Author Topic: Repressed feelings for a long time  (Read 6969 times)

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #40 on: September 07, 2016, 12:50:49 pm »
Chika ko lang ulit.

May interview ako bukas sa firm niya. I am sure itatanong sa akin when ako pwede magstart. Ang balak ko sabihin sa 1st week of january 2017 pa. Ayoko pa kasi talaga mag resign sa firm ko until ma-meet ko ang minimum ko na 6 months eh. Sa december pa iyon. I am sure pag iyon ang sagot ko bababa na iyong chance na tanggapin ako pero hindi ko lang kasi talaga kaya na forever na pangit resume ko dahil may work experience ako na sobrang ikli. I am afraid forever affected ang career ko. Iniisip ko na lang kung para sa akin ang work na ito, para sa akin talaga. 6 months nga is just a short time na I am sure kukwestyunin ng potential employers eh. Paano pa kaya iyong less than 6 months?

Saka di pa rin naman guarantee na magugustuhan na din niya ako kahit maging officemates kami di ba. Seatmates nga kami noong student at review days namin pero wala naman nangyari. Ano ba naman karapatan ko mag assume na posible mag level up na kami pag officemates na kami? Pero kung pairalin ko pagiging hopeless romantic ko, pwede ko nga isipin na may hope maging bf ko siya pag kasama ko siya.

Anyway, I like him but I love myself and my career more. Bahala na bukas!

dismembered

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #41 on: September 08, 2016, 12:17:47 pm »
^ Hi Sis. Kung Jan 2017 mo pa balak lumipat ng ibang company, I think better na wag ka na lang mag apply jan. :D Pero sa case mo, sabihin mo na most na yung 2months lilipat ka if ever tanggapin ka na nila. Ang prob lang naman sa resume mo is if paulit ulit kang aalis ng company. At saka, 1 or 2 months ka pa lang sa current company mo, pwedeng di mo na nga ilagay yan sa resume mo eh. Nagiging prob lang sa resume ang work experience na maiksi if nag apply ka ng wala kang trabaho currently. Pero kung bibigyan ka na ng offer jan, go ka na! Pero duda talaga ako kapag Jan 2017 ang sinabi mo.

Anyway, gawin mo na lang yang sign. Kung tinanggap ka sa company na yan, baka yan na ang go signal mo. Pero kung hindi, eh di hindi. May work ka pa din naman at di naman ikaw nawalan.

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #42 on: September 08, 2016, 07:37:39 pm »
^ Bro, na-interview na ako kanina. Suddenly I changed my mind. Nung tinanong ako when ako start, sabi ko Nov. 2016. Ok naman iyong interview. Napaka-informal at nagmukhang talk show. Kwela kasi iyong boss eh. Hahaha.

Heto pa nilibre pa ako ng lunch sa labas. Pati si guy friend sinama pa.

After the interview, sabi sa akin may another interview pa daw ako. Iyong isang partner daw ang gagawa. Baka daw next week.

Nung naghiwa-hiwalay na kami, tinext na daw ako ng friend ko na pasado daw ako doon sa boss niya na nag interview sa akin. Sobrang saya ko. Hahaha. Then nag usap daw iyong boss niya at iyong other partner na gusto pa ako i-interview. Sabi daw nung other partner ok lang daw kung tatanggapin ako basta masipag daw ako.

Sabi pa nung friend ko pinapasabi daw ng boss na kung pwede mag submit na ako resignation letter sa Sept. 15 para daw by Oct. 15 start na ako sa kanila. So sign na talaga na hired na ako no? OMG!

Tinanong ko sa friend ko kung may interview pa ako with the other boss. Confirm daw niya bukas.

Oo, aalis na talaga ako dito sa current firm ko. Biglang wapakels na ako kung saglit lang ako dito. Ang mahalaga di ako nabakante. :D

dismembered

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #43 on: September 09, 2016, 10:24:54 am »
^ Oo yun lang naman ang mahalaga wag ka mabakante. hehe. Wag ka muna mag resign unless may pinirmahan ka ng contract. Excited na ako para sayo! Go girl! haha!

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #44 on: September 09, 2016, 10:46:02 am »
^ Yun nga eh. I won't resign hanggat walang confirmation sa firm ni friend na hired na ako. Sabi ko sa kanya i-confirm pa kung may interview pa ako with the other boss. Mahirap kasi kung puro texts lang eh. Willing naman ako magpa-interview ulit basta sabihan lang ako agad kung kailan.

Heto pa. Before ako pumunta sa law office niya, bumili ako ng 2 cupcakes for him. Wala lang. Sinubukan ko lang maging sweet. Binigay ko sa kanya.

Pagdating ng hapon, ni-upload ng mokong ang pic ng cupcake sa fb niya. Sabi pa niya "Thank you Atty. (name ko). Looking forward to work with you."

Kilig na kilig ako deep inside.  ;D  ;D  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close