watch now

Author Topic: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER) - Thread 2  (Read 52078 times)

crzysxycl

  • Guest
which is witch - hindi si OB mag CAS sa akin sis. ask ko sya sa friday, kasi 29 weeks na kami on tuesday, baka hindi rin ako tanggapin for CAS pag 30 weeks na. thanks sis! :) re paghinga on left side, yan din sabi ni OB sa akin. kaso minsan hindi ko maiwasang mailang at mag iba ng pwesto kasi pag sa left side ako nakahiga, panay talaga galaw ni baby as in. :)

macheoc - saang st luke's ka sis nag seminar? how much? gusto ko umattend ng mga ganito kaso hindi ko alam kung saan meron hehe.

arkimommy - ako rin sis paranoid, lagi ko inaantay movements ni baby. nice to know nafeel mo na movements ni baby after changing positions. normal talaga sa mommies ang mag worry. :)

120515 - nice to know ok result ng detailed scan mo sis. re weight gain, i can totally relate haha. hilig ko rin sa ice cream lately, probably because of the weather din.

aylatskie - safe travel sis! re manas, monggo raw maganda sabi ni OB. masakit ba legs mo sis?

cheniwin - parang may nabasa ako na nagpalit ng OB on her 3rd tri. kung hindi ka comfortable sa current OB mo sis, might as well hanap na ng iba para mas kampante ka.

Update: almost complete na gamit ni baby, yay! :) Sakto may sale kaya sinamantala na rin namin. We got the crib and sterilizer at a discounted price, not bad na rin. Kailangan medyo maghigpit sa budget dahil ma-CS ako. Kulang nalang yung disposable diapers saka bottle cleansers, saka nalang kami bibili pag malapit na due date ko since madali nalang yun. :) Mga sis, kelan dapat labhan damit ni baby? :)
« Last Edit: May 15, 2016, 11:36:56 pm by crzysxycl »

macheoc

  • Guest
Hi mga momsies! 27 weeks na ako tom. biglang parang bilis ng panahon! So far ok naman. May passing na very faint menstrual-like cramp but not painful. I don't experience it everyday and siguro in a day once ko lang naramdaman so I hope that's okay. discomfort ko lang so far is yung itchy belly. naglalagay na ako ng mosturizer pero minsan ang kati and tempting kamutin hehe.

At this point, mga gano kadalas na kayo sa OB ninyo? next ko pa kasi sa 29th going 30th week ko pa. nakakapraning lang na wala kang idea what's happening inside  :-[

Another question, crib ba dapat or play pen? Bulky yung crib masyado pero is it true na mas safe dahil stable? sensya sa question clueless mom-to-be here :)


cheniwin Wow congrats sis, over a month ng bedrest! Praying na tuloy tuloy na problem free till you give birth. On the OB question, I think ok lang naman yun kasi right mo naman yun saka may reason ka naman na valid (yung malayo ka). Besides, dapat comfy ka with your ob especially 3rd tri na malapit ka na  :)

aylatskie have a safe trip sis! When ka nagstart mag edema sis? isa pa yun kasi na kinakakaba ko

120515 sis parang same tayo ng concern. Pinapagbawas ako ng food ni OB. dapat daw next kita namin kaunti lang ibinigat ko. Ang mahirap kasi, nung nag 2nd trimester dun sobrang ganado kong kumain. As in sarap na sarap ako sa food contrary nung 1st tri na wala akong gana at all. hayy good luck talaga lalo na halo halo mainit pa naman panahon hehe

Which is Witch? nagpa-CAS na ako nung 23 weeks. normal and good results naman. iniisip ko lang if enough ba na 1 CAS lang or dapat (o pwede pa bang) umulit sabay 3d/4d. Sorry ang paranoid ko lang talaga  :-[
on sleeping position: left side din advice ni OB. although pag gising ko naka flat on back na ako or nasa right  :( pero ok lang daw yun basta yung longer hours eh left. pag right kasi yung liver ata yung maiipit pag right. pag back naman parang uterus napupush... not 100% sure. but you're right, ang sakit sa balakang saka yung paggising may feeling na parang nangalay gusto mo lang istretch whole body hehe

arkimommy don't worry sis you're not alone. guilty here, another paranoid mom-to-be. May days na di ko talaga ramdam si baby. Tapos kinakausap ko din as in nagmamakaawa tapos biglang may kick. minsan naman mas responsive siya kay daddy.

jhinganda sis same tayo! 27 weeks na ako tom pero wala pa rin akong nabibili. Yung gamit na meron na ako either bigay ng mga soon-to-be lolas or freebies ng seminars. pero di pa rin kami start ni hubby ng pagbili ng gamit. di ko lam kelan kami magstastart. puro window shopping lang ang peg namin.

crzysxycl free yung naattenan namin sis. kaya swerte nung mga nanalo nung stroller, play pen etc. sponsored nung OB dept ng slmc-qc. pag meron ulit announce ko dito.
wow buti ka pa nakapamili na! di ko lam anong problema namin ni hubby naghohold back kami bumili haha.


healthy preggy dust to all the mommies!



« Last Edit: May 15, 2016, 10:39:23 pm by macheoc »

crzysxycl

  • Guest
^thanks sis. ay ang saya free pala yung seminar. :) nagcclinic din OB ko sa slmc qc, ask ko nga sya pagbalik ko. slmc ka ba manganganak sis? at this point every 2 weeks na ang visit ko kay OB. last na visit ko, napabalik kami agad after a week lang dahil sobrang sakit ng sikmura ko saka nakaramdam ako ng watery discharge. sabi nila pag malapit na due date, every week na ang visit. re crib, meron na ngayon sis na crib and playpen in one, yung naka angat ang mattress. ibababa nalang yun pag mga 3 mos and above na si baby since mas mabigat na sya. yung nabili namin compact size lang, 2200 lang bili namin kasi sale. maliit lang kasi house namin and tingin ko hindi masyado masusulit dahil pag medyo malaki na si baby gusto ko katabi namin sya sa bed.

Which is Witch?

  • Guest
sis cheniwin, buti naman lapit na matapos ang bedrest :D okay pa siguro magpalit. valid naman reason mo sis. hassle [textspeak!] pagmalayo yung ob.

sis crzysxycl, depende sis kung sino maglalaba. ako si hubby paglalabahin ko. haha Kung ikaw kasi, pwede na simulan kasi baka di na keri paglater pa. Ako gusto ko na palabhan kasi para maayos ko na yung lalagyan niya ng clothes and yung hospital bag narin. :)

sis macheoc, hindi ko rin maiwasan maglipat lipat ng pwesto, kasi sakit talaga sa balakang. hehe. kami din before nagpipigil bumili, pero pagnasimulan na sis tuloy tuloy na yan. hehe. and same tayo, struggle mamili kung crib at playpen. Hehe. I got  a wooden crib. yung convertible to toddler bed :) Gumawa ako thread before regarding dyan, here o :

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,293285.0.html


theEmpress

  • Guest
hi mommies, hope all of us are doing okay.

nag-swell na a bit ang feet ko at 34 weeks :-( pero face and ilong di naman, buti nalang. maganda pa sa picture, lol. may strain na rin sa hands lalo na sa right, hirap i-close. ganun din ba kayo?

on seminars: almost all major hospitals offer free seminars. i attend mostly yung sa MMC, nakaka-4 sessions na ako. pero nag enlist din ako sa TMC kasi meron sila for breastfeeding sponsored by LATCH, 4 sessions din. may bayad lang ako P500 kasi di ako dun manganganak. but if that's your hospital it's free already.

i get lots of info, tips and freebies. halos di na ako bumili ng diapers for baby kasi ang dami ko ng naipon sa mga freebies sa mga seminars.

but i also enrolled in Chiqui Brosas birthing class para kasama hubby, partner, coach or whoever's with you during your birth. maganda kasi pati sya tuturuan what to expect during pregnancy and delivery. people around you will be involved sa pregnancy and delivery mo. it helps alleviate what we often feel na we are doing this all on our own. mas empowered ka pa kasi you would know exactly what is happening to your body in every stage of labor and delivery. you can make informed decisions. kung di naman at least, your partner will know what to do and what you want kung di ka na makausap dahil masakit hahah.

it comes with a cost though P5,000.00 for 4 days session. again, with lots of freebies from sponsors.

happy week to all mommies!

crzysxycl

  • Guest
which is witch - sayang hindi marunong maglaba hubby ko sis haha. excited na nga rin ako labhan mga damit sis kasi nakakatuwa, ang liliit. ok lang ba kung nakatabi lang clothes na nalabhan na for 8 weeks? 29 weeks palang kasi kami tomorrow hehe. arte ko kasi, kaliit liitang detalye pinoproblema ko, baka kasi medyo matagal na yun, eh sensitive skin ng babies hehe.

theempress - ganyan din ako sa morning sis, hirap mag close fist. tagal ko na rin tinitiis to, since feb pa. makapagtanong nga rin ng seminars habang medyo kaya pa bumyahe. buti ka pa sis hindi lumaki nose and face, sa akin parang doon napunta lahat ng taba bukod sa tummy haha.

Which is Witch?

  • Guest
sis theEmpress, gusto ko din magattend ng mga seminars. pero parang wala malapit samin. kahit sa alabang lang. sa asian hospital sana, baka meron. Hehe. try ko tumawag, alam kaya nila yun. hehe

sis crzysxycl, ako sis, balak ko lagay siya sa ziploc after labhan at iplantsa. bago ilagay sa bag/ cabinet. hehe :) ako nga din sis, parang OC pag tungkol sa baby. haha. ganito ata pag FTM. :D

« Last Edit: May 16, 2016, 02:01:11 pm by Which is Witch? »

crzysxycl

  • Guest
^oo sis korek, ganito pala pag ftm hehe. Nabasa ko nga rin sa thread re what to bring sa hospital, nilalagay ng mga mommies sa ziploc bags yung damit ni baby. magawa nga rin para organized. Thanks sis!

aylatskie

  • Guest
Hi mga sis. I noticed my manas when I was 30 weeks. Hirap na nga rin ako tanggalin wedding ring. Hehe. Sumasakit sakit na mga binti ko pati pelvis ko. Have a safe pregnancy journey to all of us.

crzysxycl

  • Guest
^hello sis. Saan yung manas mo?  Sa umaga ba sis masakit yung parts na manas sayo? Speaking of wedding ring, inalis ko na yung akin kasi ang sikip, tapos sumabay pa carpal tunnel syndrome and de quervain's tenosynovitis ko.

aylatskie

  • Guest
Hi sis. Dito Lang naman sa lower limbs ko ang manas. Masakit ang binti ko pag super lakad ng lakad kasi. Pero wala naman specific area Kung saan may pain sis.

crzysxycl

  • Guest
^i see. Thanks sis! Akin kasi paa ko masakit naman sa morning. Hindi ko masabing manas kasi tumaba talaga hands and feet ko. Sabi nila pag manas daw masakit.
« Last Edit: May 17, 2016, 12:17:43 am by crzysxycl »

macheoc

  • Guest
Hi mga momsies! Naku praning na naman ako sa manas. Pano ba nagstastart yan? Pero sabi minsan di daw maiwasan.

On crib: thanks sa tips sis Which and si crzy. We're looking into this crib na medyo pricey pero convertible na nga till toddler stage. Prang 3-1 tawag. Need lang namin mag decide if committed kami to invest on that. Pero parang crib na kami over playpen as advised by MIL ko.

On birthing sessions: sis empress we almost enrolled kay ms chiqui pero nung time na yun di pa kami decided. Now we are looking into ms rome kanapi's class na qc rin. Check pa namin if may slot pa sa both. Minsan kasi nagstart na or wala nang slot. Eh parang ang perfect time for that ay 6-7months. So sana meron pa

jeuliann

  • Guest
Hi sis macheoc, highly recommended yung class ni Rome Kanapi. Katatapos lang ng class namin which is equivalent to 6 sundays. Super sulit, nag enjoy din si hubby at marami kaming natutunan talaga :)

Adrienne28

  • Guest
Wow, may thread 2 na tayo. :) Tagal kong di nakapag-check. Welcome sa mga new mommies!

Just had my CAS today and thank God, everything's normal from head to toe. May kaba sa umpisa kasi FTM ako at medyo advanced age na. Breech si baby kaya pala kapag medyo napapalakas yung sipa nya, parang ramdam ko na lalabas na yung paa sa cervix. Hehe. Yung placenta na grade 2 na dati ko wino-worry at 16 weeks, grade 1-2 ang nasa findings ngayon at sabi nung OB-sono na gumawa sa akin kanina, normal daw yun. Amniotic fluid level is also adequate, so di ko na kelangan sobrang i-push ang fluid intake ko to the point na nasusuka na ako. Medyo mabilis lang hearbeat ni baby at 162 beats/minute, although sabi ng OB-sono malikot daw kasi si baby. 100% confirmed na boy na talaga. Hehe. Overall, maganda talaga magpa-CAS kasi nakakawala ng pagka-praning. :)

Pareho tayo, sis Which, stroller at car seat na lang din ang kulang ko sa mga major items. Same reason na di pa naman agad igagala si baby.

Salamat kay sis na nag-share na kahit later na yung breast pump, especially di naman ako papasok sa office agad.

On cloth diaper, later na lang din ako gagamit. Since CS din ako, gusto ko wag na muna i-worry yung frequent na paglaba. Hehe.

Sa ngayon ang pinaka-discomfort ko talaga yung tailbone pain especially if matagal ako naglakad/nakatayo sa mall. Lakad penguin na nga ako para mabawasan yung discomfort. Hehe. Advisable talaga na mamili na ng baby stuff ng maaga especially if gusto mo ikaw talaga ang pipili kasi mas madali na mapagod habang lumalaki ang tummy natin.

Ako din, biglang naging welcome sa akin ang mga matatamis. Dati di ako mahilig dun. So far, I've already gained 10 lbs from my pre-pregnancy weight of 110 lbs. Pero may isang test pa ako di napapagawa, yung OGCT.  Sana normal naman kahit medyo nag-indulge ako sa mga matatamis lately. Hehe.

crzysxycl

  • Guest
macheoc - minsan di maiiwasan ang manas sis, lalo pag malapit na manganak. ako naman madalas manhid hands sa morning at mahirap iclose fist. tapos yung feet ko masakit din pag itinapak sa floor though nawawala naman after few minutes.

jeannybaby - sis nakakaramdam din ako minsan ng hingal, kahit di ako pagod. gaya nung sayo pag buspg din. tapos minsan pag matutulog, hirap ako humanap ng magandang pwesto kasi pag naiipit tummy ko, nahihirapan din ako huminga. lalo pag flat na flat ang higa ko, hirap din kasi kulang nalang matulog ako ng nakaupo. ;) nararamdaman ko rin yung parang kinukuryente sa may bandang sikmura, di sya masakit saka nawawala naman pag nag iba ako ng pwesto, sabi ni doc diaphragm daw yun naiipit.

adrienne - nice to know ok result ng CAS mo sis. gusto ko na rin talaga nyan para mabawasan pagiging paranoid ko.

29 weeks na kami ni baby today.. ilang weeks nalang. :) tanong ko pala mga sis, normal ba na pag nakatagilid, nasa gilid din napupunta yung kicks ni baby? ibig ba sabihin nun nagmomove din uterus natin? pansin ko lang kasi pag nakatagilid ako, yung part ng tummy ko na nakadikit sa bed, nandun mismo rin yung galaw ni baby. minsan pa parang naguilty ako kasi nagpalit palit ako ng positions then maya maya naramdaman ko hiccups ni baby. feeling ko kasalanan ko kaya sininok sya. praning nanaman ako kaya isa ito sa tatanong ko kay OB sa friday.

ingat tayo lagi mommies! :)
« Last Edit: May 17, 2016, 12:44:04 am by crzysxycl »

Which is Witch?

  • Guest
Jeannybaby - makapag youtube na nga lang din. Kasi balak ko magbed rest ilang weeks before ako ma-CS nakakatakot magpreterm labor. kaya sa bahay nalang manood hehe.

Adrienne28 - sis buti normal lahat sa CAS mo sis!:) Got a stroller na. Car seat nalang talaga. Ang mamahal ng car seat. T_T hehe. ang target ko kasi yung newborn to toddler na para sulit. Yung mom ko nga, sabi sakanya nalang ibigay yung pambili at siya nalang magsisilbing car seat. lol! haha. Buti ka pa sis, 10lbs lang gain mo, ako 30lbs na ata. grabe lang. hehe. True nakakawala ng pagkapraning ang CAS, parang ngayon waiting na lang talaga na ideliver and healthy and normal baby! ♥

sis crzysxycl, ganun din ako sis, sa gilid din napupunta yung kicks. Pero since si ob naman nagsabi na harap sa left pagnakahiga, ok lang siguro yun :D


 dumadalas yung braxton hicks ko nanaman kahit naka duvadilan. :( Ayoko ng feeling niya, kasi parang mas ramdam ko siya ngayon, kesa before. Kasi before nalalaman ko lang na nagbbraxton hicks ako kapag hinawakan ko yung tummy ko tas matigas. Ngayon, nafifeel ko na siya, tapos saka ko siya hahawakan to confirm na naninigas nga siya. Ayun, worried ako kasi baka actual contaction siya. Ano nafifeel niyo sis pag naeexperience niyo yung braxton hicks?

crzysxycl

  • Guest
^hay salamat sis, takot ako baka kako ayaw ni baby yun hehe. Re braxton hicks, saan banda yung matigas sis? Minsan tumitigas din tummy ko, bandang puson. Meron times naman tumitigas gilid ng pusod, pero parang tumutukod lang si baby, nakakagulat nga minsan. Mapapa "Ay, Diyos ko po!" ako, pati si hubby nagugulat sa akin. ;D

loidyloids

  • Guest
@crzysxycl: Pareho tayo ng crib na nabili. Ganun kasi talaga yung gusto ko para magagamit pa din ni baby kapag older na siya.  ;D ;)

crzysxycl

  • Guest
^Apir sis! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close