Thank you sa mga input niyo!
Di ako makasagot kasi daw bago pa lang pero ok na kailangan lang pala magpost sa iba..
^sis natanong mo ba sya anong reason bakit sya nagkekeep ng secrets from you? baka one time accidentally mong nahurt yung ego nya while trying to share something baka lang kasi yun ang naging cause kung bakit nagtatago sya ng madalas sayo.
Yes sis sobrang malaking issue pag walang open communication ang couple. Di mo na kasi alam kung anon tumatakbo sa isip nya, anong gusto or ayaw nya. Nagtry na ba kayong mag-usap ng seryosohan? Nasabi mo na ba sa kanya lahat ng mga nararamdaman mo?
Yung sa mga personal issues niya, hindi naman daw kasi ako involved.
Yung sa mga issues niya sa akin, hindi daw kasi ako open. Totoo yun pag wala ako sa mood. Pero pag ok naman mood ko at lagi ako nagtatanong sa kanya, wala daw o kaya nakalimutan na niya. Susulput na lang pag nag-away kami. Feeling ko tuloy parang contest na di ako pwede magalit sa kanya kasi may tinatagong galit pala siya sa akin.
Nasuggest ko na isulat niya para di makalimutan, di naman ginagawa. Nung BF GF kami, ginagaw namin ito. Ngayon wala na.
Lagi kami naguusap ng seryosohan at alam niya lahat lahat ng nararamdaman ko. Pero mas pinipili niya wag magsabi dahil diyan sa mga reason na yan. Ang dating tuloy parang oo lang siya ng oo na magcocommunicate na pero pag andiyan yung issue, di niya gagawin kahit alam niyang masasaktan ako.
Pinakiusapan ko ulit siya, oo daw ulit..
Tagal ko rin natutunan ito pero for me hinde ko na problema kung nag ccheat sya, dahil it will be HIS problem pag nahuli ko ( concrete proof ). I also don't go sniffing around (less stress) unless siguro kung naapektuhan na finances namin or time nya sakin at anak namin.
You can find a lover too kung tutuusin but you have morals etc so wag mo gawin, but its different sakanila lalo na pag noon palang eh he enjoys the company of other people. If you are jealous,make it known (right mo yun) but make sure nasa lugar ka.
Yan talaga yung gusto ko maachieve. Madalas yan ang outlook ko at nagagawa ko naman mga 1 month yung pinakamatagal. Pero pag nadown ako, ayun... Babalik ulit sa paghahanap

Yung totoo, ayaw ko na maging ganitong klaseng partner pero pag biglang may susulpot na tinago niya o kaya naiba sa alam kong totoo, hanap nanaman..
Sis, ano yun, practice lang? Oras lang kailangan para marating yung ganyan? Ano ginagawa mo pag may relapse o malapit na magrelapse?
Golden rule ko fidelity so di ko talaga gagawin yan maghanap ng iba.
Enjoy company of others lagi niya sinasabi na hindi pero kung kailangan, makikisama siya. Pero yung gaya sa issue sa ex niya noon, tinago pa sa akin mga messages pero nalaman ko pa din. Sabi lang niya nakalimutan daw niya yung issue dun.
Kaya yung trust ko di ko mabalik iba yung sinasabi sa ginagawa.
Alam niya na selosa na ako dun sa mga babae na naging close siya. Pinagsisihan niya na ginawa niya akong selosa.
Wala akong issue kung normal yung pakikitungo niya sa iba pero pag nakikita ko na special na eh yun dun na pumpasok yung selos. Tingin ko, nasa lugar pa naman?
I agree with this. Everything is not under our control. So do your part lang to make him happy and hopes na he'll do the same.
Sa totoo lang, mahirap maghanap ng secret na hindi mo naman alam yung secret. Mahirap maghanap ng hindi mo naman alam ang hinahanap. So focus na lang on the bright side. Asawa mo yan eh.
BTW - Ano connection ng UTI sa foreplay? Forever na bang walang foreplay? Gumagaling naman ang UTI ah.
Thank you. Oo, I am doing what I can and we both agree na we're better naman na ngayon.
Mahirap pero mas nagiging giving ako ngayon. Dati kasi feeling entitled dahil mahal niya ako at kasal kami, pero ngayon sobrang effort ko talaga maging generous.
At oo, nakikita ko naman he's doing the same.
Alam ko din na kailangan talaga yung focusing on the bright side. Pero kailangan ko ng solusyon pag may relapse ako. Kinukulang ako ng self-control. Minsan iniisip ko kung dapat ba ako kumuha ng professional help? Dito kasi sa Pinas, ginagawa lang yun kung baliw ka na

Napansin kasi niya na nagkaka-UTI ako pagkatapos ng sessions namin. Ok lang dati kasi nga gumagaling saka kaya ng gamot. Eh ang kaso, naospital ako at dun siya naging desidido na wala na lang kesa magkasakit ako.
Ngayon, minsan lang niya gagawin tapos sandali pa saka kung ipapagawa ko lang sa kanya. Voluntary? Wala. Zero. Mas hot sana kung siya mismo di ba yung tipong di napipilitan. Nakakainis na kailangan ko pa "hingin" eh dati sobrang voluntary naman siya.
Paano mo nasabing far from perfect ka? Can you give us a view lang of how you are as a wife? What are you doing to be a better wife for him?
Paano mo nasabing happy kayo? What do you guys have/do that makes your marriage a happy one? How do you work on your issues?
You don't have to answer my questions in this forum, just ask them yourself. If alam mo ang sagot, objectively, baka may mahanap kang way para mas maging honest sayo ang asawa mo (or mas maging less suspicious ka, whichever is your main problem).
Anyway, I suggest you try reading The Secrets of Fascinating Womanhood. Just give it a try.
Wala naman talaga perfect sa mundo

Nung bago kami, may sense of entitlement kami pareho na kailangan pagsilbihan ang isa't isa. Tapos kulang sa appreciation. So natuto na kami na hindi ganon and we should serve each other and show gratitude.
Masungit din kasi akong tao lalo pag meron ako.. Eto yung struggle ako macontrol pero ngayon ok na with the help of contraceptive drugs. Mas mindful na din ako sa pakikitungo sa kanya lalo kung may extreme emotion. Dati basta sasabog lang..
Kung san san ako nagsubscribe sa internet mga gumagawa ng articles pano maging better partner. Binasa ko din yan book saka inapply ko. Effective naman so far

Good question. We feel it and we can see it.
Meron din happiness check magtatanong kung masaya ba at ano mga kailangan baguhin o kaya mga nakakainis na ginagawa namin. Consistent kami we still have fun like we used to nung BF GF days. Lagi din kami malambing sa isa't isa saka nagdadate pag weekends. Todo support sa isa't isa etc.
Pag may issue, maguusap kami at paguusapan ano ang solusyon o compromise. Kung magkaron ulit ng issue, pareho man o hindi, ulit lang din magusap at maghanap ng ano dapat namin gawin.
Siguro ang pinakamalaking issue ko ay yung takot na maulit yung mga nangyari. Kaya parang nakabantay ako sa aming dalawa na hindi na namin magawa yung mga pagkakamali namin noon.
Yung ayaw ko na magulat pa. Segurista ba. Kung may pwede ako gawin para di na mangyari, gagawin ko. Mga ganun..
Madali kasi sabihin na let go and move on. Mahirap gawin. Dapat ba shut down emotions para magawa yun?
baka mas prone si TS magkaUTI during foreplay. Suggest maghugas ng kamay mabuti si hubby HAHAHAHAHA
He does pero nagkasakit nga kaya ayaw niya na lang ng foreplay. Di lang naman yan ang cause sabi ng doctor.
Naintindihan ko naman san siya nanggagaling. Alalang alala siya nung naospital ako. Pero may needs din naman ako.. Eh ayaw niya talaga kahit nakailang usap na kami.
Siguro wala pa ako sa point na matanggap ito pero dadating din dun. Magsasariling sikap na lang haha!