Hi mga sis! Bubuhayin ko lang tong thread na to.

Sorry for the long post.
Nung April 2017 pa wedding namin. Of course, masaya nung wedding day. Pero pag medyo nag-die-down na yung wedding high, may mga regrets na. Medyo marami pero yung iba dito is connected sa "kung saan ba kami sana puede pa nakatipid?" and yung iba naman is just me being OC.
-Souvenirs -- bumili pa kami ng parang bottle openers na nagmatch sa theme namin. in the end, ang dami ring tira. I should have listened sa advice ng ibang mga sis na enough na yung photobooth. Thankfully, nadistribute naman namin sya sa guests namin dun sa 2nd (provincial) reception.
-Cake upgrade -- ok na sana yung three-tier na lang since may nakita ata ko dun sa album ng cake supplier na beach-themed cake. Pero si then-fiance, sobrang nagandahan sya dun sa cake na nakita namin online so pinagaya pa rin namin. buti na lang marami nagpicture dun sa cake. Hehe.
-Table styling -- Although basic lang naman yung gusto namin sa styling, medyo nagworry ako na baka super basic ang tingin ng guests. Ang peg lang naman namin since beach-themed sya is parang may glass cylinders na may sand and pebbles sa bottom then white orchids plus floating candle. Then nakapalibot sa kanya mga shells and white pebbles. Baka naghahanap yung guests namin ng nakasanayan na floral heavy centerpieces eh hindi naman yun ang peg namin especially yung tall centerpieces na nakakablock ng view ng guests.
-Flowers -- Nothing wrong with my supplier. Iniisip ko lang na baka I should have picked a different color palette. Kasi sobrang indecisive ko talaga sa flowers. In the end, parang na-burnout na lang ako so sabi ko, white na lang lahat. Eh yung bouquet ko rounded pati yung sa mga abay (medyo malaki rin bouquet nila) so parang pareho-pareho ichura nila sa pictures.
-Afterparty band -- again, nothing wrong with the supplier. Request lang ni then-fiance to. Kasi may strings na kami for the church plus reception. Tapos friend nya, nagvolunteer na mag-DJ. so parang feeling ko lang, di na-maximize yung paghire sa band.
-Hair sa preps -- nagtrial kami with the hairstylist and ang ganda nung voluminous na waves na ginawa nya. nagustuhan ko sya and nareplicate naman nya nung wedding day. pero nagtataka ko bakit yung photographer namin, palaging pinapahawakan yung hair ko, yung pinapapress or pinapahawi. nung nagplay yung photos, dun ko lang narealize na SUPER voluminous pala sya. Haha!
-Naiyak ako during my march -- mahirap i-control kasi super overwhelming. Sobrang determined pa naman ako na hawakan ng mababa yung bouquet ko since yung nga yung advice ng iba dito. siguro naka 1/5 lang ako ng aisle. nung naiyak na ko, umangat na yung bouquet kasi pinangpahid ko na ng luha yung other hand eh ang bigat nung bouquet. Sayang din ang pictures. hehe. May mga kuha ko na parang ang sungit ko pero ang totoo, tumitingin ako sa floor and nagpipigil ng patuloy na pag-iyak!

-Medyo napahaba ata ang program namin kasi marami yung gusto namin magspeech eh. Ayaw pabawasan ni husband.
-Sana nalaman ko na sa initial booking with the caterer, puede pala ko magbigay ng lower number of heads tapos add na lang pag medyo nabubuo na yung guestlist. Di pala kasi puede bumaba dun sa agreed ng number of guests. 250 pinalagay namin pero in the end, parang 235 yung confirmed, tapos not all attended sa reception. buti na lang sa buffet ko na pinakuha ng food yung coordinators ko. and yung ibang guests, nag-second round sa buffet during the afterparty so di ganun kadami nasobra.
-Dapat ata kumuha kami ng livefeed para mas nakikita ng mga guests sa likod yung nangyayari sa front. Di naman to naconsider dati kasi nung nag-ocular naman kami ng venue, di naman sya super laki so we did not think it's needed. Naisip ko lang ngayon nung nakita ko yung ibang guest videos na nakatayo yung nasa likod habang pipanood nila yung first dance namin.
*Not necessarily a regret kasi maganda naman yung gawa ng videographer namin.

kaya lang in September, kung kelan tapos na wedding namin, chaka ko lang nakita yung videos ni Forevermine. Naiinggit ako. Haha. Pero since di ko sila nakita at all when I was researching for a videographer last year, parang wala naman malaking regret. Parang may what-if lang. Hehe.