Author Topic: Repressed feelings for a long time  (Read 6998 times)

RoadrunnerXCX

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #20 on: August 22, 2016, 06:42:36 pm »
Sis sobra akong nakaka relate sau kasi may guy bestfriend din ako nung college...i don't know if i did the right thing talagang hindi ako umamin ng feelings ko sa kanya kasi takot din ako sa rejection  hindi ko din kaya na mawala ang friendship namin hanggang one day nung working na kami nawalan na kami ng communication tapos nag abroad na pala sya at nag asawa ng foreigner tapos ako nag asawa na din...after 15 yrs nagka communicate ulit kami divorced na sya at ako naman unhappily married with kids. pepro walang kinalaman ang feelings ko sa kanya sa mga ngyayari sa married life ko ngayon...kaya lang minsan napapaisip ako siguro mas magkasundo pa kami nito kung ito nakatuluyan ko ...pero i don't want to push anything na sa ngayon at complicated na mga situation namin. [/size]Masasabi ko lang if  u really really want him might as well make him fall for you real hard na hindi nya na din mapigilan ang sarili nya na sabihin ang feelings nya sau. My friend ako who is really good at it nafafall talaga mga guy sa kanya hanggang sa nililigawan na sya. Ang ginagawa nya she is so attentive to the guy as in make asikaso to him na parang friendly gesture lang , sweet din sya sa guy e sweet  naman talaga sya by nature tapos ginagawa  nya na mag enjoy talaga  si guy sa company nya...hanggang si guy na napapa admit na mahal na sya. I don't know how you will do it pero yun lang ang ma ishare ko. Good luck to u.

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #21 on: August 22, 2016, 06:55:54 pm »
^ Sis, mabuti pa friend mo may kakayahan pa-ibigan ang guy sa kanya. Wala ako ganyang skill eh. Baka naman pang-Ms. Universe kagandahan ng friend mo kaya she could charm any guy she likes. Hindi aabot sa ganung level hitsura ko. Hehe. Hindi rin ako sweet sa kahit sinong tao. Kung sweet man ako, kadalasan iyong nasa wholesome landi lang at hindi sweet na nakakaflatter ng sobra.

Kahapon birthday niya. He celebrated with our 2 common friends. Hindi niya ni-invite buong barkada pati ako. I guess sign na talaga iyon to give up and move on.  :(

dismembered

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #22 on: August 22, 2016, 07:10:40 pm »
^awww sad sis. We all know na kapag birthday celebration you want your someone special na andun. Anyway at least alam mo na. Di ka na mas mahihirapan. Time to move forward. Hugggggssss

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #23 on: August 23, 2016, 09:13:58 am »
^ Broke kasi siya. Panay post sa fb niya na wala siya pera. Kaya siguro nagtipid siya nung birthday niya. Pero still I will take it as a sign na wala nga pag-asa. Magfocus na lang ako sa work. :)

RoadrunnerXCX

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #24 on: August 26, 2016, 09:17:58 am »
I remember asking a friend's bf regarding my dilemma na pareho sa iyo .. sabi sa akin huwag na huwag daw magpapakita ng motibo lalo na gwapo si guyfriend ko....kaya yun nga ginawa ko. no regrets naman sis at least until now we're still friends and masaya pa din ang barkada namin kasi kung nahaluan ng keme keme siguro hindi na kami nagkikita o naguusap na magkaibigan. kaya okay lang din. pero just the same sya yung pinaka malaking "what if" sa buhay ko :)

kvandenhaak

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #25 on: August 28, 2016, 10:27:06 am »
^The worst area is being on a crossroad forever. And "what if" is the worst regret ever. At least make a decision at some point. I mean, if the guy said no at least you can move on kesa umasa sa wala pala. At kung maganda ang resulta, just imagine the wasted time spent waiting? Aba, nahahalikan mo na sana...lol!

Hindi mo naman kailangan maging garapal. At kung hindi naman na sila 16, it's really okay to find a way to find out especially kung walang naapakan!

solepurplelife

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #26 on: August 30, 2016, 03:15:08 pm »
I'm in the same situation as you sis. Colleagues turned magbarkada, kaso eto ako ngayon na-fall. He's generally a sweet guy and alam ko na yun noon pa. Kaya for a long time I really tried na pigilan magkagusto sa kanya. We are the closest sa barkada (although not yet best friend level) so napakahirap and napaka panghihinayang talaga mawala kung ano man meron kami ngayon if ever umamin ako. I'll surely miss our serious conversation kapag kami lang dalawa nasa kotse nya, him sending pictures of food pang-asar kasi alam nya I'm on a diet, the way he leans on my shoulder kapag magkatabi kami (which is most of the time), tapos mamimilit pa sya ihatid ako sa gym kapag alam nya tinatamad ako mag work-out.

Bakit pa kasi ako na-fall? Sana tulad na lang noon na wala akong malisya. Kasi kahit sobra sarap sa feeling nung kilig, ganon din naman kabigat yung sakit kapag ini-entertain ko yung thought na his my friend and he can never return my feelings for him. Paano ko ba yun mababalik? How can I unlove him?  :'(

IamMarieLove

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #27 on: August 31, 2016, 10:00:33 am »
^ HI sis


Tanong ko lang how can you say na he can't reciprocate your special feeling? May GF na ba siya and committed to someone already or sinabi na baya na kahit kailan hindi ka niya mamahalin ng higit pa sa isang kaibigan?

And "what if" is the worst regret ever. At least make a decision at some point.

Agree ako dito sis. Yong what if kasi parang multo na kahit matagal na napapatanong ka pa rin ng what if ganito or what if ganyan. So to avoid what if dapat may decision talaga. Pwede kang magconfess ng feelings, pwede rin go with the flow hanggang sa mawala or lumalim yong feeling and pwede rin let go. Move ON. Bahala na ang what ifs. Pero the question is, kaya ba natin panindigan yong results ng choices natin? Kasi kung may doubt ka, magsisisi ka lang later on sa naging decision mo.

So advice ko sayo sis, think it over. Analyze your feelings. Do you love him that much to risk your friendship if you confess. Are you contented enough to have him by your side but loving him secretly. Are you brave enough to move on and let go of what ifs?

Ask yourself what you want and what you want to happen in your relationship with him sis and when you can finally find the answer without doubt and hesistation, then decide and choose what's the best thin to do.

onilord

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #28 on: August 31, 2016, 07:24:44 pm »
hi..

Para sakin ang maipapayo ko lang e i-enjoy mo lang ang friendship nyo mukha naman nageenjoy ka sa company ng guy na kinukwento mo. Ikaw na rin nagsabi, ayaw mo i-risk ang friendship nyo diba.

Pero tanggalin mo yung mga expectations mo, para di ka masyadong masaktan pagdating ng araw. Ok lang na may pagnanasa este pagaasam na balang araw e pwedeng maging kayo.

Makipagdate ka sa ibang guys, or pwede rin ibaling mo ang atensyon mo sa ibang bagay. Ako ganyan ginagawa ko kasi feeling ko pag may nagugustuhan akong babae palagi ko lang iniisip sya parang naprapraning na ako kaya dini-divert ko attention ko sa ibang bagay.

By the way, natuwa naman ako dun sa tinatawag mo syang kuya dati. Kasi meron akong ka-work na kuya din tawag sakin pero kinikindat kindatan ako saka hino holding hands ako (feeling ko parang na violate pagkalalaki ko haha joke). Kala ko na Kuya-zoned na ako e wahehe

solepurplelife

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #29 on: August 31, 2016, 11:54:40 pm »
Hi sis, I just know kasi alam mo naman yun sa sarili mo if the guy is interested sayo diba? Yung mga sweet gestures nya na kinikilig ako lagi ko na lang iniisip ngayon na  I'm just looking into his actions too much kaya nabibigyan ko ng meaning. I don't want to assume and ayoko na rin naman umasa na baka pwede or baka magka feelings din sya for me. Lalo lang lalalim yung nararamdaman ko for him. Basta yun na mindset ko, we're just friends.

And btw sis, wala pala siya gf. Sabi nya when he was asked about relationships, sabi nya di nya priority for now. Pero meron daw sya gusto kaso di sya gusto. (Ouch 😪)

Nahihirapan lang ako idivert yung attention ko sa ibang tao or bagay kasi lagi kami magkasama. Lagi sya naiisip ko. 😞

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #30 on: September 01, 2016, 09:33:53 am »
^^ Hi Kuya Onilord. Hehe. Thanks sa advice pero yun na nga ginagawa ko. Nagfocus na lang ako sa work at nagkakaroon ng ibang crushes na malabong mapansin ako tulad ng artista at pari. Sa ngayon may crush ako na pari eh. Hindi rin naman ako umaasa at nag expect pa. Matagal ko na tanggap na malabo maging kami.

^ Sis, kaya mo iyan. Just keep yourself busy. Kung kailangan bawasan mo muna pagiging close nyo, go lang. In my case, nakakaya ko huwag siya isipin all the time kasi bihira na din kami magkita dahil pareho kami working na.

IamMarieLove

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #31 on: September 01, 2016, 02:22:01 pm »
^ sis I remember yong crush ko rin na pari before sayang nalipat na siya ng parish kaya di ko na siya nakikita. Iba feeling noh pag crush mo pari. hehe


@solepurplelife,  tama yan sis, don't assume and expect too much.


And btw sis, wala pala siya gf. Sabi nya when he was asked about relationships, sabi nya di nya priority for now. Pero meron daw sya gusto kaso di sya gusto. (Ouch 😪)
s

Wala siyang GF? did you ask sis kung sino yong girl na gusto niya or bakit niya nasabi na hindi rin siya gusto? Pwede kasing hint yun sis malay mo ikaw pala tinutukoy niya but then again ha don't expect and assume para iwas masaktan ng sobra.

And tama si sis young-maiden hindi mo naman siya iiwasan pero limit mo yong palagi kayong magkasama and go out with your other friends, meet other people. Keep yourself busy with other things that doesn't involve him. Malay mo, may makilala kang someone. hehe

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #32 on: September 03, 2016, 04:48:11 pm »
Chika ko lang. Nagkita kami kagabi almost 3 months.

Lately kasi sobrang toxic na ako sa work ko. Miss ko na gumala. Ilang buwan na ako puro bahay at office lang. Kung lalabas man ako, laging solo na lang. Kahapon I badly needed a companion after work. Gusto ko may makinig sa lahat ng sama ng loob ko sa work ko. Sabi ko hindi ako uuwi ng bahay agad after office hours.

Hindi ko ugali magyaya pero kahapon naglakas-loob na ako yayain siya for dinner. Pareho lang naman sa ortigas work namin. Payag na sana siya kaso nagkataon despedida party nung isang katrabaho niya na lawyer din (at the same time, friend din namin). Nagresign iyong latter.

So ayun nag isip ako kung sino pa pwede ko yayain. Gusto ko iyong nasa ortigas lang din para convenient sa amin pareho kaso wala eh.

Then nung 9 pm na, he called me. He said nasa metrowalk daw iyong despedida nung friend namin at kasama niya workmates niya. He asked me to join them. I said yes. Almost 3 months ko na siya di nakita at miss ko na siya. Pagdating ko, nagkatabi pa kami at nakapagkwentuhan ulit.

Niyayaya niya pa ako mag apply sa firm nila kasi nga may bakante. ;)

Nagbiro pa ako sa kanya kung may lovelife na siya. Sabi niya wala daw. Career daw ang priority niya. :(

Mas gusto ko sana iyong kaming 2 lang makasama para mas makapagbonding pero somehow kuntento na rin ako sa nangyari kagabi kahit nandyan mga workmates niya. Next time try ko siya yayain ulit. Sana hindi niya pa ako mahalata. :)
« Last Edit: September 03, 2016, 04:58:15 pm by young_maiden »

candacena

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #33 on: September 04, 2016, 02:10:26 pm »
Sis TS, may I suggest lang na panuorin mo sa youtube si matthew hussey. Dami diskarte on how to text a guy yung mga hindi at dapat mo gawin. Pero most specially panoorin mo din yung "the danger of focusing on one guy"

Sana makahanap din ako ng ganyan sis hahaha tagal ko na din walang nagugustuhan buti ka pa may strong feelings na. Ako eto nga nga haha ayoko na sa gwapo!

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #34 on: September 04, 2016, 02:36:29 pm »
^ Hehe. Sige sis. Watch ko. Salamat.

Wag mo na pangarapin matulad sa akin, sis. Ang hirap pag di mutual ang feelings. Gusto ko na nga siya ibaon sa limot. ;)

dismembered

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #35 on: September 05, 2016, 11:28:38 am »
oh nooooooo. eto nanaman ang nabibigyan ka ng "hope" na merong pag asa. Naku. Kung kelan baka nakaka move on ka na, babalik balik nanaman ang feelings mo at ito nanaman at maghihintay ka at kung ano ano. hehe. Pero sabi nga nila, take risks! High risk masaktan, high reward din naman na makuha mo ang love of your life. Go ka lang! Basta less expectations, less disappointment. Good luck sis!

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #36 on: September 05, 2016, 11:58:05 am »
^ Bro, niyayaya pa ako mag apply sa firm niya kasi may bakante. Nagsend na ako ng resume. Subukan ko lang. Kung di tanggapin, okay.

Honestly, duda nga ako sa ginawa ko eh. Mag 3 months pa lang kasi ako sa firm namin. Nakakahiya naman magresign agad. LOL. Ang balak ko sa december pa ako magresign kung kailan 6 months na ako. Assuming na kunin nga ako ng firm ni friend, I doubt naman kaya pa nila ako hintayin until January.

On the other hand, makakasama ko na siya ulit everyday.

Bahala na si Lord! Kung di tanggapin, okay lang. Life goes on. Kung tanggapin, hmmmm... I don't know. :D

solepurplelife

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #37 on: September 05, 2016, 01:52:38 pm »
Hi Sis IamMarieLove, hindi ko na tinanong kasi baka mahurt lang ako lalo or di naman kaya, for sure wala kong makukuhang matinong sagot from him. Ganon kasi friendship namin dalawa magaan lang, always biruan kaya rin siguro ko nagkagusto sakanya kasi lagi lang kami masaya.

OMG sis young_maiden, if ever maging magka officemate na kayo I'm sure your feelings for him will get deeper. Madadagdagan yung kilig moments and pag nagkataon mas mahirap umahon. :( Ang hirap umiwas consistently kasi andyan lang siya and for sure pag napansin nya na hindi ka nagpaparamdam he'll ask you why or worse baka kulitin kapa if what's your problem. Tapos kilig nanaman tapos asa nanaman. #hugot  ;D

Hahaha sorry sobrang relate lang. Like last Saturday, maaga pa lang nag-aya siya lumabas with friends kaso sabi ko di ako pwede. I haven't told him na I'll be having a friendly date with a gym buddy/condo neighbor. Kaso etong isang officemate na nakwentuhan ko mas excited pa sakin, i-broadcast ba naman na I'll be having a dinner with someone else kaya di ako makakasama ng night out with them. So eto ako na feelingera at assumera lahat lahat na, for a moment I sensed awkwardness or jealousy from him. (oo na ako na number 1 hopia) Him trying to be excited for me, sabi nya invite ko na lang daw sumama para makilala na rin daw nila. You know sobrang kilig ko kasi nga nagpi-feeling ako, di ko napigilan sarili ko kasi mas gusto ko naman talaga kasama si guy friend kaya pinili ko sumama ng night out with him. Ni-reason ko na lang sakanila na may emergency si  neighbor kaya di kami tuloy pero ang totoo ako ang nag cancel ng dinner. Ganon ganon lang nakalimutan ko agad na kelangan ko nga pala i-limit yung sarili ko sa pagsama sama sakanya.  :'(

Hay, tama si sis TS ang hirap ng ganitong pakiramdam, nakakabaliw. Hahaha!

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #38 on: September 05, 2016, 02:31:04 pm »
^ Bahala na sis. Apply pa lang naman. Hesitant nga din ako eh kasi bago pa lang ako sa work ko. Makakasama ko nga siya if ever pero ang chaka naman sa resume ko na may work experience ako na di ako tumagal. Hintayin ko na lang ang tawag ng office niya and bahala na talaga. :)

Pag may gusto ka talaga sa isang tao, gagawin mo ang lahat para makasama siya. Unfortunately, one-sided lang ang feelings.  :'(

IamMarieLove

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #39 on: September 05, 2016, 04:45:11 pm »
^yeah, go with the flow na lang sis. Malay mo may ibang plano si God for you.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close