We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Ganyan naman talaga kapag bagong kasal. Masyadong idealistic, masyadong "by the book", yun bang feeling mo eh happy ever after na after the wedding day..na bed of roses.Pero gaya ni Cinderella, im sure pagkatapos ng kasal nila ni Prince Charming eh nalaman din niya na walang happy ever after. LolBeen there done that sis. 13 years na kaming kasal ng mister ko. And 1 beses pa lang niya ako binigyan ng bulaklak. Sa una nag hahanap ako, pero iniisip ko palagi eh hindi naman talaga ako mahilig sa bulaklak sayang pera lang lol. Small things.. you need to learn how to let it go. Ikibit balikat mo lang. Date? Hindi din siya nagkukusa na i date ako. Sa una masakit. Pero ang ginawa ko eh di ako ang date planner palagi. Eh ano naman kung ako ang planner palagi ng birthdays, outings, family bondings and iba pang celebrations, ganun eh. Ako ang mahilig sa date eh di ako ang planner. Ganun lang yun. Magalit ka kung nag plano ka pero hindi sumama sayo. Ah iba na yun. Pero as long as sumasama sayo eh di okay lang na ikaw ang pasimuno palagi. Sweet things? Naku matagal ko ng kinalimutan yan. Wala talagang ka sweet sweet sa katawan ang mister ko. Ang importante talaga eh acceptance.Babae talaga ang magpapa sensiya at magdadala ng relasyon. Ang mister mo eh parang anak mo yan, anak mong bunso lol. Natutunan ko sa marriage eh kung maliliit na bagay lang, we need to accept the things and matuto tayong tanggapin at i let go. Kibit balikat.Ngayon kung big things na like pambababae, sugal etc. Eh iban usapan yan. So far ang mister ko eh ganyan man siya eh mabuti siyang provider, mabuti siyang ama, and hindi siya babaero at walang bisyo. Kasi alam mo sis, hiwalayan mo man ang mister mo.. gaano ka kasigurado na ang susunod na lalake sa buhay mo eh walang diperensiya? Lahat ng lalake eh meron. Kaya kung small things lang naman diperensiya ng mister mo magpasalamat ka na. Kesa hanapin mo si prince charming na sa mga fairy tale books mo lang makikita.
^thanks sis hehe. Noong few years pa lang kaming kasal ng mister ko sinabi ko sa kanya hinanakit ko na bakit hindi siya sweet, ang sinagot lang niya sa akin "ano gusto mo super sweet ako sayo pero super sweet din pala ako sa ibang babae o ganito lang ako pero ikaw lang ang babae sa buhay ko?". Natauhan ako. Oo nga naman. Doon ko na realized na bakit ko hahanapin sa asawa ko ang mga katangian na "by the book", dapat tanggapin ko ang totoong siya at tiisin ang mga kahinaan niya dahil tinitiis din naman niya mga kahinaan ko. Gusto mo ng happy long lasting marriage? Walang ganyan sis. Ang meron eh happy/sad/tiis/iyak/anger/forgiveness/happy/bwisit/tampo/happy/regrets/kibit balikat/ happy long lasting marriage. Hehe totoo yan. Sabi ko nga sa isa pang thread, ang secret ng long lasting marriage?PAHABAAN NG PASENSIYA AT PABABAAN NG PRIDE. Yung pinsan ko hiniwalayan niya mister niya kasi wala daw pangarap sa buhay. Yung second husband naman niya eh hiniwalayan din niya kasi lasenggero at babaero. Ayun yung 3rd husband niya nambubugbog naman. Kaya anong sabi ni pinsan nitong huling kita namin.. ang sabi niya sa akin "alam mo Ne, kung alam ko lang sana eh tiniis ko na lang si M (1st husband niya).. ang hirap pala. Wala namang perpektong lalaki. Mabuti pa si kuya M mo eh kahit ganun yun eh hindi babaero at walang bisyo at hindi nananakit". Kadalasan kasi kakahangad natin ng "mas mabuti" ang natatagpuan natin eh mas masama. Kaya sis, ilista mo ang mga good traits at bad traits ng husband mo at kung yung bad traits niya eh simple things, keep him and never let go.
nag fall si girl kay guy dahil nga madaming oras si guy sa kanya. the guy will drive from alabang to fetch her to qc para mag date sila sa makati. mga ganung effect. and he'll do it almost everyday.
now girl is complaining na paano raw pag married na sila. may possibility na siya ang kakayod para sa kanila. my friend is trying to change the guy. she is trying to push him to be more agressive. will that work? what advice can you give to this kind of situation. my advice kasi is hanap na lang siya iba. hehe!
Another mistake we, women, make is expecting the guys na "bumuhay" ng pamilya. It's 2016. Women can work already on their own. Marriage is not one-sided anymore. Both of you kailangan mag effort. Kung ang strength ni girl is business, then she should work on that kasi merong strengths and weaknesses bawat tao, we just have to fill those sa isa't isa.
13 years na kaming kasal ng mister ko. And 1 beses pa lang niya ako binigyan ng bulaklak. Sa una nag hahanap ako, pero iniisip ko palagi eh hindi naman talaga ako mahilig sa bulaklak sayang pera lang lol. So far ang mister ko eh ganyan man siya eh mabuti siyang provider, mabuti siyang ama, and hindi siya babaero at walang bisyo. Kasi alam mo sis, hiwalayan mo man ang mister mo.. gaano ka kasigurado na ang susunod na lalake sa buhay mo eh walang diperensiya? Lahat ng lalake eh meron. Kaya kung small things lang naman diperensiya ng mister mo magpasalamat ka na. Kesa hanapin mo si prince charming na sa mga fairy tale books mo lang makikita.
^ ok naman if hubby spends more time with kids. Eh papano if more time with the Yaya instead? 😜