watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3  (Read 28538 times)

hushbaby

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #100 on: May 15, 2016, 09:28:39 pm »
^same here sis. IE din ako kanina at 36 weeks and masakit nga :( mataas pa daw and mag start na daw ako maglakad- lakad pero mas madalas na braxton hicks pati hiccups. For BPS, urinalysis and cbc ako next week. Sana naman maging ok ang results. Paranoid pa din ako.

lapit na kayo sis simang and pinkaholic. sobrang nakakainip nga. Bigat na bigat na din ako sa sarili ko haha

congrats sis cococola pinapag ECG din ako ni OB kasi may times na mabilis heart rate ko yung parang kinakabahan. di ko alam bakit ganon napi feel ko. I hope it's nothing serious or baka nago overthinking at stressed lang ako.

congrats sis krissy ayoko din may bisita feeling ko mastress lang ako hehe Still thinking if kakayanin ko walang epidural .. sana.. tiwala lang. haha

sis bellev2g ganda ng maternity photo mo and I love the sheer dress. cute din ng baby bump mo, sa akin sobrang bilog na bilog :) si hubby lang kumuha ng photos kasi feeling ko mahihiya lang ako pag iba kumuha haha sharing some of my photos here http://www.r0ckstarm0mma.com/2016/05/bumpdate-35-36-weeks-maternity-photos.html

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #101 on: May 15, 2016, 09:46:20 pm »
^sis hushbaby ang cute ng bump mo!!! Bilog na bilog 😻 Gustong gusto ko yung shot sa tub. Gandaaa!!

We might not push through with our maternity shoot anymore, kasi mukhang manganganak na ko this week. Haha! If hindi pa lumabas si baby hanggang weekend, dun na lang kami magdedecide kung push pa.

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #102 on: May 15, 2016, 10:20:18 pm »
Love your pics sis hushbaby! :)

Goodluck mommies na malapit na mag give birth. Aja! :) I love reading your stories. Will pray for all of you. (ftm from 3Q)

Sis BK, i too have CTS and then DQT, bilateral. Did you have therapy ba sis? Kelan mo nafeel symptoms? I can relate, masakit talaga sya. Mawawala raw ba agad after manganak? Sorry dami ko tanong. :) Wala kasi ako kaparehong may ganitong condition sa kabilang thread. CTS ko nag start at 4 mos, had therapy 5 sessions tapos DQT naman pumalit around 5 mos ko pero hindi nawala pain, nag lessen lang. Ortho suggested injectable steroids pero ayaw ko, tiisin ko nalang kasi mahirap na magkaron side effects.

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #103 on: May 15, 2016, 10:24:37 pm »
^I experienced pain in my finger joints towards the latter part of my pregnancy. Yung masakit ibuka in the morning.

Morning after my CS nawala na yung pain. 😂

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #104 on: May 15, 2016, 11:56:18 pm »
^ganyan din ako sa morning sis since 4th month ko, aga ng onset sabi ni OB. hay salamat, nawawala pala agad after giving birth, sana ganon din ako. thank you! :)

bk

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #105 on: May 16, 2016, 01:22:24 am »
^sis crzysxycl hindi ako pinatherapy ng ob ko. Sabi nya tiisin ko lang. Waaah! Sabi nya sya rin daw ganun nung buntis, 2wks after nya nangank saka pa lang naalis pain. Yun pinsan ko naman carpal tunnel yung kanya at 1mo after manganak saka pa lang naalis. Ang concern ko paano ko bubuhatin baby ko kung super sakit ng kamay ko e 37wks preggy na ko so malapit na manganak. Huhu! Even at work hirap na ko magmouse e nakaharap pa naman ako sa comp the whole shift ko. Buti na lang din start na ko ng ML ko.

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #106 on: May 16, 2016, 01:36:39 pm »
^hello sis! thanks sa reply. nabasa ko nga rin, yung iba raw a month after manganak pa nawawala. yan din worry ko, paano ko kakargahin si baby, tapos ma-CS pa ako. lapit ka na pala sis manganak. nag consult ako sis sa ortho, kasi una sinabi ko sa OB ko na feeling ko CTS, tapos binigyan lang ako vit b complex. bago ako mapreggy may konting symptoms na pero hindi kasing sakit nung buntis na ako. pero mas nasasaktan ako sa DQT. sis, baka pwede mo try mag splint, dapat kasi hindi nagagalaw yung thumb kasi masakit diba. hirap maghanap ng splint for DQT, wala kami nakita sa malls, sa bambang pa kami nakabili. saka ask mo rin OB mo sis kung ok lang mag b complex ka, baka sakali makatulong.

krissy_629

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #107 on: May 16, 2016, 02:20:45 pm »
Sis belle and hushbaby ang ganda ng photoshoot nyo. :)

Girls with episiotomy ano ginagawa nyo pag nababahing kayo or nauubo? Ang sakit kase!! Yung ubo nitry ko pigilan pero yung sneeze di ko napigilan, grabe parang bumuka stitch ko sa sakit!! 😭

bk

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #108 on: May 16, 2016, 02:48:30 pm »
^^naghanap nga din ako splint or wrist band sa mercury pero di ko feel yung nandun kasi yung thumb nga nagagalaw pa rin. Ang ginagamit ko na lang pag sobrang sakit is yung regular bandage lang para ako na mismo mag adjust kung gaano kasikip at which parts ng kamay yun gusto ko hindi masyado magalaw. Binigyan din ako vit b complex ng ob ko pero pinastop nya na kasi yata pag malapit na manganak stop na yung mga vitamins. Ang iniinom ko na lang ngayon is multivit with iron plus pampagatas gusto ko kasi mag breastfeed.

Nagstart pala sumakit kamay ko going 7mos. Nung una akala ko nangalay lang. Tapos ayun lumala na ng lumala to the point na pati pagsuklay ng buhok ko super sakit na agad. Huhu! Feeling ko mas masakit nga DQT kasi parang may sumasabit sa side ng thumb pag ginagalaw tapos parang mastuck na sya sa ganung position at tumutunog pa. Swerte ng ibang buntis na hindi nakaexperience ng ganun.
« Last Edit: May 16, 2016, 02:54:26 pm by bk »

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #109 on: May 16, 2016, 07:31:27 pm »
^Ang mahal pa kamo ng splint. Iba yung splint ko for CTS, iba rin sa DQT. Ngayon ko lang din nalaman na may ganon palang condition, sana yung pwede sa CTS at DQT nalang binili kong splint. Buti ka pa 7 mos mo na naramdaman, mostly sa computer din pala work mo sis. Common nga ito talaga sa gaya nating laging nagcocomputer. CTS ko nag start ng feb, DQT naman april, hanggang ngayon meron pa rin. Ah ganun pala yun, pinapastop pala vitamins pag malapit na manganak. Baka pastop na rin ni OB yung b complex ko.

bluish_mommy

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #110 on: May 16, 2016, 08:17:23 pm »
^sis with me, approaching 37wks palang, pinatuloy pa ng 1week ang mga vitamins: Tri-Hemic and Obimin, ang pina-stop lang yung Caltrate, pero kapag frequent pa din daw ang cramps, inuman ko daw ulit ng Caltrate. I'm going to see my doctor on Saturday for another round of IE session.

theEmpress

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #111 on: May 16, 2016, 08:45:23 pm »
theEmpress, Normal around 80k (semi private rm.) sino ob mo and how much package binigay sayo? :)

Sis, bakit ang mura sayo? P150k sakin for NSD, P200k for CS 😢

jeuliann

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #112 on: May 16, 2016, 09:01:57 pm »
Hi sis theEmpress, sino ba OB mo? baka mataas talaga PF niya or depende din sis sa room type. Sakin kasi pinili ko lang semi-private. Pag small private mas mahal na rin package.

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #113 on: May 16, 2016, 09:14:14 pm »
^^I see, thanks sis. Matagal tagal pa rin pala ako iinom ng vitamins hehe, 29 weeks palang kasi ako.
« Last Edit: May 17, 2016, 10:09:14 am by crzysxycl »

Wantstobeamom

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #114 on: May 17, 2016, 01:55:58 am »
@coco_cola Sis my symptoms after csection, shortness of breath, can't lay flat, swelling sa face and legs.  Mas grabe pa ang swelling kesa nong buntis ako.  When I had wheezing we went back to the hospital my vitals were not good na, low oxygen, high heart rate and high BP. Andami test ginawa sa EKG and Xray nalaman that it was heart failure (heart pumping was not normal) at first I was diagnosed with Pospartum Cardiomyopathy but thankfully after three days of lasix meds nagdrain naman lahat ang excess fluids and my EKG and ECG nagnormal. So they reversed the diagnosis kasi I don't need further medication na. Nag follow up check up na rin ako last week and everything was ok.

About CTS I had to wear splint for 6 months.  Ngayon, 5 weeks postpartum its not bad na, di na masakit medyo manhid lang siya konti but its not bothersome na.  Ang hirap ng may CTS sa hospital I can't even make a fist pagkinukuhanan ng dugo.

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #115 on: May 17, 2016, 08:27:34 am »
makikipost lang po, 3rd quarter mom here!

going 31 weeks na kami ni baby. napapansin ko lang na madalas na yung braxton hicks ko. before, di ko gaano ramdam kapag nangyayari siya. ngayon parang may nafifeel na ko sa may bandang puson ko. ganun ba talaga? or actual contaction na to? natatakot lang ako. di ko madifferentiate ang actual contraction sa BH. Di naman regular yung interval and hindi nagiintensify yung pain, so inaassume ko na BH lang talaga siya. mga mommies na nanganak na or soon to give birth, naexperience niyo din ba yan? Anong nafifeel niyo pag BH? TIA!

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #116 on: May 17, 2016, 10:17:03 am »
^^Aww, grabe experience mo sis. Nice to know you're feeling better now. Thanks sa feedback re CTS, ang tagal mo pala nag splint.

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #117 on: May 17, 2016, 10:21:12 am »
^hello sis. Ako i started experiencing BH nung mga 5-6 months. As in sobrang tigas ng tummy ko lalo na yung sa may puson. Sabi ni OB, as early as 20 wks pwede makafeel ng BH. You're right, ang kelangan mo bantayan is yung intervals nya. Pag dikit dikit or sunod sunod masyado then it can be pre term labor na. And usually pag BH, nawawala sya when you take slow deep breaths or change positions. I'm 37 wks now and constant na ang BH ko, usually happens when I'm walking. Since term na ko, I monitor the intervals of the contractions. Sabi ni OB pag 2 hrs na regular intervals, say, 15-20 minutes apart, expect ko daw na it'll be full blown labor na. Pero kung irregular pa sya within the day, BH/false labor lang yun.

If you're concerned, tell your OB na lang.. Kasi yung isang kasabayan ko magcheckup kay OB, wala syang pain/paninigas pero nung nag NST sila, 3-4 minutes apart na pala ang contractions nya. Iba iba kasi minsan some mommies are not aware na nagkocontract na pala.

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #118 on: May 17, 2016, 11:20:46 am »
^gave birth last May 12, 2016 to my healthy rainbow baby girl. Her name is Hiraya Gabriela.:)

NSD through induced labor. Nagkaroon ng complications, i experienced internal hemmorrhage due to precipitate labor. From 10am to 4pm, 4 cm dilated ang cervix. I was almost ready to undergo Caesarean section by 5pm. Pero at 430 pm, bigla na lang humilab ng sobrang sakit at nagpilit lumabas ang baby ko. Tumalon from 4cm to 9 cm bigla. Per the nurse's kwento, my baby even had cord coil pero nakalabas pa rin through NSD.

After delivery, my OB discovered the hematoma and I lost a lot of blood. So inoperahan ako ulit, binuksan ulit tahi ng episiotomy and OB had to evacuate the hematoma... After nun transfusion ng 2 bags of blood . bumaba BP ko up to 80/60. I was deathly pale na daw by then.

Anyway, happy pa rin at pawi ang lahat ng hirap dahil super healthy naman siya. And so far, nakAkapag breastfeed ako.:) happy si baby ko.nakaka amaze ang breastfeeding kasi diko akalain pwede talaga ako gumawa ng food for my baby. Galing kami sa pedia now and very good naman. Super healthy daw sabi ng pedia nya.:) pag naubos na yung isa pang pack ng disposable diapers,start naman kami sa cloth diaper using.:)

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #119 on: May 17, 2016, 01:36:51 pm »
^thanks sis simang. out of the country kasi OB ko this week :( Kaya talagang ingat na ingat ako. at ayoko talaga ng feeling ng BH. irregular naman yung interval. pero pagnakahiga ako , mas doon ko nafifeel. 37weeks ka na pala sis. Goodluck sis! :D

Congratulations sis fionaapple! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close