Sharing our iti, sana makatulong haha!
Jan15-25 Tokyo>Osaka>Kyoto.Nara
Jan15- Arrival in Narita(Jetstar) @6:30AM, nagbus na lang kame kasi wala naman kame hinahabol na oras tsaka iniisip ko din pag nagtrain 3 bagelya namen kawawa si hubby

*Keisei bus 1000Y lang pamasahe going to Tokyo station kasi may i-meet akong friend. *almost 2hrs din ang byahe medyo traffic.
-Shibuya Crossing
-Hachiko
-Lakad lang around Shibuya
@3pm check in sa airbnb in Urayasu *malapit sa Disneys*
Jan16- Disneyland
Jan17-Disneysea (both binili naman yung ticket sa klook)
Jan18-check out>shinkansen to osaka>check in sa airbnb shin-osaka
Jan19-Dotonbori.Shinsaibashi
Jan20-Arashiyama Bamboo
Jan21-we bought Kyoto all day pass 500Y
-Kyoto tower
-Fushimi Inari
-Kinkakuji Temple (may entrance fee 400Y) sooobrang worth it!
Jan22- 2pm na kame lumabas ng airbnb kasi maulan
-Kura Sushi-Conveyor Sushi in Osaka 100Y/plate (15mins walk lang from osaka station)
-Umeda Sky Building
Jan23-Nara Park
-Mt.Wakakusa *1hr kame naglakad pero sobrang worth it yung makikita sa taas
Jan24- Save the best for last!

-Hakodateyama Ski Resort
Jan 25- Flight back to Manila!
Sobrang helpful ng mga Japanese kahit na hirap silang mag english gagawa sila ng paraan para maintindihan ka nila tulad nung samen sinulat pa nya talaga sa papel yung gusto nyang sabihin. Tapos nung nasa airport kame nagtanong ako san yung toilet sinamahan pa ako, police pala yung napagtanungan ko eh ang lapit na lang ng toilet pwede naman nya ituro na lang

Wag kayong mahiyang magtanong sa una mukha silang intimidating pero once nagtanong ka na aaay all-out sila, tska nagtatanong kame sa mga matatandang lalaki yung tipong dun na inugat

Nakakaloka ang train system nila haha pero naka survive naman salamat sa google maps at flytpack (pocket wifi)
Sarap ng food, kahit yung mga nasa convenience store panalo na!