May 05, 2016
Thursday
39 weeks and 3 days
BOY
7:25AM
Makati Medical Center
Here's my labor story:
May 04 around noon niyaya ko husband ko manood ng just the three of us, last full show 10:30pm.
Sabi ko mag jeep ako papuntang MOA then gala na rin para matagtag. Kaso around 4pm nagbago isip ko sabi ko antay ko na lang siya from work para may kotse.
Dinner muna sa bahay then go to MOA na. May mga binili muna kame sa dept store. I remember medyo sumasakit yung upper back ko while walking. Tapos movie na. 12:30 na natapos yung movie, close na elevator so nag hagdan kame from 2nd flr going to 4th flr parking. Hubby suggested na antay ko na lang siya sa baba pero sabi ko hagdan na lang ako para kako pagdating sa 4th floor eh mag labor nako, hehe!! So ayun ok naman nakarating kame sa kotse na wala naman masakit or any signs of labor. Pagsakay ko sa kotse medyo parang sinusuntok na yung bottom area ko, napapaangat ako sa kirot.
Pagdating sa bahay sabi ko parang napupoops ako. Nitry ko wala naman so nag shower nako. While brushing my teeth i can feel yung cramps na nag start sa lower back going to the middle of my tummy tapos parang maninigas. Pag balik ko sa kwarto sabi ko kay hubby, magshower ka na, do your business na etc kase parang malapit nako manganak. So while waiting for hubby, basa basa muna ako ng labor stories and signs. I can still feel the cramps while reading. Pagdating ni hubby, nagpa massage ako ng likod tapos sabi ko itulog ko muna. But first wiwie muna ako, tapos ayun pagtayo ko nag gush na yung water bag ko around (2:30AM) so ayun na nag ayos nako and nag make up, hehe!!
Si hubby medyo panic ng slight sabi ko chill ka lang, wala pang masakit. And 10 to 15 mins away lang kame sa MMC.
Pagdating sa MMC (3AM) park then deretso na kame sa DR. Usual routine, may naka ready nakong note mga 5 copies para sa mga usual questions. Requested for birthing room #3. Buti vacant naman at that time.
Nilagay muna ako sa triage, hook up sa fetal monitor. Wala parin masakit just the shooting pain sa bottom pero tolerable. Sinilip ako ng nurse sabi wait lang daw yung resident OB na titingin sakin. Based dun sa reading wala akong regular and strong contractions sabi ng nurse. I can still feel the water gushing. Napupuno na yung pads ko. May sumilip na doctor, kala ko titingnan nako pero nung mukang aalis na sabi ko magtatanong lang po kung sino titingin sakin, sabi nya ako. So sabi ko kc madami na yung water na nalabas sakin baka mag dry nako. So sabi niya sige IE kita. So ayun 4cm na, then clear naman yung water na nalabas sakin. Pag check niya sa monitor no contractions parin ayun pala di naka posisyon ng maayos yung belt for monitoring. So inayos na ulit then iniwan nako para itawag sa OB na may contractions na and 3 mins interval.
So antay antay chill lang kase wala pang masakit. Nung finally for admission na, around 4:40AM nilipat nako sa birthing room #3 which is bigger and nicer than BR# 1&2.
Sa CR pagpalit ko ng gown, napifeel ko na parang mapupoops ako. So higa nako sa kama then nag sabi ako sa nurse na parang napupoops ako.
Hubby was with me na rin so picture picture muna while tinatawag na yung staff and team ni OB. On the way na si OB and Anes. Maya maya sabi ko sa resident OB doc medyo masakit na yung contractions. Nifollow up sila OB and Anes. Humingi ako ng ice chips kase dry na yung lalamunan ko.
Pag IE sakin nung resident OB 8cm na and masakit na talaga. So sabi ko paki follow up yung Anes. May nilagay den pala sakin na pain reliever na walang kwenta kase di yata tumalab. Pagdating ni Anes ang nilagay lang sakin yung mild anesthesia (ad block)kase malapit na daw so baka no need na for epidural, kala namin talaga epidural na yung tinusok sa likod ko. Nalaman ko lang na mild yun nung nag complained ako masakit parin yung contractions. Keep on asking for epidural pero ayaw ako bigyan so they coached me lang na inhale sa ilong then exhale sa bibig. Si hubby ren todo coach sakin while holding my hand. Para nga akong baliw na kase nagmamakaawa nako na bigyan ako ng epidural. Nung finally pumayag yung anes for epidural and anjan na ren si OB ko. Parang 9cm na yata ako nun. Hindi yata full dose yung tinurok sakin kase feel na feel ko parin yung urge na mag push due to contractions.
While naka curl pala ako para sa paglagay ng epidural sa back ko sabi ko sa anes, doc pakibilisan yung paglagay kase may contractions na naman na paparating and ayaw ko na siya mafeel!!! Btw mas masakit ang contractions than paglagay ng anesthesia sa back.
Nung pumwesto na si OB ko sabi nya isang matinding push. So push ako for 20 secs/count grabe parang super haba nun and kapagod, pero mafifeel mo talaga na need mo magpush. So while pushing either hawak ko hand ng hubby ko or nung anes or nung nurse, hehe!! Pero di ko naman nigrip. Meron yung parang napapalo ko yung kama while pushing. Grip sa bed rail. Naka 5 or 6 long push yata ako mga around 20 secs/count. Meron den kase putol putol yung pag push ko. While nag subside yung contractions para akong baliw na naungol na ayaw ko na. May lumapit na nurse na medyo malaki katawan, puwesto para ipush yung tummy ko sabi ko kay Doc wag na lang po kase masakit pa yun sa contraction and i remember kase sa 1st baby ko nagkapasa ako sa tummy. Sabi ni Doc sure ka? Sabi ko opo so ayun, nag move away na si nurse. Btw naka face upward si baby so kaya masakit kahit may anesthesia na. Pinaikot pa sakin ni OB si baby kaya kailangan super long push kase kung hindi CS nako. Buti na lang fighter si baby kase no fetal distress naman. Nung finally umikot na si baby, sabi ni OB isang matinding push, hinanap ko muna si hubby kase sabi ko i want to hold his hand kase felt like dying na. so ayun nung nafeel ko na ayan na yung contraction sabi ko ready to push nako so i pushed all my strength and ayun baby out at 7:25AM.
Ni placed na sa tummy ko for unang yakap then crawl na sa chest ko for latching.
Paglabas ni baby parang magic na nawala lahat ng sakit. Yung placenta di ko na need ipush kase parang nagslide na lang yata.
Hubby kissed me and said he loved me. Then looked at our son and kissed him tapos picture picture while tinatahi ako ni OB.
OB said pala na di ako napupoo pero nagulat pako na hindi kase nafeel ko yung urge na parang napupoops ako. Pero alam ko i farted nung nag curl ako for epidural, hehe!! Regular naman den kase yung bowel movement ko and nung nag 37 weeks ako talagang konti na lang kain ko para just in case anytime pwede nako manganak eh di naman puno yung tummy ko.
Super worth it as in!! Sana di kayo matakot sa kwento ko, yes masakit pero sandali lang naman yun after mo mailabas si baby, ginhawa na ng pakiramdam.
Good luck mommies and have a safe deliveries!