Author Topic: Repressed feelings for a long time  (Read 6971 times)

young_maiden

  • Guest
Repressed feelings for a long time
« on: August 14, 2016, 12:38:55 pm »
Hi mga sis and bros. Dito lang ako ulit magkwento sa GT about this kind of topic. Hindi kasi talaga ako open sa ganito sa totoong buhay eh. Need ko lang mailabas kahit dito sa GT lang. I am sure iyong iba ditong mga sis and bros natin nabasa na ang kwento ko lalo na iyong madalas sa UNSAID FEELINGS thread at sa HAVE YOU EVER SECRETLY LOVED SOMEONE? thread. Naisip ko lang gumawa na ng sariling thread para mas ma-express ko lahat at mas madami ako matanggap na comments at payo. I think I know what to do naman. I just need to express everything. Dito na lang sa WE'VE GOT MALE board ha. Need ko din ng comment ng mga guys dito eh. Patawad kung mahaba ang story. Napost ko na ito sa have you ever secretly loved someone thread. I just copied and pasted tapos may konting edits at dagdag.


I have been liking my guy friend for three years now. Classmates kami nung nasa 3rd yr na ako sa law school. First time ko pa lang siya nakita, napaka-cute niya na sa mga mata ko. Hindi siya saksakan ng gwapo pero ewan ko ba bakit ang lakas ng dating niya sa akin. Kinaibigan ko siya. Ako talaga nag initiate ng friendship namin. Pag may mga questions ako na school-related, siya agad ni-PM ko. Sa tuwing nakakasalubong ko siya sa library, binabati ko siya. Buti na lang he is not the kind of person na ang tingin sa akin feeling close. Tinanggap niya pagiging friendly ko hanggang sa naging friends na nga kami. Sa una nga KUYA pa tawag ko sa kanya kahit 1 year ahead lang siya sa akin para lang di niya ako mahalata. Sobrang magkasundo kami at we confide sa isa't isa.

Hindi ako iyong tipong mabilis magkagusto sa lalaking kaibigan. Laging platonic. Pero siya iba talaga eh. Matinding attraction. No girlfriend since birth pa siya. Never naranasan manligaw. Kaya ang lakas ng loob ko hangaan siya. Nerd kasi siya. Puro aral at computer games lang inaatupag niya.

Our common friends would tease us na bagay daw kami. Kami naman tatawanan o sasakyan lang ang asaran. Naisip ko nga buti pa mga friends namin nakikita chemistry namin. Bakit siya hindi niya makita? Aware naman ako sa simula pa lang na wala talaga chance maging kami. Wala naman siya ibang gustong girl. Nerd lang talaga siya o hindi marunong manligaw. Aware din ako na friend lang talaga tingin niya sa akin. Pero ako heto di mawala like ko sa kanya. Kahit ngayong lawyers na kami, siya pa rin gusto ko. Paminsan-minsan nagkakagusto din ako sa ibang guys pero hanggang doon lang. Pagdating sa kanya, mas malakas nararamdaman ko. Gustuhin ko man siya maging boyfriend, wala din mangyayari dahil siya mismo ayaw niya. Wala naman siya moves na ginagawa to make me feel na romantic na tingin niya sa akin. Platonic lang din.

Proud nga ako sa sarili ko na kayang kaya ko itago nararamdaman ko sa kanya. Hindi niya alam at hindi rin niya ako nahahalata. Pati mga friends namin hindi alam. Nagkukwento din ako sa kanya ng iba kong crush para di niya ako mahalata. Mas gugustuhin ko na lang magsinungaling kaysa mabisto nila ako. Natatakot kasi ako na pag nalaman niya nararamdaman ko, umiwas siya sa akin. Mas hindi ko kakayanin iyon.

Tama lang din talaga na di ko sabihin di ba? Very risky eh. Pero ok lang kaya kung iparamdam ko sa kanya? Kaso ang mokong di marunong magbasa ng moves ng babae. Dati nga sinabi ko sa kanya ng pabiro na ang gwapo niya kaya dapat siya na ang crush ko. Ngumiti lang siya. Akala niya yata nilalandi ko lang siya.

Alam ko gasgas na ang tanong na ito at naitanong ko na ito dito dati pa pero tatanungin ko pa rin: PAANO BA MAALIS SA FRIEND ZONE ANG BABAE?

I am wishing na sana dumating na iyong guy na papalit sa kanya at sana this time mutual na. Sana dumating na ang araw na hindi na ako kinikilig kay friend. Sana dumating na ang araw na hindi ko na siya namimiss. Madali makipagplastikan sa kanya pero SOBRANG HIRAP MAKIPAGPLASTIKAN SA SARILI KO.  :'(  :'(

Nagfofocus na lang ako sa career ko para di ko siya masyado maisip pero I won't deny na namimiss ko siya. :(



redberry12

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #1 on: August 14, 2016, 03:51:31 pm »
Mas maganda mo gawin is gawin mong Best Friend Zone and zone niyo. Mas madali na from there. Isipin mo na lang na mas maswerte ka kasi nakakasama mo ang secret love mo hindi katulad ng ibang tao na ganon na lang un.. secret..

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #2 on: August 14, 2016, 04:56:41 pm »
^ Thank you sis. Buti na nga lang galing ko magtago kaya madali for me makasama niya. Pwede na ako makakuha ng best actress award. Hehe. :)

MedChic

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #3 on: August 14, 2016, 05:02:42 pm »
Sis, hindi naman sya gay?

Sa tagal ng friendship ninyo, wala syang nakwentong nagustuhang babae?

Mahirap ang friendzone, kung ako yan.. Ill tell him straight. Para masabi ko na nagawa ko na ang lahat. Maka move on na kung kailangang maka move on.

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #4 on: August 14, 2016, 07:20:52 pm »
^ Hi sis. Hindi naman siya gay. Sure ako dyan.

Hindi siya palakwento about lovelife eh. Never siya nagbanggit kung may crush siya o prospect. Pero madalas siya magjoke na naghahanap siya ng pagmamahal. Tingin ko sa joke na iyon half-meant. I think he is just searching for the right girl. Hindi lang siya makakita. Hindi man lang siya mag effort kahit konti. Kahit makipagdate o maghanap sa tinder wala. Puro aral lang kasi siya noong law school days namin. Ngayon puro work naman siya.

Kung pwede lang sabihan ko siya na pwede naman ako, ginawa ko na. :)

shinies

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #5 on: August 15, 2016, 03:31:14 pm »
Depende sa risk apetite mo, eto mga pwede mo pagpilian:

1. Wala kang gagawin hanggang makahanap siya ng iba o makahanap ka ng iba pero magkaibigan pa din kayo.

2. Aamin ka (kung di ka maria clara na kailangan lalaki ang gagalaw) at
2.1 Magiging kayo
2.2 Di na kayo friends
2.3 Liligawan mo siya  ;D
2.3.1 Magiging kayo
2.3.2 Lalayuan ka niya

3. Antayin mo mainlove siya sayo (pwedeng forever) at habang nagaantay eh magkaibigan pa din kayo


Sigurado ka ba like lang yan? Kasi kung like lang eh di naman na dapat maging problema. Pwede naman maenjoy ang paglike sa isang tao..

Pero kung mahal mo na... tandaan mo, LIFE IS SHORT. Minsan lang sa buhay dumaan mga ganyang klaseng tao na may mararamdaman kang matindi. Sigurado pagsisisihan mo na wala kang ginawa. "Love is a risk but the rewards outweigh the risks tenfold, possibly more."

IamMarieLove

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #6 on: August 15, 2016, 04:10:42 pm »
Mahirap ang friendzone, kung ako yan.. Ill tell him straight. Para masabi ko na nagawa ko na ang lahat. Maka move on na kung kailangang maka move on.

Super agree ako dito sis. I think nasabi ko na sa other thread mo sis Young_maiden na kung ako nasa shoes mo sasabihin ko na yong feelings ko. Taking risks para pagbumitaw na ako wala akong what ifs na hindi ko nagawa ang ganito ganyan. Para kapag tatalikod na ako wala ng balikan. Mahirap kasi kapag nasa cycle ka ng friendzone paulit-ulit na lang. And ano naman kung iwasan ka niya after or mawala ang friendship, bakit wala ba talagang nagbago simula ng nadevelop mo ang ganyang special feelings.

You are asking sis kung paano maka-move on sa friendzone, eh ikaw ba how willing are you na makawala sa friendzone? can you imagine yourself in that situation for the next 5 years of your life?

Nangyari na to sa akin sis, almost exactly talaga. 4 years super close friendship as in super and one day I just woke up feeling ko gusto ko na siya. Di ko kaya magpretend eh, hirap kaya magpretend na happy kahit na nasasaktan ka na. So I told him what I felt, we talked and kahit di mutual yong feelings namin at least alam ko sa sarili ko na nagawa ko na ang mga dapat kong gawin. Noong bumitaw ako, alam ko sa sarili ko na wala ng balikan.

Now, were still friends, I've moved on and happy :)

Sis shinies, ang galing parang enumeration ng pwedeng mangyari. Pero true, life is short so we must make the most out it talaga :)

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #7 on: August 15, 2016, 04:37:53 pm »
@shinies

Naku. Mukhang nasa maria clara level pa ako sis. Hehe. Pero salamat sa payo. Perfect time sana for us kasi pareho kami single. Wala naman masama kung maging kami. Walang magagalit. Kaso wala pa ako lakas umamin sa kanya eh. Ang kaya ko lang siguro gawin iyong i-express through actions ang feelings ko. Kung bigyan ko kaya siya ng gift sa birthday, mahahalata niya ako?

@IamMarieLove

Saludo ako sa tapang mo, sis. Sana makaya ko din gawin iyan. Salamat sa pagshare ng story mo. :)

IamMarieLove

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #8 on: August 15, 2016, 04:46:32 pm »
^Alam mo sis, MAria CLara din ako before but nakakapagod na. Baka someday sis it will burst naturally. Baka dumating yong time na may mag trigger sayo para masabi mo yong true feelings mo.

And sis hindi ako naniniwala na manhid yong friend mo, baka nagpapakiramdaman lang kayo and both of you are waiting for the right time? Hirap mag-assume sis noh kasi pwede rin naman na misinterpret yong actions, the way lang talaga is mag-usap kayo.

"Kung bigyan ko kaya siya ng gift sa birthday, mahahalata niya ako?


Lagi ka bang nagbibigay ng gift? Kung yes parang hindi niya mahahalata na may feelings ka kasi ang dating parang normal lang na nagbibigay ka ng gift.

Mahahalata lang niya if you do something you haven't done before or do something na usually hindi ginagawa ng isang kaibigan lang. :)

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #9 on: August 15, 2016, 05:27:36 pm »
^ First time ko lang siya bibigyan sa birthday niya sa sunday kung magkita kami. Sana magawa ko. Huwag na sana umepal si hiya. Wala rin kasi akong nabalitaan na girl na may nagkacrush sa kanya o nagpahiwatig na paghanga sa kanya. Sana ako na ang first. :)

Girltalker2

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #10 on: August 16, 2016, 07:09:42 am »

TS, 3 years. Ang tagal ah.

When it comes to telling feelings to a guy, Maria Clara parin ako.

lagi ba kayo magkasama? Na kayo 2 lang? Natanong ko Lang kasi in these situations, puedeng puede ka dumiskarte. Diskarte but not confessing. Like take advantage of your closeness (emotional) , nurturing your Friendship, kwentuhan about love life. Puede mo sya kilalanin pa ng mabuti para malaman mo style nya at Kung may Pag Asa ka In case you confess.

Sa mga Not serious na usapan with him , you can ask him naman Kung puede ka May pakilala na girl, Ano type nya. Tapos Ikaw naman kunwari May iba ka gusto Ano Ma suggest nya. This can help you understand him more. Hindi Yun iniisip mo Yung na f feel mo Lang at gugulatin mo lang sya with a gift or sa pag sabi

Para sakin so Long as friends ako, I will take effort nurturing that friendship. Yayain ko sya madalas lumabas as friends. Aalamin ko weaknesses nya, Kung right guy ba sya maging bf, etc. Hayaan ko din na magkagusto sya sakin.

Parang in a sense make your presence known by being together lagi (as friends, no intimacy). Para nababantayan mo din Baka may iba nang dumi diskarte at di mo pa alam :))

Now the question Kung Gano katagal ka need magtimpi. Para sakin, as Long as it takes. Pag hirap nako, will find crushes, mingle din with others (at least may makwento ako sa kanya na may ka date ako etc). Alam mo minsan di ka nya mapansin Pero once makita nya May manliligaw sa Ito na iba, Baka Ma realize nya na babae ka din pala :))

 
Opinion ko lang naman Ito.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #11 on: August 16, 2016, 10:18:28 am »
Tama, LIFE IS SHORT! Kung ako medyo susundutin ko na ng mga tanong about lovelife. Kasehodang makapansin na sya. Hirap din kasi ng bitin eh. I mean, you can not wait forever for him. Baka tumanda ka na naghihintay ka pa rin. If I were you, I will make it known. So that you can either move on or have your pinakahinintay na forever with him. Eh kung ako nga nasa sitwasyon mo didirechahin ko na ng bonggang bongga....lol!

dismembered

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #12 on: August 16, 2016, 03:00:05 pm »
Ang sa akin lang sis. Gaano mo sya kagusto? Kung gustong gusto mo sya, take ka na ng risk. Let him know na gusto mo sya. If ayaw nya, then time to move on. Ang mahirap kasi nyan, baka kahit may dumating na "someone" sa buhay mo, eh hindi mo sya makikita dahil nakatuon ka pa rin dyan sa friend mong gusto mo. Life is short. If malalaman mong wala ka naman talagang pag asa na maging kayo, syempre you'll save a lot of time and emotions na ma-invest mo sa kanya. That way ma-prevent mo din yung sarili mo na mas lalong ma disappoint or ma broken-hearted kapag mas naging stronger yung feelings mo. Mahirap yang situation mo sis. Maghintay sa bagay na hindi mo naman sigurado kung meron ba talaga.

IamMarieLove

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #13 on: August 16, 2016, 04:54:22 pm »
and I couldn't agree more..

By the way sa mga guys, gusto ko lang itanong ano yong mararamdaman niyo kapag nag-confess ang isang babae sa inyo or yong bestfriend niyo?

dismembered

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #14 on: August 16, 2016, 05:19:20 pm »
^ Case to case basis. Same lang din siguro sa ginagawa ng girls. Kung gusto din namin si bestfriend, eh di mutual understanding. Kung talagang as friend lang sya, siguro we'll make a way para i-keep yung friendship as much as possible. Mahirap man, pero wala eh ganun talaga :(

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #15 on: August 16, 2016, 06:46:27 pm »
@Girltalker2

Sis, I agree sa opinion mo na never umamin sa lalaki ng feelings kahit kailan. Magkasundo tayo dyan. Kaya nga paminsan minsan I go out with other guys o nagkakacrush ako ng slight sa ibang guys para di ako focused masyado sa friend ko.

Sa tanong mo naman kung lagi ko ba siya nakakasama na kaming 2 lang, OO ang sagot ko. Marami na instances na nakakasama at nakaka-usap ko siya na kaming 2 lang. Pag nangyayari iyon, kilig na kilig ako deep inside eh. Sobrang magkasundo kami at click kami palagi sa mga conversations namin.

Nagkukwento pa nga ako sa kanya about other guys para di ako mahalata. Wala man lang sign na nagselos siya ever. :(

@kvandehaak

Thanks for encouraging me. Pahawa naman ng courage mo. Hehe. Balak ko nga pag nagkita kami ulit asarin ko siya kung kumusta lovelife niya. Puro reklamo kasi iyon na single siya. Tapos from there, we will see.

@dismembered

Hi, bro. :)

Kahit hindi ko naman yata aminin, parang walang pag-asa eh. Kung meron sana noon pa di ba. Saka kaya takot din ako umamin dahil baka mauwi kami sa friendship over. Sayang. Sobrang kasundo ko iyon sa lahat ng mga bagay eh.

Since ang hilig nga niya bumanat na naghahanap siya ng pagmamahal, meron 10% sa akin na nag iisip na kung sinabi kong pwede ko ibigay sa kanya iyon, papayag siya at magiging mutual ang feelings. 90% duwag mag confess dahil baka mareject.

Waah. Ang gulo ko.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #16 on: August 16, 2016, 10:16:29 pm »
^Sabihin mo lang pag nagsabi tungkol sa lovelife nya ganito, "Eh reklamo ka ng reklamo pero wala ka namang ginagawa! If I were you, just approach girls, take chances, baka naman naghihintay lang din yung girl?" And see how he reacts. Ang sarap asarin ng mga ganyan. Kakilig!

shinies

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #17 on: August 17, 2016, 04:11:42 pm »
Baka alak lang kailangan mo sis ::)

argento

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #18 on: August 17, 2016, 10:15:52 pm »
kung ako si TS i'll keep it to myself na lang.

young_maiden

  • Guest
Re: Repressed feelings for a long time
« Reply #19 on: August 18, 2016, 02:35:57 pm »
^ LOL. Iyon na nga ginagaw ko bro. Tagal na nga nakatago eh.

@shinies:

Sis, pareho kami hindi umiinom ng alak. :D

I miss him. Almost 2 months ko na siya di nakikita sa personal. :(

@kvandenhaak

Subukan ko sis. Hehe. Sana magpaparty siya sa birthday niya sa sunday. Pag narinig ko pa siya bumanat na naghahanap siya ng pagmamahal, sasabihan ko na siya niyan. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close