watch now

Author Topic: Duterte for 2016 (Thread 3)  (Read 61683 times)

twinxz

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #480 on: May 11, 2016, 12:53:27 pm »
in favor ako of the:

1. liquor ban - kung gusto uminom, mag imbak sila sa bahay nila. bukas pa din naman mga establishments, bawal nga lang magtinda ng alcoholic drinks
2. curfew - dahil na rin siguro sa pinasang juvenile law eh ang daming batang siraulo sa daan na nagwawala usually tuwing gabi. wala naman kaso ito sa mga nasa legal age na.
3. no smoking - this is heaven for me. mababa tolerance ko sa mga nagyoyosi. imbyernang imbyerna ko sa mga taong naglalakad tapos nagyoyosi. Of course naglalakad ka, mas madaming oxygen ang dapat mong i-inhale pero WTF yung buga ng yosi nya ang malalanghap mo. sarap isaksak sa baga nila yung yosi. KAINIS!

Problema lang is ang daming misinfo sa net kaya yung mga tao alma ng alma! *facepalm*

cosmochick

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #481 on: May 11, 2016, 01:14:10 pm »
ako lang ba napapaiyak sa platforms ni Du30?

yelle

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #482 on: May 11, 2016, 01:25:31 pm »
In London wala pang 12 am nagcoclose na mga pubs nila. In California 2-6am bawal na. Iniexpect ko na may mga aangal talaga, mga pinoy pa eh may katigasan ang ulo.hehe.. Biruan nga namin dati nung hinihikayat pa lang nilang patakbuhin si Digong, inisip namin kung handa na ba mga tao sa change of lifestyle. Pero kinaya ng mga taga Davao, kinaya din ng mga ibang mauunlad na bansa, tayo pa kaya. Ang mga pinoy may kakayahang sumunod sa batas kita nyo nga yung iba pag nasa ibang bansa sumusunod sa batas.

Pwede kayang ipagbawal na rin yung pag dura sa lansangan.. hehe kadiri eh.

^dama ko din sis. :)
« Last Edit: May 11, 2016, 01:31:16 pm by yelle »

chicafabulosa

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #483 on: May 11, 2016, 01:46:02 pm »
Hindi naman pwede na di tayo sumunod. If we want change, we need to at least try to follow the rules that will be implemented. Natawa ako sa friend ko when i replied to her selfish rebuttals i made sure all caps yung AS A MOM, dun siguro sya natauhan na im doing this for my kid not for myself. Siguro kung single ako pero hindi rin eh. Mahirap ang nakakatakot maglakad sa labas lalo na alam mo may nagiinuman sa kalye. Maraming crimes ang nangyayari because nakainom. Natawa at the same time nainis ako when she said na 24 by 7 na workhours ngayon and di na applicable na icorrelate yung mataas na rate ng crime and road accidents sa alcohol. So ang crime and road mishaps daw can happen anytime... Napataas ako ng kilay siguro di pa sya or wala pa syang kakilala na naaksidente dahil sa lasing. Ako ilang beses na brother in law ko. Sister ko before nung wild days pa sya nung kabataan nya naaksidente na rin dahil sa kalasingan. So i know what I am talking. And it happened also madaling araw after ng drinking sessions nila. So di ko alam anong pinagsasabi nya na since 24x7 na kasi ang workhours so di na dapat iimplement ang liquor ban kasi nagbabago na rin daw ang global working hour. Di ba ang selfish ang wala akong makitang magandang reason why she is opposing the liquor ban except kasi madaling araw daw ang tapos ng shift nila and 4 am ang destressing nila. I asked nga bakit di na lang sila mag coffee, food bonding, kumain. Pag destressing ba dapat agad alak or inuman ang solution. I even suggested i store na nila sa bahay na pinakamalapit na house nb teammate nila para after dun sila uminom by all means. Abutin pa sila ng sikat ng araw. Di daw yun dapat iimpose sa mga call center agents. Ano sila special citizens na may exemption sila dahil dun sila sa industry na yun nagwowork.

hyder0926

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #484 on: May 11, 2016, 01:58:59 pm »
i'm happy with Tatay Digong's platform.. is he for the K-12 education?

i love the Liquor Ban, Smoking Ban and Curfew for Minors.. puede din ba isama un pagkain ng bubble gum at pagdura? parehong kadiri un eh..

excited ako sa 911 na system like sa davao.. na un lang dial for Police / Healthcare needs.. sabi nga asawa ko un mga jeepney/ bus/ taxi drivers gusto si Tatay Digong but when he strictly implements the law eh baka bumaligtad sila.. hehe

chicafabulosa

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3
« Reply #485 on: May 11, 2016, 02:05:48 pm »
It's for our own good naman. They need to see the bigger picture.

Anyways the liquor ban, kung tutuusin pa nga maluwag pa yun kasi 1 am sa SG 10:30 - 7 am

http://www.straitstimes.com/singapore/what-you-can-or-cannot-do-under-the-new-alcohol-law


chocoholic88

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #486 on: May 11, 2016, 02:16:26 pm »
Parang may na mention din si Duterte dati na to resolve the traffic eh i-phase out na yung old vehicles (sa debate ata nya ito nabanggit?). Eto nakikita ko rin na maraming mag protesta

Pinagdarasal ko din si Digong kasi mabibigat na problema yung sasaluhin nya mula sa Pnoy admin katulad na lang nung sa Abu Sayyaff na hostage, MRT and traffic issues

keejac21

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #487 on: May 11, 2016, 03:20:26 pm »
^I agree sis. Andami niyang issues na kakaharapin / mamanahin. Sana maging successful din yung mga working committees niya na siyang gagalaw para sa kanya.

I pray din na yung mga kapwa natin e maging open minded sa mga future plan ng government.

Nung nakita ko yung pic ni mayor na umiiyak sa puntod eh parang dun nag sink in sa akin yung malaking responsibility na kakaharapin niya.

j.adore

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #488 on: May 11, 2016, 04:16:31 pm »
Eto na nga, people want change but they don't want to change ???

Di naman bago yung mga restrictions but the difference is, we have a stricter leader this time ::)

Anyway, what I like about these is teaching discipline dahil kailangan talaga ito.

Evolet027

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #489 on: May 11, 2016, 05:35:12 pm »
kelangan rin kasi tutulong tayo when implementing the rules... call those rule breaks out... report sa police... be proactive. Problema kasi satin minsan harap harapan na, deadma lang tayo

Agree to this. Minsan din kasi lalo na at alam natin na tambay ang gumagawa or hamog boy eh nakakatakot din sawayin.

Evolet027

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #490 on: May 11, 2016, 05:39:48 pm »
Bakit malulungkot sa platforms ni Digong? Isipin na lang natin, from 3rd world country, may pag asa na tayong maging 1st world country kahit na sa hinagap eh mahirap isipin. Ang aalma lang naman jan eh mga adik sa inom, sigarilyo, drugs., partee boys at girls. Kayanin magbago para sa ikaka unlad ng bansa natin. Kooperasyon ng mamamayan ang kailangan hindi lang ang pag kilos ng gobyerno.


Gaysha

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #491 on: May 11, 2016, 05:41:07 pm »
I'm so excited for the Duterte presidency! Takot na ang mga law breakers! Napagtibay ko lang habang nag abang, Tinakot ko yung taxi driver na may barker at nagtatanong kung san destination. Sabi ko naku manong,  Duterte na panalo,  bawal yan. Natakot ang barker kita mo sa expression nya and lumayo na. Tama me din ang driver. Kaya tama talaga yung gutter level attitude ni Duterte when he speaks to the bad elements of society. It sends a message that they understand!

chocoholic88

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #492 on: May 11, 2016, 05:55:33 pm »
^ay maganda yan sis. gagayahin ko nga din ito pag may nakita akong lawbreaker lalo na yang mga taxi drivers na namimili ng sakay  ;D

chicafabulosa

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #493 on: May 11, 2016, 06:07:33 pm »
Early morning nasa Eastwood ako. While waiting for my cousin after his shift, may mga naririnig na ako dun na mga call center agents and guards na "uy dun kayo sa smoking area. Magagalit si tatay digong"... Ayun sila sila mismo nagsisitahan and nakakatuwa kasi sila mismo nakakumpol sila dun sa smoking area talaga. Ayan di pa yan umuupo sumusunod na yung karamihan. How much more if iimplement na nya yung rules.

Sa lahat naman, sa simula ng mahirap. Eventually we will be able to adjust naman. If we want to be world class, we need to learn the word discipline and how to apply it in our everyday lives. Hirap kasi sa iba, di pa nga naiimplement complain na agad. Takot sila lumabas sa comfort zone nila.

Ako as a parent, pabor ako dito. At least alam ko, takot ang mga bata na baka mabagansya sila. Alam natin na by 10 nasa loob na ng bahay mga anak natin. Either natutulog or nag aaral. Mas kampante ako at im sure maraming parents ang papabor dito lalo na kung yung mga anak nila eh gala o lasenggo hahaha... Maleless ang barkada nila at mas maraming time to study and focus on important matters than san gigimmick, san iinom, san tatambay etc,

shygirlme

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #494 on: May 11, 2016, 08:26:16 pm »
Yung mga umaalma, sila yung mga gumagawa ng ganon. Takot sila.

drag0nfly

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #495 on: May 11, 2016, 10:00:13 pm »
Nakakatuwa naman mabasa mga kwentong ganyan!  Dizizit na talga.  Gagamitin ko nga din yan "magagalit si Tatay Digong" pag may na-encounter akong tiwali hehe. 

Speaking of mga party peeps, yung isang dating ofcmate ko na friends yung ilang may-ari ng bars sa Fort nag-post sa wall nya about the coming changes.  Sumagot si GP Reyes dun na willing naman daw sila to sit down with the gov't to reach a compromise.  Susunod naman daw sila sa batas.  Good to know.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #496 on: May 11, 2016, 10:31:04 pm »
Binalaan ni Duterte ang NAIA at mga istasyon ng Pulis

https://m.youtube.com/watch?v=V8gUigmPnEs


Nakakahiya tong teacher na to.. Check nyo guys yung post nya. Ang sarap nya lang hay naku..

https://www.facebook.com/groups/FreedomSocietyPH/permalink/1722756344670814/
« Last Edit: May 11, 2016, 11:15:43 pm by chicafabulosa »

chinablue

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #497 on: May 11, 2016, 11:32:43 pm »
naku dapat lang ng matakot naman ang mga tiwali sa NAIA. kaming mga OFWs sa halip na pure joy mararamdaman namin pag tatapak ng naia eh may kahalong takot dahil sa tanim bala issue. share ko lang mga sis, umuwi kasi ako nung katapusan. ang mga maleta, nakabalot talaga ng cling film. at may OFW pa nga dun na nagremark na "hindi naman na siguro ixray bagahe ko. mamaya may biglang lumitaw na bala diyan." gusto ko man maawa dun sa naia employee kasi mukha naman siyang mabait, hindi ko din naman masisi yung kapwa ko OFW.

AGREE din ako diyan sa mga batas na balak ipatupad ni tatay digong. jusme, nakakabadtrip kaya yung mga nagsmoke in public places. konting consideration naman! buti kung kaya nilang langhapin lahat ng usok para di sila makaperwisyo sa kapwa nila. second hand smoke is more dangerous to our health.

grabe sila makasabi na diktador si tatay digong. siguro, for people na walang disiplina, pwede pa. for me, selfish yung mga taong nagsasabi nito kasi mga sarili lang nila iniisip nila instead of the majority.

and regarding sa post ng teacher, wow ha! proud pa siya na teacher siya. her logic is so twisted. walang pag-asang matuto? teacher pa naman siya. hindi ba dapat bilang teacher, isa siya sa mag-encourage sa mga students niya at magbigay ng hope? disappointing. she's a shame sa mga dakilang teachers natin.
« Last Edit: May 11, 2016, 11:40:54 pm by chinablue »

LABYU

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #498 on: May 12, 2016, 03:36:32 am »
@Jewel, yes dapat lang sunod tayo haha ngayon pa lang umaaray na yung mga partygoer, magiging cinderella na daw sila kase may curfew (joke lang). Ayaw lang naman talaga nila ke Duterte kaya ang daming sinasabi tapos yung iba nangangarap maging kasing disiplina ng Japan at Singapore pero pag i-implement na ayaw na ng iba, ayan kasi sinanay ng gobyerno natin ang mga pinoy at naging spoiled brat mana sa nakaraang presidente. Sa lahat ng iimplement lalo na yang curfew para sa tulad kong magala, walang problema yan sa akin. Sobrang gusto ko yan, sorry natawa ako sa reklamo ng iba sa curfew na yan palibahsa hindi pa ata sila nadidisiplina sa tanang buhay nila. Ang babaw naman, laliman naman nung iba reklamo nila gaya ng MRT at traffic, sumasakay ako diyan paminsan minsan lang pero yung minsan nakakainis na paano pa yung iba na araw araw yan ang dilemma? Saka ako magreklamo pag na-implement na lahat yan at pag may nakita akong parang PNoy style nanaman, ako ang number 1 critic ni Tatay Digong

piatos

  • Guest
Re: Duterte for 2016 (Thread 3)
« Reply #499 on: May 12, 2016, 06:17:35 am »
congrats sating mga dutertards :)

pinipili na nya magiging cabinet sec nya isa na si GIBO as defense secretary :) pumayag na si GIBO

Is this true? I voted for gibo during the last election.

^yes, natatawa ako sa mga post na ayaw nila sa curfew hahaha.  Binoto nila si du30 dapat tanggapin at sundin nila ang ipapatupad na batas ni Digong.  Nakakatawa lang yung iba gusto nila ng change pero pag andyan na ang daming sinasabi hahaha.  Actually, i didn't vote him, I chose Miriam. 
« Last Edit: May 12, 2016, 06:29:31 am by piatos »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close