Author Topic: I don't trust my husband  (Read 4022 times)

shinies

  • Guest
I don't trust my husband
« on: June 27, 2016, 05:56:05 pm »
I signed up to ask for inputs... kung normal pa ba ako o OA na..

2 years na kaming kasal tapos 4 years na BF GF. Nung bago pa lang kami, may mga bagay na di niya sinasabi sa akin kasi di naman daw ako involved. We both agreed to have open communication from then on.
Kaso, hanggang ngayon, may mga importanteng bagay pa din siya na hindi sinasabi unless I ask or unless the topic comes up. Di ko alam ano pa sinasarili niya tapos minsan pag down talaga ako, di ko sigurado kung kilala ko ba siya talaga..
During these cases, I don't feel like his wife. Parang ibang tao lang din ako para sa kanya if he wouldn't share his burdens with me.

May mga naging issue din kami sa pagiging close niya sa mga babae. He was way too friendly with his ex when we were new pero di na sila friends ngayon.
He was way too friendly naman with his officemates when we were newly married pero di na sila close ngayon.
Dahil dito, I became a jealous wife. Hindi talaga ako nagseselos noon kahit pa sa mga ex ko. Ngayon, lagi ako nagoobserba. I try not to make mistakes kasi nung may mga problema siya sa akin, parang naghahanap siya ng comfort sa "friends" na babae.

Our sex life is also not that great since we got married.. Sabi niya kasi may UTI ako kaya zero foreplay sa akin. May sakit din siya kaya less frequency na. I understand these but what hurts me is he sometimes looks at porn and he has a favorite porn star.
Wala akong issue na nagporn ang lalaki. Ang issue lang sa akin ay bakit kaya pa tumingin pero pag sa akin, wala effort?

I am far from perfect. Madami kami naging adjustments dahil bagong kasal. Inaayos namin lahat ng problema. Until now, I'm still trying to be a better wife for him.

Tama ba yung feeling ko na napakalaking issue yung communication (or lack thereof)?
Lagi ko siya tinatanong, he would always say nothing is wrong. Pag nag-away kami, saka lang lalabas yung mga ayaw niya sa akin..

I want to 100% trust him again pero lagi may bagay na ikagugulat ko dahil di niya sinasabi agad. Hinahanap ko ano yung mga tinatago niya sa akin. Binabantayan ko na walang masyadong close sa kanyang babae. Halos maging porn star na din ako just to seduce him.

Overall, we are happy together naman and we're both committed to work hard on our issues. Itong mga sinabi ko ang imperfections ng marriage namin.

I try reading articles online and I try applying the instructions pero selosa pa din ako, nahuhurt pa din ako, di ko pa din mabalik yung dating tiwala ko. It's like an endless battle between my mind and my heart.
Ano ang dapat gawin?

yannuh

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #1 on: June 28, 2016, 06:36:54 am »
^sis natanong mo ba sya anong reason bakit sya nagkekeep ng secrets from you? baka one time accidentally mong nahurt yung ego nya while trying to share something baka lang kasi yun ang naging cause kung bakit nagtatago sya ng madalas sayo.

Yes sis sobrang malaking issue pag walang open communication ang couple. Di mo na kasi alam kung anon tumatakbo sa isip nya, anong gusto or ayaw nya. Nagtry na ba kayong mag-usap ng seryosohan? Nasabi mo na ba sa kanya lahat ng mga nararamdaman mo?

patriciaheart

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #2 on: June 28, 2016, 10:15:16 am »
Tagal ko rin natutunan ito pero for me hinde ko na problema kung nag ccheat sya, dahil it will be HIS problem pag nahuli ko ( concrete proof ). I also don't go sniffing around (less stress) unless siguro kung  naapektuhan na finances namin or time nya sakin at anak namin.

You can find a lover too kung tutuusin but you have morals etc so wag mo gawin, but its different sakanila lalo na pag noon palang eh he enjoys the company of other people. If you are jealous,make it known (right mo yun) but make sure nasa lugar ka.

dismembered

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #3 on: June 28, 2016, 05:45:29 pm »
Quote
Tagal ko rin natutunan ito pero for me hinde ko na problema kung nag ccheat sya, dahil it will be HIS problem pag nahuli ko ( concrete proof ). I also don't go sniffing around (less stress) unless siguro kung  naapektuhan na finances namin or time nya sakin at anak namin.

I agree with this. Everything is not under our control. So do your part lang to make him happy and hopes na he'll do the same.

Sa totoo lang, mahirap maghanap ng secret na hindi mo naman alam yung secret. Mahirap maghanap ng hindi mo naman alam ang hinahanap. So focus na lang on the bright side. Asawa mo yan eh.

BTW - Ano connection ng UTI sa foreplay? Forever na bang walang foreplay? Gumagaling naman ang UTI ah.

simang

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #4 on: June 28, 2016, 06:53:07 pm »
I am far from perfect. Madami kami naging adjustments dahil bagong kasal. Inaayos namin lahat ng problema. Until now, I'm still trying to be a better wife for him.

Paano mo nasabing far from perfect ka? Can you give us a view lang of how you are as a wife? What are you doing to be a better wife for him?

Quote
Overall, we are happy together naman and we're both committed to work hard on our issues. Itong mga sinabi ko ang imperfections ng marriage namin.

Paano mo nasabing happy kayo? What do you guys have/do that makes your marriage a happy one? How do you work on your issues?

You don't have to answer my questions in this forum, just ask them yourself. If alam mo ang sagot, objectively, baka may mahanap kang way para mas maging honest sayo ang asawa mo (or mas maging less suspicious ka, whichever is your main problem).

Anyway, I suggest you try reading The Secrets of Fascinating Womanhood. Just give it a try.

yannuh

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #5 on: June 29, 2016, 07:27:37 am »

BTW - Ano connection ng UTI sa foreplay? Forever na bang walang foreplay? Gumagaling naman ang UTI ah.

baka mas prone si TS magkaUTI during foreplay. Suggest maghugas ng kamay mabuti si hubby HAHAHAHAHA

shinies

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #6 on: June 29, 2016, 01:37:46 pm »
Thank you sa mga input niyo!

Di ako makasagot kasi daw bago pa lang pero ok na kailangan lang pala magpost sa iba..

^sis natanong mo ba sya anong reason bakit sya nagkekeep ng secrets from you? baka one time accidentally mong nahurt yung ego nya while trying to share something baka lang kasi yun ang naging cause kung bakit nagtatago sya ng madalas sayo.

Yes sis sobrang malaking issue pag walang open communication ang couple. Di mo na kasi alam kung anon tumatakbo sa isip nya, anong gusto or ayaw nya. Nagtry na ba kayong mag-usap ng seryosohan? Nasabi mo na ba sa kanya lahat ng mga nararamdaman mo?

Yung sa mga personal issues niya, hindi naman daw kasi ako involved.
Yung sa mga issues niya sa akin, hindi daw kasi ako open. Totoo yun pag wala ako sa mood. Pero pag ok naman mood ko at lagi ako nagtatanong sa kanya, wala daw o kaya nakalimutan na niya. Susulput na lang pag nag-away kami. Feeling ko tuloy parang contest na di ako pwede magalit sa kanya kasi may tinatagong galit pala siya sa akin.
Nasuggest ko na isulat niya para di makalimutan, di naman ginagawa. Nung BF GF kami, ginagaw namin ito. Ngayon wala na.

Lagi kami naguusap ng seryosohan at alam niya lahat lahat ng nararamdaman ko. Pero mas pinipili niya wag magsabi dahil diyan sa mga reason na yan. Ang dating tuloy parang oo lang siya ng oo na magcocommunicate na pero pag andiyan yung issue, di niya gagawin kahit alam niyang masasaktan ako.

Pinakiusapan ko ulit siya, oo daw ulit..

Tagal ko rin natutunan ito pero for me hinde ko na problema kung nag ccheat sya, dahil it will be HIS problem pag nahuli ko ( concrete proof ). I also don't go sniffing around (less stress) unless siguro kung  naapektuhan na finances namin or time nya sakin at anak namin.

You can find a lover too kung tutuusin but you have morals etc so wag mo gawin, but its different sakanila lalo na pag noon palang eh he enjoys the company of other people. If you are jealous,make it known (right mo yun) but make sure nasa lugar ka.

Yan talaga yung gusto ko maachieve. Madalas yan ang outlook ko at nagagawa ko naman mga 1 month yung pinakamatagal. Pero pag nadown ako, ayun... Babalik ulit sa paghahanap :-[ Yung totoo, ayaw ko na maging ganitong klaseng partner pero pag biglang may susulpot na tinago niya o kaya naiba sa alam kong totoo, hanap nanaman..

Sis, ano yun, practice lang? Oras lang kailangan para marating yung ganyan? Ano ginagawa mo pag may relapse o malapit na magrelapse?

Golden rule ko fidelity so di ko talaga gagawin yan maghanap ng iba.

Enjoy company of others lagi niya sinasabi na hindi pero kung kailangan, makikisama siya. Pero yung gaya sa issue sa ex niya noon, tinago pa sa akin mga messages pero nalaman ko pa din. Sabi lang niya nakalimutan daw niya yung issue dun.
Kaya yung trust ko di ko mabalik iba yung sinasabi sa ginagawa.

Alam niya na selosa na ako dun sa mga babae na naging close siya. Pinagsisihan niya na ginawa niya akong selosa.
Wala akong issue kung normal yung pakikitungo niya sa iba pero pag nakikita ko na special na eh yun dun na pumpasok yung selos. Tingin ko, nasa lugar pa naman?

I agree with this. Everything is not under our control. So do your part lang to make him happy and hopes na he'll do the same.

Sa totoo lang, mahirap maghanap ng secret na hindi mo naman alam yung secret. Mahirap maghanap ng hindi mo naman alam ang hinahanap. So focus na lang on the bright side. Asawa mo yan eh.

BTW - Ano connection ng UTI sa foreplay? Forever na bang walang foreplay? Gumagaling naman ang UTI ah.

Thank you. Oo, I am doing what I can and we both agree na we're better naman na ngayon.
Mahirap pero mas nagiging giving ako ngayon. Dati kasi feeling entitled dahil mahal niya ako at kasal kami, pero ngayon sobrang effort ko talaga maging generous.
At oo, nakikita ko naman he's doing the same.

Alam ko din na kailangan talaga yung focusing on the bright side. Pero kailangan ko ng solusyon pag may relapse ako. Kinukulang ako ng self-control. Minsan iniisip ko kung dapat ba ako kumuha ng professional help? Dito kasi sa Pinas, ginagawa lang yun kung baliw ka na :-\

Napansin kasi niya na nagkaka-UTI ako pagkatapos ng sessions namin. Ok lang dati kasi nga gumagaling saka kaya ng gamot. Eh ang kaso, naospital ako at dun siya naging desidido na wala na lang kesa magkasakit ako.
Ngayon, minsan lang niya gagawin tapos sandali pa saka kung ipapagawa ko lang sa kanya. Voluntary? Wala. Zero. Mas hot sana kung siya mismo di ba yung tipong di napipilitan. Nakakainis na kailangan ko pa "hingin" eh dati sobrang voluntary naman siya.

Paano mo nasabing far from perfect ka? Can you give us a view lang of how you are as a wife? What are you doing to be a better wife for him?

Paano mo nasabing happy kayo? What do you guys have/do that makes your marriage a happy one? How do you work on your issues?

You don't have to answer my questions in this forum, just ask them yourself. If alam mo ang sagot, objectively, baka may mahanap kang way para mas maging honest sayo ang asawa mo (or mas maging less suspicious ka, whichever is your main problem).

Anyway, I suggest you try reading The Secrets of Fascinating Womanhood. Just give it a try.

Wala naman talaga perfect sa mundo :)
Nung bago kami, may sense of entitlement kami pareho na kailangan pagsilbihan ang isa't isa. Tapos kulang sa appreciation. So natuto na kami na hindi ganon and we should serve each other and show gratitude.

Masungit din kasi akong tao lalo pag meron ako.. Eto yung struggle ako macontrol pero ngayon ok na with the help of contraceptive drugs. Mas mindful na din ako sa pakikitungo sa kanya lalo kung may extreme emotion. Dati basta sasabog lang..

Kung san san ako nagsubscribe sa internet mga gumagawa ng articles pano maging better partner. Binasa ko din yan book saka inapply ko. Effective naman so far :)

Good question. We feel it and we can see it.
Meron din happiness check magtatanong kung masaya ba at ano mga kailangan baguhin o kaya mga nakakainis na ginagawa namin. Consistent kami we still have fun like we used to nung BF GF days. Lagi din kami malambing sa isa't isa saka nagdadate pag weekends. Todo support sa isa't isa etc.

Pag may issue, maguusap kami at paguusapan ano ang solusyon o compromise. Kung magkaron ulit ng issue, pareho man o hindi, ulit lang din magusap at maghanap ng ano dapat namin gawin.

Siguro ang pinakamalaking issue ko ay yung takot na maulit yung mga nangyari. Kaya parang nakabantay ako sa aming dalawa na hindi na namin magawa yung mga pagkakamali namin noon.
Yung ayaw ko na magulat pa. Segurista ba. Kung may pwede ako gawin para di na mangyari, gagawin ko. Mga ganun..

Madali kasi sabihin na let go and move on. Mahirap gawin. Dapat ba shut down emotions para magawa yun?

baka mas prone si TS magkaUTI during foreplay. Suggest maghugas ng kamay mabuti si hubby HAHAHAHAHA

He does pero nagkasakit nga kaya ayaw niya na lang ng foreplay. Di lang naman yan ang cause sabi ng doctor.
Naintindihan ko naman san siya nanggagaling. Alalang alala siya nung naospital ako. Pero may needs din naman ako.. Eh ayaw niya talaga kahit nakailang usap na kami.

Siguro wala pa ako sa point na matanggap ito pero dadating din dun. Magsasariling sikap na lang haha!

patriciaheart

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #7 on: June 29, 2016, 05:22:06 pm »
Sis, ano yun, practice lang? Oras lang kailangan para marating yung ganyan? Ano ginagawa mo pag may relapse o malapit na magrelapse?
-- Yes sis practice lang, in the long run habit mo na yan na wag pansinin. I am glad na tinatry mo naman. Wala,sawa na kasi ako masaktan at feeling ko hinde ko ikakaganda ang pag seselos, yelling, nagging, snooping. Bale be mindful of triggers, ilista mo yung nag ttrigger sayo ng selos at iwasan mo. Pag na trigger ka, ibahin mo focus mo. .

Nakatulong sakin ito --> Isipin mo ang pinag kaiba ng legal wife sa kabit. -- This applies to some,not all -- Ang kabit masaya na bumabalik  sakyanya yung lalake dahil hinde naman sya sigurado kung babalikan pa sya kasi kabit lang sya eh so tatanggpin nya with open arms with landi, kahit na alam nya sabit sya, kahit na in the back of her mind baka maysabit ring iba..ang legal wife naman na selosa pag uwi eh kung ano ano tatanugnin, mainit ulo kasi kesyo ganito ganyan-- see the difference kung sino gusto uwian ng lalake.

Pero sis out of line na yung harap harapan bastusan,yung may solid proof kana tapos habulin mo pa sya para maging kayo ulit. If you don't mind sharing re: treating others special, as in mas inuuna nya pa kapakaan ng iba kaysa sayo? or lagi nya kinakausap tapos tinatago nya yung conversations?

shinies

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #8 on: June 29, 2016, 06:37:52 pm »

Maraming salamat sis! Isave ko ito at gumagawa na ako ng listahan.
Gaano katagal inabot nung experience mo bago ka naging successful?

Nakatulong sakin ito --> Isipin mo ang pinag kaiba ng legal wife sa kabit. -- This applies to some,not all -- Ang kabit masaya na bumabalik  sakyanya yung lalake dahil hinde naman sya sigurado kung babalikan pa sya kasi kabit lang sya eh so tatanggpin nya with open arms with landi, kahit na alam nya sabit sya, kahit na in the back of her mind baka maysabit ring iba..ang legal wife naman na selosa pag uwi eh kung ano ano tatanugnin, mainit ulo kasi kesyo ganito ganyan-- see the difference kung sino gusto uwian ng lalake.

Nabasa ko iyan at talagang ginagawa ko din. Actually, mas nagpapaganda pa ako pag malapit na siya makauwi haha!

Pero sis out of line na yung harap harapan bastusan,yung may solid proof kana tapos habulin mo pa sya para maging kayo ulit. If you don't mind sharing re: treating others special, as in mas inuuna nya pa kapakaan ng iba kaysa sayo? or lagi nya kinakausap tapos tinatago nya yung conversations?

Oo yung lagi nakikipagusap sa iba, ginawa niya sa kaopisina niya. Mas inuuna pa kaysa sa akin. Halos seenzoned lang ako eh yun pala may kausap na iba at hindi tungkol sa trabaho ha.
Tapos di rin nagsasabi kung nakarating sa office ng maayos. Nag-aalala kasi ako kung walang message ng ilang oras baka kung napano na. Masyado daw busy pero pag dun sa kaopisina eh kayang kaya magmessage.
Tinigilan niya na ito nung napagawayan namin. Inexplain ko bakit hindi dapat ang dami ko pa articles sa internet! Naintindihan naman na daw niya at di na nakikipagclose sa mga babae sa opisina.

Yung pagtatago ng conversation, ginagawa niya yun sa ex niya. Nung unang pinagawayan namin yang ex niya, dinelete niya messages. Di na daw niya kinakausap at wala na siya balak. Pero pag may mga okasyon eh may pagreet greet pala tapos saka idedelete.
Tinigilan niya din nung nagaway kami. Niremind ko bakit issue yung sa ex niya tapos issue din yung effort na magdelete. Unfriend and blocked na niya simula nun.

Reason niya, friendship lang daw. Yung sa kaopisina kasi nga magkatrabaho sila. Yung sa ex, kasi daw friends sila. Tingin niya ok lang kasi wala naman daw ginagawa a.k.a di nakikipagkita at walang "nangyayari".
Buti na lang ang dami articles sa internet binigay ko sa kanya para maintindihan niya bakit issue yun lalo kasal na kami.

simang

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #9 on: June 29, 2016, 06:53:31 pm »
Ilang taon na kayo ng husband mo? Parang bata pa kayo. I think you're also very technical on being a 'good wife'. Sure nakakatulong ang mga articles na yan, but you also have to look at your partner's response and start from there.

The way you're describing your marriage, parang wala naman kayong masyadong problema. Pero ang dami mo din reklamo and hang ups. So are you guys genuinely happy in the marriage? Itong lack of trust, does it affect your dynamics as a couple, or talagang nasa isip mo lang?

shinies

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #10 on: June 29, 2016, 07:57:14 pm »

30 kami. Parang ang ginawa ko starting from scratch na wala akong alam sa pagiging misis at iapply yung mga napagaralan ko sa buhay ko. Receptive naman partner ko, happy, contented

Siguro adjustment phase gaya ng sinasabi ng iba pag bago pa lang?
Kaya din kinukwestyon ko kung bakit ako ganito at kung normal pa ba. Basta may surprise na kung ano eh bigla magiging emosyonal nanaman ako. Practice lang siguro gaya ni sis patriciaheart.

Masaya kami. Kung ba may mga ganitong issues at misunderstandings, ibig sabihin hindi pala?
Ginagawan ko ng paraan yung issues namin at pati issues sa sarili ko para mas maging ok kami. Kailangan ko lang siguro tanggapin na parte ito ng pagiging magasawa at ng buhay na hindi agad agad magagawa yung solusyon.

Yung lack of trust, halos sa akin lang. Di ako nagbi-beastmode pag nangyayari ito. Iprocess ko muna sa sarili ko bago ko siya lapitan at magusap.

ri-anne

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #11 on: June 29, 2016, 10:47:54 pm »
For me sis, kapag happy and contented ang couple, parang walang makikitang mali sa partner eh. Kahit na nakakalat yung mga medyas sa sahig, sasabihan siempre pero no biggie. Kasi mas maraming positive at masayang side na napanghuhugutan.

Pero kung yung opposite, aba kahit simpleng hindi lang nasara ng maayos yung toothpaste, nagiging big deal na at nauungkat na yung mga ibang issues bigla.

Although, talaga namang dumadaan sa problema yung mga mag-asawa, it's not all roses naman. But ang importante is how the couple work things out. At mukha namang napag-usapan nyo na yung issue nyo at ginagawa naman ng asawa mo ang part nya.

So kung masaya naman kayo, don't you think it's better na huwag na lang maghanap pa ng poproblemahin. Ilista mo na lang lahat ng mga positive traits ng asawa mo, at dun ka mag-focus. Alamin mo rin love language nya, at dun ka din mag-focus.

Work on the things that are within your control. Wala pa din siguro kayong anak? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?
Make yourself busy para ma-divert ang focus mo. Exercise, work-out or enroll sa gym.
Exercise gives you endorphins. Endorphins make you happy. (Lol. From Legally Blonde)

Good luck sis :)
« Last Edit: June 29, 2016, 11:10:50 pm by ri-anne »

shinies

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #12 on: June 30, 2016, 01:10:07 pm »

Salamat sis! Yun nga ang problema ko ayusin ko na lang perspective at magfocus sa mga +

Pag naulit na may biglang tinago o hindi sinabi, ulit lang din magusap at sana matutunan din niya magshare ng mga problema niya sa akin. Practice lang din siguro kung nasanay siya na sinasarili noon..

Nagtest din kami nung love language at inaapply na din :)

Wala kami anak. Trabaho tapos bahay lang kami tapos labas weekends.

Familiar nga Legally Blonde kahit di mo sabihin haha!

Totoo nagsstruggle ako sa exercise ngayon kasi kinukulang ako sa oras. Pero trying at sana magawa ko yung daily.

Maraming salamat sis! Kinailangan ko lang siguro maglabas ng sama ng loob pero klaro na ngayon sa tulong niyo :-*

yannuh

  • Guest
Re: I don't trust my husband
« Reply #13 on: June 30, 2016, 06:00:07 pm »
^glad to know naorganize mo na thoughts mo sis hihi:)

Latest Stories

Load More Stories
Close