraang kalokohan ng admin(remember yung pinatay sa crame?). Again anong problema kay delima at sa LP kung pumunta sila? wala lang inis lang kayo kasi LP, pero kapag si duterte pumunta sa lamay "ibang klase talaga si tatay digong pang-masa, tunay na tao hindi plastik, walang politika etc etc.." Ang issue dito is yung mga pulis na pumatay ng batang walang kalaban laban - wag niyong ilihis.. Gusto niyo ng ibang balita pero kapag binalita naman yung pagtatanga tangahan ni tatay d tungkol sa sandy cay manggagalaiti din kayo.. LOL

ibig bang sabihin yung pagpatay kay Kian at sa iba pang collateral damage ay nakabubuti sa pinas? Hindi ba pwedeng galit ka pareho sa adik at galit ka sa mapagsamantalang pulis? Pwedeng pareho hindi mo kailangan mamili. :D

* anyway di naman ako nageexpect, one's kinain na ng propaganda there's 90% chance wala na talagang pag-asa.
Attraversiamo..

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2629
  • GuyTalker
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #286 on: August 24, 2017, 01:07:26 pm »

oo nga naman,eh  bakit hindi pinuntahan? kasi????....hmmm... ::)  :-X

eh diba nga tinanggal na sa serbisyo at umuusad na yung imbestigasyon dun sa mga pulis na akusado? hindi ka pamasaya sa nangyayari na yun? ang hirap lang sa iba, isang sanga lang ang hindi namumunga gusto putulin na pati hanggang sa ugat. balanseng pamamahayag lang ang hinihingi ko, tama na ibalita ang kabulukan ng gobyerno pero tama rin naman siguro na ibalita din ang mga achievements na nagawa. ano sa palagay mo? baka sayo may makuha kong magandang balita na magandang nagawa ng kasalukuyan administrasyon. tutal mukhang hindi ka naman biased na mamamayan eh...... tama ka kabayan sa iyo na mismo nanggaling na ang isyu lang naman talaga dapat eh patungkol doon sa bata at sa pulis/ mga pulis na involved... anyare bat panay ang banggit mo sa pangulo? 

optimistic akong tao eh, kung sayo 90% wala ng pagasa doon sa natitirang 10% na pagasa doon ako kakapit.  ;)
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

tischarmedlife

  • Super Mommy
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1350
  • a warrior and a survivor
    • TisCharmedLife
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #287 on: August 28, 2017, 02:54:54 am »
^ apir tayo jan sis.  :D May trust and hope pa rin ako sa sistema ng Pilipinas kahit pa 5% na lang or 1% yan. So long as may mga matitinong gov't officials at pulis na gagawin ang trabaho nila nang tama. Di natin pwedeng husgahan ang kapulisan maging ang administrasyon ngayon based lang sa isa, dalawa or limang pagkakamali.

Di naman ako lagi naka-Duterte goggles. It's just that I look into things from both sides and while there are issues na may mali ang gov't, hindi lahat dapat isisi kay Duterte noh. Minana na lang nya yang ganyang bulok na sistema, culture at mga tao from 30 years back. You expect him to clean everything within 1-6 years? Asa tayo. Pero ang habol ko, yung kahit kaunti may magbago for the better. And I won't just rant sa kada maling nangyayari dahil dito ako nakatira sa Pilipinas and wala akong choice kundi magtiis and at the same time, tumulong sa ikauunlad ng bansa, Suwerte nung iba na may option to live abroad, kase kung tuluyang di na maisalba ang bansa, they can just leave. E paano kaming mahihirap na maiiwan sa Pilpinas sa pangangalaga ng mga bulok na politiko? Kaya nga Duterte is our last card. We voted for him dahil malinaw sa amin ang propaganda nya.  8) 8) 8)
"I think, therefore I am"

http://tischarmedlife.wordpress.com/

stormy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3244
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #288 on: September 01, 2017, 09:31:54 pm »
Mga nagwork na style before nitong sila de lima akala magwowork pa rin sa ngayon. Iba na utak ng mga pilipino ngayon, huwag ng umapela sa delicadeza, sa human rights etc

Hindi na yan ang kumukuha ng interest ng Pilipino ngayon.

Lahat nada-justify basta hindi raw magnanakaw, hindi corrupt. Pero gusto nasa gobyerno e kaliit ng sweldo.

Purple_Power

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1713
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #289 on: September 07, 2017, 09:25:41 am »
Yung pulis PULIS, men of power, yung mga taong supposed to be pprotekta sa iyo. At kita mo rin kung papaano sinasalba ni bato at propaganda machine ng admin ang mga pulis  ginagawa pang masama yung biktima kaya tumatagal ang kaso.

Exactly then IIYAKAN lang naman ni Bato yan kapag naquestion na  ;D

and bakit hindi "magsiksikan sa kaso" now na nakikita yung abuse of power na dati pang kinakatakot ng mga tao adik man o inosente. Ito yung pruweba na may mga tanim droga at ejk na sinasabi ng pro admins na wala... If concern kayo sa inosente bakit ayaw niyong binabalita yung kaso ni Kian, nakakairita ba because it reflects how kawalang kwenta ng war on drugs ni tatay d?
magwoworry lang ba kayo kapag pamilya niyo na sabihang "nanlaban"?

As expected in denial ang karamihan lalo na yung haters ng dilawan  :) kasi pinagyabang na nila na mawawalan ng krimen o mababawasan within just 3 to 6 months. Ngayon kapag may nangyayaring heinous crimes kung dati kay Pnoy ngayon kay Risa Hontiveros at sa mga Dilawan na ito sinisise kasi nga naman palpak yung plano.

Again anong problema kay delima at sa LP kung pumunta sila? wala lang inis lang kayo kasi LP, pero kapag si duterte pumunta sa lamay "ibang klase talaga si tatay digong pang-masa, tunay na tao hindi plastik, walang politika etc etc.." Ang issue dito is yung mga pulis na pumatay ng batang walang kalaban laban - wag niyong ilihis.. Gusto niyo ng ibang balita pero kapag binalita naman yung pagtatanga tangahan ni tatay d tungkol sa sandy cay manggagalaiti din kayo.. LOL

Ito na rin dapat ang ipopost ko eh! Napost mo na pala. Obvious naman diba?  kapag LP dumalaw o nagsalita tungkol sa issue na ito galit na galit mga tao hanggang sa hindi na nagiging objective. But in fairness parati na lang sila iniiyakan at pinagtatantruman ni Bato isama pa si Acosta  :D

springblossom

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3772
Re: DE LIMA and HUMAN RIGHTS
« Reply #290 on: September 12, 2017, 08:27:04 pm »
hinde ko alam sa lugar nyo but sa city ko, medyo wala nang nakawan ng motor, salvage, holdap dahil very active na ng mga police sa amin. maybe, its because of the martial law dahil very visible ng mga police sa lugar namin ngayon.

i did not vote for duterte because he said he would eradicate drugs in 6 months. napataas pa nga kilay ko sa kanya nung sinabi nya yan.

and kumusta na po pala si kian? parang nawala na din interest ng media sa injustice na nangyari sa kanya when his parents requested to meet duterte. ngayon, si kulot naman who turned out to be not kulot. sana those who are behind the killings of these kids will be caught and imprisoned.
"I believe in the sun, even when it is not shining.
 I believe in love, even when i do not feel it.
 I believe in God, even when He is silent."

(These lines were found scrawled on a cellar wall in Cologne which was destroyed by bombing in WWII.)

Latest Stories

Load More Stories
Close