watch now

Author Topic: Having a Single Child  (Read 22237 times)

airish_2

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #20 on: July 15, 2016, 10:15:28 pm »
I have a friend na only child okay lang sa kanya kasi marami syang pinsan tapos parang isang compound pa sila. I have a son and gusto ko magkaroon sya ng kapatid kahit medyo hesitate si hubby kasi mahirap magpalaki at magalaga. Kahit 5 years ang agwat.

keejac21

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #21 on: December 14, 2016, 02:13:59 pm »
^Sis, parehong-pareho tayo. Also thinking if dapat ba mag-anak pa ako.

izabelle

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #22 on: December 15, 2016, 05:07:01 am »
Isa palang din anak namin and by choice. She's turning 5yrs old next month. Marami nagsasabi na dapat ng sundan (as if ganon kadali bumuhay ng bata).

Napapaisip din kami kung susundan pa pero sa ngayon, malaki ang chance na hindi na. Masarap maging nanay/magulang pero madaming responsibilities. We want to give her the best we can afford. Ayoko ng sapat lang or tipid. Hindi naman sa naghahangad ng sobra sobra pero masarap din kasi sa feeling na naprovide mo lahat ng needs and wants ng anak mo.

Yung iba kasi ang dami nga nila pero tipid na tipid naman. For me lang, heart breaking yung hindi mo mabigay gusto nila.

As for being mahigpit, sa tingin ko depende yan sa parents, kahit 1 dozen pa anak meron parents na mahigpit talaga. Dalawa kaming magkapatid, yung sister ko 26 years old na, until now bawal pa din umalis without my parents. So wala yan sa kung isa or madami anak.

As for Gastos sa pagtanda, hospital bills, burial bills, etc. Responsibilidad ng magulang ito. Hindi dapat nag aanak para gawin "investment" na sila gagastos for you pag tanda. You should prepare for your retirement ika nga.

As for malungkot kasi nag iisa - ito lang hindi ko masasagot kasi dalawa kami magkapatid so hindi ko nafeel yung lungkot. Marami kasi akong kilala na marami nga silang magkakapatid pero watak watak din naman so minsan wala sa dami e, depende pa din sa tao.

My husband and I are still undecided kung susundan pa our daughter or not. To be honest, kaya naman namin, it's just that, we are considering everything like sino mag aalaga? yung oras that we need to devote and the effect sa financial aspect.

Sa panahon ngayon, kailangan maging responsableng magulang. Ang usapan namin ni hubby is to decide 2 yrs from now. May timeline talaga haha!

izabelle

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #23 on: December 16, 2016, 09:59:13 pm »
^ I just turned 32 sis so yeah medyo mahaba pa oras to decide.

Like you naisip ko din ang inheritance and yung financial security. Mahirap pa naman ang buhay ngayon haha! and hindi ko nakikitang gagaan ang buhay in the next years to come.

A lot of people say na we can afford to have another kid kahit nga daw dalawa pa pero I think it all boils down to standards. Like, gusto ko syempre sa maganda school sya nag aaral from preschool to college, we want to make sure na comfortable ang buhay nya and a secured future too.. and madami pang iba.

We are not rich so every peso counts sa amin, Feeling ko lang may impact talaga kapag nagdagdag kami ng isa pa sa family. Yung dating sobra ang meron, magiging sapat lang which is I don't want to happen.

But let's see. Not closing doors pa. :)

det060403

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #24 on: December 20, 2016, 04:45:54 pm »
Yung friend ko, only child. I think she turned out okay, marami din kasi siyang cousins and close sila, i think nakahelp din yun.
In our situation, gusto ko talaga sana  two lang. though ngayon, narealize ko mahirap nga magalaga at magpalaki ng anak (sahm), kaya kahit isa lang baby ko, ok na din ako kesa wala talaga... kung bibigyan pa ulit ng isa, in God's perfect time, buong buo naming tatanggapin.

izabelle

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #25 on: December 23, 2016, 05:56:45 am »
^ I have a cousin (sa side ng dad ko) na only child. Although not by choice naman, talaga lang hindi na nabigyan ng isa pang anak ang parents nya.

He turned out well naman. I think at the end of the day it is how you raised your child talaga. Regardless kung may kapatid or wala, depende talaga yan sa kung papaano pinalaki ang isang bata.

gil12

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #26 on: December 23, 2016, 05:17:54 pm »
izabelle,pareho tayo and halos same age. ang difference lang is my child has autism. biggest fear ko talaga mag-isa siya pagtanda niya. we want to have a comfortable life and tama ka, hindi naman basta-basta lang mag-anak. ang mahal na kaya magpa-aral ngayon. ang sakin din kasi ang baby needs attention, hindi ko mahahati oras ko sa dalawang bata. sa totoo lang ayoko na rin kasi magbuntis  ;D  ang goal ko rin kasi matuto maging independent anak ko and so far okay naman progress niya.

amethyst028

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #27 on: January 12, 2017, 10:16:03 am »
this became a topic in our fb groupchat with my high school friends. pinipilit nila ako mag anak pa ng isa girl naman daw. i have an 11yr. old son and single mom ako.

i'm very happy with my son. hands on mom ako and never nagka yaya. i raised him with the best of my abilities, and thankfully he was able to absorb all the good values i tried to instill in him.

i am not sure if i can do it all over again with the next one. it's a huge responsibility to bring a child into this world and raise them well. it's not like mag aanak ka then let the yaya take care of them until they're old enough to take care of themselves. it's so easy for other people to say "dagdagan mo pa anak mo bakit isa lang?". as if sila ang magpapa laki nun. hay!

kittypaw

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #28 on: January 13, 2017, 06:41:29 am »
1 child is enough for me. lalo na ngayon ang hirap ng buhay, i think its good din para sa inyong magasawa more time for each other and more money hehe

izabelle

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #29 on: January 24, 2017, 11:41:55 pm »
Unless you are very rich and money is not an issue for you, I think one of the best advantage of having a single child is you can provide all his/her needs + you can prepare for your retirement pa. For me importante talaga mapaghandaan ang pagtanda e, hirap yung wala kang pera pag oldies ka na.

Kanya kanyang choice and standards sa buhay.

damonsgirl

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #30 on: January 27, 2017, 03:42:28 pm »
after all my paghihirap sa conceiving, pregnancy, breastfeeding, ayoko na mag 2nd baby hahaha. maybe in 5 years i'll think it over. i'm 29 btw.

tischarmedlife

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #31 on: January 28, 2017, 04:43:57 am »
My son turned six last December and I don't have any plans pa na sundan. Ayaw pa rin ni hubby although given the chance, gusto nya girl pero gusto ko boy pa ulit. ^-^

Sabi nga rin ng mom ko, mahirap daw pag isa lang ang anak, kaya dapat kahit 2 man lang ang anak ko. As if ganun kadali yun. lol ^-^ Bukod sa magastos ang panganganak at pagpapalaki sa bata, sobrang hirap na hirap ako nung nagbuntis kaya parang na-trauma na rin ako.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #32 on: January 31, 2017, 05:24:08 pm »
Hot topic talaga ito, lalo na dito sa Pinas. To be honest, sobrang napipikon na ako sa mga tao sa paligid ko na mapilit. Background I am 31 years old, turning seven na yung daughter ko in March. So ang daming unsolicited advises na bigyan na ng kapatid yung anak ko. Ang worse dito, yung iba single and unmarried. Parang anong alam mo sa pagiging Nanay di'ba? Kaloka na minsan eh.

Ayun nga, ang hirap din ng buhay talaga. Meron naman akong kakilala sabi ng sabi ""Kawawa ka pag tumanda ka" Parang ako sa isip ko lang "Mas kawawa mga anak mo, kasi iaasa mo ang pagtanda mo sa kanila."  >:(

Kahit anong mangyari kasi responsibility ng isang magulang ang isang anak, ganun kasi Mom ko. Kaya yan ang nakalakihan ko. Talagang inayos na niya lahat lahat. Ganoon din naman ako.

Madami din akong kilalang only child na okay naman talaga, nasa pagpapalaki na yan ng magulang. Ang dami ngang anak tapos puro over time naman yung magulang hindi na matutukan ang pagpapalaki sa anak. Waley din.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #33 on: February 01, 2017, 02:30:18 am »
Kami in between pa if mag 2 kami ng baby.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #34 on: February 01, 2017, 04:25:18 pm »
Been hearing this so much lately - sa mga magulang, kamag-anak, kaibigan, ultimo teacher ng anak ko. LOL. On a bad day, gusto ko talaga sumagot ng pabalang.  Pero most of the time ang sagot ko lang ay 'Soon'. Kala mo may mga 'pa-anak' at 'pa-childcare' package ang mga lola mo kung makahanap ng kasunod na anak.

Sa totoo lang ako, kuntento na ko sa isang anak. Si hubby, gusto niya may kapatid man lang daw kahit isa. Ok lang din naman - PERO, in the right time.

Gusto kong bigyan sila PAREHO ng komportableng buhay. Gusto ko kung ano yung naibigay ko sa panganay, maibigay ko din sa bunso. Ayaw ko din maramdaman at one point yung 'sana di muna kami nag-anak ulit para magawa naman this and that'.

Kaya sabi ko kay hubby, let's stabilize our finances muna, let's travel, let's strengthen our relationship ulit (10 years na kami this year! And the road has been rocky the past year). Importante kasi for me na matatag kami in every aspect bago mag-new baby kasi ibang challenge ang magkaron ng bagong sanggol ah - hindi lang sa finances. Demanding sa time, sa attention, sa effort, sa emotions, lahat na. So kung nandun kayo sa point na 'mahina' kayo, malaki ang possibility na mas manghina pa in the process. I don't want that.

So sabi ko, when we're ready - go. I'm only 32, we can still give it a year or two to try. I don't like rushing into it dahil lang gusto niya, gusto nila, or kung ano pa - kailangan gusto ko din (hello ako magbibitbit nyan for 9 months) - and right now, hindi ko pa gusto. Intay sila.

« Last Edit: February 08, 2017, 10:54:00 pm by KVsWahmmy »

aquacharly

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #35 on: February 02, 2017, 12:50:19 am »
Whether 1, zero or 12 children:  the spouses/partne(rs  should mutually decide and plan for each child.  It is their business, and for the rest of the world:  none of their business.
Responsible Parenthood -- which starts before pregnancy, is good for a marriage and the evolving family. 
Sa hirap ng buhay ngayon, not just financially, but referring more to the complexity of daily living -- it just isn't fair, or unwise, to be saying that trite line:  Buntis ako.

izabelle

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #36 on: February 02, 2017, 12:54:55 am »
^^ same here.

Gusto ko yung nabigay ko sa panganay ganon din sa pangalawang anak. Gusto ko laging fair haha!  Kaya kung hindi namin kaya yung ganon, para sa akin wala kaming right mag anak ulit.

Gusto ko din kapag nag anak kami ulit, kasi we can afford (financially) and dahil gusto talaga namin.

Ayoko nung dahil yun ang gusto ng society para may kalaro, yun ang uso, may karamay sa buhay, may katulong sa pagtanda namin. For me, ang babaw ng reasons na yan.

Mahirap magpalaki ng bata at mas mahirap bumuhay ng bata. D bale sana kung may mag sponsor ng education from preschool to college sa private school. LOL

Ayoko din ng bahala na si batman attitude. Jusmio ha, kapag tag gutom at tag hirap, makakatwiran ko pa ba yan.  ;D

MoonshineLady

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #37 on: February 23, 2017, 02:06:11 pm »
i also have 1 child. as usual mga tao sa paligid udyok na sundan na kasi dapat daw para may kalaro at hindi nagiisa paglaki. kung alam lang nila kung gaano kahirap at kagastos magkaanak di ba. gusto ko rin naman at least 2 kids sana kaya lang as of now  me and hubby's income is just enough for 1 kid. though maybe we can afford to have another 1 kaya lang parang survival na lang kami non which i do not want. actually i am an only child and honestly there were so many times i wish i had a sibling not really because of loneliness but to have someone to share the burden and responsibility for my parents. my parents dont have that much income now that they are both retired. so kahit i have a family of my own na, im still obliged to help them financially. i just hope and pray na sana pag tanda ko me and hubby have more than enough funds when we retire. i dont want to put this burden to my son lalo na kung talagang magiging magisa lang sya.  i want him to live his own life and enjoy his own income to himself and for his future family.

izabelle

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #38 on: February 24, 2017, 05:21:56 am »
^ we have the same mentality. You can start building na the retirement fund sis. We started more than 3 yrs ago pati medical fund namin kasi same tayo ng naisip. Ayaw namin maging pabigat sa anak namin when we grow old. Nag iisa na nga lang sya tapos manghihingi pa ba kami ng support sa kanya.

Honestly, I cannot see anything wrong with having a single child. Sanay lang ang iba na maraming anak ang karamihan ng pinoy pero kung isa lang talaga afford ng pamilya, ano masama don? responsible parenting nga iyon. Kanya kayang buhay, kanya kanyang standards. :)

Dyewel

  • Guest
Re: Having a Single Child
« Reply #39 on: March 17, 2017, 05:10:29 pm »
I am an only child, at dahil nag-iisa lang ako my mom had able to send me to college.  Kung madami kami baka pagkain plang kulang na.  Growing up was not easy, sa akin lahat ng house chores at minsan solo sa bahay.  My mom is now on her 70's, pag nagtatampo sa akin, na-iinggit sa mga kumare nya na madaming anak kasi may malilipatang ibang bahay.

I have 2 kids (5 and 1.5 yr old) now, pero kahit dalawa na anak ko madami pa rin ang nagsasabi na dapat daw sundan pa . Hindi na lang ako naimik, paki-alam ba nila?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close