Hello mga mommies!
belle_v2g - hope nakalakad ka this sunday sa pupuntahan mo. ang lapit mo na manganak.
Which is Witch - Ang galing complete ka na. Ako kinokumpleto ko ngayon is hospital bag. Complete na kay baby, ako i need to buy pajamas na de-butones para daw mas madali mag-bf. Nakabili na din ako ng maternity pads, disposable underwear at nipple cream. Waiting for my travel system, ang tagal! 7 weeks na since i ordered pero 6 - 8 weeks naman daw ang delivery. Waiting din for my moses basket from my in-law.
angelofthemorning Im 36 weeks on Wednesday minsan kinakabahan din ako. Takot ako sa labor pains dahil mababa tolerance ko sa pain. but attending ante-natal classes helped me. Na-realise ko midwives know what they are doing. Dito sa amin 2 midwives daw ang magpapaanak unless complicated. May stand-by naman lagi na OB. Ewan ko lang kung in general na midwives nagpapaanak, baka dahil hindi ako private patient. Anyway, midwife ang nagdiscuss ng labor in the last two classes and i felt more confident after diniscuss ang labor.
arkimommy congrats sa baby girl and
kethz14 sa baby boy.
crzysxycl hope okay ang myoma mo and hindi humarang ang isa.. praying for you sis..
120515 Ingat lagi sis and kakatuwa talaga kapag ang daming movements ni baby.
macheoc I bought 4 bottles lang just in case. I have a small steriliser too and a manual pump. parang ito ang laman ng starter kit dito.. pero i plan to breastfeed talaga.
Udpate sa akin.
I'm 36 weeks on Wednesday and may appointment din ako on that day. Last two weeks na check-up breech pa din si baby. Feeling ko breech pa din siya dahil may matigas sa may taas ng tummy ko. sana umikot siya para normal delivery ako. Please help me pray na umikot. i am doing exercises pampaikot.

Ang bilis ko na mapagod, kaya sa mga 30 weeks na start na kayo mamili. hihi.. I went shopping kanina to complete my hospital bag kaso fail dahil walang pajama na may butones, and wala din ako nakita pala na towel for baby, tapos napagod ako agad so umuwi na ako. Sa weekend na lang ulit. BUti naunti-unti ko ang shopping the last few weeks.
Baby stuff - Ako i started with the travel system dahil inoorder pa kapag hindi available. And alam ko iyon ang pinakamagagamit ko and I need the carseat dahil law dito ang carseat. I was going to buy a crib but then decided na i'll see kung ano gusto ko sleeping arrangement after panganak si baby. Gusto ko sana kasi bumili ng co-sleeper then i'll buy the bedcot (wooden crib na nagiging bed) after mga 6 months. But parang sayang ang co-sleeper so borrow muna moses basket. If i still want the co-sleeper pagkapanganak then bili kami.
My SIL will give me loads of clothes too, hindi pa nya lang mabigay dahil hindi namin inalam gender (my SIL has boys and girls clothes) so at the moment ang mga binili ko lang na clothes is good for few days.
Bath tub - baka sa Pinas need ito pero dito ang dami nag-advise sa akin na huwag na muna ako bumili dahil most likely sa lababo daw papaliguan si baby. mas madali. hehe.. pati midwife sa antenatal class pwede daw huwag na muna bilhin ito.
Changing table - again madami nag-advise sa akin na huwag na bumili nito dahil most of the time sa bed ko naman daw papalitan ng diaper si baby lalo na pag malaki na dahil kakatakot pag gumagalaw na si baby. Ang need ko bilhin is baby mat para sa bed para hindi mabasa ang bed..